Share

04

last update Huling Na-update: 2021-06-23 23:28:14

CHAPTER 4

“Wala bang gabi na hindi ako iiyak?” tanong ko sa sarili ko habang nakatingin at pinagmamasdan ang mga luha na tumutulo.

Mas lalo ko pang niyakap ang unan na hawak hawak ko at ibinaon ang aking mukha roon. 

“I’m tired,” sabi ko sa gitna ng aking mga hikbi. 

Muli ko naman inangat ang aking ulo at tumingin sa salamin, ngumiti ako habang ang mga luha ko naman ay patuloy na tumutulo. 

“No no, you can’t be tired… but if you are really tired, go rest. It will be fine, everything will be fine.” 

Tumayo naman ako at nanghihina na humiga sa aking kama. 

“Yes yes, i will rest.” 

Ipinikit ko na ang aking mga mata at mga ilang minuto lang ay hinila na rin ako nang antok. 

Tanghali na ako nagising ngayong araw at napagpasiyahan ko rin na hindi muna pumasok ngayong araw dahil hindi ako maayos ngayon, idagdag mo pa ang babaeng nakikialam sa buhay ko.

Gusto ko munang magpahinga kahit ngayong araw lang. 

Agad akong gumayak at nagbook ng grab. Mag aalas-dose na rin nang tanggahali kaya medyo natagalan ang pagkuha ko ng sasakyan.

Nang malapit na ang sasakyan na ni-book ko ay agad na akong bumaba para abangan sa labas ang sasakyan. 

“Oh, Aicelle.”

 Napatayo naman si Teresa sa kaniyang pag kakaupo sa sofa sa sala nang makita niya ako. 

Hindi ko naman ito pinansin at nagpatuloy langsa pag lakad palabas ngunit nang malapit na ako sa pintuan ay hinarang niya ako. 

“Aicelle, hindi ka ba muna kakain?” tanong niya. 

“Hindi na po.” 

Akma naman akong iiwas sa kaniya para makalabas ako ng pinto ngunit muli niya akong hinarang. 

“Nag handa ako ng makakain mo, Aicelle,” muling sabi nito. 

Hindi ko naman ito sinangot at tnitigan ko lang siya.

“Wala ang Daddy mo ngayon, pumasok siya sa kaniyang opisina,” pagpapatuloy niya. 

Napabuntong hininga naman ako at walang gana siyang tinignan. 

“Tara kumain ka muna bago ka umalis.” 

Hinila naman niya ang braso ko ngunit agad ko naman itong binawi sa kaniya.

“Please, can you leave me alone? Don’t act like you’re kind because you are not!” inis na sabi ko rito. 

“Mabait naman ako Aicelle, just give me a chance to prove it,” sabi pa nito.

“Kung mabait ka talaga, why did you ruined our family? Walang mabait na tao na naninira ng pamilya! Pagbalik baliktarin mo man ang mundo, nanira ka pa rin ng pamilya at walang magbabago roon!” 

Hindi naman ito nakapagsalita at gulat lang siyang nakatitig sa akin. Inirapan ko naman siya at umalis sa kaniyang harapan at lumabas.

Pag labas ko naman ay agad kong nakita ang isang kotse na nakaparada sa aming harapan, tinignan ko ang app para makita ang information ng sasakyan na binook ko at ito nga ‘yon. 

Binati ko ang driver pagkasakay ko. Tahimik lang ako na nakatingin sa bintana ng sasakyan habang nag iisip ng mga bagay bagay.

Ilang minuto pa ay nakarating na kami sa aming destinasyon, binayaran ko naman ito bago bumaba. Malaki ang ngiti ko habang tinitignan ko ang mga batang nag lalaro rito.

“Ate! Ate! Laro po tayo!” sabi ng isang batang babae na lumapit sa akin.

Andito ako ngayon sa isang orphanage na tinutulungan ng aking pamilya. 

Umupo naman ako para makapantay ko siya pagkatapos ay hinatak ko siya palapit sa akin at kinarga ito. 

“Anong pangalan mo?” tanong ko rito habang papasok kami sa pinakahouse nitong orphanage.

“Mica po ate,” sabi naman nito habang pinagmamasdan ang mukha ko.

“Hi Mica, ako pala si Ate Aicelle,” pakilala ko sa kaniya.

“Ate Aicelle, ang ganda ganda niyo po,” sabi niya at hinawakan ang kaliwang pisngi ko. 

