KABANATA 21ㅤㅤㅤㅤTHIS is troublesome.Nakabusangot na ipinagbabalat ni Justin si Rika ng dalandan tulad na lamang ng hiniling nito sa kanya. Halos umiyak pa ito noong unang hindi nya pagbigyan pero mas lalo lamang siyang na-bad trip sa ginawa nitong pagpapaawa.Natigilan si Justin noong biglang haplusin ng dalaga ang pisngi nya.“Kanina ka pa nakasimangot…” anito sa maliit na boses.Justin almost clicked his tongue in annoyance. Pinigilan nya lamang ang sarili dahil alam nyang mas magda-drama na naman si Rika kung bigla nya itong supladuhin.“Justin,” reklamo ni Rika nang hindi nya ito pansinin.Humigop ng malalim na hininga si Justin bago siya bumuntong hininga. “I’m already peeling you oranges, ano pa bang kailangan mo?”“Ih, ayaw ko na niyan kung nagmamaktol ka naman.”Tinaasan nya ito ng isang kilay. Paanong hindi naman siya magmamaktol kung sinabi nyang mamaya na nya ito gagawin kapag lumamig na ang oras nya kung kinulit naman siya nang kinulit ni Rika?Ni hindi ito makaintindi na
KABANATA 22ㅤㅤㅤㅤ“WALA ka bang pupuntahan ngayon, sir Jared?” Iyan ang hindi napigilang itanong ni Lorraine kay Jared nang muli nyang makita ang binata sa hardin.Tila ba naghihintay sa pagdating nilang mag-ina dahil noong marinig nito ang mga yabag nila at ang boses ni Laurence kanina na tumawag dito, mabilis pa sa ala singko ang paglingon ng binata at ang pagguhit ng ngiti sa mga labi nito.Medyo matagal na naglaro sina Jared at Laurence bago pa naisipan ng anak nya na muling galain ang hardin ng mga Elizalde. Habang siya at si Jared, naiwanan sa bench na nakatanaw lamang sa bata.Isinandal ni Jared ang siko sa hita bago ito nagpahalumbaba at sumimangot. “Ba’t kung magtanong ka, parang pinapaalis mo ‘ko? Ayaw mo ba sa ‘kin?”Muntik siyang mapatalon mula sa kinauupuan noong ganyan ang ibalik na tanong sa kanya ng binata.Mabilis din nya itong nilingon bago siya umiling. “Hindi sa gano’n! Nagtataka lang naman ako kasi madalas ‘pag ganito, wala ka sa manor at nasa trabaho.”“Oh, iyon ba
KABANATA 23ㅤㅤㅤㅤ”DO an investigation on Lorraine and Laurence.”Ito kaagad ang unang iniutos ni Jared kay Amir noong sa wakas ay bumalik ito mula sa pag-iimbestiga. Naguguluhan siyang pinagmasdan ng binata, may bahid ng inis at pagkadismaya sa itsura nito, pero walang emosyon lang na pinagmasdan ni Jared ang sekretarya.“Kababalik ko lang,” reklamo nito ‘tsaka iniangat at itinuro ang hawak na folder. “‘Tsaka may nakalap akong impormasyon tungkol do’n sa babaeng pinapahanap mo.”“I don’t care. Your source, Pablo, isn’t reliable.” Umikot ang mga mata ni Jared bago nya itinuro ang pinto palabas ng opisina nya. “Bumalik ka na lang ulit ‘pag naimbestigahan mo na si Lorraine at iyong anak nya.”“Ba’t ba bigla kang curious sa mga ‘yon? ‘Di ba ex-fiancée ng kapatid mo si Lorraine Saavedra?”She’s not a Saavedra anymore- is what Jared would like to say but as far as he knows, Lorraine still carries the surname legally.Anyway, that was besides the point. “Just do it.”“E pa’no ‘tong nakuha kon
KABANATA 24ㅤㅤㅤㅤPARANG binuhusan ng malamig na tubig si Lorraine noong malamang pumunta sa pamamahay ng mga Elizalde ang mga Saavedra.Gustung-gusto nya noon na magtago kasama ang anak pero hindi nya magawa lalo na’t dinala na ng isa sa mga kasambahay ang mag-asawang Saavedra sa kwarto nila ni Laurence.Hindi rin siya makatagal sa intensidad ng pagkakatitig ng mga ito sa kanya. Parang binubutasan ang noo nya at ng anak nyang nakatago lamang sa likuran nya dahil alam nito na hindi dapat binabangga ang mga kaharap nila ngayon.“Anong ginagawa mo rito?” Ito ang paunang tanong sa kanya ni Joana Saavedra. “‘Di ba dapat nasa ospital ka’t dinu-donate ‘yang kidney mo sa anak ko?”Hindi sumagot si Lorraine.Iniisip nya kung hindi ba nagpaliwanag si Justin sa mga ito bago siya dalhin sa manor ng mga Elizalde. Kung hindi ba nito sinabi ang dahilan kung bakit ayaw pumayag ng doktor na isagawa ang kidney surgery— dahil wala siya sa maayos na kalagayan.“Nakuha mo pang magtago rito kasama iyang sam
Kabanata 25ㅤㅤㅤㅤMUNTIK hindi mapigilan ni Jared ang mapataas ng kilay noong makita ang mag-asawang Saavedra sa sala nila kasama si Justin. Nagtataka nyang pinagmasdan ang mga ito habang kinukuha ng kasambahay ang suot nyang coat.Noong mapansin ng mga ito ang presensya nya, mabilis pa sa alas kwatrong tumayo ang mag-asawang Saavedra para batiin siya. Ang pinakahuling tumayo ay si Justin na noo’y pinukulan kaagad siya ng masamang tingin.Jared plastered a forced smile on his face. “I’m sorry. Am I not disturbing anything?”“Surely not!” sagot kaagad ni Joana bago ito mahinang tumawa. “Bumisita talaga kami rito para sa ‘yo, Jared.”That’s a first.Sa pagkakaalala nya ay hindi naman interesado ang mga Saavedra sa kanya dahil bukod sa maaga siyang umalis sa puder ng mga Elizalde, si Justin ang gustung-gusto noon ni Lorraine— ngayon ay ang tunay na anak ng mga ito na si Rika.Mahina siyang humimig. “Tungkol sa’n po?”“Para lang talaga mangumusta. Alam mo na, matagal na rin magmula no’ng hu
