Share

Kabanata 17

KABANATA 17

ㅤㅤㅤㅤHINDI na napigil ni Lorraine si Jared noong dalhin siya nito sa opisina ni Justin. Para siyang lalamunin ng hiya noong makita ang pagkakangisi ng mga kasambahay ng mga Elizalde sa kanilang dalawa ng binata noong makita sila ng mga ito. Marahil, sa isipan e inaakalang pagagalitan siya.

Halos mapatalon siya mula sa kinatatayuan noong malalakas ang katok na ginawa ni Jared sa pinto ng opisina ni Justin.

“Justin, buksan mo ‘tong opisina mo. Alam kong kauuwi mo lang din dahil nakita ko ang sasakyan mo sa garahe kanina,” galit na galit at mayroong bakas ng pagmamadali sa boses ni Jared noong sabihin nya ito.

Hinawakan ni Lorraine ang palapulsuhan ni Jared para muling subukan na baguhin ang isipan nito.

“Pupwede bang ‘wag na natin ‘tong gawin, Jared?” mahina at nahihiyang tanong nya sa binata.

Jared clicked his tongue. “No, he has to know that his helpers had been mistreating you. Like I’ve said, ba’t ka pa iuuwi kung ‘di ka nya maaasikaso nang maayos?”

“Hindi naman nya kasal
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status