Share

007: Ama

"At sino ka naman? Anong karapatan mong pigilan ako sa pagkaladkad ko sa pasaway kong anak? Wala kang karapatan kaya tumahimik ka!" panininghal ni Matilda sa lalaki. Napataas ang kilay niya at saka pinanliitan ng mata ang lalaki at tiningnan mula ulo hanggang paa.

Napatawa si Matilda nang makita ang pormal nitong suot.

"Lalaki mo 'to, Lorelei? Bakit sa lahat ng lalaking papatulan mo, yung nagpapanggap pang mayaman! Hanggang ngayon parin pala ay tanga kang babae ka! Akala ko ay mapapakinabangan kita at may mapapala ako sa 'yo pero mukhang wala naman pala!"

Napapatiim-bagang nalang si Griffin sa ginawang pang-i-insulto ng ina ng dalaga sa kanya. Paano nito nasasabi na nagpapanggap lang siyang mayaman? Hindi ba siya nito kilala?

"Tingnan mo nga ang suot n'yan! Iba ang kulay ng suit na suot niya at ibang-iba rin ang kulay ng necktie niya! Necktie palang, dapat ay alam mo nang walang ka-taste-taste kaya hindi ako maluluko ng walang kuwentang lalaking 'yan!"

Napapatingin si Griffin sa suot niyang suit at palihim nalang na napapamura sa nakita. Sa sobrang pagmamadali niya kanina na bisitahin ang babaeng alam niyang makakatulong sa kanya para maisalba ang kinabukasan niya at magkaroon ng anak gaya ng naging request ng ama niya ay hindi na niya namamalayang iba pala ang nakuha niyang necktie para sa suit niya. Hindi naman niya aakalain na ito ang magiging dahilan para magmukha siyang mapagpanggap sa mata ng ina ng babaeng nakasiping niya noong gabing iyon.

Siya mismo ang nagdala sa dalaga sa hospital nila. Siya rin yung lalaking nakasalo sa dalaga noong natumba ito sa kompanya niya. Nang makilala ang babae na siyang nakasiping noong nakaraang linggo ay hindi na siya nag-atubiling dalhin ito sa hospital at ipahawak sa uncle niya para matingnan ang naging kalagayan nito.

Umuwi na muna siya para sana ay makapagbihis. Ngunit ilang piraso palang ng damit ang natatanggal niya sa katawan niya ay may natanggap siyang magandang balita mula sa uncle niya na doktor na siyang humawak kay Lorelei.

Nang malaman niyang nagdadalang-tao ang babae ay halos pinaharurot na niya ang sasakyan papunta sa hospital. Hindi niya aakalain na maaabutan niyang sapilitan nang kinakaladkad ang babae.

"Halika! Kailangan mong sumama sa 'kin para magpakasal kay Mr. Smith! Siya lang ang alam kong makakatulong sa atin para maibalik ang kompanya natin kaya hindi puwedeng hindi kita madala pabalik sa atin! Hindi puwedeng hindi ka sumama sa akin, Lorelei!" wika pa ni Matilda at saka ay sapilitang pinapasok si Lorelei sa loob ng sasakyan.

Ilang hakbang palang ang nagagawa nila nang may kamay nang humawak sa braso ni Matilda para mapatigil siya sa ginagawa.

"I told you, don't touch her, or else... mapipilitan akong gawin ang isang bagay na hindi ko ginagawa sa isang babae, lalo na sa matanda," malamig at seryosong wika ni Griffin na siyang tila ay nagpataas sa inis ni Matilda.

"Matanda? Napakawalang-galang! Ito ba ang ipinaglalaki mong lalaki na siyang liligtas sa 'yo mula sa kahirapan, Lorelei?! Aba'y... napakawalang-kuwenta! Kung kakapit ka naman pala sa patalim, bakit hindi mo na sinagad pa? Ha! Hindi naman maipagkakaila na ganyang lalaki lang ang aabutin mo dahil wala ka rin namang galang sa 'king bata ka! At ikaw!"

Itinuro ni Matilda si Griffin na ngayon ay nakatiim na ang bagang na nakatingin sa kamay ng nauna na siyang mahigpit nang nakahawak sa braso ni Lorelei.

"'Wag kang mangialam sa usapang magpa-pamilya! Dinidisiplina ko lang ang anak ko kaya puwede ba? Umalis ka nang lalaki ka?! Wala kaming mapapala sa 'yo!"

Akmang kakaladkarin na ni Matilda si Lorelei nang marinig naman ang mala-demonyong tawa ni Griffin.

"A-Anong tinatawa-tawa mong lalaki ka? Nababaliw ka na ba?" nanlalaki ang matang wika ni Matilda.

Si Griffin naman ay hindi na maiwasang mapangisi nalang.

"Anak mo pala siya? Pero bakit kung tratuhin mo, parang hindi mo anak?" prankang wika ni Griffin na siyang ikinasinghap na ng ginang.

Naglakad palapit si Griffin kay Matilda at saka ito bumulong.

"Anak mo nga ba?" nakangising wika ni Griffin bago lumayo sa ginang para tingnan ang naging reaksyon nito. Napapasilay na ang matagumpay na ngisi sa labi ni Griffin nang makita ang inaasahan niyang reaksyon ng ginang.

Napamaang na ito at nanlalaki ang mata, tila ay hindi makapaniwala sa narinig mula sa kanya.

Habang si Lorelei ay naguguluhan pa sa kung ano ang pinag-uusapan ng Mama Matilda niya at ng boss niya ay hindi naman maiwasan ni Griffin ang magkibit-balikat nalang.

Inagaw niya ang dalaga mula sa kamay ng ginang at saka ay hinapit na ito sa may baywang na siyang tila ay nagpaigtad naman kay Lorelei.

"S-Sino ka ba? Anong pakay mo sa pamilya namin?" tila nakakakita nang multong wika ni Matilda na siyang nagpangisi na kay Griffin, pinaglalaruan ang emosyon ng ginang.

"Sino ako?" patanong na sagot ng binata at saka ay napapatingin na kay Lorelei na siyang hawak-hawak na niya ngayon sa baywang.

"Ako ang ama ng batang dinadala niya."

Komen (1)
goodnovel comment avatar
JADE DELFINO
eeeyyyyyyyyy
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status