Share

Kabanata 7

KABANATA 7

ㅤㅤㅤㅤAYOS lang ba talaga na rito sila?

Hindi na mabilang ni Lorraine kung ilang beses siyang tumingin sa kapaligiran ng kwarto na ibinigay sa kanila ni Justin. It wasn’t anything great. Maliit ang kwarto at medyo marumi, papasa pa nga itong bodega pero kung ikukumpara sa bilibid, mas maayos at malinis ang kwartong ito.

Laurence kept on looking around, fascinated because even though the room wasn’t grand, it was bigger than the room he shared with his uncle.

“Mama, dito na po tayo?” inosenteng tanong ni Laurence.

Napukaw ng tanong nito ang atensyon nya bago siya marahang umiling. “Sandali lang tayo rito, ‘nak.”

“Babalik pa po tayo kay tito?”

“Ayaw mo na ba ro’n?”

“Gusto ko po! Ayoko rito Mama, maganda bahay pero ang sungit ng mga tao. Away po nila ako, sama po tingin nila sa ‘kin.”

Hindi napigilan ni Lorraine ang mahinang matawa sa pagnguso ng anak habang nagsusumbong. Umupo siya sa gilid ng kama ‘tsaka nya minuwestrahan ang anak na lumapit sa kanya. Dali-dali rin namang lumapit ang bata kaya binuhat nya ito at kinandong.

Kaagad na yumakap sa kanya si Laurence. “Mama, ba’t po nila tayo kinuha kay tito?”

Imbes na sumagot, pinunasan ni Lorraine ang dumi sa pisngi ng anak. Hindi nya mahanap ang mga tamang salita na pupwedeng sabihin sa anak dahil kumplikado ang sitwasyon, ang hirap ipaliwanag ng simple.

Ipinilig ni Lorraine ang ulo noong mapansing nakamasid pa rin sa kanya ang anak, ‘tsaka siya ngumiti.

“May trabaho kasi si mama rito kaya nila tayo kinuha.” Trabaho na isakripisyo ang sarili para kay Rika pagkatapos ang isang buwan?

Niyakap ni Lorraine ang anak na mabilis ding ipinulupot ang mga maliliit nitong braso sa leeg nya. “Isang buwan tayo rito hanggang sa matapos kontrata ni mama.”

At sana— kung sakali mang makaligtas si Lorraine pagkatapos ng kidney transplant, tigilan na sana siya ng mga Saavedra at Elizalde dahil nakuha na ng mga ito ang gusto mula sa kanya.

“Matagal po isang buwan, mama?” inosenteng tanong ni Laurence sa kanya.

Marahan siyang umiling at tumawa. “Mabilis lang ‘yon. Makakauwi rin tayo kay tito.”

“Sasama ka rin po sa ‘min, ‘di ba po?”

Oo naman. Hindi pupwedeng hindi nya makakasama ang anak nya.

Ang tanging hiling lang naman ni Lorraine e hindi magtagumpay sina Rika sa mga plano nila na guluhin at sirain lalo ang buhay nya.

Lorraine knew she had to do something to survive… hindi nya pa lang alam kung ano ba.

ㅤㅤㅤHANGGANG ngayon, hindi maiwasan ni Justin ang maghinala sa biglaang pag-uwi ng nakatatandang kapatid. Mula noong ipahatid nya si Lorraine sa magiging kwarto nito, hindi naiwasan ni Justin na sundan si Jared sa opisina nito, ‘tsaka nya naabutan ang kapatid na nakaupo sa gilid ng lamesa nito habang tila ba mayroong binabasa na papel sa isang kamay at umiinom naman ng wine sa kabila.

“Kuya,” tawag nya rito.

Mahina lamang na humimig si Jared ngunit hindi ito sumagot, ‘tsaka ito sandaling nag-angat ng mga mata para pasadahan siya ng tingin ngunit ibinalik din nito ang atensyon sa hawak na papel.

“Hanggang ngayon ba, ‘di mo sasabihin sa akin kung anong pakay mo sa pag-uwi mo?” tanong nya.

Ibinaba ni Jared ang hawak na wine bago nito iniipit ang libreng kamay sa isang braso. “Why do you keep on asking? ‘Di na ba ako pupwede sa mansyong ‘to?”

“You already left years ago. Why are you suddenly back?”

Justin had mentioned this before but it’s been years since Jared left their home.

Mula noong magkaisip ang nakatatanda nyang kapatid, hinayaan na rin ito ng mga magulang nila na umalis at maging independent. Ayon kasi sa mga ito, kayang-kaya ni Jared ang sarili — he was even dubbed as the Elizalde’s pride.

That drew a gap between Justin and his brother.

Dahil mas paborito ito habang siya naman e madalas na minamaliit ng mga magulang kahit na mayroon din naman siyang kakayahan na palaguin ang mga negosyo nila, hindi nya maiwasang ibuntong ang galit sa nakatatandang kapatid.

“I got bored.” Nagkibit balikat si Jared. “I was also told that you’re not doing well recently.”

“What do you mean?”

“Bumaba ang stats ng kumpanyang hawak mo, Justin. Mom and Dad weren’t stupid not to know that you’ve been ignoring your job just so you could cater to that little fiancée of yours.”

Umawang ang mga labi ni Justin sa narinig.

He wasn’t supposed to feel agitated because somehow, Jared’s words were true, but something about his tone of voice sounded off. It was as though his brother was ‘mocking’ him.

“May depression si Rika. Kung wala ako, walang sasama sa kanya,” paliwanag nya.

Umismid si Jared. “Doesn’t mean that you should be letting the company down, Justin.”

“Shut up! I know what I have to do.”

“Do you really?” Bumuntong hininga si Jared. “You’re so focused on that fiancée of yours that you couldn’t keep your morals straight. Say, ba’t mo dinala rito iyong ex-fiancée mo?”

“Rika needed a kidney because she got into an accident—”

“So you thought your ex-fiancée could solve that problem?”

Hindi naiwasan ni Justin ang makaramdam ng pagkairita nang agapan siya sa pananalita ng nakatatandang kapatid. This time, Jared didn’t even try to hide how he was mocking him for his life choices.

“Malaki ang kasalanan ni Lorraine,” paliwanag nya. “Alam kong alam mo ‘yon.”

Mataman siyang pinagmasdan ng kapatid bago ito pagak na tumawa. “The woman already served her sentence. At this point, I think you’re all just being childish.”

Childish? How could Justin be childish if assigning Lorraine as Rika’s kidney donor was the only way that woman could atone for everything she had done?

“I’m staying here until you fix yourself and our company’s assets,” Jared soon announced which made Justin still.

Bigla siyang nakaramdam ng pananakal at paninikip ng dibdib dahil sa narinig. Parang nagpantig din ang mga tenga nya kaya hindi nya maiwasang titigan ng masama si Jared.

“You don’t have to—”

“One month, Justin. If you don’t want me here, then do something that’d surprise us all. Masyado mong inii-spoil iyang fiancée mo.”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status