Chasing The Love

Chasing The Love

last updateLast Updated : 2023-04-06
By:  loquaciouspenwpOngoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
Not enough ratings
54Chapters
3.4Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Synopsis

I will never be tired of chasing that love. - Aicelle Aicelle Anne Vaquez is a 20-years old girl who is living a picture-perfect life. She is happy living with her loving family and luxurious life that makes everyone gone envy about. But her life turns upside-down when she learned her father’s unfaithfulness and eventually ruined their family because her father decided to with his mistress. Aicelle grudging with his father decided to run away from their home to have a fresh start and gradually pursue her goals. Until she meets the love of her life, the person who will protect and cherish is her every single day. She very happy and finally recovering from the past. That is what she is expecting about, but it leads her to more dreadful events. Setback, relax, grab snacks and a ton of tissue, Importantly prepare yourself for another emotional rollercoaster ride. Let us join the journey of Aicelle in chasing love and learning the true essence of LOVE. Written in tagalog

View More

Chapter 1

Prologue

00

~

Buong byahe ay umiiyak lang ako hanggang sa mapagpasyahan ko na mag pababa sa isang parke. Umupo ako sa isa sa mga swing dito at dahan dahan na itinulak ang aking sarili, mabagal naman itong umandar.

Habang ako ay nagmumuni-muni dito ay nararamdaman ko ang mga maliliit na patak ng ulan kasabay din nun ang pagtulo nang mga luha ko, mga ilang sandali pa ay lumakas na ang buhos nito.

"Bakit? Bakit lahat sila iniwan ako mag isa dito!? Bakit? Anong ginawa ko!? Bakit galit na galit sa akin ang mundo?" sigaw ko sa gitna nang ulan.

Tumayo ako sa swing at tumingala sa langit. Pinalo-palo ko ang aking dibdib na para bang hindi na ito tumitibok at kailangan nang irevive.

“Napaka wala mong kwentang puso ka! Bakit tibok ka nang tibok sa maling tao! Bakit kasi gano'n ei!?” Paninisi ko pa dito.

Tinakpan ko naman ang aking bibig para mapigilan ko ang kumakawalang hikbi na nanggagaling sa aking bibig.

"Wala naman akong ginawang masama... gusto ko lang naman sumaya... Gusto ko maramdaman yung pagmamahal... Gusto ko maranasan nang minamahal... Pero bakit? Bakit ganito kalupit ang tadhana saakin!? Bakit!?" Mahinang sabi ko naman atsaka niyakap ang aking sarili dahil na din sa lamig. 

“Bakit pa ba ako pinilit na mabuhay ng mga magulang ko kung ganito lang din ang gagawin nila sa akin? Nasaan ba kasi sila!? Bakit walang nag mamahal, nag mamalasakit sakin?Bakit wala akong maramdaman na pagpapahalaga sa akin? Bakit?”

Pinunasan ko ang mga luhang tumulo sa aking mga mata at dahil nairita na ako dahil hindi ito tumitigil ay sinimulan ko nang sabunutan ang aking sarili.

"Ha! I'm tired! I'm tired chasing that f*cking love! I'm tired of seeking that love! I'm tired, I'm tired!" Muling sigaw ko at biglang umupo at niyakap ang sarili ko atsaka muling humagulgol.

 Medyo nahihilo na rin ako dahil na siguro sa pagod, lamig na dulot ng ulan at sa sakit na aking nararamdaman ngayon.

"I'm tired... I'm sleepy... I want to rest... I want it to end... I want to reach the end.. I'm tired… So tired."

Ipinikit ko ang aking mga mata at tumingala at dinama ang mga patak ng ulan na tumatama sa aking mukha. Do I deserve a happy ending? Do i? if i do… bakit di ako mabigyan bigyan ng sumusulat ng buhay ko ng masayang katapusan. bakit? Bakit?

Ilang minuto pa ang lumipas ng maramdaman ko na ang panghihina nang aking katawan at ang pagbigat ng mga talukap ng aking mga mata. Napangiti naman ako bago ako tuluyang lamunin ng kadiliman. I think this is the end…

“Wow naman, ganda nang office natin ah.” Napatigil naman ako sa pag iisip nang biglang may magsalita sa may pintuan ng aking opisina. 

