Share

Kabanata 14

KABANATA 14

ㅤㅤㅤㅤ“TIGNAN mo mama, nag-drawing po ako! Drawing ko po ikaw, si tito Lorenzo, pati ako!” masiglang anunsyo ni Laurence bago nito ipinakita ang drawing nito sa kanya.

Napangiti si Lorraine bago nya pinagmasdan ang drawing ng anak.

Hindi nya alam kung saan nito nakuha ang mga pangkulay at papel pero ang sabi ni Laurence, mayroon daw nag-abot dito noong tulog siya. Kapag hinuhuli naman nya ang anak, mag-iiwas ito ng tingin at hindi sasagot.

Alam naman nyang si Jared iyon. Ilang araw na silang umiiwas sa lalaki at sigurado si Lorraine na naghanap ito ng timing para kausapin ang anak nya.

“Ang cute naman ng drawing mo,” puri nya sa anak.

Malawak na ngumisi ang bata. “Mama, display po natin!”

“Wala tayong pandikit…”

Kung si Lorraine lang din, ipapa-frame nya ang unang drawing na nakita nya mula rito pero hindi iyon ganoon kadali.

Ipinilig ni Laurence ang ulo bago ito bumalik sa lamesa. And as if like magic, the child showed her a pack of tape.

Kumibot ang isang kilay nya. “Sa’n
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status