“Ikaw rin Mica, ang ganda ganda mo. Mukha kang princess… hmm…” kinurot ko naman ang pisngi niya dahilan para humalakhak ito.  

Natigil naman ang pagkukulitan namin nang makarating na kami sa loob. 

“Ay Aicelle, naku hindi mo naman nasabi na darating ka pala ngayon at ikaw naman Mica nag pabuhat ka pa kay Ate Aicelle mo, nakakahiya naku.”

Ngumiti naman ako kay Cheska, isa sa mga namamahala rito sa orphanage na ito. Si Mica naman ay agad agad na bumaba sa akin.

“Ay hindi Cheska, binuhat ko talaga siya.” 

Ngumiti naman ito na tila ba inaasahan  na niya na isasagot ko ‘yon.

“Masayahin talaga si Mica at halos lahat ng bumibisita rito ay sinasalubong niya at binubuhat siya,” paliwanag naman nito.

Ngumiti naman ako at muling tumitig kay Mica na nakikipag laro na sa ibang bata.

“Napadalaw ka pala, ilang taon na rin simula no’ng huling dalaw mo rito sa orphanage,” muling wika ni Cheska. 

“Namiss ko ito Cheska at ngayon lang din ako nagkaroon ng oras para bumisita rito,” paliwanag ko.

“Ano dating gawi?” tanong niya. Tumango naman ako sa kaniya at lumipat sa mga batang naglalaro.

“Gusto niyo ba na kwentuhan kayo ni Ate?” tanong ko sa kanila.

“Opo Ate!”

“Opo! Opo!”

“Opo Ate, gusto ko marami ah.”

Napatawa naman ako dahil sa reaksyon ng mga bata, nag uunahan pa silang umupo sa lapag. Umupo naman ako sa upuan na nasa harap nila. 

“So, ang kwento ko sa inyo ay tungkol sa isang -”

Hindi ko na natuloy ang aking pag sasalita dahil sa isang bata na umiyak kaya ang atensyon namin ay lumipat sa kaniya.

“Hala, bakit ka umiiyak?” tanong ko sa batang lalaki na umiiyak nang malakas sa gilid. 

“Ate gusto ko po maupo sa unahan pero wala na po,” sabi nito.

Ngumiti naman ako sa kaniya at tumayo para lapitan siya. 

“Ah gano’n ba? Tahan na, kandong ka nalang ni Ate para sa unahan ka rin maupo,” pag aalo ko rito. 

“Talaga po Ate, pwede ako umupo sa kandungan mo? Hindi mo po ako papaluin?” may takot na sabi nito.

Umiling iling naman ako at hinatak siya palapit sa akin at binuhat ito. 

“Pwedeng pwede at hindi ka papaluin ni Ate,” nakangiting sabi ko sa kaniya. 

Ngumiti naman siya sa akin at niyakap ang aking leeg.

“Sige po Ate! Tara na po, kwento ka na po,” excited na sabi nito sa akin dahilan para mapalakhak ako. 

Muli naman akong bumalik sa upuan ko habang buhat buhat ko ‘tong batang lalaki, inupo ko ito sa aking kandungan katulad nang ipinangako ko sa kaniya.

“Ano pala ang pangalan mo?” tanong ko sa batang nasa kandungan ko.

“James po Ate!” masiglang sabi nito.

“Sige James, start na tayo ah. Wag ka na mag kacry ah.”

Tumango naman ito sa akin at nag thumbs up habang nakalabas rin ang mga ngipin niya. Tumawa naman ako at ginulo ang kaniyang buhok. 

“Ok let us start, I’m going to tell a story about the king who betrays his Queen and Princess,” panimula ko sa aking pag kukwento.

Tahimik naman ang lahat na ipinagtaka ko dahil madalas may side comment sila sa lahat ng sinasabi ko. 

“Ate! Ate!” sigaw ni Mica sa gilid.

“Yes Mica?” sagot ko rito.

“Hindi po namin maintindihan, English po kasi,” sabi nito habang kumakamot pa ng kaniyang batok. 

“Ay, gano’n ba? Pasensya na ah. Sige uulitin na ni Ate,” sabi ko at mahinang tumawa. 

“Ang kwento ni Ate ay tungkol sa isang Hari na nag taksil sa kaniyang Reyna at Prinsesa,” panimula ko.

 Ito ang pinili kong ikwento dahil gusto ko rin na ilabas ang sama ng loob ko dahil wala rin akong makwentuhan na iba, sila lang talaga ang alam ko na makakapag pagaan ng loob ko. 

