Share

Chapter 007

Hinintay niya na mailipat sa pirvate room nito ang ama bago kausapin ang ina para magpaalam dito.

“Ngayon ka pa aalis kung kailan malapit ng magising ang iyong ama?” Tangkang pigil nito sa kanya nang magpaalam siya na babalik sa school dahil may kailangan siyang ayusin.

Lingid sa kaalaman ng kanyang ina, na ang kailangan niyang ayusin ay walang iba kung hindi si Angela, ang kanyang kaklase.

“Babalik po ako agad, may kailangan lang po akong ayusing importanteng bagay.” Pagdadahilan niya sa ina.

At hindi na nga siya napigilan pa nito. Hinayaan na nitong umaalis siya ng hospital sa pangakong babalik din agad.

Dahil halos wala ng natira sa allowance niya nang ibayad nya ito sa taxi ay nag bus na lang siya pabalik sa school. Sakto eleven thirty na ng tanghali, tamang tama sana iyon para pagdating niya sa school lunch break na. Ngunit dahil naghintay pa sya ng bus ay naatrasado siya. Medyo late na sya nakabalik, kaya naroon na ang lahat ng mga estudyante nang makarating sya sa school at kasalukuyang nasa gitna ng discussion.

“Late ka na Miss De Guzman.” Bungad ng kanilang professor sa kanya pagpasok niya sa pintuan.

“I am sorry sir, pero hindi naman po ako magtatagal. Nagpunta lang po ako dito para kausapin si Angela.” Tugon niya sa teacher, habang si Angela naman na nakikinig lang ay napamaang.

“Nasa hospital po ang aking ama at hindi po ako makakapasok sa ngayon. Humingi na po ako ng isang linggong bakasyon sa aking adviser.” Paliwanag niya sa teacher nang mapansin ang tingin nito na tila ba nagtatnong, saka siya muling bumaling sa gawi ni Angela, at muling nagbalik ng tingin sa guro.

“Pwede ko po ba siyang makausap sa labas saglit?”

Mabilis na pumayag ang guro kaya tinawag nito si Angela at pinalabas para makausap niya.

Tahimik na naglalakad ang dalawa sa psilyo ng paaralan. Nasa unahan si Ahtisa habang si Angela ay nasa likuran at sumusunod lamang kung saan siya pupunta. Walang mga estudyante sa paligid dahil oras iyon ng klase.

“Malayo na tayo sa room natin, pwede mo na akong sampalin dito.” Untag ni Angela sa kanya, kaya tumigil siya sa paglalakad at humarap dito. Malapit na sila sa hardin at walang ibang tao roon. Medyo may kalayuan din ng kaunti sa ibang classroom kaya kung magsakitan man sila ay hindi agad sila mapapapansin. At nais niyang doon sila mag-usap para sa mga unexpected turns na pwedeng mangyari habang sila ay nag-uusap, understanding her anger towards her friend before but now her most hated enemy, talagang hindi niya kayang mapigilan ang sarili na masaktan ito kung saka-sakalı.

“Alam mo kahit pagsasampalin kita dito, kulang na kulang yan sa ginawa mo sa akin! Kung pwede lang kitang p@tayin ginawa ko na!” Ang sagot niya dito habang matapang na tinititigan ito.

“E di p@tayin mo ako! If diyan ka sasaya!” Tugon naman nito.

“Kumusta nga pala ang tatay mo? Tama ba ang lahat ng mga sinabi ko sa iyo bago ka pumunta ng hospital?”

“Anong dahilan mo bakit ganyan ka nalang magtanong about sa tatay ko? May dapat ba akong malaman? May koneksyon ka ba sa tatay ko?” Prankang tanong niya dito.

Wala na siyang sasayangin pang sandali. Gusto niyang malaman ang totoo. At nais niya ng magmula ‘yon mismo sa bibig ng dating kaibigan, na ngayon ay kaaway na niya.

Sa kanyang pgkagulat ay bigla itong humagalpak ng tawa.

