Share

005: Pregnant

Maagang nagising si Lorelei at ganoon nalang ang pagtigil niya nang maramdaman ang mabigat na bagay na nakayakap sa baywang niya. Doon lang pumasok sa isip niya ang nangyari kagabi at kung ano ang ginawa niya. Napapasagitsit siya ngunit wala ni isang pagsisisi ang pumasok sa isip niya dahil ginusto niya iyon.

Hinding-hindi niya hahayaang makuha lang ni Mr. Smith ang gusto nito.

Ang gawin siyang bride at ang makuha ang gusto nito sa katawan niya.

Dahan-dahan niyang tinanggal ang braso nitong nakapulupot sa baywang niya at saka maingat na bumaba ng kama. Isa-isa na niyang isinusuot ang mga damit niya at doon na nga siya maingat na lumabas ng hotel room. Hindi na siya nag-aksaya pa ng oras at tuluyan nang lumisan sa lugar kung saan nawala ang pinakaiingatan niya.

"Aray, Mama Matilda! Masakit!" pagdaing ni Lorelei nang pag-uwi niya ay kaagad na hinila ng ina niya ang buhok niya.

"Masakit? E, kung sampalin kitang malandi ka!" paninigaw ng ina niya at saka siya ibinalibag sa sofa nila sa may salas.

"Ma, tama na! Nasasaktan ako!" umiiyak na wika ni Lorelei. Hindi naman siya pinakinggan ng ina niya at binigyan pa siya ng mag-asawang sampal na siyang tila nagpagunaw sa mundo niya. Ilang ulit siyang minamaltrato ng ina niya at ng kapatid niya pero sa pananalita lang. Hindi niya alam na magagawa ng ina niya na saktan siya nang ganoon, lalo na ang sampalin siya.

Parang ulan na nagsiagusan ang luha niya. Hindi siya makapaniwala sa ginawa ng ina niya sa kanya. Hindi niya alam na sa pagkawala ng ama niya ay matatamasa niya pala ang ganoong klaseng pananakit mula mismo sa pamilya niya.

"Nagpunta si Mr. Smith dito kagabi para kunin ka na. Kung 'di ka rin ba naman tanga ay hindi ka aalis sa bahay natin para magbar at manlalaki! Ano? Kating-kati ka na? Kung kating-kati ka na pala, edi sana ay kay Mr. Smith ka nalang nakipaglandi kang malandi ka!" paninigaw ni Matilda sa kanya.

Kusang umagos ang luha sa mga mata ni Lorelei. Hindi siya makati. Hindi siya malandi. Kung hindi naman siya ibinenta ng ina niya ay hindi niya gagawin ang naisip niya kagabi. Kung hindi dahil sa ina niya, hindi sana magkakaganito ang buhay niya. Kung sana ay buhay pa ang ama niya ay siguradong hindi magkakaganito ang buhay niya. Sigurado siyang ipagtatanggol siya ng ama niya.

Ganoon nalang ang pag-igtad at ang pagdaing ni Lorelei nang walang pag-aalinlangang hinila ng ina niya ang buhok niya para paakyatin na siya. Para siyang hayop na walang-awang hinihila lang paakyat sa hagdan.

"Ito ang tandaan mo, Lorelei. Kapag hindi mo naisalba ang kompanya at kapag binawi ni Mr. Smith ang pera niya ay ako mismo ang gagawa ng hukay mong malandi ka." Huminga ito ng malalim bago siya tiningnan. "Babalik si Mr. Smith ngayong gabi para kunin ka. Subukan mong umalis, Lorelei. Malilintikan ka talaga sa 'kin," huling wika ni Matilda bago inilock ang pinto ng kuwarto niya.

"Ma! Buksan mo ang pinto! Mama Matilda!" naging wika na nga lang ni Lorelei habang umiiyak. Napasandal nalang siya sa pintuan at saka mahinang napapadausdos pababa, paupo sa sahig.

Sa eksena niyang iyon ay hindi niya maiwasang maisip ang ama niya. Sa ganoong sitwasyon kung saan ay minamaltrato siya ng ina niya ay ang ama lang niya ang nagsisilbing tagapagligtas niya. Ito ang nagpapagaan ng loob niya at kapag kasama niya ito ay alam niyang walang mangyayari sa kanya. Pero ngayong wala na ito ay tila naging masaklap na ang mundo sa kanya. Tila pinagkakaisahan na siya ng mga taong nakapaligid sa kanya.

