Share

Chapter 006

Pag-uwi ni Myla ay hindi na niya naabutan pa sa boarding house ang kaibigan. Sinubukan niyang tawagan ito subalit unattended iyon. Agad siyang dumiretso sa kusina upang tingnan kung kumain ba ito, at nang makitang halos nangalahati ang kanyang niluto nang nagdaang gabi para sa kanilang dalawa ay napangiti siya.

‘Mabuti naman at kumain siya.’

Sa totoo lang ay nag-aalala pa rin siya para sa kaibigan. Alam niyang maaaring may pinagdaraanan ito na hindi niya alam. Masyado kasi siyang naging busy nitong nga nakaraang linggo kaya hindi na niya napansin ang anumang kakaibang ikinikilos ng kaibigan.

‘Kailangan ko syang makausap sa day off ko,’ aniya.

Sa school, maagang maaga pa ay naroon na sa loob ng campus si Ahtisa, pero wala siyang balak na pumasok sa kanyang silid. Naroon sya sa may hallway na madaraanan papunta rito,nakaupo lamang sya doon at panay ang tanaw sa mga paparating na estudyante, hanggang sa matanawan niyang paparating ang partikular na mukhang inaasahan niya. Agad siyang tumayo mula sa pagkakaupo at sinugod ang paparating, na ikinagulat nito. At mas lalo pa itong nagulat nang walang anu-anong sinampal niya ang kaliwang mukha nito ng nag-iinit sa galit niyang mga kamay.

“H@yop ka!” Sigaw niya kasabay ng malakas niyang sampal dito.

Tila naman napatda si Angela sa ginawa niya at hindi nito alam paano magreact dito.

“Ano bang kasalanan ko sa iyo?” Pamaang pa nito, ngunit determinado siyang komprontahin ito sa ginawa nito sa kanya.

“Ang lakas naman ng loob mong itanong sa akin yan matapos mo akong ibugaw? Dem*nyo ka! Nagtiwala ako sa iyo pero binaboy mo ako! Sinira mo ang pagkatao ko. Hayoop kaaaa!”

At muli pa sanang sasampalin ni Ahtisa si Angela nang salagin nito ang braso niya, mahigpit na hinawakan nito iyon at saka iwinaksi. Mas matangkad ng kaunti si Angela sa taas na 5’6” , samantalang siya ay may katamtamang taas lamang na umaabot sa 5’4”. Sa laki ng katawan naman ay halos magsinlaki lamang ang mga katawan nila. Pareho silang slim, mas malaki lang ang dibdib at mga balakang ni Ahtisa kumpara dito. Dahil dito mas dehado siya kumapara sa kaibigan na ngayon ay kaaway na niya kung pisikal ang pagbabasehan.

“Enough!” Sigaw din nito sa kanya.

“Oo binenta nga kita, pero hindi sa akin ang kita!” Panimulang pag-amin nito.

“Hindi ba kailangan mo ng pera dahil nasa hospital ang tatay mo? Kaya ayan tinulungan kita. Di ka pa magpasalamat dahil sa ngayon ay malamang inooperahan na or baka naoperahan na siya. “

Halos maningkit ang kanyang nga mata sa narinig.

“Anong sinabi mo?” Tanong niya dito

“Bingi ka ba? Hindi mo ba narinig?” Ang tatay mo inooperahan na o malamang naoperahan na ngayong araw.”

“Sinungaling ka! Paano syang maoperahan e wala naman akong malaking halaga na maibabayad sa hospital?” Nagtataka niyang tugon dito na tinugon nito ng sarkastikong pagtawa.

“Hahahaha! Ang hina talaga ng utak mo kaya ka naibebenta eh!” Pang-uuyam pa nito kasunod ang MAs matutunog na mga halakhak.

“Puntahan mo ang nanay mo sa hospital, kaso baka maligaw ka, wala na sila sa cheap at mumurahing hospital na pinagdalhan mo doon sa probinsya niyo. Pinalipat ko na sila sa one of the best hospital here in the city, mga 20 minutes lang siguro mula dito sa school natin.”

