Share

014: Katapat

Matapos magsawa kakatingin sa loob ng kuwarto ay lumabas din ng silid si Lorelei para maglibot din sa buong mansyon. Naabutan niyang nakapan-dekuwatro si Griffin habang nakaupo sa mahabang sofa hawak-hawak ang diyaryo na alam niyang matamang nagbabasa sa nakalagay sa naturang basahin.

Hindi na inabala pa ni Lorelei ang lalaki at nilapitan na ang mayordoma na alam niyang kabisado na ang pasikot-sikot sa mala-palasyong bahay ng mga Cabanilla.

"Manang," ani Lorelei pagkalapit na pagkalapit niya sa mayordoma. Alerto naman itong napalapit sa kanya kasama ang iilang nakahanay na mga kasambahay.

"Ano po 'yon, young lady?" wika pa ng mayordoma na siyang nagpaestatwa sandali kay Lorelei. Hindi siya sanay na tawaging young lady. Kahit noong may kakayahan pa sila sa buhay ay hindi niya hinahayaan ang iba na pagkabigyan siya ng special treatment dahil lang sa may kakayahan siya. Ngayong tinawag siyang young lady ay tila nahihiya siya, lalo na ngayong nakikitira nalang siya.

"Naku, 'wag na po yung
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status