“Ano na naman ginagawa mo dito? Manggugulo ka nanaman noh?” Inis na tanong ko dito.

Bigla naman siyang napahawak sa puso nya na para bang siya ay nasasaktan. 

“Ay, ang sakit mo naman magsalita Aicelle. Parang hindi kita minamahal ah.” Umiling iling naman ako at ngumisi sa kanya. Lumapit naman sya at umupo sa upuan na nasa harap ko. 

“Alam ko ‘yang sasabihin mo,” Nakasimangot na sabi nya.

Tumawa naman ako dito at muling umiling iling dito.

“Alam mo kasi Beau, ‘bat mo ginawa yun? Ang shunga shunga mo.”

Sumimangot naman siya saakin at umiwas nang tingin. 

“Mahal kasi kita…” mababang boses na sabi nya.

Ilang segundo ko siyang tinitigan pagkatapos ay bahagya akong humalakhak. 

“Ngayon ba?” tanong ko rito.

Umiling iling naman ito at ngumisi sa akin.

“Ikaw b-”

Hindi na nya natapos ang sasabihin nya nang tignan ko sya nang masama.

“Alam mo ikaw, kung wala kang magandang sasabihin manahimik ka nalang ah,” inis na sabi ko rito.

Tumatawang lumapit ito saakin at niyakap ang ulo ko, dahil nasanay na ako na lagi nya itong ginagawa ay yumakap na lang din ako sa kaniyang bewang. 

“Asar talo ka pala ei,” sabi pa nito habang siya ay tumatawa. 

“Pero seryosong tanong,” sabi nito at hinawakan ang ulo ko at inilayo sa kanyang bewang.

“Hmmm?”

Tinignan ko naman ang mga mata niya habang nag aantay ng sasabihin niya. 

“Paano kung bumalik siya?"

Napatawa naman ako sa tanong nya.

“Ano ka ba? Imposibleng mangyari yan. Ako na nagsasabi sayo,” natatawang sabi ko rito.

Hindi naman siya nag salita at tinitigan niya lang ako, ilang segundo rin kaming nag titigan bago ito muling nag salita.

“Pero paano kung mag bago ang takbo ng ihip ng hangin at bumalik siya?”

Nag iwas naman ako nang tingin sa kanya at bahagyang napaisip, paano nga kung bumalik siya? 

“Ano?” muling tanong nito saakin.

Napabuntong hininga naman ako at muling tumingin sakanya. 

“Edi bumalik siya, masaya na ako sa buhay ko. Hindi ko na siya kailangan.” Tinitigan lang ako ni Beau at tumango. 

“Sige… sabi mo eh.”

Sinamaan ko naman siya nang tingin dahil pakiramdam ko ay hindi siya naniniwala sa mga sinasabi ko. Tinawanan naman ako nito at tumingin sa kanyang relo na nakasuot sa kanyang braso. 

“Ay oo nga pala Aicelle, una na ako ah. May appointment kasi ako ngayon eh,” pagpapaalam nya saakin. 

“Sige sige, ingat ka ah,” sabi ko naman dito.

Tumango naman ito at nag lakad na papunta sa pintuan. Tinignan ko lang siya hanggang sa makaalis siya. Nang tuluyan na siyang makaalis ay ipinagpatuloy ko na ang akong trabaho, tinawag ko din ang aking sekretarya para tanungin kung ano na ang balita sa kukuhanin namin na supplier ng alcohol at iba pang beverages para sa party na gaganapin sa susunod na buwan. 

“Ma’am, His secretary said that her boss wants to talk to you personally."

Napataas naman ang kilay ko sa sinabi ng aking sekretarya dahil sa tagal na namin na supplier siya ay ngayon lang niya hiniling na makipag usap saakin at madalas na ang aming mga sekretarya lang ang nag uusap. 

“Oh, why? Diba dati kayong dalawa lang ng secretary ni Mr. Wang ang nag uusap?” tanong ko pa rito.

Napakamot naman ito ng batok dahilan para mag taka ako.