Hindi niya makuhang paniwalaan ang mga sinasabi nito dahil hindi nya mahanap ang dahilan nito para gawin iyon sa kanyang ama, ngunit may bahagi ng kanyang utak ang nagpipilit na dapat siyang maniwala dito, kaya naman wala na rin siyang sinayang na sandali. Kailangan niyang malaman ang totoo sa kasinungalingan. At ang dahilan bakit siya ibenenta ng kaibigan at ngayon ay nagmamagndang loob sa kanyang may sakit na ama?

“Saang hospital naroon ang tatay ko?” Tanong niya dito na agad naman nitong sinagot. Itinuro pa nito ang dapat niyang sakyan papunta doon para di raw sya maligaw.

“Pasalamat ka mabait pa rin ako kahit ang sakit ng pgkasampal mo kanina.” Hirit pa nito nang akma na siyang tatalikod para umaalis at magtungo sa hospital na tinutukoy.

Hindi na niya pinansin pa ang sinasabi nito, at nagmamadali siyang lumabas ng campus. Kailangan niyang maptunayan ang mga sinasabi nito kung totoo ba iyon, kailangan niyang malaman kung inooperahan na nga ba ang kanyang ama.

Kahit walang malaking pera ay nagtaxi pa rin siya para mas mabilis na makarating sa hospital na tinutukoy ni Angela. Mayroon pa naman siyang allowance na natitira na sapat para ipambayad sa taxi.

Tumigil ang taxi sa entrada ng isang napakalaki at napakataas na gusali.

‘Roosevelt National University Hospital’, iyon ang nabasa niyang pangalan ng hospital na nakaimprinta sa malalaking titik sa harapan nito sa gawing itaas ng gusali. Ang laki ng bawat letra ay sapat na para mabasa iyon kahit pa sa ilang kilometro ang layo mula dito. Mula sa ibaba, kapag tumingala ka ay malulula ka sa laki at lawak ng gusaling iyon. Malawak rin ang parking space sa harap nito. At may napakagandang garden sa bawat sulok ng paligid.

Pagkabayad sa taxi driver, agad siyang pumasok sa gusali at sa lobby may receptionist kaya hindi na siya nahirapan pa na maghanap ng mapagtatanungan tungkol sa kanyang ama. Sinabi niya lamang dito ang buong pangalan ng kanyang ama, at agad na lumabas sa monitor ang lahat ng tungkol dito. Nagulat pa siya dahil hindi niya akalain na totoo pla ang mga sinasabi ko Angela. Naroon nga ang kanyang ama.

Tinanong niya ang lagay nito at doon niya nalaman na kasalukuyan itong nasa ICU dahil katatapos lamang ng operasyon, ilang oras bago ang pagdating niya. At sa sandaling maging maayos na ang lagay nito ay ililipat na ito hindi sa ward, kundi sa isang private room na inokupa para dito.

Nagtatakang tinanong niya ang receptionist tungkol sa kung magkano ang aabutin ng bill ng kanyang ama, subalit hindi iyon nasagot ng receptionist, sa halip ay itinuro nito na magpunta siya sa window 10, kung saan kinukuha ang bill na kailangang bayaran bago magpunta sa cashier.

Dahil medyo malayo sa lobby ang window 10, mas inuna niyang punatahan ang ICU upang masilip man lang ang kanyang ama.

Habang papalapit nang papalapit ang mukha niya sa salaming bintana ng ICU, MAs lumiliwanag ang mukha ng ama. Totoo nga, hindi siya nagkakamali ng tingin o nananaginip. Ang taong nakahiga sa hospital bed sa ICU ay ang kanyang ama, wala ng iba.

‘Kung gayon ay totoo ang mga sinasabi ni Angela? Pero bakit kailangang ibenta niya ang dangal ko para sa….tatay ko?’

