Share

Chapter 002

Sa mamahaling resort na pag-aari ni Mr. Arnulfo Villarama, ang pinakabagong business partner ng Buenavista conglomerates ay ipinagdiriwang ang ika- tatlumpong kaarawan ng panganay na anak ng may ari ng Buenavista Conglomerates, si Zedrick Buenavista. Katatapos lamang ng pirmahan ng pagsasama ng dalawang higanteng kompanya, at heto bilang pasasalamat ni Mr. Arnulfo Villarama, hiniling niya na sa kanyang resort Idaos ang selebrasyon ng kaarawan ng anak ng may ari ng Buenavista Conglomerates na siya ring namamahala sa expansion and partnerships ng kompanya sa iba iba nitong share holders from local and international. Dahil dito naroon sa resort ang lahat ng empleyado ng kompanya, kasama pa sa kanila ang kanilang mga pamilya, maging ang mga malalapit na kaibigan.

Habang abala ang lahat sa, pag inom, pagkanta sa videoke at paglalangoy sa adult swimming pool, walang nakapansin sa isang batang tila ba nabutas ang salbabida nito at unti unting lumulubog habang nagkakawag kawag sa tubig, sa kids pool, tanda na hindi ito marunong lumangoy. Ang ilang mga batang naroon naman ay walang magawa at nagtitinginan lamang sabay lingon sa di kalayuang mga cottages kung nasaan ang mga kasamahan nilang mga guardians. May kung anong umahon na kaba sa dibdib ni Alona kaya inilibot niya ang mata sa paligid upang magulantang lamang sa kanyang masasaksihan.

“ May bata! Nalulunod !!!” Buong lakas nitong sigaw at mabilis na tumakbo upang sagipin ang nalulunod na bata.

Nasa halos one hundred fifty meters ang layo ng kids pool mula sa kinapupwestuhan ng kanilang cottage kaya nagmamadaling tinakbo niya ito ngunit nakakailang hakbang pa lamang siya ay may babaeng biglang sumulpot sa kung saan at dumaluhong ito patakbo sa batang nalulunod sa kids pool, binuhat ito at saka humarap sa tumatakbong papalapit na babae. Doon na napagtanto ni Alona kung sino ang batang nalulunod. Napahinto ito sa pagtakbo.

“Ashley! Anak ko!” Malakas nitong palahaw, Saka muling humakbang palapit.

“Kailangan syang madala sa hospital.”

Agad na kinuha ni Alona ang kanyang cell phone sa bulsa at nagdial dito. Mabilis ang naging pakikipag-usap niya sa kabilang linya habang si Ahtisa naman na buhat buhat ang bata ay nagmamadaling makalapit sa cottage kung saan nakita niyang nanggaling si Alona. Bago pa sya makapasok sa cottage ay sinalubong na sya ng mga tao doon.

‘Bahala na kung mahuli ako, mahalaga nailigtas ko ang batang ito.’

Bulong niya sa sarili.

Kanina habang siya ay tumatakas palayo mula sa mga CCTV’s at sa maraming mga grupo ng mga tao ay doon siya napadpad malapit sa kids pool kung saan may iilang bata lamang ang naroon at naglalaro sa swimming pool. Doon na niya nakita ang kakawag kawag at lulubog lilitaw na mga kamay ng bata sa parteng malalim ng pool, ngunit di naman kalaliman kumpara sa adult dahil ito ay nasa hanggang lagpas tuhod lamang ng isang full grown adult. Kahit pa alam niyang may CCTV doon na nakatutok sa mismong gawi ng pool, walang pag-aatubili na patakbong dinaluhong niya ang bata na nalulunod sa pool, kahit pa nga nasa bingit din ng kapahamakan ang kanyang buhay at kaligtasan.

Ilang sandali pa ay humahangos at naghihinagpis na lumapit si Alona sa anak na ng mga sandaling iyon ay lupaypay pa rin at tila ba wala ng ulirat.

“Anak ko! Gumising ka! Nandito na ang mommy!” Halos maglupasay nitong pagsusumamo sa naghihingalong bata habang inaalog-alog ang katawan nito.

