Sa lobby ng salon naghihintay si Maverick habang siya ay inaayusan sa loob. Tulala at hindi magsara ang bibig nito nang lumabas siya at tumayo sa harapan nito. Muli siya nitong sinipat mula paa hanggang ulo. “Wow!” Ang tanging nasabi nito. “Ok lang ba?” “Of course! You look amazing.” Nagulat pa siya nang hawakan nito ang mga kamay niya at akayin siya nito palabas ng salon. Muli ay ipinagbukas siya ng kotse bago ito pumasok. “Alam mo Ikaw ang boss ko, ako dapat ang gumagawa ng mga ganito sa iyo.” Wika niya dito habang ini-start nito ang sasakyan. Natawa na lang ito at muling ibinaling ang tingin sa kanya. “Alam mo kakaiba ka talaga.” “Ha? Paano mo naman nasabi?” “Ewan, basta,” Muli silang nagkatitigan, at dahil sa hindi nito matagalan ang titig niya, ito na ang unang nagbawi ng tingin. “Shall we go now?” “Ok.” Sa ilang minutong byahe ay nakabibinging katahimikan ang namagitan sa kanila sa loob ng sasakyan. Nagtaka siya nang huminto ang sasakyan sa gu
“Ano pong ibig niyong sabihin? Hindi ko po kayo naiintindihan.” Halos mangaralgal ang boses niya. Hindi niya inaasahan ang mga katagang iyon mula sa amo. “Umamin ka may relasyon kayo ng anak ko?” Bigla niyang naalala ang gestures ni Maverick pagpasok nila doon at ang ginawang paghawak nito sa braso niya habang papalabas siya. “Nagkakamali po kayo. Wala po kaming relasyon.” Kahit totoo pa ang sinasabi niya, batid niyang hindi maniniwala ang matanda. “Siguraduhin mo na nagkamali lang ako ng akala dahil kahit labag sa batas ang magtanggal ng wala pang one month sa trabaho tatanggalin talaga kita.” Nakababa na siya at nakabalik na sa opisina ay dinig na dinig pa rin niya ang malakas na boses ng CEO na nag-e-echo sa kanyang tenga. Napatingin siya kay Maverick na ngumiti pagkakita sa kanya na nakatayo sa may pintuan. Iniiwas niya ang tingin dito, saka dumiretso sa kanyang desk. Hindi na rin siya kinausap pa nito at nagfocus na sa computer. Sa oras ng uwian,, lumapit i
Kinabukasan, sa loob ng opisina ay kapansin-pansin na di nag-uusap o nagkikibuan man lang sina Maverick at Ahtisa. “May problema ba sa inyo? O may nangyari ba kahapon na di ko nalalaman?” Pagbasag ni Alona sa katahimikan na namamagitan sa kanilang tatlo. Sabay namang lumingon ang dalawa, hanggang sa magtama ang kanilang mga mata, saka pairap na nagbawi ng tingin si Ahtisa na di nakaligtas kay Alona. “Mahirap yang may samaan kayo ng loob, aalis pa naman ako, paano na lang kayo kapag kayo na lang ang narito?” Sa halip na sumagot ay muli syang umirap sa binata. “Halos isang linggo niyo na lang akong makakasama dito tapos ganyan pa kayo. Magbati na nga kayo.” Si Alona na salit-salitan silang tinapunan ng tingin. “Napaka-isip bata kasi niyan!” Muling umirap siya sa gawi ng binata. “Bakit naman ako naging isip-bata? Dahil lang ba sa gusto kita?”Nagulat si Alona sa sagutan ng dalawa. “Tama ba ang naririnig ko? May gusto ka kay Ahtisa?” Hindi na ito tu
“Anong sinasabi mo diyan?” Nagulat pa ang binata nang marinig iyon, this time ay hindi na siya lumuluha. “Totoo ‘yong narinig mo. Kung pinabayaan ka ng ama ng anak mo, nakahanda akong maging daddy niya.” “Maverick hindi ito isang bagay na kapag gusto mo eh gusto mo na agad. Isa pa problema ko ito. Wag ka ng makisali.” “Pabayaan mo ako. Kung ayaw mo akong maging boyfriend, hayaan mo na lang akong maging daddy ng anak mo.” “Umalis ka na dito Maverick, bago pa may makakilala sa iyo dito. Please lang kailangan ko ng trabaho.” Pilit man niyang ipinagtatabuyan ito, subalit mas lalo lamang itong nagpupumilit. “Ahtisa pakinggan mo ako, I can be your child’s father.” Tinitigan niya ito. Mukha naman itong sincere sa sinasabi, ngunit ewan ba sa kanya, hindi niya makita ito bilang karelasyon lalo pa ang maging tatay ng anak niya. Kung ikukumpara ang mukha nito sa karamihang pangkaraniwang mga gwapong lalaki ay masasabing mas aangat ang taglay nitong kagwapuhan. Napakatangos