“Ma'am, I'm really sorry, i forgot to inform you that we changed our supplier,” kinakabahan na sabi naman nito saakin. 

“Ha? Why do we need change?” tanong ko dito.

Muli naman niyang kinamot ang kanyang batok bago siya sumagot.

“Ma’am kasi daw po lahat po ng supply nila ngayon ay nakareserve na at sabi po ng secretary ni Mr. Wang next month pa po sila matatapos sa paggawa ng mga alcohol na nakareserve na at hindi na po iyon makakaabot sa party na gaganapin sa susunod na buwan” paliwanag ng secretarya ko.

Hinilot ko naman ang sintido ko at tumango sa kanya. 

“So who is our new supplier?” tanong ko rito.

Tumingin naman siya sa papel na hawak niya na sa tingin ko ay hinahanap niya ang pangalan ng aming bagong supplier.

“Uhmm… Falkerath… Company… yes po, Falkerath Company po.”

Napakunot naman ang nuo ko dahil sa isang pamilyar na bagay. Falkerath… pamilyar ito sa aking pandinig.

“Kailan ang meeting naming dalawa?” Tanong ko rito.

Muli naman niyang tinignan ang papel na hawak niya at sinabi saakin ang nilalaman nito.

“Tomorrow po ma’am, 10:00 am at the Isla Restaurant.”

Tumango naman ako dito at bago siya umalis ay may iba pa siyang ipinaalala saakin. 

Nagmamadali ako ngayon na naglalakad papunta sa aking sasakyan dahil nahuli ako nang gising, hindi nag alarm ang aking alarm clock kaya 9:28 am na ako nagising at malapit na akong mahuli sa 10:00 am meeting ko kay Mr. Falkerath.

Dahil na rin sa traffic ay mas nahuli ako sa usapan namin at 10:23 am na ako nakarating sa restaurant na napag usapan namin. 

Dali dali akong nag tanong sa waiter para malaman ang table na ipinareserve para saamin, agad din naman niya akong sinamahan patungo dito at habang papunta kami doon ay tanaw ko na ang isang lalaki na nakasuit na nakaupo duon. Hindi ko makita ang mukha nito dahil ito ay nakatalikod mula sa kinaroroonan ko. 

“I’m sorry for being late Sir,” paghingi ko nang paumanhin nang nasa likod na niya ako.

Agad akong umupo sa harap niya at siya naman ay itinaas ang tingin sa akin. 

“It's ok,” sabi nito.

Ako naman ay nanlalaki ang aking mga mata nang makita ko kung sino ang kaharap ko ngayon.

“Laurence!?” hindi makapaniwala na saad ko.

Ngumiti naman ito na tila ba ay nasasabik na ako ay makausap.

“It's nice to see you again, Love.”

 Mukhang nagbago nga ang ihip ng hangin.   

