Share

Chapter 013

Maagang pumasok si Ahtisa kaya muli ay hindi na naman sila nagpang-abot ni Myla na hindi pa rin nakakauwi galing sa panggabing trabaho.

Mas maaga siya ng halos isang oras kaya alam niyang konte p lamang ang tao sa kompanya, at inaasahan na niya na mas mauuna siya sa pagpasok kesa kay Alona. Hindi kasi siya pinatulog ng mga alalahanin, idagdag pa ang pag-iisip niya sa sanggol sa kanyang sinapupunan. Konteng konte na lamang ay hahantong na talaga siya sa depression. Kaya ayaw niyang nag-iisa sa bahay, mas nararamdaman niya ang mga agam-agam na kinakaharap sa buhay niya. Mas nanaisin pa niyang libangin ang sarili sa trabaho upang makalimot sa lahat ng iyon kahit panandalian lamang.

Pagdating pa lang niya sa pintuan ng opisina ay nakita niya ang isang bulto na nakaupo sa desk ni Alona, nakaharap ito sa computer at tila may kung anong ginagawa sa screen niyon.

Dahan-dahan siyang pumasok upang hindi ito maistorbo sa pag-aakalang ito ang CEO.

Halos isang metro lang ang pagitan ng de
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status