Ilang saglit pa ay dumating na ang mga medical officials ng hospital na tinawagan nito sa cell phone bitbit ang reclining bed. Agad na isinakay doon ang nakapikit na ang mga matang bata at tila wala ng ulirat. Habang ipinapasok sa loob ng ambulansya ang bata, nakita niyang pumasok ang ina nito. Agad siyang lumingon sa paligid…

‘Kailangan kong makatakas dito,’

Wala nga siyang pinalagpas na sandali, mabilis din siyang pumasok sa loob ng ambulansya at agad na umupo sa gawing paanan ng bata, na noon ay kinabitan na agad ng oxygen, minasa- masahe ng bahagya ang mga paa nito at saka nagwika,

“Kayanin mo, lumaban ka, wag na wag kang bibitaw ha!”

Pag angat ng kanyang mukha ay sinalubong ito ng tingin ng Ina ng bata na nagtatanong. Agad namang naintindihan niya ang tingin nito.

“Sorry mam. Nadala lang naman ako ng emosyon.” Katwiran niya.

Ngumiti ang ina ng bata.

“Maraming salamat sa iyo. Utang ko sa iyo ang buhay ng anak ko.” Mangiyak ngiyak nitong pahayag.

“Wag ka mag alala mam, ginawa ko lang ang tama. Ipagdasal natin na makaligtas siya.”

Malapad na ngumiti si Alona sa kanya bilang tugon nito.

Ilang saglit pa ay dumating na sila sa emergency entrance. Agad na inilabas ang bata at idiniretso sa emergency room. Nang mapagsolo na sila sa labas ng emergency room, saka napansin ni Alona ang kasamang babae. Magulo ang buhok nito at walang sapin sa paa. Basang basa din ang buhok nito at buong katawan dahil sa pagdaluhong nito sa anak niya sa pool.

“ Pag OK na si Ashley gusto mo ba mamasyal tayo sa mall para maibili kita ng kaunting gamit mo?.”

“Hindi na mam, masaya na ako na makaligtas siya sa kapahamakan.” Pagtanggi niya sa alok nito.

“Pero hindi naman pwede na m*****d ka sa basa. Magpapadala na lang ako dito ng mga damit at sapatos para sa iyo.” Pagpipilit nito kaya wala na siyang nagawa kundi ang sumangayon na lang dito.

“Saka isa pa, wag mo akong tawaging mam, just call me Alona, Alona Montalban. Mukha namang magkaedad lang tayo? O baka mas bata ka pero di nalalayo ang edad ko sa iyo?”

Tumango lang siya dito at tipid na ngumiti.

“ Anong pangalan mo nga pala?”

Nag- aalanganin pa siyang magpakilala dito subalit nang makita niya ang sensiridad sa mukha nito ay sinabi na rin niya ang kanyang pangalan.

“Ahtisa De Guzman, wala akong nickname kaya tawagin mo nalang akong Ahtisa.” Pakilala niya.

Malapad itong ngumiti. Maya- maya pa ay dinukot nito ang cell phone at may tinipa tipa doon, saka siya muling kinausap.

“Ito ang F******k account ko, please add me.” Wika nito habang ipinapakita ang profile nito sa kanyang cellphone screen. Tinitigan naman niya iyon at matamang minimorya ang pangalan nito sa F******k, maging ang profile picture nito.

Hindi pa nakontento, nagpaalam ito saglit, lumapit sa receiving window, at matapos ang ilang sandali bumalik din naman agad bitbit ang ball point pen at isang maliit na piraso ng papel. Nagsulat ito roon, at nang matapos ay iniabot ito sa kanya.

“Nakasulat diyan ang full name ko, at phone number, please keep it, then call me para maisave ko rin ang number mo ha, Ahtisa.”

“Oo ba, “ tipid nyang sagot dito sabay ngiti.

