Share

Chapter 004

“Oh anong nangyari sa iyo? Bakit nakatapak ka na?” Puna ni Jerry nang napansin na walang suot sa paa ang asawang si Alona pagbalik niya galing sa labas.

Biglang nataranta si Alona. Lasing ito nang dalhin ni Ahtisa ang anak nila sa cottage kaya maaaring wala itong alam sa mga pangyayari. Biglang naisip ni Alona na wag ng ipaalam dito ang lahat, para na rin sa kaligtasan ni Ahtisa.

“Ah, ito, kanina pa akong walang suot, di mo ba napansin? Kaya nga ipinadala ko sa iyo ang sapatos ko.” Pagdadahilan niya, subalit tila hindi ito naniniwala.

“Alam ko naka tsinelas ka kanina.”

Bigla siyang kinabahan sa narinig. Baka pati ang kanyang suot na cardigan ay tanda nito?

“Pati ‘yong damit mo, kanina may suot kang gray cardigan, ngayon plain white t-shirt na lang ang suot mo.”

At di nga siya nagkamali. Tanda nito ang lahat ng suot niya.

“Baka naman namalikmata ka lang babe”, patuloy niyang pagtanggi dito kahit pa alam naman niyang tama ang mga sinasabi nito.

“Sinabi nga pala ni manong Rodger may kausap kang babae sa may hallway, sya ba yong nagligats kay Ashley na kasama mo dito sa hospital?”

Muli sana siyang tatanggi ngunit marami na syang nasabing kasinungalingan sa asawa, na pansin naman niyang alam nito ang totoo. Nakokonsensya na rin siya, at iniisip niyang baka sila naman ang magkatampuhan kung malaman nitong nagsisinungaling siya para sa ibang tao. Dahil dito naisipan na rin niyang umamin at ipagtapat ang lahat.

“Oo siya nga, u… umuwi na. Hinabol ko lang para magpsalamat.” Pagsisinungaling niya na halata naman ng kanyang asawa.

“Asawa mo ako, hindi ka makakapagsinungaling sa akin. “

“Je…Jerry… be… babe, ano… ganito kasi yan….”

“Sino ba ‘yong babaing ‘yon?” Putol nito sa sasabihin niya. “May idea ka ba? Hindi kaya siya ‘yong iniregalong babae na ipinapahanap na sa ngayon na di umano ay syang pumalo sa ulo ng personal secretary ng may ari ng resorts?” Prankang tanong nito.

“Kung siya? Eh ano naman? Wala akong pakialam doon at hindi ka rin dapat nakikialam. Hindi mo ba alam na kung wala ang babaing ‘yon baka hindi mo na masisilayan ang anak mo ngayon. Siya ang nagligtas sa buhay ng anak mo!” Pagtatanggol niya kay Ahtisa sa asawa.

“Babe… wala kang narinig, wala kang nakita. Wala kang pagsasabihan na may nakilala akong babae sa resort. Walang dapat makaalam ng tungkol sa kanya lalo na ‘yong mga staff ng resort. Hindi natin alam kung ano ang pwede nilang gawin sa kanya sakaling matagpuan siya.” Pagpapatuloy niya na lalong ikinabahala ng asawa.

“Babe, kaya nga mas dapat natin siyang isuko. Kasi kapag may nakaalam na may kinalaman tayo sa pagtakas niya bka pati tayo malapit nito.”

“Anong isusuko?!” Hindi na niya napigil ang magtaas ng boses sa asawa. “Nasisiraan ka na ba ng bait? Hindi mo ba alam kung anong maaaring ginawa nila sa kanya kaya niya nagawa ang ganoon dun sa secretary ng may-ari ng resort? Hindi mo ba naiisip na baka inabuso siya ng… hindi lang iisang tao? Ang sabi mo iniregalo? Alam mo ba ang ibig sabihin no’n? At paano kung ginawa yan sa kanya beyond her desire? Mag-isip ka nga Jerry!” Halos lumabas na sa apat na sulok ng silid na iyon ang lakas ng boses niya habang ang asawa naman ay tila napapaisip na rin.

At dahil nga sa lakas ng boses niya, unti- unting gumalaw, hanggang sa tuluyan ng magising ang kanilang anak.

“Ma …. Mommy?!”

Sabay na naplingon ang mag-asawa sa anak na nasa higaan.

