Chapter 09
Masaya akong nakatingin sa salamin at pinagmamasdan ang buong katawan ko na nakasuot ng pang office attire na damit.
Monday na ngayon at ito na rin ang unang araw na may trabaho ako.
Nang mag sawa akong tignan ang aking sarili sa salamin ay agad na kinuha ko na ang aking mga gamit at umalis na. Sayang ang oras, mas ayos na maaga kaysa mahuli ako sa aking trabaho. Mahirap na baka di pa ako nag sisimula wala na agad.
Gaya nga nang inaasahan ay maaga akong nakarating sa Opisina. Wala pa si Mr. Falkerath at ang sekretarya nya ang naabutan ko sa loob ng Opisina.
“Mabuti at maaga ka, hindi nga kami nagkamali sa pagpili sa iyo.”
Short update for this day! 08-11-21 Enjoy Reading! Hope you like it! Don't forget to leave your reaction/suggestion/theory/etc. in this chapter! Muah, lab lab <3 - Author, LP
Chapter 10.1 Maaga akong pumasok ngayon dahil hindi magandang unang impresyon ang pagiging late lalo na at bago ang Boss ko simula ngayong araw. Wala pa ang Boss ko nang makarating ako kaya nag timpla muna ako ng kape para sa aming dalawa. Nag dalawang isip pa ako no’ng una dahil baka lumamig ngunit naisip ko na pwede namang i-microwave na lang. Habang nag iintay ay uminom lang ako ng kape na aking itinimpla at inaayos rin ang schedule ng aking bagong Boss. Agad akong napatayo nang makita ko ang lalaking seryoso na naglalakad patungo sa Opisina. “Good Morning po Sir,” Bati ko sa kaniya at sumunod sa loob ng Opisina.
Chapter 10.2 Dahil nga Lunch Break ay nagtungo ako sa Cafeteria para duon mag tanghalian. Napataas naman ang aking dalawang kilay nang makita ko kung gaano karami ang tao ngayon sa Cafeteria. Ibang iba kahapon dahil no’ng pumunta ako rito kahapon ay Break Time lang at may iba iba kaming oras nang Break Time pero ngayon ay Lunch Break at sabay sabay talaga kaya punuan. Luminga linga ako kung paano ako makakaraan patungo sa Counter sa dami ng Tao na naglalakad patungo sa kanilang kaniya-kaniyang mga upuan at nahaharangan nito ang daan patungo sa Counter. Nag buntong hininga na lang ako at naisipan ko na lang na kumain sa labas ngunit kailangan ko pang mag-taxi para makapunta ako sa kainan na aking naiisip dahil puro Establisyemento ng mga kumpanya ang nakapalibot sa lugar na ito at sabi nila ay tuwing hapon lang
Chapter 11.1 Nakasunod lang ako sa Boss ko habang kami ay naglalakad patungo sa appointment niya ngayong umaga kasama si Mr. De Jesus. As usual, nakasimangot na naman siya at wala pa ring pakialam sa kung ano-ano na nasa paligid niya. Nagtataka ako kung anong nangyari sa kaniya no’n dahil ang bait bait niya, ibang iba siya ngayon. Siguro dahil nasa harap kami ng mga bata? Napabuntong hininga na lang ako at itinuon ang aking atensyon sa paglalakad. Nang makarating kami ay agad kaming binati ni Mr. De Jesus at ang kaniyang Sekretarya. Nag susulat lang ako hanggang matapos ang kanilang meeting, gano’n din ang Sekretarya ni Mr. De Jesus. Parepareho naman kaming tumayo nang mag paalam na kami sa isa’t isa. “Thank
Chapter 11.2 “Kung alam mo lang.” Ikinwento ko sa kaniya ang mga pinag daanan ko sa kamay ni Laurence, simula sa Coffee incident hanggang sa nakaraan na pagpapahirap niya sa akin. “Ay demonyo pala ‘yang si Micael! Pero tuwing nando’n siya sa Orphanage ay parang Anghel sa kabaitan,” sabi ni Chelsea nang matapos kong ikwento sa kaniya ang lahat. Napabuntong hininga na lang ako at mas pinili ko na lang na tumahimik dahil baka kung ano pa ang masabi ko at mas lalong sumama ang tingin sa kaniya ni Chelsea. “Umalis ka na do’n Aicelle! Tumulong ka na lang sa amin sa Orphanage…” Pag aaya niya sa akin. Agad naman akong umiling sa kaniya. “Kaya ko na ang sarili ko Chelsea… you don’t need to worry.” Umil
