Share

My Unwanted Love
My Unwanted Love
Author: Rachel

Chapter 001

Ramdam na ramdam ni Ahtisa ang pananakit ng kanyang mga balakang habang iminumulat ang kanyang mga mata. Pupungas pungas pa siya nang hawiin nya ang kumot na nakabalot sa kanya , doon niya naramdaman ang lamig ng aircon sa kanyang balat. Agad niyang kinapa ang kanyang dibdib, at laking gulat niya nang mapagtantong n*******d siya. Wala ang lahat ng kanyang saplot kaya agad siyang bumangon. Doon na niya nakita na nasa lapag ang lahat ng iyon at nakakalat na tila ba inihagis na lang ng basta basta. Isa isa niya itong pinulot at mabilis na isinuot. Matapos makapag bihis ay tinangka niyang lumabas ngunit nang akma niyang bubuksan ang pinto ay nakalocked pala Ito. Ang kaninang kaba ay biglang naging takot. Takot dahil malamang na sa ngayon ay nasa puder sya ng masamang loob.

Biglang rumehistro sa kanyang diwa ang nangyari kagabi, ang huli niyang naaalala.

“Di ba sabi mo naghahanap ka ng mauutangan ng pera? O kahit sideline na pwede ka kumita ng pera?” Tanong ni Angela Kay Ahtisa habang naglalakad sila palabas ng campus. Magkaklase ang dalawa, at sila ang malapit sa isa’t isa. Halos mag - tatatlong buwan na rin silang magkaibigan at ni minsan ay hindi pa sila nagkasamaan ng loob. Nabanggit nya dito na kritikal ang ama at kailngan niya ng malaking pera para maoperahan ang appendicitis nito.

“Oo sana, kahit may tubo pa, mababayaran ko yon ng paunti unti sa sahod ko sa fast food na pinapasukan ko.” Tugon niya rito.

“Tamang tama, may I-offer sana ako sa iyo, sideline ito at tiyak na magugustuhan mo ang sasahurin mo dito. For sure maipapagamot mo na ang iyong ama.” Wika nito habang matamis na nakangiti sa kanya.

“Saan ito at kailan?” Bakas ang excitement sa mukha na tanong niya dito na agad naman nitong sinagot.

“Ngayon na sana kung di ka busy.”

“Nga… ngayon na? As in?!!!” Halos di sya makapaniwala.

“Oo nga sabi. As in now na.”

“Pero paano ang mga gamit ko? Pwede bang dumaan muna tayo sa bahay?”

“Sure, “ buong ngiti nitong tugon.

Nagmamadaling sumakay na ng tricycle ang dalawa pauwi sa boarding house na tinutuluyan ni Ahtisa. Wala pa roon ang kanyang boardmate at kawork sa fastfood na si Myla Kaya inilapag na lamang niya ang kanyang bag sa sofa sa sala at mabilis na lumabas, ikinandado ang pinto at nagmamadaling sumakay muli sa tricycle na sinakyan nila kanina. Sa isang di kalayuang kanto nagpababa si Angela.

“Dito na tayo,” Aniya na pinagtaka ni Ahtisa.

“Dito yong trabahong sinasabi mo?” Nagtatakang usisa niya dito na tinugon lamang nito ng ngiti habang umiiling.

Matapos magbayad, nang tuluyan nang makaalis ang tricycle na sinakyan nila, ilang saglit lang ay may dumating na itim na van. Bumukas ang pinto nito sa gilid na nakatapat sa kanila at saka siya iginiya ng kaibigan papsok. Nag-aalangan pa sana siya sa hitsura ng driver dahil nakashade ito at nakaface mask, na tila ba itinatago ang pgkakakilanlan, ngunit nginitian siya ni Angela kaya agad niyang pinalis ang kaba at tumalima na lang sa kaibigan. Pagkapasok sa loob ay panay siyang nginingitian at kinakausap ni Angela tungkol sa trabaho at sa malaking kikitain niya dito. Ayon dito side line lamang ito as host sa isang company party para sa boss nito na may birthday. Pagkatapos niya di umanong mag hosting, maaari na niyang kunin ang kanyang sahod bago umuwi. Dahil sa narinig mas lalong naging excited siya sa trabahong papasukin.

Sa isang napakagandang entrance gate sila iniluwa ng itim na van.