“Ang bad naman po no’ng hari!” inis na sabi ni Mica. Napatawa naman ako sa kaniyang ekspresyon dahil para itong manunugod.

“Hindi pa nga nag sisimula ‘yong kwento Mica eh, baka naman may planong good ‘yong hari kaya niya iyon nagawa,” sabat naman ni James.

Sana nga James pero wala eh…

“Ok,” maikling sabi ni Mica at inirapan si James.

Mag sasalita pa sanang muli si James para siguro pansinin ang ginawa ni Mica ngunit agad ko nang itinuloy ang aking kwento.

“Isang araw, masayang nag kukulitan ang pamilya na sina Hari, Reyna at anak nilang Prinsesa nang biglang dumating ang Witch,” kwento ko sa kanila.

“Ayan na ang Witch!” mahabang sigaw ni Mica kaya muli kaming napatingin sa kaniya.

“Ang ingay mo Mica, makinig ka nalang kay Ate,” pananaway naman ni James kay Mica. 

“Crush mo lang ako eh kaya lagi mo ako napapansin,” pang aasar ni Mica kay James. 

“Eh-”

Hindi naman na natapos ni James ang sasabihin niya nang sawayin na siya ni Cheska na nasa gilid lang din pala at nanonood sa amin.

“Tigil na kayong dalawa diyan, nag aasaran na naman kayo. Paano matatapos si Ate Aicelle niyo sa pag kukwento kung mag kukulit kayo,” pananaway ni Cheska sa kanilang dalawa. 

“Sorry po,” sabay na sabi ng dalawang bata.

“Ayos lang, sige tuloy na tayo.” 

Tinignan ko muna silang dalawa bago ako nagpatuloy sa pag kukwento. 

“Pag dating ng Witch ay natigil ang pagkukulitan ng pamilya at napunta ang lahat nangatensyon nila sa Witch,” pagpapatuloy ko.

Tignan ko naman ang mga bata at lahat sila ay seryosong nakatingin sa akin at nakikinig.

“At hindi na nawala ang atensyon ng Hari sa Witch hanggang sa tuluyan na siyang sumama sa Witch at iniwan ang Reyna at ang Prinsesa.”

“Ate! Ate! Bakit naman niya iniwan ‘yong Reyna at ‘yong Princess eh diba masaya naman sila?” Tanong ni Mica.

“Ito na ang kasunod Mica, kinausap ng Prinsesa ang Hari at tinanong niya ang bagay na iyan sa Hari at ang sagot ng Hari sa tanong na ‘yan ay…” 

Napangiti naman ako dahil lahat sila ay nakakunot ng noo habang nakatingin sa akin at inaabangan ang aking susunod na sasabihin.

“Ay?” may bahid na pagkainip na sabi ni James. 

“Lahat daw nang ipinapakita niya ay hindi totoo, gusto niya lang daw iparamdam sa Prinsesa ang isang buo at masayang pamilya.” 

Mas lalo pang kumunot ang noo nila at parang nagtataka kung bakit gano’n ang nangyari. 

“Ah Ate, ibig sabihin dati pa dumating ang Witch?” tanong naman ni James.

“Oo at ‘yong oras na ‘yon ay binabawi na siya ng Witch,” paliwanag ko.

Yumuko naman ako para hindi nila mahalata ang mga luhang namumuo sa aking mga mata.  

Nang muli kong inangat ang aking ulo ay nakita ko silang tahimik na nakatingin sa akin.

“Ang pinakamasakit do’n ay iniwan siya ng Reyna nang walang paalam kaya gabi gabi na umiiyak ang prinsesa at tinitiis ang mga sakit-”

Bigla naman akong tumigil sa pag sasalita dahil biglang nabasag ang boses ko.

“Ate, ikaw po ba ‘yong Prinsesa?” tanong ni James.

Hindi naman ako sumagot at tumitig lang sa kaniya.

“Ate ayos lang po ‘yan, lagi po kaming andito para damayan ka. Hindi ka po namin iiwan katulad no’ng King at no’ng Queen. Ate, Fight fight lang! malalagpasan mo rin yan katulad namin, nag fight fight lang kami sa buhay kaya ngayon masaya na kami.” 

Napangiti naman ako sa sinabi ni Mica sa akin. She’s right, I just need to fight for me to live happily. 

“Ate ano na po ang kasunod?” tanong ng isang bata.