~~

Work of fiction.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
54 Chapters
Prologue
00 ~ Buong byahe ay umiiyak lang ako hanggang sa mapagpasyahan ko na mag pababa sa isang parke. Umupo ako sa isa sa mga swing dito at dahan dahan na itinulak ang aking sarili, mabagal naman itong umandar. Habang ako ay nagmumuni-muni dito ay nararamdaman ko ang mga maliliit na patak ng ulan kasabay din nun ang pagtulo nang mga luha ko, mga ilang sandali pa ay lumakas na ang buhos nito. "Bakit? Bakit lahat sila iniwan ako mag isa dito!? Bakit? Anong ginawa ko!? Bakit galit na galit sa akin ang mundo?" sigaw ko sa gitna nang ulan. Tumayo ako sa swing at tumingala sa langit. Pinalo-palo ko ang aking dibdib na para bang hindi na ito tumitibok at kailangan nang irevive. “Napaka wala mong kwentang puso ka! Bakit tibok ka nang tibok sa maling tao! Bakit kasi gano'n ei!?” Paninisi ko pa dito. Tinakpan ko naman ang aking bibig para mapigilan ko ang kumakawalang hikbi na nanggagaling sa aking bibig. "Wala naman akong ginawang masama... gusto ko lang naman sumaya... Gusto ko maramdaman yu
last updateLast Updated : 2021-06-23
Read more
01
CHAPTER 1    “Good morning My, morning Da,” bati ko naman sa mga magulang ko nang makababa ako galing kwarto.   “Good morning anak,” bati naman ni mommy pabalik sa akin.   Ngumiti naman ako at lumapit sa kanila ni Daddy.    “Good morning baby,” bati din sa akin ni Dad.   Hinalikanko sila sa kanilang mga pisngi bago ako umupo sa aking upuan.     “Kumain ka na para maaga kang makapag ayos.”   Tumango naman ako kay Mommy at nag simula nang kumain. Habang kumakain ako ay pinagmamasdan ko lang sila na nagyayakapan.   “Sana lahat sweet,” pang aasar ko pa sa kanila.   Tumawa naman sila at umiling iling.    Nang matapos na ako sa pagkain ko ay agad akong nag paalam at umakyat sa aking kwarto para makapag handa na sa aking pag pasok sa eskwelahan.  
last updateLast Updated : 2021-06-23
Read more
02
CHAPTER 2    Tahimik lang ang lahat habang nakaupo kaming tatlo dito sa sofa ng sala at para bang walang ni isa sa amin ang may balak na mag salita.    “A-ano po ang problema?” nanginginig na tanong ko sa kanila.   Nakayuko naman silang dalawa na para bang may nakakabulag ako na sakit pag sila ay tumingin sa akin.    “Anak, I'm sorry…” mahinang sabi ni Dad.    “I’m sorry, di ako naging masaya… sorry kasi nahanap ko ‘yong pagmamahal sa iba, anak sorry.”   Umiwas naman ako nang tingin sa kaniya at tumingin-tingin sa sulok sulok.   “hahahaha! Dad, di mo ‘ko maloloko nasaan ang camera? prank ba ‘to? alam ko ‘yong ganitong mga set up! napapanood ko ito sa YouTube!”   Sabi ko habang tumatawa at kasabay ng pagtawa ko ay ang pagbagsak naman nang mga butil ng luha galing sa aking mga mata.  &nb
last updateLast Updated : 2021-06-23
Read more
03
  CHAPTER 3   Napabuntong hininga nalang ako nang makita ko ang aking sarili sa salamin na mugto ang mga mata at halatang halata rin ang mahabang kalmot sa aking pisngi na galing sa pag kalmot ko kahapon.    Nanghihina akong lumakad patungo sa banyo upang gumayak dahil may pasok pa ako ngayong araw. Isa din ang eskwelahan sa mga iniisip ko ngayon dahil mainit pa rin ang isyu ng aking pamilya.    Nang matapos akong mag ayos ay tinignan ko muli ang aking sarili sa salamin, mugto pa rin ang aking mga mata ngunit hindi gano’n kalala katulad kanina.   Bumaba ako at sinilip ang kusina, nakita ko do’n si Dad na nag hahanda ng hapag at mukhang nahalata niya na nakatitig ako sa kaniya kaya siya ay lumingon sa akin. Agad naman akong nag iwas nang tingin at tumalikod sa kaniya.   “Anak, kain ka muna at may sasabihin din ako sa iyo,” sabi ni Dad sa akin ngunit huminto
last updateLast Updated : 2021-06-23
Read more
04
