Matapos lumikha ng ingay sa pintuan, alam na niyang narinig iyon ng magkausap sa loob at marahil nagdududa na ang mga ito, lalo na si Alona sa pagkatao niya. Baka nga isinuplong na siya nito sa kausap, sa loob-loob niya. Bigla siyang sinaklot ng matinding takot. Dahil doon nagmamadali siyang tumakbo palayo sa pintuan ng silid na iyon at tumakbo sa hallway na tinutumbok ang direksyon ng labasan.
‘Kailangan ko ng makalayo dito.’ Usal niya sa sarili habang natakbo. Habang tinatakbo ang hallway ay may natanaw siyang makakasalubong na papalapit na lalaki. Agad siyang nagmenor at dahan dahang lumakad na walang lingun-lingon sa gilid sa gawi ng papalagpas na lalaki. Pagkalagpas na pagkalagpas ng lalaki ay muli na naman sana siyang tatakbo ng biglang marinig niya ang boses sa likuran. “Ikaw po ba ang driver ng resort?” Narinig niyang tanong ng boses babae sa kakalagpas lamang na lalaki, na kung hindi siya nagkakamali, boses iyon ni Alona. ‘Sinusundan ba niya ako?’ Lalo siyang kinabahan. Binilisan niya ang paghakbang sa hallway upang marating agad ang labasan habang abala pa ang dalawa sa pag-uusap. “Naroon po siya sa silid ng anak namin, room 205 po, pwede nyo po sya puntahan doon.” Narinig niyang pagpapatuloy nito. Lalo niyang binilisan ang mga paghakbang I ill nang maulinigan niyang humakbang ng papalayo ang lalaki, ngunit may mga yabag na papalapit ng papalapit at tila ba hinahabol siya. Binilisan niya is lalo ang mga hakbang at nagulat pa siya nang marinig ang mga patakbong yabag nito. “Ahtisa! Wait!” Hindi na rin ito nakatiis at tinawag na siya. Napahinto naman siya sa paglakad ng mabilis. Lilingunin na nya sana ito ngunit mas nauna pa itong makarating sa gawi ng kanyang harapan. “Akala ko ba magtoilet ka lang?” Bungad nito sa kanya habang humahangos. “Kailangan ko na umuwi eh.” Katwiran niya at akma na siyang tatalikod nang biglang hawakan siya sa kamay ni Alona. “I…Ikaw ba yong babaeng niregalo daw?” Biglang naitanong nito. Ikinagulat naman niya ang tanong na ito dahil hindi niya iyon inasahan, at isa pa hindi niya rin iyon alam. Hindi niya alam na iniregalo siya dahil ang alam niya dinala siya doon ng kaibigang si Angela para mag host ng birthday program at hindi para maging regalo. “Hi… hindi ko alam ang sinasabi mo!” Tanggi niya dito dahil ‘yon naman talaga ang alam niya. Hinila ni Alona ang kanyang kamay at mahigpit niya iyong hinawakan. “Kakampi mo ako, magsabi ka lang tutulungan kita.” Pag-aalo nito. “Kung kailangan mo ng hustisya sabihin mo rin sa akin matutulungan kita. Sabihin mo sa akin kung ano ang ginawa nila sa iyo. Tutulungan kita sa abot ng aking makakaya.” Pagsusumamo nito habang nakatitig sa kanya, na hawak pa rin ang kanyang kamay, habang siya naman ay unti-unti ng nangingilid ang luha sa mga mata. Hindi iyon nakaligtas sa mga mata ni Alona kaya agad niyang hinila si Ahtisa at humakbang silang magkasabay palabas ng hospital. Nagtataka naman si Ahtisa sa ikinikilos nito, pero umayon na rin siya dahil nararamdaman niya na may concern ito sa kanya. Sa likod ng hospital, malapit sa parking area nakarating ang dalawang babae. “Inabuso ka ba sa resort? Anong ginawa nila sa iyo?” Bakas ang pag-aalala sa tanong nito, na siyang naging dahilan kaya tuluyan na niyang pinawalan ang mga luhang kanina pa niyang pinipigilang tumulo. “Alona,” Panimula niya kasunod ang malakas na hagulgol. “Tulungan mo ako, gusto ko ng makauwi tulungan mo ako!” Bakas ang takot sa kanyang gumagaralgal na boses kasunod ang mga paghagulgol. “Ang sabi nila magpart time ako doon as host pero niloko nila ako! Niloko nila ako! Demonyo sila! Mga hayop sila!” At mas lalo pa siyang humagulgol. Dito na may kung anong kurot na naramdaman si Alona sa kanyang puso. Awang awa siya sa babaeng umiiyak sa harapan niya. Hindi man nito aminin siguradong inabuso ito, sa hitsura pa lamang ay nakasisigurado na siya, lalo pa nang malaman niyang may iniregalo pa lang babae sa loob ng resort. ‘Pero sino ang nagregalo at para kanino siya iniregalo?’ Hindi naman pwedeng sa birthday boy na anak ng amo niya dahil ang alam niya ay may girlfriend ito na isang sikat na model. Maaari kayang may stag party na ginaganap sa nasabing resort na kasabay ng birthday party ng anak ng amo niya at ang babae ang iniregalo sa groom at mga kasama nito at pinagpasa-pasahan siyang abusuhin ng mga ito? Ngunit matanda na ang taong pinalo ng flower vase at ito ay personal secretary ng may-ari ng resort, hindi ito maaaring maging isang abay sa kasalan. ‘Hindi kaya pati mga ninong sa kasal nakitikim din sa ‘regalong babae’ Napasinghap pa si Alona sa isiping iyon. ‘Kung gayon ay grabe naman ang pinagdaanan ng babaeng ito, deserved ng lalaking iyon ang mahampas sa ulo.’ Mabilis na hinubad ni Alona ang suot na cardigan at isinuot iyon sa kanya. “Here, isuot mo ito.” Hinubad din nito ang suot na slippers at inilapag iyon sa harapan ng mga paa niya. “Gamitin mo na rin ito.” Matapos no’n ay bahagya nitong inayos-ayos ang magulo niyang buhok, “Wait,,,” Pagkasabi niyon ay hinubad nito ang suot na headband sa ulo at isinuot iyon sa kanya. “Yan hindi na magulong tingnan ang buhok mo.” Pagkatapos siyang ayusan, dumukot ito sa bulsa at mula doon inilabas ang isang wallet. Nagulat pa siya nang mula doon ay maglabas ito ng maraming paper bills at iniabot iyon sa kanya. “Here, tanggapin mo ito. Wag mo ng tanggihan dahil alam kong kailangan mo. Ikukuha na kita ng taxi.” Pagkasabi nito ay agad na inilabas nito ang cellphone mula sa isa pang bulsa nito, saka saglit na nagtipa doon. “Ilang saglit lang darating na yong cab na kinontak ko. ‘Wag kang mag-alala, wala akong nakita, wala akong narinig. Walang makakaalam na nagkakilala tayo. Kahit asawa ko hindi ko hahayaang may malaman tungkol sa iyo. Dito man lang mabayaran ko ang pagliligtas mo sa buhay ng anak ko. Utang ko ‘yon sa iyo. Basta kapag may pagkakataon ka please call me or contact me on my F******k, or just text me or contact my number, hihintayin ko.” Maya-maya nga ay dumating na ang taxi na kinontak nito at pumarada iyon sa mismong harapan nila, Saka bumukas ang pintuan sa likuran. “Sige na sumakay ka na.” Nagmamadaling iginiya na sya ni Alona papasok subalit muli siyang lumabas at mahigpit na yumakap dito. “Salamat! Hinding hindi ko ito makakalimutan! Maraming salamat! Iniligtas mo ako! Maraming salamat!” Umaagos ang luhang usal niya habang mahigpit pa ring nakayakap kay Alona. Si Alona naman ay buong higpit ding tumugon ng yakap dito. “Utang ko rin sa iyo ang buhay ng anak ko kaya gagawin ko ang lahat makabayad lang sa iyo ng utang na loob.” Saka ito bumitaw sa pgkakayakap. “Sige na sumakay ka na.” Pagkasakay niya sa loob ay nag-abot ng nasa halagang tatlong libong piso si Alona sa driver. “Pakihatid po siya sa address na sasabihin niya. Kapag kulang pa iyan, balikan niyo ako dito sa hospital.” Iyon ang huli niyang narinig bago tuluyang isara ng driver ang bintana sa harapan. Kumakaway pa ito sa kanya habang papalayo ang sinasakyang taxi.“Oh anong nangyari sa iyo? Bakit nakatapak ka na?” Puna ni Jerry nang napansin na walang suot sa paa ang asawang si Alona pagbalik niya galing sa labas. Biglang nataranta si Alona. Lasing ito nang dalhin ni Ahtisa ang anak nila sa cottage kaya maaaring wala itong alam sa mga pangyayari. Biglang naisip ni Alona na wag ng ipaalam dito ang lahat, para na rin sa kaligtasan ni Ahtisa. “Ah, ito, kanina pa akong walang suot, di mo ba napansin? Kaya nga ipinadala ko sa iyo ang sapatos ko.” Pagdadahilan niya, subalit tila hindi ito naniniwala. “Alam ko naka tsinelas ka kanina.” Bigla siyang kinabahan sa narinig. Baka pati ang kanyang suot na cardigan ay tanda nito? “Pati ‘yong damit mo, kanina may suot kang gray cardigan, ngayon plain white t-shirt na lang ang suot mo.” At di nga siya nagkamali. Tanda nito ang lahat ng suot niya. “Baka naman namalikmata ka lang babe”, patuloy niyang pagtanggi dito kahit pa alam naman niyang tama ang mga sinasabi nito. “Sinabi nga pala ni