“Feeling ko nakilala na niya ang Prince at naging happy na ulit ‘yong Princess,” Hula pa ng isa pang bata.

Umiling naman ako sa kanila at malungkot na ngumiti.

“Uhm… sadly walang Prince na dumating at do’n nag tapos ang storya,” Malungkot na sabi ko sa kanila. Lahat naman sila ay umangal at bakit gano’n daw nag tapos ang storya.

“Oh, I pity that princess. She doesn't deserve that, no one deserves to be betrayed.”

Lahat naman kami ay napatingin sa lalaking nasa gilid na biglang nag salita. 

“Kuya Mike!” sigaw ng mga bata at sila ay nag si takbuhan sa Mike daw.

“Ate andito na ang Prince mo! Mag kiss na kayo!” sigaw naman ni Mica na ikinatigil naming lahat.

“Mica, nakakahiya ka!”Pananaway ni Cheska rito ngunit hindi niya ito pinansin at lumapit sa akin at hinatak ako palapit sa lalaki.

“Tulungan niyo ako!” sigaw pa ni Mica at sabay sabay silang itinulak ako sa lalaking ito. 

“Mag kiss na kayo! Yieeee,” Pangangantiyaw pa nito sa amin kasabay ng ibang bata na nag yi-yie rin. 

Ako naman ay nakakapit sa mga braso nitong lalaking ito dahil nga sa pagtulak sa akin ay hindi ko na nabalanse ang aking sarili at bumagsak na ako sa kaniya.

“Sorry…” sabi ko sa kaniya habang siya naman ay tawa nang tawa.

“Hahaha, ayos lang ganiyan talaga ‘yang mga batang iyan. Mahilig silang mag-ship ng kung sino sino,” sabi naman nito. 

Umayos na ako nang tayo at inayos ang aking damit na medyo nagusot dahil sa aking pagbagsak sa kaniya. 

“Naku kayong mga bata kayo, tama na muna ‘yan at mag merienda muna kayo,” sabi naman ni Cheska habang inaayos ang lamesa kasama ang iba pang mga staff.

“Aicelle right?” tanong sa akin nitong lalaki.

“Yes and you are?” tanong ko pa balik.

“Laurance,” maikling sabi nito.

“Ah, nice to meet you Laurence.”

“Nice to meet you too Aicelle,” Bati niya pabalik sa akin. 

Sa sobrang nalibang ako ay nakalimutan ko na na hindi pa pala ako kumakain.

Nandirito kami ngayon sa isang mahabang lamesa at kumakain ng sabay sabay.

Habang kumakain ay hindi mawawala ang tawanan dahil sa mga bibong bata rito. 

Lumipas ang oras ay kailangan ko nang umuwi dahil ginabi na rin ako at kailangan na rin matulog ng mga bata.

“Ate! Dito ka na lang kasi tumira!” Pagmamaktol ni Mica dahil ayaw niya ako pauwiin.

“Hindi kasi pwede Mica eh, pero wag ka mag alala babalik ako. Pangako,” Pagpapagaan ko sa loob niya.

Wala ng mga bata rito at halos lahat ay nasa kanilang kaniya kaniyang mga kwarto na at si Mica at James nalang ang andito para intayin ang aming pag alis.

“Ate baka di na po kayo bumalik, ‘yan rin po ang sabi ng mga bumisita noon dito ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin sila bumabalik,” Malungkot na sabi ni Mica at mahigpit niya na hinawakan ang kamay ko. 

“Pangako Mica, babalik ako. Babalik kami ni kuya Laurence, diba kuya Laurence?” 

Tumingin naman ako kay Laurence at nakita ko naman siyang masayang tumango. Lumapit naman ito sa amin ni Mica at hinawakan ang pisngi nito. 

“Promise babe, susunduin ko pa ‘yang si Ate Aicelle para makasigurado tayo,”sabi pa ni Laurence.

“Talaga po?” Masayang tanong ni Mica. 

Sabay naman kaming tumango rito at niyakap siya, sinenyasan ko naman si James para lumapit sa amin at mayakap din.

“Mag pakabait ah, ikaw James wag mong pikunin si Mica ah,” Bilin ko kay James.

“Opo Ate,” sagot naman niya.

“Sige, Alis na kami ah.” Kumaway naman ako sa kanila at ibinilin na sila sa tagapag alaga nila. 

Nag paalam na kami ni Laurence sa mga namamahala sa orphanage at kay Cheska bago kami tuluyang lumabas.

