Share

004: Ready, Set, Fire

Napadaing si Lorelei nang pagkapasok nila sa isang hotel room ay deritsahan na siyang sinunggaban ng halik ng estrangherong lalaki. Napapikit siya at nagsimulang tumugon sa mga mapupusok at mabagsik na mga halik nito sa kanya. Ipinulupot niya ang kanyang mga braso sa leeg ng lalaki at mas pinalalim pa ang halikan na ginagawa nila.

Napaungol si Lorelei sa bibig ng lalaki nang maramdaman ang paghagod nito sa likuran niya. Tila may kuryenteng dumaloy sa katawan niya na ngayon lang niya naramdaman sa tanang buhay niya. Ilang ulit na siyang hinahawakan ng iilang kalalakihan doon sa bar pero ang estrangherong lalaki lang na ito ang kayang magbigay ng kakaibang sensasyon sa katawan niya na hindi niya mawari kung ano ang naging dahilan.

Nang hawakan ng lalaki ang puwetan niya ay awtomatiko niyang nakuha ang gusto nitong gawin. Mabilis niyang ipinulupot ang mga hita niya sa baywang nito at mas pinalalim pa ang halik na pinagsaluhan nila.

Naramdaman niya sa likuran niya ang malamig na pader nang isandal siya ng lalaki. Napatingala siya nang bumaba ang halik nito sa leeg niya at nang magsawa ay tumigil na ito sa ginagawa at nalalasing na pinagkatitigan siya.

"Do you want me to take you here or in the bed?" baritono ang boses na pagtatanong nito sa kanya at tila ay hindi maiwasan ni Lorelei ang ma-appreciate ang ginagawa ng lalaki na pagpapapili sa gusto niya. Kay Griffin naman ay naging estrangherong tanong iyon sa isip niya. Noon naman ay kung saan niya gustong kunin ang babae ay siya ang nasusunod pero ngayon ay nagtanong siya sa hindi malamang dahilan.

"In bed," maliit ang boses na wika ni Lorelei na siyang ikinataas na ng sulok ng labi ni Griffin. He finds her voice cute and he can't find anything on it annoying. Mula sa pagkakasandal sa pader ay maingat niyang kinarga ang babae mula sa pagkakasandal sa pader patungo sa kama na naroon sa loob ng silid na inukupa nila.

Mula sa pagkakahiga sa kama ay mataman nang nakakatitig si Lorelei sa estrangherong lalaki na mabilis na ang mga kilos na naghuhubad sa harapan niya. Kinakabahan man ay nanatili siyang matatag dahil ayaw niyang ang matandang lalaki lang ang makakakuha sa pagkababae niya. Ayaw niyang si Mr. Smith lang ang makakuha no'n sa katawan niya. Ayaw niyang makuha lang nito ang gusto nito sa katawan niya.

At nang magsimula na ngang maghubad ang lalaki ay doon na malakas na kumabog ang dibdib niya.

"Handa na ba akong ibigay ang pinakaiingatan ko?" naging tanong pa nga niya sa isip niya.

Ganoon nalang ang pagnganga ni Lorelei nang makita na ang mala-diyos na katawan ng lalaki.

Ang perpekto nitong mukha.

Ang malalaki at ang malapad nitong balikat at dibdib.

Ang maugat nitong braso.

At...

Eight pack abs.

Lahat ng iyon ay napapansin niya kahit pa maliit na ilaw lang ang nagsisilbing liwanag sa naturang hotel room. Guwapo na ito noong nakasuot pa ng damit. Mas nakakalaglag panty pa pala ito kapag n*******d.

"Mukhang maswerte ako at guwapo ang makakauna sa akin. Hindi lang matanda at kagaya ni Mr. Smith," naging wika na nga lamang ni Lorelei sa sarili.

Ganoon nalang ang paglunok ni Lorelei nang makita na ang tuluyang paghubad nito sa pang-ibabang damit. Halos nanuyo ang lalamunan ni Lorelei nang makita ang nakatayong sandata ng lalaki.

Malaki ito at matambok, bagay na siyang halos ikinakapos na ng hininga ng dalaga.

"Kakasya kaya 'yan sa 'kin?"

Iyon kaagad ang unang pumasok sa isip niya nang makita na ang sandata ng estranghero.

Matapos makapaghubad ay siya naman ngayon ang isa-isang hinububaran ng lalaki. Nang matapos ay nagsimulang kumaibabaw ang estranghero sa ibabaw niya at doon na nga sinimulan ang mainit na gabi kasama ang estrangherong lalaki na alam niyang sa gabing iyon lang niya makakasama.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status