First day ni Ahtisa sa Buenavista Corporation, at dahil wala siyang experience na magtrabaho sa isang corporate world ay sinabihan siya ni Alona na panoorin niya at tutukang maigi ang lahat ng kanyang ginagawa, maging ang mga taong kanyang tinatawagan o pinapadalhan ng mensahe ay dapat niyang bigyan ng pansin. “Hindi naglalagi dito si boss dahil marami siyang appointments at ikaw din ang mag-aasikaso sa lahat ng mga appointments na iyon.” At gayon nga ang kanyang ginawa. Kapag may mga kailangang buhatin ay siya na ang nagbubuhat, dahil na rin sa kalagayan ng kaibigan. Sa ngayon ay tumatayo muna siya bilang assistant nito, at sa oras na matapos nito ang natitirang kulang kulang isang buwan sa kontrata nito ay siya na ang mag-isang mag tatrabaho sa malaking opisinang iyon. “Hindi ka ba nahihirapan dito? Masyado kasing malaki ang opisina mo tapos nag-iisa ka lang?” Naitanong niya dito dahil talaga namang napakalaki ng opisina na may sarili pa itong kitchen, may living area din k
Maagang nakabalik ng kompanya si Ahtisa bitbit ang folder na ibinigay sa kanya ni Alona. “Wow, maaga kang natapos?” Si Alona na matutuwa sana sa maaga niyang pagdating ngunit nang makitang hawak pa rin nito sa kamay ang ibinigay na folder ay nagtataka itong tinanong siya. “Hindi ka ba nagpamedical?” “Ha… ano…so… sorry! May kailangan kang malaman.” Nagulat at may halong pagtataka si Alona sa ikinikilos at sa nakaambang sasabihin niya. “Buntis ako.” Pag-amin niya dito na ikinabigla nito. “Bu…buntis ka… parang naalimpungatan ito sa narinig at napasigaw, “buntis ka?!” Napalingon pa ito sa paligid upang tingnan kung may taong dumaraan sa hallway na maaaring makarinig sa kanilang usapan. Saka hinila siya nito paupo sa upuan sa desk niya sa harapan ng computer. “Totoo ba ang sinabi mo? Buntis ka?” Tumango tango siya dito. Mula sa kanyang bag ay inilabas niya ang ultrasound photo ng kanyang ipinagbubuntis. Napakaliit pa niyon subalit makikita na may laman talaga sa k
Maagang pumasok si Ahtisa kaya muli ay hindi na naman sila nagpang-abot ni Myla na hindi pa rin nakakauwi galing sa panggabing trabaho. Mas maaga siya ng halos isang oras kaya alam niyang konte p lamang ang tao sa kompanya, at inaasahan na niya na mas mauuna siya sa pagpasok kesa kay Alona. Hindi kasi siya pinatulog ng mga alalahanin, idagdag pa ang pag-iisip niya sa sanggol sa kanyang sinapupunan. Konteng konte na lamang ay hahantong na talaga siya sa depression. Kaya ayaw niyang nag-iisa sa bahay, mas nararamdaman niya ang mga agam-agam na kinakaharap sa buhay niya. Mas nanaisin pa niyang libangin ang sarili sa trabaho upang makalimot sa lahat ng iyon kahit panandalian lamang. Pagdating pa lang niya sa pintuan ng opisina ay nakita niya ang isang bulto na nakaupo sa desk ni Alona, nakaharap ito sa computer at tila may kung anong ginagawa sa screen niyon. Dahan-dahan siyang pumasok upang hindi ito maistorbo sa pag-aakalang ito ang CEO. Halos isang metro lang ang pagitan ng de
“Marunong ka ba magluto ng pork humba?” Nagulat pa si Ahtisa sa tanong ni Maverick. Halos dalawang oras pa lamang ang nakalilipas matapos nilang pagsalu-saluhan ang amusal na kanilang magkatulong na niluto. Ngayon naman ay pagkain na naman ang nasa isip nito. “Maverick, papaalalahanan lang kita ha, bago pa lang dito si Ahtisa, wala pa siyang isang linggo kaya wag puro pagkain ang ituro mo. Baka hindi na siya marecontract.” “Well, nagtatanong lang naman ako. Umalis na kasi ang maid sa bahay kaya wala ng nagluluto ng mga nakasanayan kong Filipino foods. And speaking of work , I have a meeting to attend today, isasama ko si Ahtisa, okay lang ba?” Napatingin siya sa lalaki pagkarinig niyon, saka bumaling kay Alona, saka muling lumingon sa anak ng amo. “A…ako?” “Yup! I want you to be exposed with the company’s clients and board of directors, and be familiarized on how to deal with them strategically.” “Okay lang po ba ang suot ko?” Dahil walang uniform ang kompanya ay kany
