Halos makabangga pa ni Ahtisa si Alona pag labas niya sa elevator sa first floor na sakto naman sa pagpasok nito. “Ahtisa?” Gulat pa ito at tila nagtataka. “Ilang minuto na lang malelate na tayo. Saan ka pupunta?” “Sige na umakyat ka na, baka malate ka, mag-usap na lang tayo mamaya, tatawagan kita.” Ang sa halip na tugon niya dito. Magsasalita pa sana ito nang may pumasok na ibang empleyado na hindi naman nila kilala dahil malamang ay sa ibang floor ito nagtatrabaho. Napakalaki ng building na iyon at halos di magpangita ang mga empleyado kaya kung sa ibang floor nakaassign ay hindi talaga magkakakilala. Liban na lang siguro kung manager o may position na mataas at syempre kung Ikaw ang may-ari, dahil talagang kailangan mong kilalanin ang lahat ng tao sa loob ng company lalo na sa mga nasasakupang department. Nang bumukas ang elevator ay lumabas na sya. Naiwan ang ibang sakay nito na sa palagay niya ay sa mas mataas na floor nagtatrabaho. Nagulat pa si Alona pagbukas ng
Agad na ngang lumipat ang kanyang mga magulang, kasama siya sa condo ng binata. Dahil sa mahaba at palipat-lipat na lugar ay napagod ng husto ang kanyang mga magulang kaya matapos kumain ng hapunan ay pinatulog na niya agad ang mga ito, habang siya naman ay naroon pa rin at itinutuloy ang pag-ayos ng kanilang mga gamit. Isinasalansan niya iyon sa cabinet na ipinagamit sa kanila ni Maverick. “Magpahinga ka na. Magpapatawag ako ng maids bukas para sila ang gumawa niyan.” Nagulat pa siya sa tinig na bigla na lang narinig mula sa kanyang likuran. “Bakit mo ba talaga ginagawa ito?” Ang sa halip ay tugon niya dito. “Nagalit na ang daddy mo sa iyo. Sila İnay at Itay tiwalang tiwala sa iyo. Sa tingin mo anong mararamdaman nila kapag nalaman nila na hindi Ikaw ang tunay na a…” Pagkarinig ay agad na tinakpan ni Maverick ng palad nito ang bibig niya. “Kapag inulit mo pa yan lips ko na ang tatakip sa labi mo.” Pagbabanta nito. “Subukan mo para may mag-asawang sampal ka sa akin.” Pal
Ilang araw na ang nakalilipas subalit hindi pa rin maalis sa isipan ni Ahtisa ang mga sinabi ni Maverick sa kanya na mahal siya nito. Sa mga ipinapakita ng binata ay nararamdaman naman niya na totoo ang sinasabi nito. Nakikita niya ang mga pagsisikap nito na mapalapit sa kanya at sa kanyang mga magulang. Hindi rin ito nagkukulang Sa pag-aalaga sa kanya at palaging inaalala ang kanyang ipunagbubuntis. Kulang na lang talaga ay ito na ang maging ama nito. Kung ito ang pagbabasehan, walang dahilan para hindi siya mainlove dito. Napakagwapo nito at may mała-Adonis na katawan sa Pagkaperpekto ng hubog ng mga muscles, makalaglag panty, ika nga. Ang problema, masyado itong mabilis without asking permission at palaging ipinipilit ang kanyang gusto ng hindi iniisip ang kanyang damdamin. Madalas nga na hindi na nito pinapakinggan ang mga nais niya at kung ano ang gusto nito ay iyon ang masusunod. Masyado itong bossy kaya pakiramdam niya ay magiging preso siya kung ito ang makakatuluyan niya. Ida
Ramdam na ramdam ni Ahtisa ang pananakit ng kanyang mga balakang habang iminumulat ang kanyang mga mata. Pupungas pungas pa siya nang hawiin nya ang kumot na nakabalot sa kanya , doon niya naramdaman ang lamig ng aircon sa kanyang balat. Agad niyang kinapa ang kanyang dibdib, at laking gulat niya nang mapagtantong nakahubad siya. Wala ang lahat ng kanyang saplot kaya agad siyang bumangon. Doon na niya nakita na nasa lapag ang lahat ng iyon at nakakalat na tila ba inihagis na lang ng basta basta. Isa isa niya itong pinulot at mabilis na isinuot. Matapos makapag bihis ay tinangka niyang lumabas ngunit nang akma niyang bubuksan ang pinto ay nakalocked pala Ito. Ang kaninang kaba ay biglang naging takot. Takot dahil malamang na sa ngayon ay nasa puder sya ng masamang loob. Biglang rumehistro sa kanyang diwa ang nangyari kagabi, ang huli niyang naaalala. “Di ba sabi mo naghahanap ka ng mauutangan ng pera? O kahit sideline na pwede ka kumita ng pera?” Tanong ni Angela Kay Ahtisa h
