Share

Chapter 008

Tanghali na nang makauwi si Myla mula sa trabaho. Panggabi pa rin ito at pinag-overtime sya kaya ang pangkaraniwan na niyang uwing alas otso ng umaga ay inabot na ng alas diyes. Pagdating sa bahay ay nagulat pa siya nang makita na naroon pa si Ahtisa, nakahilata sa kama nito habang busy sa kakatype sa screen ng cell phone nito. Sa sobrang busy nga nito ay ni hindi nito namalayan ang pagdating niya.

“Ehem!”

Malakas nyang tikhim sa bungad ng pinto upang pukawin ang atensyon nito, agad namang napalingon sa gawi niya ang dalaga.

“Nariyan ka na pala!” Pagtataka pa nito. Ngunit siya ang mas nagtaka dahil hindi ito pumasok sa school kahit pa tapos na ang bakasyong hiningi sa paaralan para maalagaan ang amang inoperahan.

“Wala kang pasok ngayon?”

Ngumiti muna ito bago nagsalita. “Hindi na ako papasok.”

Nagulat pa si Myla sa sagot nito ngunit mas ikinabigla niya ang mga susunod pang maririnig mula rito.

“Mag-aapply ako papuntang Japan.”

“Japan? Bakit? Bakit ka naman mag-aabrod
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status