Share

006: The hot stranger

Tila namanhid si Lorelei nang marinig ang katagang iyon mula sa doktor.

"A-Ano? Nabibingi na yata ako, dok. Ano nga po yung sinasabi niyo?" nauutal at hindi na mawaring wika ni Lorelei sa doktor.

"Buntis ka, Miss Gonzales. You have a baby twins. Please don't be shocked on that. Blessing ang isang bata, Miss Gonzales. Ngayong dalawa naman yung dinadala mo ay double blessing na iyan," iyon na ang huling sinabi ng doktor bago umalis ng silid.

Doon na sunod-sunod na umagos ang luha sa mga mata niya. Biyaya nga ang anak sa buhay ng isang tao pero para sa kanya na siyang mag-isa na sa buhay at walang malalapitan na kamag-anak kapag kakailanganin niya ay kalbaryo iyon sa buhay niya.

"Papa'nong... Papa'nong buntis ako? Isang gabi lang iyon. Isang beses lang nangyari iyon kasama ang estrangherong lalaking 'yon. Paano ako nabuntis?" naging wika na nga lamang ni Lorelei sa sarili bago napapasabunot sa sariling buhok.

"Paano na ako ngayon? Kakasimula ko palang sa trabaho ko. Wala pa akong pera para sa gastusin sa pagbubuntis ko. Hindi ko rin naman kilala ang lalaking nakasiping ko. Hindi ko rin masyadong natatandaan ang mukha niya dahil madilim noong gabing iyon at tanging party lights lang sa bar ang tanging ilaw doon. At kahit na ano pang pagbaliktad ko sa sitwasyon, wala akong dapat na singilin sa lalaki o kahit manlang ang obligasyon nito sa bata dahil ako ang namimilit na may mangyari sa amin," tila namo-mroblemang wika ni Lorelei sa sarili na siyang ikinapikit nalang niya.

Napakunot siya sa noo niya nang mapansin na tila ay may nakatingin sa kanya. Ganoon nalang ang pagbagon ni Lorelei nang makita ang ina niyang si Matilda na ngayon ay masama nang nakatingin sa kanya, tila ay handa na siyang kaladkarin palabas ng hospital.

"M-Ma---"

Hindi na natapos pa sa sasabihin si Lorelei nang sumalubong sa kanya ang mag-asawang sampal ng ina niya.

"Ang kapal-kapal naman ng mukha mong maglayas, Lorelei! Matapos ka naming palamunin, ito ang igagante mong malandi ka?! Ngayong ikaw ang kailangan namin para isalba ang kompanya dahil iniwan na tayo ng wala mong kuwentang ama ay aalis ka at maghuhugas-kamay sa lahat ng pinagdaanan natin sa buhay? Mangarap ka, Lorelei! Hinding-hindi kita pakakawalan sa poder ko dahil kailangan pa kita!"

Ganoon nalang ang pag-iyak ni Lorelei nang marahas siyang sinabunutan ng ina niya at hinawakan sa buhok. Pero ang mas ikinaiyak niya ay ang pang-iinsulto nito sa ama niya... na siyang asawa nito.

"How could she say those words to her husband? Paano niya nasasabi ang ganoong bagay kay papa gayong walang ibang ginawa si papa kundi ang mahalin siya?" naging wika na nga lamang ni Lorelei sa isip niya. Nawala na ang ama niya kaya nasasaktan siya na marinig na may masamang sinasabi ang tao tungkol sa ama niya at worst, ang ina niya pa na siyang asawa ng ama niya.

"Akala mo kapag umalis ka sa lugar natin at magtago dito sa Maynila ay hindi kita matatagpuan? Marami akong galamay, Lorelei! Wala kang takas sa 'kin kaya kung ayaw mong matanggal 'tong buhok mo sa ulo mo, sumama ka sa akin at magpakasal ka kay Mr. Smith!"

Ganoon nalang ang pag-iyak ni Lorelei nang kaladkarin siya ng ina niya palabas ng hospital at sapilitan siyang pinapasama nito pauwi sa lugar nila.

Gamit ang lahat ng lakas niya ay tinanggal niya ang pagkakahawak ng ina niya sa braso niya.

"Hindi na ako babalik pa ro'n sa bahay natin, Ma," matatag na wika ni Lorelei kahit pa gusto nang manghina ng mga tuhod niya dahil sa ginawa niyang pagsagot-sagot sa ina niya. Ni minsan sa buhay niya ay hindi niya nagawang sumagot-sagot sa ina niya dahil nirerespeto niya ito. Pero ngayong ginagago siya ng ina niya at binibenta siya sa ibang tao ay hindi niya papayagan ang sariling magpagamit lang. Hindi na niya nagawang mapigilan ang sarili na sumagot-sagot kung iyon lang naman ang magiging daan para makawala siya sa poder ng ina niya.

"Ano?! At anong karapatan mong magdesisyon sa buhay, Lorelei?! Anak kita at pinalamon kita ng ilang taon kaya wala kang karapatang magdesisyon para sa sarili mo! Ako lang! Ako lang dapat ang magdesisyon para sa 'yo!" paninigaw ng Mama Matilda niya na siyang pinipingot pa ang tainga niya na siyang ikinaiyak nalang niya.

Nang sapilitan na siyang kinaladkad ng ina niya ay doon na siya natataranta.

"Ma! Hindi ako pupunta sa impyernong bahay ni Mr. Smith! Mama Matilda!" nagsusumamomg wika ni Lorelei sa ina pero tila ay nagbibingi-bingihan na ito dahil ni isang salita niya ay hindi nito pinakinggan pa.

Kasalukuyan siyang kinakaladkad ng ina niya palapit sa itim na sasakyan nang may biglaang magsalita sa likuran niya.

"Don't touch her. Don't touch the mother of my child," malamig ang boses at naroon na ang awtoridad sa bawat salitang binibigkas nito.

Ganoon nalang ang panlalaki ng mga mata ni Lorelei nang makilala ang lalaking pumigil sa ina niya.

Ang boss pala niya iyon, which turned out to be the richest CEO in the country.

At ang boses nito...

It sounded very similar to the hot stranger that shared fire with her on that one steamy night.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
JADE DELFINO
hoyyyy ......
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status