Share

Chapter 019

“Anong sinabi mo? Nakabuntis ka?”

Ang kanyang ina na noon ay tumayo na sa inuupuan at humakbang palapit sa kanyang kinatatayuan.

“Totoo ba ang sinabi mo nakabuntis ka?”

Ulit nito na noon ay nasa harapan na ng binata.

Hindi na sumagot ang binata kaya walang anu-ano biglang tumama ang palad nito sa kanang pisngi niya.

“Walang hiya ka!” Sabay muling sampal nito sa mukha niya, this time mas malakas pa.

Sa lakas ng impact nito ay napaurong siya. Agad niyang sinalat ang pisngi saka hinarap ang ina.

“Ano bang pakialam mo kung nakabuntis man ako? Hindi ba wala ka naman pakialam sa akin?”

Bahagyang natigilan ang ginang, ngunit nang mapansing nakatingin sa kanila ang mga bisita ay nagpatuloy ito.

“May pakialam ako dahil anak kita!” Medyo naging malumanay ang pagsasalita nito.

“Anak makinig ka sa akin. Baka gusto ka lang pikutin ng kung sinumang babaeng ‘yon. Baka gusto ka lang perahan. İsa pa napakabata mo pa para panagutan siya. Menor de edad ka pa, hindi ka pwedeng ikas
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status