Matapos mairevived ang bata ay dinala na ito sa private room nito at doon inoobserbahan. Naroon na rin silang dalawa at nakatunghay dito habang ito ay nakahiga sa kama na may nakakabit na swero. Stable na ang lagay nito ngunit wala pa ring malay.

“Paprating na ang asawa ko, siya na ang nagdala ng mga damit at sapatos na para sa iyo.”

“Salamat,” tugon niya habang nakangiti. “Mukhang nakaabala pa yata ako.”

“Hindi naman, katunayan gusto na niya pumunta kanina pa kaso lasing na lasing na, pinagkape raw muna para mahimasmasan bago nila pinayagan pumunta dito. Saka hindi siya pinayagan mag drive. Bale kasama niya ang staff ng resort na nagdadrive para sa kanya now.”

Biglang umahon ang kaba sa kanyang dibdib, ngunit sinikap niyang di mahalata ng kaharap.

“Pupunta muna ako saglit sa toilet.” Pamamaalam niya dito.

“Ok, sige, baka pagbalik mo nandito na sila kasi malapit na raw eh.”

Mabilis na siyang humakbang patungo sa gawi ng palikuran. Mabilis pa rin ang kabog ng dibdib niya. Hindi siya sigurado sa nangyari sa matandang lalaki na hinampas niya ng vase sa ulo. Natatakot siya na baka napatay niya ito, at baka sa mga sandaling ito ay may nakakita na sa katawan nito sa loob ng kwartong iyon. At maaaring nakapagsumbong na iyon sa polisya at maaaring pinaghahanap na siya.

Sa loob ng toilet ay di pa rin siya mapakali ngunit pilit niyang kinakalma ang sarili.

‘Ako ang biktima dito, ipinagtanggol ko lang ang sarili ko.’

Pagbalik sa private room, dahan dahan niyang iniangat ang pinto, dahil baka nga naroon na ang asawa ni Alona, at hindi nga siya nagkamali. Sa pag-awang nito ng bahagya ay narinig niyang may kausap na si Alona sa loob.

“Alam mo bang napuruhan sa ulo? Hindi ko alam kung makakakligtas pa ‘yon kasi marami ng dugo ang nawala sa kanya bago pa siya natagpuan sa silid.” Narinig niyang kwento ng boses na mula sa isang lalaki, malamang na ito na ang kanyang asawa.

Bigla niyang naalala ang tinakasang silid. Isa itong malaking silid na may napakaeleganteng disenyo sa loob. Nang makalabas siya dito ay doon niya napgtantong malayo ito sa iba pang mga gusaling naroon at may malawak itong hardin sa labas kung saan naroon din ang isang

malaking pool, tila ba napakapribadong lugar nito at siguradong sumigaw ka man ay di basta basta maririnig ng ibang tao na naroon dahil halos kilometro ang layo in circumference. Natandaan din niyang nilingon niya ang pinagmulang silid at doon niya nakitang isa iyong bungalow type house na may marangyang disenyo sa labas. Ito marahil ang dahilan kung bakit ngayon lamang nila natagpuan ang matandang iyon.

‘Pero sana hindi pa huli ang lahat, sana buhay pa siya.’ Abot-abot niyang dasal.

“Sa ngayon nandito rin sya sa hospital na ito, nauna lang siguro sa akin ng dating dahil naka-ambulansya. Mamaya papasyalan ko sya kapag ipinasok na siya sa room niya.”

“Sino raw ang magtatangka nitong gumawa sa kanya?” Narinig niyang tanong ni Alona sa kausap.

“Hindi pa rin alam. Ang pagkarinig ko ipinahahanap na sa ngayon. Wala pang tinukoy na suspect pero pinaghihinalaan yata ‘yong niregalong babae.”

Sa pagkagulat sa narinig ay nabitiwan niya ang pagkakahawak sa đahon ng pinto at dahil doon sumara ito na lumikha ng bahagyang tunog.

Nagulat siya sa tunog na iyon, ngunit higit na nagulat at nagtaka ang mag-asawang nag-uusap sa loob na sabay pang napalingon sa gawi ng pinto na pinagmulan ng tunog.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status