Sa mamahaling resort na pag-aari ni Mr. Arnulfo Villarama, ang pinakabagong business partner ng Buenavista conglomerates ay ipinagdiriwang ang ika- tatlumpong kaarawan ng panganay na anak ng may ari ng Buenavista Conglomerates, si Zedrick Buenavista. Katatapos lamang ng pirmahan ng pagsasama ng dalawang higanteng kompanya, at heto bilang pasasalamat ni Mr. Arnulfo Villarama, hiniling niya na sa kanyang resort Idaos ang selebrasyon ng kaarawan ng anak ng may ari ng Buenavista Conglomerates na siya ring namamahala sa expansion and partnerships ng kompanya sa iba iba nitong share holders from local and international. Dahil dito naroon sa resort ang lahat ng empleyado ng kompanya, kasama pa sa kanila ang kanilang mga pamilya, maging ang mga malalapit na kaibigan. Habang abala ang lahat sa, pag inom, pagkanta sa videoke at paglalangoy sa adult swimming pool, walang nakapansin sa isang batang tila ba nabutas ang salbabida nito at unti unting lumulubog habang nagkakawag kawag sa tubi
Matapos lumikha ng ingay sa pintuan, alam na niyang narinig iyon ng magkausap sa loob at marahil nagdududa na ang mga ito, lalo na si Alona sa pagkatao niya. Baka nga isinuplong na siya nito sa kausap, sa loob-loob niya. Bigla siyang sinaklot ng matinding takot. Dahil doon nagmamadali siyang tumakbo palayo sa pintuan ng silid na iyon at tumakbo sa hallway na tinutumbok ang direksyon ng labasan. ‘Kailangan ko ng makalayo dito.’ Usal niya sa sarili habang natakbo. Habang tinatakbo ang hallway ay may natanaw siyang makakasalubong na papalapit na lalaki. Agad siyang nagmenor at dahan dahang lumakad na walang lingun-lingon sa gilid sa gawi ng papalagpas na lalaki. Pagkalagpas na pagkalagpas ng lalaki ay muli na naman sana siyang tatakbo ng biglang marinig niya ang boses sa likuran. “Ikaw po ba ang driver ng resort?” Narinig niyang tanong ng boses babae sa kakalagpas lamang na lalaki, na kung hindi siya nagkakamali, boses iyon ni Alona. ‘Sinusundan ba niya ako?’ Lalo siyang k
“Oh anong nangyari sa iyo? Bakit nakatapak ka na?” Puna ni Jerry nang napansin na walang suot sa paa ang asawang si Alona pagbalik niya galing sa labas. Biglang nataranta si Alona. Lasing ito nang dalhin ni Ahtisa ang anak nila sa cottage kaya maaaring wala itong alam sa mga pangyayari. Biglang naisip ni Alona na wag ng ipaalam dito ang lahat, para na rin sa kaligtasan ni Ahtisa. “Ah, ito, kanina pa akong walang suot, di mo ba napansin? Kaya nga ipinadala ko sa iyo ang sapatos ko.” Pagdadahilan niya, subalit tila hindi ito naniniwala. “Alam ko naka tsinelas ka kanina.” Bigla siyang kinabahan sa narinig. Baka pati ang kanyang suot na cardigan ay tanda nito? “Pati ‘yong damit mo, kanina may suot kang gray cardigan, ngayon plain white t-shirt na lang ang suot mo.” At di nga siya nagkamali. Tanda nito ang lahat ng suot niya. “Baka naman namalikmata ka lang babe”, patuloy niyang pagtanggi dito kahit pa alam naman niyang tama ang mga sinasabi nito. “Sinabi nga pala ni
Nang tumunog ang alarm ay agad na nagising si Myla at pinatay iyon. Eksakto alas siyete na ng gabi at Ora’s na iyon para gumayak siya papasok sa trabaho. Twenty four hours open ang fastfood chain na pinapsukan nila kaya nagpanggabi siya. Maliit man ang sahod, at least may nightshift incentives siyang nakukuha kaya nalaki na rin ang kanyang sahod. Sapat na iyon para sa gastusin sa buong buwan at pagpapadala sa pamilya. Di tulad ni Ahtisa, si Myla ay hindi na nag-aaral pa. Full time staff siya sa fastfood at sa bahay at trabaho na lamang umiikot ang mundo niya. Matapos bumangon at lumabas sa silid, agad niyang binuksan ang silid ni Ahtisa para silipin kung nakauwi na ba ito. Nang makita niyang natutulog na ang kaibigan ay muli rin niyang isinara ang pinto, saka nagtuloy na sa komedor upang magluto ng kanilang hapunan at babaunin niyang pagkain. Ilang Ora’s ang lumipas, at natapos na rin ang paggayak niya, at heto na siya, palabas ng apartment. Mula dito ay lalakarin niya ng halos dampin