Chapter 12.1 Days have passed at hindi ko alam kung ano bang mayroon sa Lalaking ito. Minsan akala mo ay parang Boyfriend, madalas parang dragon. Napabuntong hininga nalang ako habang inaalala ang kabaliwan niya. Para siyang si Laurence na nakilala ko sa Orphanage tuwing sweet at si Mr. Laurence naman pag seryoso siya sa trabaho. “Ms. Vasquez,” tawag sa akin ni Mr. Laurence kaya agad akong kumaripas ng takbo papunta sa kaniyang Opisina. “Yes Sir?” tanong ko. Tinignan ko naman siyang mabuti at nasisiguro kong seryoso siya ngayon sa kaniyang trabaho at walang balak makipag-biruan. “What’s my schedule for today, again? Sorry i’m preoccupied earlier, i didn’t hear it properly,” Tumango naman ako sa kaniya at nag paalam na kukunin ko lang muli ang aking notebook kung saan na
Nang matapos kami sa aming meeting ay nag paalam na kami sa isa’t isa. Nauna ang kliyente namin na umalis dahil may pupuntahan pa raw ito. Kaming dalawa naman ni Laurence ay naiwan lang dito. Tamang inom lang siya nang juice na sinerve kanina nang waiter. “Do you want to eat?” tanong nito na agad na ikina-iling ko. “You’re weird earlier.” Natigil naman ang pag babasa ko sa isinulat ko kanina dahil sa sinabi niya. “What do you mean?” Takang tanong ko. “I feel like you’re hiding from someone.” I suddenly cleared my throat, it feels like there’s something stuck on my throat. Nag tataka naman niya akong tinignan at tumingin din siya sa kaniyang likuran. “You’re really weird,” Muling sabi niya sa akin. Nagkibit balikat na lamang ako at ipinagpatuloy ang ak
Chapter 13.1 Hindi ko alam kung ano na ang nangyari sa kaniya dahil pagkabalik naming dalawa sa Opisina ay grabe ang sungit niya sa akin. Tahimik lang akong nakaupo ngayon sa aking table at inaayos ang kailangang ayusin. “Get in.” Halos mapatalon naman ako nang biglang may tumunog ang intercom. Huminga naman ako nang malalim at inayos muna ang mga papel na nakakalat bago ako nag tungo sa kaniyang Opisina. “Why did you take so long?” inis na tanong niya nang makapasok ako sa kaniyang Opisina. “Sorry Sir, nag ligpit pa po kasi ako nang mga nakakalat na papers.” Tumango naman ito at itinuro ang upuan na nasa kaniyang harap. Tumaas naman ang akin
Chapter 13.2 Tahimik lang na naka-tingin sa akin si Beau. Kita mo rin sa kaniyang mga mata ang awa, sakit at pag aalala. “Bakit hindi mo sinabi sa amin? We’re here for you Aicelle… sana sinabi mo sa amin ni Isla. Handa kami na tulungan ka.” Umiling naman ako habang pinupunasan ang aking mga luha. “Hindi, ayaw kong mag alala kayo sa akin. Marami rin kayong problema, ayokong dumagdag pa. Alam mo rin namang mainit ang mga Vasquez sa media kaya tiyak na hahabulin kayo nang media kung malaman nila na may koneksyon kayo sa mga Vasquez! Ayaw ko lang kayong madamay Beau.” Hinawakan naman niya ang aking mga kamay at tumitig nang diretso sa aking mga mata. “We don’t care, kahit patayin pa kami nang mga taong may galit sa iyo, wala akong pakielam.” Mas lalo naman akong naluha dahi
CHAPTER 39 Madiin kong ipinikit ang aking mga mata at malalim na huminga. “Mamaya na natin hanapin ‘yong may gawa nito, gawan muna natin nang paraan yung isusuot ng last model ah,” mahinang sabi ni Laurence sa akin. Tumango naman ako sa kaniya at pinunasan ang mga luha sa aking mukha. “Hahanapin natin yung may gawa nito ah, wag kang mag alala tutulungan kita. Kalma ka muna ngayon ah,” malambing na bulong muli nito sa akin. Tumingin naman ako sa aking mga staff na nasa loob ng kwartong ito at halos lahat sila ay nangingilid na rin ang mga luha. “Ma’am, ano na pong gagawin natin?” mangiyak-ngiyak na tanong ng aking sekretarya. Umiling naman ako dahil wala rin akong maisip na paraan para rito. Bigla naman tumingin sa akin ang aking sekretarya na para bang may naisip itong paraan. "Ma'am! Naalala niyo po ba 'yong unfinished gown na dapat ‘yong magiging main dress? ‘Yong hindi po natin natapos kasi tumutok tayo sa main dress na ‘to?” Bigla naman akong nabuhayan ng marinig ko