“Do you have a car with you?” tanong ni Laurence sa akin.

“No, I don’t. I left it at home.”

“Hatid na kita,” sabi nito. Tatanggi pa sana ako ngunit hinila na niya ako papunta sa sasakyan niya. 

“Thank you sa paghatid, Laurence,” Pagpapasalamat ko sa kaniya nang makarating na kami sa bahay namin.

“Wala ‘yon, sige una na ako ah. Goodnight.”

Tumango naman ako rito at kumaway sa kaniya, “Sige babye, thank you ulit and good night.”

Kumaway rin ito bago niya itinaas ang salamin ng kaniyang sasakyan at umalis na. Nang hindi ko na matanaw ang kaniyang sasakyan ay pumasok na ako sa bahay.

Isang malakas na sampal ang bumungad sa akin pagkapasok na pagkapasok ko palang ng bahay.

“Why Dad? Why?” Gulat na tanong ko sa kaniya.

Gulat akong nakatingin kay Daddy na napupuyos sa galit habang hawak hawak pa rin ang kaliwang pisngi. 

Why?

~~~

Kaugnay na kabanata

  • Chasing The Love   05

    Chapter 5“D-dad?”Hindi nag bago ang ekspresyon niya at napopoot pa rin ang kaniyang tingin sa akin.“Hindi ko mapapalampas itong pambabastos mo sa Tita Teresa mo!”Gulat naman akong tumingin sa kaniya bago tumingin kay Teresa.“What do you mean?” tanong ko.“What do I mean!? Really Aicelle?”Galit itong lumapit sa akin at marahas na hinablot ang aking braso.“Dad,masakit! Bitawan mo po ako...&rdqu

    Huling Na-update : 2021-07-17
  • Chasing The Love   06.1

    Chapter 06.1Naka-tayo ako ngayon sa tapat ng hagdan, dala-dala ang aking maleta. Nag dadalawang isip pa rin ako kung itutuloy ko ang pag alis ko pero wala nga pala sa akin ang desisyon. My father kicked me out in this house and I can't do anything about it. Bumutong hiniga na lang ako at bumaba na nang tuluyan bitbit-bitbt ang aking mga gamit. Nang bumaba ako ay nag tinginan silang lahat sa akin kasama na roon ang dalawang taong kinamumuhian ko. Tahimik lang itong nagmamasid sa akin kaya ipinagpatuloy ko lang aking paglalakad hanggang sa makarating ako sa pinto.Huminto ako at nag abang kung may pipigil ba sa pag alis ko. “What are you waiting for? The door is open, no one will stop you!” Dahan dahan naman akong tumango kay Dad bago muling hatakin ang maleta ko at nagpatuloy sa paglalakad palabas.“I hate you! I hate you!” sigaw ko ng tuluyan na akong makal

    Huling Na-update : 2021-07-21
  • Chasing The Love   06.2

    Chapter 06.2Nahihiya naman akong tumingin sa kaniya. “Pwede po bang 10k muna? Mag withdraw lang muna ako para sa kulang…” Mahinang wika ko sa kaniya.“Sige, basta ibigay mo rin ngayong araw.”“Salamat po!” masayang wika ko. Agad ko namang inabot ang 10k sa kaniya at agad din naman niya itong tinanggap.“Halina’t sundan mo na ako para maturo ko na sa iyo ang matutuluyan mo.”Agad naman akong sumunod sa kaniya hanggang sa makarating na kami sa kwartong sinasabi niya. Hindi ko pala siya nacheck muna at agad ko n

    Huling Na-update : 2021-07-22
  • Chasing The Love   07.1

    Chapter 07.1 Nang magising ako ay agad akong naghanap ng notebook at panulat para ilista ang mga kailangan ko. Nasa lapag ako at kaharap ko ang notebook at katabi naman nito ang natirang pera ko. 35k na lang ang natira sa akin at kailangan ko itong ibudget para sa pambili ko ng gamit dito sa bahay at pagkain. Budget na rin para sa aking paghahanap ng trabaho. 10k para sa gamit dito sa bahay. 25k. 5k para sa groceries. 15k. 15k na lang ang matitira sa akin hanggang sa makahanap ako nang trabaho. Nag ayos l

    Huling Na-update : 2021-07-31
  • Chasing The Love   07.2