“Maraming salamat po manong.” Narinig pa niyang sinabi ni Angela sa driver bago nito tuluyang isara ang pinto ng van.

“Ang ganda naman dito!” Di mapigilang bulalas niya.

Iginiya siya ng kaibigan papasok sa lobby, at pinaupo sa sofa na naroon. Umalis ito saglit ngunit agad ding bumalik dala-dala ang isang cocktail drink at iniabot iyon sa kanya.

“Hintayin mo na lapitan ka ng magdadala sa iyo sa area na gagawin mo. Sa ngayon inumin mo muna ito habang naghihintay.”

Biglang natutop niya ang bibig.

‘Hindi kaya pinainom niya ako ng pampatulog?’

Biglang nakarinig siya ng mga yabag ng sapatos na papalapit sa silid na kung nasaan sya, kaya agad nitong binulabog ang kanyang mga pgmumuni muni. Hinawi niya ang kurtina ng bahagya at doon nya nasilip ang isang lalaki na nakatayo sa harap ng pintuan ng silid na kinaroroonan niya, may dinudukot ito sa bulsa at sa palagay niya ay susi iyon at sigurado na papasok ito sa loob para muli na naman siyang gawan ng masama, kung nagawan na siya ng di maganda nang nagdaang gabi, kung tama ang iniisip niya. Kaagad niyang nakita ang vase na nakapatong sa desk na nasa gilid lamang ng bintana at napakalapit sa kinatatayuan niya. Naisipan niya rin na magtago sa likod ng kurtina upang hindi siya makita ng lalaki habang isasagawa niya ang planong paghampas dito ng flower vase. Mahaba ang kurtina kaya matatakpan nito maging ang mga paa niya. Akma na siyang tatago sa likod ng kurtina nang makita niya ang hitsura ng kama. Agad niyang inayos ang kumot at ipinailalim dito ang isang unan, habang ang ibang bahagi ng kumot ay ibinalumbon nya paloob, para magmukhang may natutulog saka siya muling bumalik sa likod ng kurtina. Nasa gawing paanan ng kama ang kinakukublihan niya kaya kung lalapit ang lalaki sa nakabalumbon na kumot mapapalo niya ito ng flower vase sa ulo, at sa gayon makakatakas siya. Maya-maya pa nga ay nagclick na ang door knob ng pinto, at gaya ng inaasahan niya, pumasok ang lalaki sa loob at dumiretso ito agad agad sa may paanan ng kama, humarap ito sa akalang natutulog na babae at bahayang yumuko habang may dinudukot sa bulsa. Isang sobre iyon na tila ba may makapal na laman sa loob. Habang nakayuko pa rin ito at inilalapag ang sobre sa ibabaw ng kama sa gawing paanan ay hindi na niya pinalagpas ang pagkakataon. Dahan dahan niyang iniunat ang braso para tahimik na abutin ang vase at tahimik na pumwesto malapit sa likod ng lalaki at walang anu-ano buong lakas na inihamps niya sa ulo nito ang malaking vase. Sa lakas ay nabasag ang vase sa ulo nito. Bumagsak ang lalaki na gulat na gulat pa nang makita kung sino ang humampas sa ulo niya. Dahil hindi iyon nakahuma sa ginawa niya, dinampot niya pa ang isang malaking bahagi ng nabasag na vase at muli iyong inihampas sa ulo ng lalaki bago siya tuluyang tumakbo palabas ng pinto. Hindi niya makita kung nasaan ang kanyang sapatos kaya tumakbo syang walang sapin sa paa.

‘Kailangang makatakas ako dito, mukhang napatay ko ‘yong lalaki.’ Pinaghalong takot at kaba ang nararamdaman niya habang tumatakbo para takasan ang lugar na iyon. Alam niyang siya ang biktima, pero mukhang napuruhan niya yong lalaki. Kitang kita niya ang pgbagsak nito habang nakatitig sa kanya na dumudugo ang putok sa ulo na tinamaan niya. Hindi na ito nakapgsalita pa nang muli niya itong hampasin ng piraso ng nabasag na flower vase. Kaya alam niyang matindi ang tama nito. Lumingon siya sa paligid, nakita niyang may mga CCTV sa iba ibang panig, pero meron din namang gawi na walang CCTV, naisipan niyang lumiko at doon dumaan patakas.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Bangon Pilipinas
nakakaexcite, ano kaya ang plot twist nito?
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status