A/N: I’m back after almost a two months break! sorry na agad, nawriter’s block ang author. ‘Di kakacodm ko ‘to! Anyways, happy reading!CHAPTER 38~~~Hindi ako nakatulog kagabi kakaisip no’ng napanood ko. Parang paulit-ulit kong naririnig ang pag iyak niya at pag sabi na mahal niya ako. “Hello?” malakas na sabi ng aking sekretarya. Nanlalaki naman ang aking mata na tumingin sa kaniya dahil sa pagkagulat.“Ay, hello po ulit?” nahihiyang sabi niya sa akin. Parehas naman kaming napakamot sa aming mga batok at nag ngitian sa isa’t isa. “Sorry, ano nga ulit ‘yon?” nakangiting tanong ko sa kaniya. Nakakaloko naman itong ngumiti sa akin bago mag salita. “Mukhang may hindi nakatulog kagabi ah?” nang aasar na tanong nito. Pabiro naman akong umirap sa kaniya. “Eh, ‘bat ba?” parehas kaming tumawa bago niya ibinigay sa akin ang papel. “What is this?” tanong ko habang tinitignan ang mga ito. “That is the list of the people who are invited to the party this coming Saturday.” Napatango-tango
CHAPTER 37Nakangiwi ako ngayon habang hawak ng mahigpit ang unan dahil paulit-ulit na bumabalik ang tagpo namin ni Laurence. Sa hindi malamang dahilan ay ibinaon ko nang madiin ang aking mukha sa unan at tumili ro’n. “Nakakainis! Ayoko na, kakalimutan ko na siya. Umiiwas na ako!” pag kausap ko sa aking sarili. Bigla na naman akong natulala nang pumasok na naman ang eksena sa aking isipan. Naiiyak na ako! Bakit kasi ayaw niyang mawala sa isip ko? Huminga naman ako nang malalim para pakalmahin ang sarili ko at maalis ang kahilingan na makain ng lupa sa pagkakataong ito. Simula nang makalipat kami nang sasakyan ay hindi na naalis ang kahihiyan at guilt sa katawan ko. Ilang araw na rin ang lumipas at iniiwasan ko na nga siya at laging ang sekretarya ko na lang ang kumakausap sa kaniya para sa mga inumin na aming kinakailangan. Nalalapit na ang okasyon ng aming kompanya o ang pinaghahandaan na Fashion event na aming hinanda kung saan itatampok ang mga ipinagmamalaki naming designs.Ni
Chapter 36Habang naglalakad ako ay nakatingin pa rin ako sa kaniya at gano’n din naman ito. Hindi namin inaalis ang tingin namin sa isa’t isa. Pauwi na kami ngayon ni Isla dahil pagabi na rin. Simula kanina ay nandito na siya at nakamasid sa akin, ang akala ko nga ay aalis din siya at titigilan na niya ang kakatingin sa akin pero hanggang ngayon ay naroroon pa rin siya sa pwesto niya kanina. “Sino ba ‘yang tinitignan mo?” tanong ni Isla. Nakakunot pa rin ang noo ko nang bumaling ako sa kaniya kaya pati siya ay kumunot na rin ang noo bago tumingin sa tinitignan ko kanina. At gano’n na lang ang bilis nang pag babago ng emosyon nito nang makita ang taong kanina ko pa tinitignan na hanggang ngayon ay pinapanood pa rin kami. “Walangya! Anong ginagawa niyan dito?!” inis na tanong ni Isla.“Hindi ko rin alam. Hayaan mo na, baka may date sila ni Ms. Rhaya.” Pilit ko naman siyang hinatak patungo sa sasakyan na ginamit namin pero pilit naman itong kumakawala sa pagkakahawak ko at masama pa