Naalala niyang humingi siya ng tulong sa kaibigan para makadelihensiya ng pera pra sa tatay niya, at nangako ito na tutulungan siya. Oo nga at natulungan siya sa sakit ng tatay niya, pero bakit ang katawan at dangal niya ang pinagdiskitahan nitong ibenta, sa halip na ihanap siya ng trabaho o mauutangan?

‘Ganito ba kababa ang tingin niya sa akin? Na para sa kanya ay magagawa kong ibenta ang sarili ko para sa pera?’

Muli niyang nakuyom ang palad.

‘Nagkakamali ka Angela! Kahit maghirap ako at ang pamilya ko, hinding hindi ko pipiliin ang ibenta ang sarili ko magkapera lang.’

“A…Ahtisa… a…nak!” Isang nangangatal na tinig mula sa likuran ang gumambala sa kanyang diwa.

Kahit hindi pa man niya nakikita ang mukha nito ay alam niya na kung saan ito nagmumula. Kilalang kilala niya ang tinig na iyon. Mabilis niya itong nilingon.

“I…İnay!”

“Ahtisa! Anak ko!” Tawag nito kasunod ang biglang pagyakap sa kanya, na mahigpit din niyang tinugon ng yakap.

“Maraming salamat anak ko! Salamat sa iyo anak ko! Nang dahil sa iyo naoperahan ng maayos ang tatay mo!” Maluha-luha nitong litanya, habang siya naman ay nagtataka.

‘Ano ang sinasabi ng aking Ina?’

Agad siyang kumalas sa pagkakayakap dito.

“Ano pong sinasabi niyo?” Sa wakas ay naisatinig niya. “Hindi ko po kayo naiintindihan. Pakipaliwanag mo po sa akin ang mga nangyari kasi naguguluhan po ako.” Wika niya kaya nagtaka rin ang kanyang Ina.

“Hindi ba ikaw ang nagbayad dito sa hospital kaya naoperahan ang tatay mo? Ang sabi sa amin habang nililipat siya mula doon sa hospital sa bayan natin ay ang anak daw ang sasagot kaya naman masaya ako anak kasi may pag-asa ng makaligtas ang tatay mo sa kapahamakan nang dahil sa iyo anak.”

Dito na niya napagtanto ang ginawa ni Angela sa kanya. Ibenenta siya nito para mapaoprehan ang tatay niya?

‘Pero anong koneksyon niya sa tatay ko? Bakit kailangan niyang sırain ang buhay ko maipagamot lang siya?’

Nang mabanggit niya dito ang problema niya tungkol sa sakit ng ama at sa kakailanganing halaga ay hindi rin naman ito nagpakita ng kakaibang reaksyon. Ano ba talaga ang nangyayari?

Hindi pa man natatapos ang pag-aalala niya na baka napatay niya ang lalaking bumili sa kanya, ayon sa pagkakaalam niya, ay heto at may bago na naman siyang iniisip.

‘Angela ano ang koneksyon mo sa tatay ko? Bakit nagawa mo sa akin ito para lang sa tatay ko?’

Lalong nangngitngit ang kanyang galit na nakuyom na naman ang kanyang palad.

Biglang dumako ang kanyang tingin sa walang malay na ama sa loob ng ICU.

‘Tay ano po ang ginawa nyo? Anong meron sa inyo ng kaklase ko?’ Mga tanong nya sa isip habang nakatitig sa ama.

Bigla niyang naalala ang mga sandali nang dalawin siya ng kanyang ama at ina sa boarding house, at nakwento niya ito kay Angela. Agad na bumisita si Angela sa boarding house nila at nagdala ng kung anu-anong snacks, at halos inabot na ng alas nuebe ng gabi sa kanilang boarding house sa pakikipagkwentuhan sa kanyang mga magulang at ayaw pa rin nitong umuwi.

Dito na mas umahon ang kaba sa kanyang dibdib.

‘May relasyon kaya ang aking ama at

…ang aking kaklase?’

Mabilis niyang ipinilig ang ulo sa isiping yon.

Pero paano nga kaya kung totoo iyon? Anong gagawin niya kung malalamang niloloko siya at ang kanyang ina ng kanyang ama?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status