Sa araw na iyon ay napag-isip-isip na siya. Hindi niya hahayaang gamitin lang siya ng pamilya niya. Hindi niya hahayaang ibenta lang siya ng ina niya at ganoon-ganoon nalang na nakawin ang kalayaan niya.

Nakokonsensiya man dahil iiwan niya sa problema ang ina niya at ang kapatid niya ay mas nangibabaw ang kagustuhan niyang maging malaya sa pang-aabuso ng kapatid niya at ng ina niya. Mabuti sana kung naroon pa ang ama niya na siyang tanging nagmamahal sa kanya. Pero ngayong wala na ito ay alam niyang mas malalang pang-aabuso pa ang gagawin ng ina niya sa kanya.

"I'm sorry, Mama Matilda at Ingrid kung aalis ako nang walang paalam. Pero pangako, gagawa ako ng paraan para maisalba ang kompanya at ma-i-ahon tayo sa kahirapan matapos mamatay ni papa. Gagawa ako ng paraan, Mama Matilda, 'wag lang yung ginawa mong pagbenta mo sa akin kay Mr. Smith," naging wika na nga ni Lorelei sa isip niya bago tuluyang lumisan sa naturang lugar nang wala ni isa sa mga kakilala niya ang sinabihan niya.

Nagpakalayo-layo si Lorelei dala-dala ang iilang gamit at pera na mayroon siya. Ang akala niya ay pinagkaisahan na siya ng mundo noong sinaktan siya ng ina niya, hindi niya aakalain na may magandang ibibigay pa pala ang mundo para sa kanya.

Nakakita si Lorelie ng maliit na apartment na mababa lang ang upa. Para sa kanya ay okay na iyon kaysa wala siyang matuluyan. Nakakita rin siya kaagad ng kompanyang pag-a-apply-yan niya at kaagad naman siyang natanggap. Dahil doon ay hindi na magkamayaw ang saya sa puso niya. May maganda pa palang kahihinatnan ang buhay niya na akala niya ay hanggang doon nalang.

Ngayon na ang unang araw ng pasok niya kaya hindi niya maiwasan ang mapaimpit sa saya. Ngiting-ngiti ang labi ay napapatingala siya sa mataas na gusaling papasukan niya. Malaki at bigating kompanya ang napasukan niya.

A multinational company.

Nang makapasok ay bibong bumati si Lorelei sa mga empleyadong nasa loob. Lima silang bagong empleyado sa naturang department na ngayon ay nakalinya habang nakikinig sa manager na siyang nagbibigay ng instruksiyon sa kanila.

Kaagad na naging alerto si Lorelei nang mapapalakpak ang manager na siyang humahawak na ngayon sa kanila.

"Sir Cabanilla is on our way. Gumalang kayo para pangdagdag points kay sir. Ayaw na ayaw niya yung hindi bumabati sa kanya," wika pa ng manager na siyang mabilis na ikinatango nila.

Doon nga ay naghanda ang limang bagong empleyado kasama na si Lorelei doon. Ilang sandali lang ay namataan na nga nila ang pagdating ng isang lalaki na alam nilang may dating at talagang makikilala mong mataas ang posisyon.

"Sir Canabilla," magalang na pagbati ng iilang tauhan bago napapayuko na siyang ikinahanda na nina Lorelei. Ganoon nalang ang panliliit ng mata ni Loreliei nang mapansin na tila ay pamilyar ang pigura ng lalaking papunta na sa gawi nila.

Handa na sana siyang bumati kasama ang mga kasamahan niya nang biglaang umikot ang paningin niya kasabay ang paglabo no'n at kalaunan ay nawalan na nga ng malay. Ang huling natatandaan niya ay ang sigawan sa loob ng kompanya at ang brasong nakapulupot sa baywang niya para alalayan siya. Pero ang mas napansin niya ay ang pamilyar na amoy na iyon na hindi na niya matandaan kung saan niya naamoy.

Nang magising ay sumalubong sa kanya ang puting kisame. Napalingon siya sa paligid at nakitang nasa hospital siya.

"Congratulations, Miss Gonzales. You're pregnant with baby twins."

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
JADE DELFINO
wait.. kinilig ako ...
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status