Chapter 35Kaharap ngayon ang lalaking minsan kong hinangaan at minahal at siya ring lalaki na nagpagulo sa aking buhay. Habang nakatingin sa kaniyang mukha ay bumabalik ang ala-ala kung paano ako nagmamakaawa sa kaniya na kami na lang— na ako na lang ang piliin niya. Bumalik sa akin no'ng panahon na natulog ako sa isang matigas at maingay na kalsada habang sila ay mahimbing na natutulog sa malamig na kwarto at malambot na kwarto. Kung paano ako nahiwalay kay Mommy dahil sa kaniya.Magiging masama ba ako kung mas hihilingin ko na 'di ko na siya makita? Na sana maging masaya na lang siya sa desisyon niya? Masama ba ako kung hindi ko pa siya mapapatawad ngayon? At kung mapatawad ko man siya ay akin na lang 'yon. Sa puso ko na lang 'yon.Masama na ba akong anak dahil hindi ko pa siya kayang patawarin ngayon?“I’m sorry,” sabi nito habang nakayuko ang ulo. Mag isa siya ngayon na nasa aking harapan. Sa tatlong taong nakalipas ay malaki rin ang pinagbago ni Dad. Mas dumami ang puti niya
CTL 34Sa tatlong taong lumipas sa buhay ko, aaminin ko hindi naging madali pero kahit papaano ay naging masaya ako. Gano’n naman talaga hindi ba? Kahit gaano pa kahirap ang buhay basta masaya ka— naging masaya ka pagtapos nang lahat ng sakit. Sa buhay natin meron at meron talagang worth it na igive up, magiging masakit man para sa atin pero darating ang panahon ay mapapasabi ka na lang sa sarili mo na ‘Tama ang naging desisyon ko’. It’s not all about who the people will leave behind because of that decision, it's all about what will be better for you and for those people. "Anong ginagawa mo rito?" gulat na tanong ko. Hindi naman ito sumagot at ngumisi lang sa akin. Huminga naman ako ng malalim kasabay no'n ang pag pikit ng aking mga mata at bumilang ng ilang segundo bago muling dumilat at ngumiti sa kaniya. "How are you?" Tanong niya sa akin. "I'm fine… I am really fine. Anyways, can we already talk about business hmm?" Ngumiti naman ito sa akin bago dahan-dahang tumango. Awkw
CHAPTER 33 I'm walking in my former school's hallway, I was here to get some papers at the office that I'll be needing when I heard someone screaming. My forehead creased when I saw a group of people shouting at the woman who's shouting at them also. "Not everything on the internet is true! Wala alam 'yang pesteng internet na ‘yan ang meron ako o kung ano ang nangyayari sa amin!" she shouted. The girl who's making fun of her was about to say something again but I immediately grabbed the girl who's about to cry. A sweet scent. I feel addicted to her scent and I think I can'
Chapter 32Unti-unti kong minulat ang aking mata. Tulala akong nakatingin sa kinsame habang iniisip ang lahat nang nangyari ngayong araw.Did he just break me?Muling nagpatakan ang mga luha mula sa aking mga mata habang inaalala ang mga senaryo na aking nakita kanina. Hindi ko ang alam kung ano ba talaga ang nararamdaman ko ngayon. I really feel disappointed in myself for giving him a second chance. It’s my fault why I'm suffering right now, I have a chance to confront him. I have a chance to avoid this situation but I still choose to be in this situation. I’m freaking disappointed in myself!“Gising ka na pala.” agad akong napatingin sa taong pinanggalingan ng boses na
CHAPTER 31 Pagod ako ngayong nag lalakad pauwi. Gabi na ngayon, hapon ng mag simula ang exam namin. Habang nag lalakad ay iniisip ko kung nakauwi na ba si Laurence dahil kating-kati na akong makausap siya. Habang nag iintay ng binook kong grab ay binuksan ko muna ang aking twitter account. Habang nag sscroll ay napakunot ang aking noo nang makakita ako ng article kung saan nakita ko Ang pangalan ni Laurence do’n. ‘Falkerath Company new owner, Micael Laurence Falkerath and Model Rhaya Cristaline Schwartz reported dating. Agad kong binuksan ito at binasa. Halos manghina ako habang binabasa ito. Kaya pala… kaya pala lagi siyang ginagabi at walang kibo sa akin. Sunod-sunod na nag patakan ang mga luha ko sa aking. Nasasaktan ako sa nakikita ko, masakit. Is this the reason why he avoiding me? I feel betray. Pilit kong pinipigilan ang aking mga luha na muling gustong pumatak. Nakasakay na ako