    Chapter 07.2 Chelsea is like a sister to me; tuwing may problema ako ay sa kaniya lagi ako madalas na nag susumbong. 2 years lang ang tanda niya sa akin at ayaw niya na tinatawag ko siyang Ate kaya Chelsea lang ang tawag ko sa kaniya. Halos sabay na rin kaming tumanda nito ni Chelsea, simula kasi no’ng bata ako ay tumutulong na ang pamilya ko rito sa orphanage na ito at isa si Chelsea sa mga batang ulila noon dito. Natanong ko na rin sa kaniya noon kung bakit hindi siya umalis katulad ng ibang mga kasama niya dito noon, ang sabi niya ay napamahal na sa kaniya ang orphanage na ito kaya no’ng papiliin siya kung gusto niya bang mag stay o umalis ay mas pinili niyang manatili rito. Naalala ko pa noong mga panahon na bata pa kami. “Oh Chelsea, bakit hindi kita nakita kanina

    Huling Na-update : 2021-08-01
  • Chasing The Love   08.1

    Chapter 08.1 “Ate, tara na po.” Wala naman na akong nagawa at nagpahila na lang kay Mica. Agad naman akong umupo sa upuan katabi ng upuan ni Mica at sa harap naman niya ay ang canvas kung saan sila mag painting. “Anong ip-paint mo?” tanong ko. Masaya naman siyang bumaling sa akin at itinuro ang mga prutas na naka display sa harap. “Ito po,” ani niya. Tumango naman ako at nag paalam sa kaniya na mag iikot lang ako para tignan ang iba kung paano sila gumawa ng activity na ginagawa ngayon. Nang mapagod ako sa pag iikot ay agad akong umupo sa tabi ni Chelsea na tumitingin din sa mga bata. “Kilala mo si Micael diba?” tanong niya sa akin. Kumunot n

    Huling Na-update : 2021-08-04
  • Chasing The Love   08.2

    Chapter 08.2 Then an idea came to my mind. Tao… si Aling Nenita, baka gising pa ‘yon. Agad akong tumayo at nag tungo kay Aling Nenita. “Tao po,” tawag ko sa labas ng bahay nila. “Oh, gabi na at napapunta ka rito.” Ngumiti naman ako sa kaniya at nahihiyang napakamot ng batok. “Sorry po, meron po ba kayong black shoes? Kasi po may Job interview po ako tomorrow at nakalimutan ko kasing bumili kanina ng black shoes… nag babaka sakali lang po na meron kayo.” Tumango naman ito sa akin at inaya ako na pumasok sa loob ng kanilang bahay. “Sandali lang Aicelle, ala

    Huling Na-update : 2021-08-05
  • Chasing The Love   09

    Chapter 09 Masaya akong nakatingin sa salamin at pinagmamasdan ang buong katawan ko na nakasuot ng pang office attire na damit. Monday na ngayon at ito na rin ang unang araw na may trabaho ako. Nang mag sawa akong tignan ang aking sarili sa salamin ay agad na kinuha ko na ang aking mga gamit at umalis na. Sayang ang oras, mas ayos na maaga kaysa mahuli ako sa aking trabaho. Mahirap na baka di pa ako nag sisimula wala na agad. Gaya nga nang inaasahan ay maaga akong nakarating sa Opisina. Wala pa si Mr. Falkerath at ang sekretarya nya ang naabutan ko sa loob ng Opisina. “Mabuti at maaga ka, hindi nga kami nagkamali sa pagpili sa iyo.”

    Huling Na-update : 2021-08-11

Pinakabagong kabanata

  • Chasing The Love   39

    CHAPTER 39 Madiin kong ipinikit ang aking mga mata at malalim na huminga. “Mamaya na natin hanapin ‘yong may gawa nito, gawan muna natin nang paraan yung isusuot ng last model ah,” mahinang sabi ni Laurence sa akin. Tumango naman ako sa kaniya at pinunasan ang mga luha sa aking mukha. “Hahanapin natin yung may gawa nito ah, wag kang mag alala tutulungan kita. Kalma ka muna ngayon ah,” malambing na bulong muli nito sa akin. Tumingin naman ako sa aking mga staff na nasa loob ng kwartong ito at halos lahat sila ay nangingilid na rin ang mga luha. “Ma’am, ano na pong gagawin natin?” mangiyak-ngiyak na tanong ng aking sekretarya. Umiling naman ako dahil wala rin akong maisip na paraan para rito. Bigla naman tumingin sa akin ang aking sekretarya na para bang may naisip itong paraan. "Ma'am! Naalala niyo po ba 'yong unfinished gown na dapat ‘yong magiging main dress? ‘Yong hindi po natin natapos kasi tumutok tayo sa main dress na ‘to?” Bigla naman akong nabuhayan ng marinig ko

  • Chasing The Love   38