“Ano naman ang magiging koneksyon ko sa tatay mo? At anong koneksyon ang tinutukoy mo? Wag mong sabihing affair?” Nang-uuyam ang tono ng pananalita nito na binuntutan pa ng matutunog na mga halakhak.

“Patawa ka naman diyan!” At muli itong humagalpak ng tawa.

“Anong nakakatawa?” Naiinis na tanong niya dito dahil pakiramdam niya ay iniinsulto siya at ang tatay niya.

“Tinanong mo pa? Yong tanong mo kanina sobrang nakakatawa. Anong klaseng tanong ‘yon? At ako pa talaga ang paghihinalaan mong may koneksyon sa tatay mo? Hello? Ang tanda na nga ng tatay mo, mukha pang matanda, tapos wala na ngang pera, may sakit pa. Sa tingin mo papatulan ko ang tatay mo kahit maghubad p siya sa harapan ko!” At mas lalo pa itong humahalpak ng tawa.

“Porke tinulungan ko kayo may gusto na ako sa tatay mo? Patawa ka talaga. Hindi ba humingi ka sa akin ng tulong? Kaya hayan nagmagandang loob ako na matulungan ka. Tatapatin na kita ha, total bob* ka naman, kaya nga kita nabenta eh,” kabuntot ang pagtawa bago ito nagpatuloy.

“Bukod sa iyo may isa pang humihingi ng tulong sa akin. Nagpapahanap siya ng virgin na pwede niya iregalo sa birthday ng bago niyang business partner to impress him. At ‘yong taong ‘yon, ‘yon ang jowa ko, kaya wala akong interest diyan sa tatay mo, ha. Kasi ‘yong jowa ko CEO ng company niya, ok? I helped my boyfriend to find the ideal virgin na pwede niya iregalo sa bago niyang kasosyo. Alam mo, hirap na hirap na akong mag-isip noong una saan kukuha ng virgin na babae because you know the girls today. But then, here you are asking me to help you find a source of money. And boom! The big and bright idea came to my mind! Ikaw lang pala ang hinahanap ko!” Pag-amin nito na lalo niyang ipinagpuyos ng galit.

“Dem*nyo ka talaga Angela! Naturingang Angela ang pangalan mo! Dem*nyo naman ang ugali mo! H@yop ka!” Palatak niya dito habang kinukuyom ang palad na di nakaligtas sa mga mata ng kaharap.

“So what? Dem*nyo? Ako? Ano bang ginawa ko sa tatay mo? Hindi ba tinulungan kita na magkapera para maoperahan ang tatay mo? Alam mo wala kang utang na loob! Imbes na magpsalamat ka dahil sa akin nakadelihensya ka ng pera para mapagamot sya. Pero ano itong ginagawa mo? Inaaway mo pa ako!”

“So ganyan pala kababa ang tingin mo sa akin? Akala ko kaibigan kita! Pokp*k pala ang tingin mo sa akin. Ito ang itatak mo diyan sa utak mo, kaya kong kumita ng pera nang di binebenta ang katawan ko!” Mariing tugon niya dito!

“Talaga ba?” Pang-aasar pa nito na lalong ikinakainis niya. “Eh kung wala yang pinagbentahan ng katawan mo for sure fifty fifty na yang tatay mo, o baka kung mamalasin pa, baka di mo na maaabutng buhay. Kaya mabuti na lang na virgin ka pa at maganda, dahil kung hindi, ay tiyak na walang bibili sa iyo.” Sagot nito na lalong nagpa-igting ng galit niya.

“Ibabalik ko sa iyo ang pera na ibinayad mo sa hospital at ako ang magbabayad sa bill ng tatay ko. Hindi ko kailangan ang pera na galing sa maruming paraan!”

Wala man kasiguraduhan kung saan kukuha ng pera pero buo na ang kanyang loob. Ibabalik niya ang pera sa dating kaibigan at bahala na kung paano niya mababayaran ang hospital bill ng ama. Ang importante sa ngayon maipamukha niya sa babaing ito na mataas ang pagpapahalaga niya sa kanyang dignidad, at hindi siya papayag na dungisan lang ng isang katulad niya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status