“Anak”, si Alona.

“Gising ka na!” Si Jerry.

“Mommy! Daddy!”

Tawag nito kaya mabilis na nagsilapit at naupo sa gilid ng kama ang mag-asawa. Marahang hinahaplos ni Alona ang mukha ng anak, habang si Jerry naman ay nakangiti dito. Agad na rin niyang pinindot ang button sa gilid ng hospital bed kaya ilang saglit pa ay dumating na ang doctor at isang nurse sa loob ng kanilang silid.

“Ok na po ang pasyente.” Panimula ng doktor matapos ang ilang pagsusuri. Maya-maya pa ay may iniabot itong mga papel sa kanilang mag-asawa, at si Alona na ang tumanggap.

“Pakipirmahan na lang po iyan, then pakidala sa cashier. After payment pwede niyo na po siya ilabas ngayong araw. Basta tandaan niyo lamang po huwag pabayaan ang bata sa pool na naglalaro ng walang guardian, ano po?” Bilin pa nito.

“Opo doktor! Tatandaan po namin ang mga sinabi niyo.” Halos magkoro pa ang magkabiyak.

Pagkaalis ng doktor at nurse, nagsimula na ring magligpit ng gamit si Alona, habang ang kanyang asawa naman ang inutusan niyang maglakad ng mga babayaran sa hospital.

Matapos noon, masayang umuwi ang tatlo sa kanilang tahanan.

Samantala, sa boardinghouse na tinutuluyan ni Ahtisa, hapon na nang siya ay makauwi. Hindi sya natulog dito nang nagdaang gabi dahil nga sa naroon siya sa resort na iyon, at ngayon lamang siya nakauwi. Panggabi sa trabaho si Myla, ang kanyang board mate at best friend, kaya wala rin itong alam if saan siya natulog kagabi. Hindi rin niya alam kung dapat ba niyang sabihin dito, o may dapat ba siyang sabihin dito.

Bago pumasok sa kanyang silid, dahan-dahan niyang inangat ng bahagya ang pintuan ng silid ni Myla, sapat para lamang makasilip ang kanyang isang mata sa loob no’n. At nang makitang natutulog ito ng mahimbing, muli na niyang isinara ang pintuan at tuluyan ng pumasok sa kanyang silid para makapagpahinga.

May pasok ito ngayong gabi kaya kung matutulog siya hanggang sa makaalis ito ng bahay ay makakaiwas siya sa mga tanong nito sa kanya.

Isang malalim na buntong hininga ang kanyang pinawalan.

‘Hindi ko pa rin alam ang tunay na nangyari s akin nang nakaraang gabi sa loob ng silid na iyon sa resort kaya hindi ko alam paano sasagot sakaling tanungin niya ako. MAs mabuti ng wag na lang muna kami mag-usap para wala akong problema.’

Nakaka-ilang baling na siya sa kama ay hindi pa rin siya dalawin ng antok. Mag aalas sais na ng gabi kaya alam niyang gigising na rin si Myla. At kapag naabutan nitong gising pa siya ay katakut takot na tanong ang ibabato nito sa kanya, na batid niya sa sarili niyang hindi niya kayang sagutin… sa ngayon dahil naguguluhan p rin siya at blanko pa rin sa mga pangyayari. Pero iisa lamang ang pwedeng makapag sabi sa kanya ng katotohanan para malaman ang lahat. Iyon ay walang iba kundi si Angela.

‘Ang walang hiyang Angela na iyon!’ Biglang sumagi sa isip niya.

‘Maaaring siya ang may pakana ng lahat, pero bakit? Anong kasalanan ko sa kanya? Bakit nagawa niya sa akin ito? Saka bakit sa akin pa na close friend niya?’

Bigla syang napalingon sa mesita kung saan nakapatong ang larawan nilang dalawa ni Angela na nakaframe. Naroon din ang isa pang larawan niya kasama naman si Myla. Muli niyang ibinaling ang titig sa mukha ni Angela sa larawan. Dahil sa matinding galit ay nakuyom niya ang kanyang mga palad.

‘H@yop ka Angela! Maghaharap tayo at pagbabayaran mo itong ginawa mo sa akin! Magbabayad ka!’

Nangingilid ang luha habang unti-unti na niyang ipinipikit ang kanyang mga mata.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status