    A/N: I’m back after almost a two months break! sorry na agad, nawriter’s block ang author. ‘Di kakacodm ko ‘to! Anyways, happy reading!CHAPTER 38~~~Hindi ako nakatulog kagabi kakaisip no’ng napanood ko. Parang paulit-ulit kong naririnig ang pag iyak niya at pag sabi na mahal niya ako. “Hello?” malakas na sabi ng aking sekretarya. Nanlalaki naman ang aking mata na tumingin sa kaniya dahil sa pagkagulat.“Ay, hello po ulit?” nahihiyang sabi niya sa akin. Parehas naman kaming napakamot sa aming mga batok at nag ngitian sa isa’t isa. “Sorry, ano nga ulit ‘yon?” nakangiting tanong ko sa kaniya. Nakakaloko naman itong ngumiti sa akin bago mag salita. “Mukhang may hindi nakatulog kagabi ah?” nang aasar na tanong nito. Pabiro naman akong umirap sa kaniya. “Eh, ‘bat ba?” parehas kaming tumawa bago niya ibinigay sa akin ang papel. “What is this?” tanong ko habang tinitignan ang mga ito. “That is the list of the people who are invited to the party this coming Saturday.” Napatango-tango

  • Chasing The Love   37

    CHAPTER 37Nakangiwi ako ngayon habang hawak ng mahigpit ang unan dahil paulit-ulit na bumabalik ang tagpo namin ni Laurence. Sa hindi malamang dahilan ay ibinaon ko nang madiin ang aking mukha sa unan at tumili ro’n. “Nakakainis! Ayoko na, kakalimutan ko na siya. Umiiwas na ako!” pag kausap ko sa aking sarili. Bigla na naman akong natulala nang pumasok na naman ang eksena sa aking isipan. Naiiyak na ako! Bakit kasi ayaw niyang mawala sa isip ko? Huminga naman ako nang malalim para pakalmahin ang sarili ko at maalis ang kahilingan na makain ng lupa sa pagkakataong ito. Simula nang makalipat kami nang sasakyan ay hindi na naalis ang kahihiyan at guilt sa katawan ko. Ilang araw na rin ang lumipas at iniiwasan ko na nga siya at laging ang sekretarya ko na lang ang kumakausap sa kaniya para sa mga inumin na aming kinakailangan. Nalalapit na ang okasyon ng aming kompanya o ang pinaghahandaan na Fashion event na aming hinanda kung saan itatampok ang mga ipinagmamalaki naming designs.Ni

  • Chasing The Love   36

    Chapter 36Habang naglalakad ako ay nakatingin pa rin ako sa kaniya at gano’n din naman ito. Hindi namin inaalis ang tingin namin sa isa’t isa. Pauwi na kami ngayon ni Isla dahil pagabi na rin. Simula kanina ay nandito na siya at nakamasid sa akin, ang akala ko nga ay aalis din siya at titigilan na niya ang kakatingin sa akin pero hanggang ngayon ay naroroon pa rin siya sa pwesto niya kanina. “Sino ba ‘yang tinitignan mo?” tanong ni Isla. Nakakunot pa rin ang noo ko nang bumaling ako sa kaniya kaya pati siya ay kumunot na rin ang noo bago tumingin sa tinitignan ko kanina. At gano’n na lang ang bilis nang pag babago ng emosyon nito nang makita ang taong kanina ko pa tinitignan na hanggang ngayon ay pinapanood pa rin kami. “Walangya! Anong ginagawa niyan dito?!” inis na tanong ni Isla.“Hindi ko rin alam. Hayaan mo na, baka may date sila ni Ms. Rhaya.” Pilit ko naman siyang hinatak patungo sa sasakyan na ginamit namin pero pilit naman itong kumakawala sa pagkakahawak ko at masama pa

  • Chasing The Love   35

    Chapter 35Kaharap ngayon ang lalaking minsan kong hinangaan at minahal at siya ring lalaki na nagpagulo sa aking buhay. Habang nakatingin sa kaniyang mukha ay bumabalik ang ala-ala kung paano ako nagmamakaawa sa kaniya na kami na lang— na ako na lang ang piliin niya. Bumalik sa akin no'ng panahon na natulog ako sa isang matigas at maingay na kalsada habang sila ay mahimbing na natutulog sa malamig na kwarto at malambot na kwarto. Kung paano ako nahiwalay kay Mommy dahil sa kaniya.Magiging masama ba ako kung mas hihilingin ko na 'di ko na siya makita? Na sana maging masaya na lang siya sa desisyon niya? Masama ba ako kung hindi ko pa siya mapapatawad ngayon? At kung mapatawad ko man siya ay akin na lang 'yon. Sa puso ko na lang 'yon.Masama na ba akong anak dahil hindi ko pa siya kayang patawarin ngayon?“I’m sorry,” sabi nito habang nakayuko ang ulo. Mag isa siya ngayon na nasa aking harapan. Sa tatlong taong nakalipas ay malaki rin ang pinagbago ni Dad. Mas dumami ang puti niya

