Share

Chapter 005

Nang tumunog ang alarm ay agad na nagising si Myla at pinatay iyon. Eksakto alas siyete na ng gabi at Ora’s na iyon para gumayak siya papasok sa trabaho. Twenty four hours open ang fastfood chain na pinapsukan nila kaya nagpanggabi siya. Maliit man ang sahod, at least may nightshift incentives siyang nakukuha kaya nalaki na rin ang kanyang sahod. Sapat na iyon para sa gastusin sa buong buwan at pagpapadala sa pamilya. Di tulad ni Ahtisa, si Myla ay hindi na nag-aaral pa. Full time staff siya sa fastfood at sa bahay at trabaho na lamang umiikot ang mundo niya. Matapos bumangon at lumabas sa silid, agad niyang binuksan ang silid ni Ahtisa para silipin kung nakauwi na ba ito. Nang makita niyang natutulog na ang kaibigan ay muli rin niyang isinara ang pinto, saka nagtuloy na sa komedor upang magluto ng kanilang hapunan at babaunin niyang pagkain. Ilang Ora’s ang lumipas, at natapos na rin ang paggayak niya, at heto na siya, palabas ng apartment. Mula dito ay lalakarin niya ng halos damping minuto ang kalsada patungo sa terminal ng mga pampasaherong jeepney. At doon sasakay sya jeep na tatahak ng halos labinglima hanggang dalawampung minutong byahe depende sa traffic, bago makarating sa pinapasukang fastfood.

‘Mahirap ang palaging commute ng commute, pero mas mahirap ang walang trabaho. Natatakot naman siyang bumili ng motor at mag motor na lang papasok dahil na rin sa mga motoristang akala mo ay sila ang may ari ng lansangan.

‘Kamusta na kaya siya? Kagabi paggising ko wala siya pero ang mga gamit niya ay nasa sofa na. Hindi ko alam kung anong Ora’s siya dumating kagabi. Nang dumating ako kaninang umaga ay wala pa siya sa kanyang silid. Umalis kaya siya kagabi at ngayon lang umuwi? Saan naman siya pupunta at sino ang kasama niya?’

Buong pagtataka ni Myla. Kilala niya ang kaibigan at alam niyang hindi nito gawain ang umalis ng bahay ng walang paalam sa kanya. At hindi rin ito gumagala or nag ha-hang out ng mag-isa. Madalas kapag may extra na naitatabi sila sa kanilang sahod ay nagkakayayaan sila na mag video karaoke sa labas habang umiinom ng light drinks. Pero hindi naman umaabot ng magdamagan. Hindi nga sila inaabot ng lagpas alas diyes ng gabi sa lansangan. Kaya malaking tanong sa isip niya kung ano ba talaga ang nangyari sa kaibigan bakit di ito umuwi ng nagdaang gabi. Gusto man niyang tanungin ito ng direkta, ngunit tulog naman ito kaya kukuha na lamang siya ng tiyempo sa ibang pagkakataon.

Halos kalahating Ora’s na ang lumilipas mula ng marinig ni Ahtisa ang paglabas ni Myla sa pintuan. Dinig na dinig niya ang lahat ng mga ingay na nililikha ng mga paghahanda nito sa kusina, maging ang pagbukas at bahagyang pagsilip nito sa kanya ay ramdam niya. Gising na gising kasi ang diwa niya simula ng humiga siya. Hindi siya makatulog sa dami ng kanyang iniisip. Nang makasigurado na mag—isa na lamang niya sa bahay ay mabilis siyang bumangon para magpunta sa komedor at doon inalam niya kung ano ang niluto ng kaibigan para sa kanilang dalawa.

Nakita niya sa kawali ang niluto nitong adobong paa ng manok. Meron ding tortang itlog at kamatis na natira sa plato kaya marahil iyon ang binaon niya.

Matapos kumain ay nagtungo siya sa toilet upang umihi. Doon niya naramdaman na may gumuguhit na kirot sa pagitan ng kanyang nga hita.

‘Dyos kong mahabagin! Anong ginawa niya sa akin? Bakit wala akong maalala? Bakit masakit ang katawan ko? Sana hindi totoo pero… inabuso kaya ako ng lalaking ‘yon? ‘ aniya sa sarili.

Lalong tumindi ang galit niya para sa kaibigan na ngayon ay kinamumuhian na niya. Wala siyang kamalay- malay kung ano ang mga nangyari sa kanya. Kahit malaki ang posibilidad na inabuso nga siya ng lalaking pumasok sa silid na hinampas niya ng vase, dahil na rin sa pananakit ng kanyang katawan at sa kirot na nararamdaman sa pagitan ng kanyang mga hita, umaasa pa rin siya na sana mali ang hinala niya. Na sana hindi iyon totoo. Dahil kung magkakagayon, ang ibig sabihin lang noon ay wala na ang virginity na matagal niyang iningatan.

Hindi niya matanggap ang isiping iyon. Matapos kumain ay dalı-dali siyang nagtungo sa shower room para maligo. Kailangan niyang maalis ang anumang bagay na dumikit sa kanyang balat mula sa kung sinumang estranghero na umabuso sa kawalang malay niya.

Habang naliligo, nang nagsasabon siya sa parteng itaas ng kanyang dibdib, isang bagay ang pumukaw sa kanyang pansin. Isang marka na may laki ng tulad sa kuko ng hinlalaki. Mamula-mula ito at kahit anong kuskos niya ay hindi nabubura.

Kumuha siya ng towel at nilagyan iyon ng kaunting liquid soap, saka paulit ulit na ikinuskos sa bahaging may marka, ngunit bigo siyang maalis ito.

‘Hindi kaya ito ang tinatawag nilang ki… kıss mark?’

Napapikit siya habang ipinipilig ang ulo.

“No way!” Palahaw niya.

‘Ang matandang iyon! At nagawa pa niya talaga sa akin ang ganitong bagay!’ Bulong niya sa isip na ang tinutukoy ay ang matandang pumasok sa silid kung nasaan siya, na pinukpok niya ng flower vase sa ulo.

Mahigpit niyang kinuyom ang mga palad habang tinititigan ang sarili sa salamin.

‘Magbabayad kayo sa ginawa nyo! Lalong lalo ka na Angela dahil Ikaw ang uunahin ko.’

Bago matulog ay ipinangako na niya sa sarili na papasok kinabukasan, hindi para mag-aral kung hindi para komprontahin ang kanyang closest friend sa ginawa nitong pambubugaw sa kanya.

Hindi niya pa rin lubos maisip na ito pa mismo ang magpaphamak sa kanya, at hindi rin niya matanggap ang katotohanang iyon.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status