Nang tumunog ang alarm ay agad na nagising si Myla at pinatay iyon. Eksakto alas siyete na ng gabi at Ora’s na iyon para gumayak siya papasok sa trabaho. Twenty four hours open ang fastfood chain na pinapsukan nila kaya nagpanggabi siya. Maliit man ang sahod, at least may nightshift incentives siyang nakukuha kaya nalaki na rin ang kanyang sahod. Sapat na iyon para sa gastusin sa buong buwan at pagpapadala sa pamilya. Di tulad ni Ahtisa, si Myla ay hindi na nag-aaral pa. Full time staff siya sa fastfood at sa bahay at trabaho na lamang umiikot ang mundo niya. Matapos bumangon at lumabas sa silid, agad niyang binuksan ang silid ni Ahtisa para silipin kung nakauwi na ba ito. Nang makita niyang natutulog na ang kaibigan ay muli rin niyang isinara ang pinto, saka nagtuloy na sa komedor upang magluto ng kanilang hapunan at babaunin niyang pagkain. Ilang Ora’s ang lumipas, at natapos na rin ang paggayak niya, at heto na siya, palabas ng apartment. Mula dito ay lalakarin niya ng halos dampin
Pag-uwi ni Myla ay hindi na niya naabutan pa sa boarding house ang kaibigan. Sinubukan niyang tawagan ito subalit unattended iyon. Agad siyang dumiretso sa kusina upang tingnan kung kumain ba ito, at nang makitang halos nangalahati ang kanyang niluto nang nagdaang gabi para sa kanilang dalawa ay napangiti siya. ‘Mabuti naman at kumain siya.’ Sa totoo lang ay nag-aalala pa rin siya para sa kaibigan. Alam niyang maaaring may pinagdaraanan ito na hindi niya alam. Masyado kasi siyang naging busy nitong nga nakaraang linggo kaya hindi na niya napansin ang anumang kakaibang ikinikilos ng kaibigan. ‘Kailangan ko syang makausap sa day off ko,’ aniya. Sa school, maagang maaga pa ay naroon na sa loob ng campus si Ahtisa, pero wala siyang balak na pumasok sa kanyang silid. Naroon sya sa may hallway na madaraanan papunta rito,nakaupo lamang sya doon at panay ang tanaw sa mga paparating na estudyante, hanggang sa matanawan niyang paparating ang partikular na mukhang inaasahan niya. Agad s
Hinintay niya na mailipat sa pirvate room nito ang ama bago kausapin ang ina para magpaalam dito. “Ngayon ka pa aalis kung kailan malapit ng magising ang iyong ama?” Tangkang pigil nito sa kanya nang magpaalam siya na babalik sa school dahil may kailangan siyang ayusin. Lingid sa kaalaman ng kanyang ina, na ang kailangan niyang ayusin ay walang iba kung hindi si Angela, ang kanyang kaklase. “Babalik po ako agad, may kailangan lang po akong ayusing importanteng bagay.” Pagdadahilan niya sa ina. At hindi na nga siya napigilan pa nito. Hinayaan na nitong umaalis siya ng hospital sa pangakong babalik din agad. Dahil halos wala ng natira sa allowance niya nang ibayad nya ito sa taxi ay nag bus na lang siya pabalik sa school. Sakto eleven thirty na ng tanghali, tamang tama sana iyon para pagdating niya sa school lunch break na. Ngunit dahil naghintay pa sya ng bus ay naatrasado siya. Medyo late na sya nakabalik, kaya naroon na ang lahat ng mga estudyante nang makarating sya sa