“Anong sinabi mo? Nakabuntis ka?” Ang kanyang ina na noon ay tumayo na sa inuupuan at humakbang palapit sa kanyang kinatatayuan. “Totoo ba ang sinabi mo nakabuntis ka?” Ulit nito na noon ay nasa harapan na ng binata. Hindi na sumagot ang binata kaya walang anu-ano biglang tumama ang palad nito sa kanang pisngi niya. “Walang hiya ka!” Sabay muling sampal nito sa mukha niya, this time mas malakas pa. Sa lakas ng impact nito ay napaurong siya. Agad niyang sinalat ang pisngi saka hinarap ang ina. “Ano bang pakialam mo kung nakabuntis man ako? Hindi ba wala ka naman pakialam sa akin?” Bahagyang natigilan ang ginang, ngunit nang mapansing nakatingin sa kanila ang mga bisita ay nagpatuloy ito. “May pakialam ako dahil anak kita!” Medyo naging malumanay ang pagsasalita nito. “Anak makinig ka sa akin. Baka gusto ka lang pikutin ng kung sinumang babaeng ‘yon. Baka gusto ka lang perahan. İsa pa napakabata mo pa para panagutan siya. Menor de edad ka pa, hindi ka pwedeng ikas
Nakahinga ng maluwag si Ahtisa nang magpaalam na ang binata. Hindi pa natatapos ang gulo sa buhay niya ay may nagbabadya na namang dumating. Maganda sana ang offer ng binata dahil isa iyong win-win situation para sa kanya, subalit natatakot siya sa parents nito, lalo na sa tatay nito na amo rin niya. ‘Alam kong mailalabas ko ng hospital si tatay nang hindi nangangailangan ng tulong ng ibang tao lalo na iyong may kapalit ng mahal.’ Bigla siyang napatingin sa kanyang tiyan. “Alam kong wala kang kasalanan. Pero ipapangako ko sa iyo na di ako titigil hangga’t hindi nagbabayad ng malaki ang demonyo mong ama, saan nang lupalop siya naroon at sinuman siya, at ang magaling kong kaibigan. Pagbabayarin ko sila ng mahal.” Malakas niyang isinatinig habang hinahaplos ang impis pang tiyan. Pagbalik ni Maverick sa mansiyon ay wala na ang mga bisita ng mga magulang, subalit ang mga ito ay nakaupo sa sala at naghihintay sa kanya. “Saan ka nanggaling? Sa babaeng nabuntis mo?” Ang kanyan
Nang marinig ni Maverick na papasyalan ni Ahtisa ang mga magulang sa hospital matapos ang trabaho, mula sa usapan nila ni Alona ay nagpasya siyang sundan ito ng palihim. Gamit ang kanyang motor, lihim niyang sinundan ang bus na sinakyan ng dalaga, hanggang sa bumaba ito sa bus stop na malapit sa isang private hospital. Nagkubli siya sa waiting shed sa kabillang bahagi ng kalsada. Nakita niyang dumaan ito sa isang restaurant at pumasok doon. Makalipas ang ilang minuto, lumabas din itong may bitbit na. Nang makita niyang pumasok na ito sa loob ng facility, saglit niyang iniwan ang motor upang masundan ito ng palihim. Aalamin niya ang kinaroroonan ng mga magulang nito. Hindi siya lumalapit sa dalaga, ngunit hindi niya hinagayaang makawala ito sa paningin niya. Nang pumasok na ito sa isang private room ay nag-abang lang siya sa malapit, ngunit tagong bahagi ng hospital. Sa loob ng private room ay masayang masaya ang kanyang mga magulang na makita si Ahtisa sa kanyang sorpresang pag
“Tay, nay hin…” Gusto niyang tutulan ang mga binitiwan ng lalaki subalit mabilis nitong naagaw ang sasabihin niya at mas ikinagimbal niya ang sumunod nitong sinabi. “Ako rin po ang tatay ng magiging anak namin.” Nagkatinginan ang mag-asawa sabay bato ng mga gulat at nagtatanong na mga mata sa kanya. “Buntis ka?” Halos magkoro pa ang mga ito. Hindi siya agad nakasagot, sa halip ibinaling niya ang tingin sa binata na noon ay nakatingin na rin sa kanya at tila ba nagtatanong at nagtataka. Marahil ay hindi rin nito inaasahan na hindi pa pala alam ng kanyang mga magulang ang pagdadalantao niya. Nagtitigan sila. Gusto nyang ipakita ang panlilisik ng mga mata sa galit dito, subalit nakamasid ang kanyang mga magulang kaya kinalma niya ang sarili at inisip niyang ayunan muna ang binata. Nginitian niya ito at tila ba nag-uusap at nagkakaunawaan ang kanilang mga mata habang magkahinang. Muli syang humarap sa mga magulang. “O…opo nay, tay, pasensya na po, hindi ko agad nasabi.”