Sa lobby ng salon naghihintay si Maverick habang siya ay inaayusan sa loob. Tulala at hindi magsara ang bibig nito nang lumabas siya at tumayo sa harapan nito. Muli siya nitong sinipat mula paa hanggang ulo. “Wow!” Ang tanging nasabi nito. “Ok lang ba?” “Of course! You look amazing.” Nagulat pa siya nang hawakan nito ang mga kamay niya at akayin siya nito palabas ng salon. Muli ay ipinagbukas siya ng kotse bago ito pumasok. “Alam mo Ikaw ang boss ko, ako dapat ang gumagawa ng mga ganito sa iyo.” Wika niya dito habang ini-start nito ang sasakyan. Natawa na lang ito at muling ibinaling ang tingin sa kanya. “Alam mo kakaiba ka talaga.” “Ha? Paano mo naman nasabi?” “Ewan, basta,” Muli silang nagkatitigan, at dahil sa hindi nito matagalan ang titig niya, ito na ang unang nagbawi ng tingin. “Shall we go now?” “Ok.” Sa ilang minutong byahe ay nakabibinging katahimikan ang namagitan sa kanila sa loob ng sasakyan. Nagtaka siya nang huminto ang sasakyan sa gu
“Ano pong ibig niyong sabihin? Hindi ko po kayo naiintindihan.” Halos mangaralgal ang boses niya. Hindi niya inaasahan ang mga katagang iyon mula sa amo. “Umamin ka may relasyon kayo ng anak ko?” Bigla niyang naalala ang gestures ni Maverick pagpasok nila doon at ang ginawang paghawak nito sa braso niya habang papalabas siya. “Nagkakamali po kayo. Wala po kaming relasyon.” Kahit totoo pa ang sinasabi niya, batid niyang hindi maniniwala ang matanda. “Siguraduhin mo na nagkamali lang ako ng akala dahil kahit labag sa batas ang magtanggal ng wala pang one month sa trabaho tatanggalin talaga kita.” Nakababa na siya at nakabalik na sa opisina ay dinig na dinig pa rin niya ang malakas na boses ng CEO na nag-e-echo sa kanyang tenga. Napatingin siya kay Maverick na ngumiti pagkakita sa kanya na nakatayo sa may pintuan. Iniiwas niya ang tingin dito, saka dumiretso sa kanyang desk. Hindi na rin siya kinausap pa nito at nagfocus na sa computer. Sa oras ng uwian,, lumapit i
Kinabukasan, sa loob ng opisina ay kapansin-pansin na di nag-uusap o nagkikibuan man lang sina Maverick at Ahtisa. “May problema ba sa inyo? O may nangyari ba kahapon na di ko nalalaman?” Pagbasag ni Alona sa katahimikan na namamagitan sa kanilang tatlo. Sabay namang lumingon ang dalawa, hanggang sa magtama ang kanilang mga mata, saka pairap na nagbawi ng tingin si Ahtisa na di nakaligtas kay Alona. “Mahirap yang may samaan kayo ng loob, aalis pa naman ako, paano na lang kayo kapag kayo na lang ang narito?” Sa halip na sumagot ay muli syang umirap sa binata. “Halos isang linggo niyo na lang akong makakasama dito tapos ganyan pa kayo. Magbati na nga kayo.” Si Alona na salit-salitan silang tinapunan ng tingin. “Napaka-isip bata kasi niyan!” Muling umirap siya sa gawi ng binata. “Bakit naman ako naging isip-bata? Dahil lang ba sa gusto kita?”Nagulat si Alona sa sagutan ng dalawa. “Tama ba ang naririnig ko? May gusto ka kay Ahtisa?” Hindi na ito tu
“Anong sinasabi mo diyan?” Nagulat pa ang binata nang marinig iyon, this time ay hindi na siya lumuluha. “Totoo ‘yong narinig mo. Kung pinabayaan ka ng ama ng anak mo, nakahanda akong maging daddy niya.” “Maverick hindi ito isang bagay na kapag gusto mo eh gusto mo na agad. Isa pa problema ko ito. Wag ka ng makisali.” “Pabayaan mo ako. Kung ayaw mo akong maging boyfriend, hayaan mo na lang akong maging daddy ng anak mo.” “Umalis ka na dito Maverick, bago pa may makakilala sa iyo dito. Please lang kailangan ko ng trabaho.” Pilit man niyang ipinagtatabuyan ito, subalit mas lalo lamang itong nagpupumilit. “Ahtisa pakinggan mo ako, I can be your child’s father.” Tinitigan niya ito. Mukha naman itong sincere sa sinasabi, ngunit ewan ba sa kanya, hindi niya makita ito bilang karelasyon lalo pa ang maging tatay ng anak niya. Kung ikukumpara ang mukha nito sa karamihang pangkaraniwang mga gwapong lalaki ay masasabing mas aangat ang taglay nitong kagwapuhan. Napakatangos