Tanghali na nang makauwi si Myla mula sa trabaho. Panggabi pa rin ito at pinag-overtime sya kaya ang pangkaraniwan na niyang uwing alas otso ng umaga ay inabot na ng alas diyes. Pagdating sa bahay ay nagulat pa siya nang makita na naroon pa si Ahtisa, nakahilata sa kama nito habang busy sa kakatype sa screen ng cell phone nito. Sa sobrang busy nga nito ay ni hindi nito namalayan ang pagdating niya. “Ehem!” Malakas nyang tikhim sa bungad ng pinto upang pukawin ang atensyon nito, agad namang napalingon sa gawi niya ang dalaga. “Nariyan ka na pala!” Pagtataka pa nito. Ngunit siya ang mas nagtaka dahil hindi ito pumasok sa school kahit pa tapos na ang bakasyong hiningi sa paaralan para maalagaan ang amang inoperahan. “Wala kang pasok ngayon?” Ngumiti muna ito bago nagsalita. “Hindi na ako papasok.” Nagulat pa si Myla sa sagot nito ngunit mas ikinabigla niya ang mga susunod pang maririnig mula rito. “Mag-aapply ako papuntang Japan.” “Japan? Bakit? Bakit ka naman mag-aabrod
“Jerry! Babe!” Halos mabingi si Ahtisa sa sigaw ng babae na di kalayuan sa harap niya. Masakit ang katawan niya mula sa pagkakabangga sa kasalubong ngunit mas nakakairita at mas masakit sa tenga ang tili ng babae di kalaylan sa kanyang harapan. Agad siyang nag-angat ng tingin, iyon ay upang mabigla lamang nang makilala ang kaharap. “Alona?” Tulad niya ay nabigla din ito nang mapgtanto kung sino siya. “Ahtisa? Ikaw ba yan?” Nanlalaki ang mga matang tanong nito. “Alona?” Halos kasabay nito na nagulat din siya sa kaharap. “Ikaw nga.” Masayang pagkumpirma nito sabay hila sa braso niya para makatayo ng maayos. Pagkatayo niya ng maayos, agad na ipinakilala sa kanya ang asawa nito na noon ay hinahamig ang sarili habang hila-hila pa rin ang tali ng aso. “Asawa ko nga pala, si Jerry.” Agad na napatingin siya sa gawi ng lalaki na saktong lumingon din sa kanya pagkarinig ng pagppakilala sa kanya nito dito. “Hi”, halos nagkoro pa ang dalawa. “Ayos ka lang ba?” Tanong
Kinabukasan, wala pang alas siyete ay nakagayak na si Ahtisa. Hindi siya maaaring mahuli sa sinabing oras ni Alona. At gaya ng isa sa mga bilin nito, kailangan na naka formal dress or suits sya pagpumunta kaya talagang Bağsaray pa siya sa isang ukay ukay para lamang makahanap ng isang ternong suit at skirt na babagay sa kanya. Sa loob noon ay sinuot niya ang dati na niyang blouse na color white. Sa ukay ukay na rin siya nakahanap ng sapatos na maipapareha niya sa kanyang damit. Paglabas niya ng gate ng boarding house ay may dumaang pampasaherong tricyvle at pinara niya iyon. Sa terminal ng train na siya nagpahatid. Malapit sa estasyon ng train ang address ng gusali na nasa business card na ibinigay sa kanya ni Alona. At mula sa estasyon na iyon ng train ay nasa halos five hundred meters lang ang layo nito, pwedeng pwede niyang lakarin mula roon. Iyon din ang dahilan kaya siya gumayak ng maaga, upang lakarin na lamang ang pagpunta roon dahil hindi naman ganoon kalayuan mula sa estas
First day ni Ahtisa sa Buenavista Corporation, at dahil wala siyang experience na magtrabaho sa isang corporate world ay sinabihan siya ni Alona na panoorin niya at tutukang maigi ang lahat ng kanyang ginagawa, maging ang mga taong kanyang tinatawagan o pinapadalhan ng mensahe ay dapat niyang bigyan ng pansin. “Hindi naglalagi dito si boss dahil marami siyang appointments at ikaw din ang mag-aasikaso sa lahat ng mga appointments na iyon.” At gayon nga ang kanyang ginawa. Kapag may mga kailangang buhatin ay siya na ang nagbubuhat, dahil na rin sa kalagayan ng kaibigan. Sa ngayon ay tumatayo muna siya bilang assistant nito, at sa oras na matapos nito ang natitirang kulang kulang isang buwan sa kontrata nito ay siya na ang mag-isang mag tatrabaho sa malaking opisinang iyon. “Hindi ka ba nahihirapan dito? Masyado kasing malaki ang opisina mo tapos nag-iisa ka lang?” Naitanong niya dito dahil talaga namang napakalaki ng opisina na may sarili pa itong kitchen, may living area din k