  • Chasing The Love   34

    CTL 34Sa tatlong taong lumipas sa buhay ko, aaminin ko hindi naging madali pero kahit papaano ay naging masaya ako. Gano’n naman talaga hindi ba? Kahit gaano pa kahirap ang buhay basta masaya ka— naging masaya ka pagtapos nang lahat ng sakit. Sa buhay natin meron at meron talagang worth it na igive up, magiging masakit man para sa atin pero darating ang panahon ay mapapasabi ka na lang sa sarili mo na ‘Tama ang naging desisyon ko’. It’s not all about who the people will leave behind because of that decision, it's all about what will be better for you and for those people. "Anong ginagawa mo rito?" gulat na tanong ko. Hindi naman ito sumagot at ngumisi lang sa akin. Huminga naman ako ng malalim kasabay no'n ang pag pikit ng aking mga mata at bumilang ng ilang segundo bago muling dumilat at ngumiti sa kaniya. "How are you?" Tanong niya sa akin. "I'm fine… I am really fine. Anyways, can we already talk about business hmm?" Ngumiti naman ito sa akin bago dahan-dahang tumango. Awkw

  • Chasing The Love   33

    CHAPTER 33 I'm walking in my former school's hallway, I was here to get some papers at the office that I'll be needing when I heard someone screaming. My forehead creased when I saw a group of people shouting at the woman who's shouting at them also. "Not everything on the internet is true! Wala alam 'yang pesteng internet na ‘yan ang meron ako o kung ano ang nangyayari sa amin!" she shouted. The girl who's making fun of her was about to say something again but I immediately grabbed the girl who's about to cry. A sweet scent. I feel addicted to her scent and I think I can'

  • Chasing The Love   32

    Chapter 32Unti-unti kong minulat ang aking mata. Tulala akong nakatingin sa kinsame habang iniisip ang lahat nang nangyari ngayong araw.Did he just break me?Muling nagpatakan ang mga luha mula sa aking mga mata habang inaalala ang mga senaryo na aking nakita kanina. Hindi ko ang alam kung ano ba talaga ang nararamdaman ko ngayon. I really feel disappointed in myself for giving him a second chance. It’s my fault why I'm suffering right now, I have a chance to confront him. I have a chance to avoid this situation but I still choose to be in this situation. I’m freaking disappointed in myself!“Gising ka na pala.” agad akong napatingin sa taong pinanggalingan ng boses na

  • Chasing The Love   31

    CHAPTER 31 Pagod ako ngayong nag lalakad pauwi. Gabi na ngayon, hapon ng mag simula ang exam namin. Habang nag lalakad ay iniisip ko kung nakauwi na ba si Laurence dahil kating-kati na akong makausap siya. Habang nag iintay ng binook kong grab ay binuksan ko muna ang aking twitter account. Habang nag sscroll ay napakunot ang aking noo nang makakita ako ng article kung saan nakita ko Ang pangalan ni Laurence do’n. ‘Falkerath Company new owner, Micael Laurence Falkerath and Model Rhaya Cristaline Schwartz reported dating. Agad kong binuksan ito at binasa. Halos manghina ako habang binabasa ito. Kaya pala… kaya pala lagi siyang ginagabi at walang kibo sa akin. Sunod-sunod na nag patakan ang mga luha ko sa aking. Nasasaktan ako sa nakikita ko, masakit. Is this the reason why he avoiding me? I feel betray. Pilit kong pinipigilan ang aking mga luha na muling gustong pumatak. Nakasakay na ako

DMCA.com Protection Status