CHAPTER 4  “Wala bang gabi na hindi ako iiyak?” tanong ko sa sarili ko habang nakatingin at pinagmamasdan ang mga luha na tumutulo. Mas lalo ko pang niyakap ang unan na hawak hawak ko at ibinaon ang aking mukha roon.  “I’m tired,” sabi ko sa gitna ng aking mga hikbi.  Muli ko naman inangat ang aking ulo at tumingin sa salamin, ngumiti ako habang ang mga luha ko naman ay patuloy na tumutulo.  “No no, you can’t be tired… but if you are really tired, go rest. It will be fine, everything will be fine.”  Tumayo naman ako at nanghihina na humiga sa aking kama.  “Yes yes, i will rest.”  Ipinikit ko na ang aking mga mata at mga ilang minuto lang ay hinila na rin ako nang antok.  Tanghali na a
last updateLast Updated : 2021-06-23
Read more
05
Chapter 5“D-dad?”  Hindi nag bago ang ekspresyon niya at napopoot pa rin ang kaniyang tingin sa akin.  “Hindi ko mapapalampas itong pambabastos mo sa Tita Teresa mo!”  Gulat naman akong tumingin sa kaniya bago tumingin kay Teresa.  “What do you mean?” tanong ko.  “What do I mean!? Really Aicelle?”  Galit itong lumapit sa akin at marahas na hinablot ang aking braso. “Dad,masakit! Bitawan mo po ako...&rdqu
last updateLast Updated : 2021-07-17
Read more
06.1
Chapter 06.1 Naka-tayo ako ngayon sa tapat ng hagdan, dala-dala ang aking maleta. Nag dadalawang isip pa rin ako kung itutuloy ko ang pag alis ko pero wala nga pala sa akin ang desisyon. My father kicked me out in this house and I can't do anything about it.   Bumutong hiniga na lang ako at bumaba na nang tuluyan bitbit-bitbt ang aking mga gamit. Nang bumaba ako ay nag tinginan silang lahat sa akin kasama na roon ang dalawang taong kinamumuhian ko. Tahimik lang itong nagmamasid sa akin kaya ipinagpatuloy ko lang aking paglalakad hanggang sa makarating ako sa pinto.  Huminto ako at nag abang kung may pipigil ba sa pag alis ko. “What are you waiting for? The door is open, no one will stop you!” Dahan dahan naman akong tumango kay Dad bago muling hatakin ang maleta ko at nagpatuloy sa paglalakad palabas.  “I hate you! I hate you!” sigaw ko ng tuluyan na akong makal
last updateLast Updated : 2021-07-21
Read more
06.2
Chapter 06.2 Nahihiya naman akong tumingin sa kaniya. “Pwede po bang 10k muna? Mag withdraw lang muna ako para sa kulang…” Mahinang wika ko sa kaniya. “Sige, basta ibigay mo rin ngayong araw.”  “Salamat po!” masayang wika ko. Agad ko namang inabot ang 10k sa kaniya at agad din naman niya itong tinanggap.  “Halina’t sundan mo na ako para maturo ko na sa iyo ang matutuluyan mo.”   Agad naman akong sumunod sa kaniya hanggang sa makarating na kami sa kwartong sinasabi niya. Hindi ko pala siya nacheck muna at agad ko n
last updateLast Updated : 2021-07-22
Read more
07.1
Chapter 07.1   Nang magising ako ay agad akong naghanap ng notebook at panulat para ilista ang mga kailangan ko. Nasa lapag ako at kaharap ko ang notebook at katabi naman nito ang natirang pera ko. 35k na lang ang natira sa akin at kailangan ko itong ibudget para sa pambili ko ng gamit dito sa bahay at pagkain. Budget na rin para sa aking paghahanap ng trabaho.    10k para sa gamit dito sa bahay.   25k.   5k para sa groceries.   15k.   15k na lang ang matitira sa akin hanggang sa makahanap ako nang trabaho.    Nag ayos l
last updateLast Updated : 2021-07-31
Read more
07.2
Chapter 07.2   Chelsea is like a sister to me; tuwing may problema ako ay sa kaniya lagi ako madalas na nag susumbong. 2 years lang ang tanda niya sa akin at ayaw niya na tinatawag ko siyang Ate kaya Chelsea lang ang tawag ko sa kaniya. Halos sabay na rin kaming tumanda nito ni Chelsea, simula kasi no’ng bata ako ay tumutulong na ang pamilya ko rito sa orphanage na ito at isa si Chelsea sa mga batang ulila noon dito. Natanong ko na rin sa kaniya noon kung bakit hindi siya umalis katulad ng ibang mga kasama niya dito noon, ang sabi niya ay napamahal na sa kaniya ang orphanage na ito kaya no’ng papiliin siya kung gusto niya bang mag stay o umalis ay mas pinili niyang manatili rito.    Naalala ko pa noong mga panahon na bata pa kami. “Oh Chelsea, bakit hindi kita nakita kanina
last updateLast Updated : 2021-08-01
Read more
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status