KABANATA 26ㅤㅤㅤㅤNAPASAGITSIT si Justin noong maalala na naman ang nakita nya kagabi.Hinatid nya noon ang mga in-laws nya at nang makaalis na ang mga ito ay naisipan nyang dumiretso sa hardin. He originally planned on getting some rest, but something outside his room’s balcony kept pulling him in. May kung anong bumubulong sa kanya na lumabas.So he did, and his balcony has a good view of the garden.Kaya hindi kataka-takang noong lumabas siya ay kaagad nyang nakita sina Lorraine at Jared na magkasama. He was not dumb not to know it was his brother who chased that woman in the garden. Nitong nakaraan, napansin nyang malapit ang kapatid dito.“I already warned him not to get too close,” naiinis na bulong nya sa sarili bago siya humawak sa barandilya ng balcony.His grip on the railing tightened. Halos masira nya iyon lalo na noong tapik-tapikin ni Jared ang ulo ni Lorraine.Nandidilim ang paningin nya. Hindi talaga nya gustong nakikitang magkasama ang dalawang iyan lalo na’t alam naman
KABANATA 27ㅤㅤㅤㅤTWO weeks left. Dalawang linggo na lamang at itutuloy na ang kidney transplant. Magpahanggang ngayon, hindi pa rin alam ni Lorraine ang gagawin. She did think of asking for Jared’s help but against the Saavedras and his very own brother, what could he do?Ayaw din ni Lorraine na kainin ng konsensya kung may masamang mangyari kay Jared at madamay ito sa gulo.“Mama... ano pong iniisip mo?” tanong ni Laurence na siyang humigit sa kanya pabalik sa realidad.Nasa kwarto silang dalawa ng anak ngayon. Kanina pa ito nag-aaya na lumabas pero dahil hindi maganda ang pakiramdam ni Lorraine ay nananatili pa rin sila sa loob ng kwarto.Hindi siya mapalagay dahil panay bisita sa isipan nya na hindi na talaga siya makakaiwas sa pagiging kidney donor ni Rika. Dalawa lang din ang magagawa nya ngayon: magdasal na makaligtas at mabuhay pa rin pagkatapos ng transplant o hindi naman kaya ay tumakas.Pero paano siya tatakas? Punung-puno ng seguridad ang pamamahay ng mga Elizalde, and with
Kabanata 28ㅤㅤㅤㅤWALA sa sariling nakatitig sa sahig si Lorraine. Magmula noong malayo siya sa anak at dalhin sa hindi nya alam na lugar, hindi siya matigil sa kaiiyak at kakahanap kay Laurence.Pero parang binging walang pakialam sina Adrian at Justin sa kanya. Ginawa lamang ng mga ito ang gustong gawin. Ni hindi sinasagot ng mga ito ang tanong nya kung saan ba dadalhin ang anak at nang magsawa na ang mga ito ay pinatulog siya.Natigilan si Lorraine noong mula sa gilid ng mga mata nya ay makakita siya ng sapatos.She didn’t even have to raise her head to know who it was.“Justin...” nanghihinang tawag nya sa binata. “Nasaan ang anak ko...?”Justin clicked his tongue and hissed. “Dinala ka na nga sa kung saan, iyong bastardo mo pa rin ang iniisip mo?”“He’s all that I have... Please, sa’n mo siya dinala...?”“It’s none of your business. You wouldn’t even see him again, so why bother?”Pagak na tumawa si Lorraine bago siya nagpilig ng ulo para mag-iwas ng tingin mula kay Justin. Nararam
KABANATA 64ㅤㅤㅤㅤANG hirap sabihin kay Laurence ng totoo pero noong sinabi na nila sa anak ang nangyari sa tito nito na nagpalaki rin dito, hindi matigil ang pag-iyak ni Laurence.Lorraine expected that her son wouldn’t understand, or might have a difficult time understanding what happened to her brother but… he comprehended every detail quickly.“Mama! Ayoko po iwanan tayo ni tito!”Kanina pa panay reklamo si Laurence at iyak na ayaw maiwanan ni Lorenzo, na bagamat hindi na nya ito nakakasama madalas e malaki pa rin ang puwang nito sa puso ng bata lalo na’t ito ang nakasama nito sa paglaki.“Hindi ko po ta-tanggap, mama! Ayoko… ayoko po!”Naaawang pinagmasdan ni Lorraine ang anak na magwala sa kama nito. Panay ang pagkakalat nito sa mga unan at kumot, sisipain iyon tapos maglilikot sa kama, pero hinayaan lamang nya ang anak na ilabas lahat ng nararamdaman nito.She didn’t want to hush him down right now because it’s Laurence’s right to express how hurt he was on Lorenzo’s sudden passi
KABANATA 63ㅤㅤㅤㅤLORENZO’S déath was sudden and when it finally sank in, Lorraine couldn’t sleep a blink because she knew her brother was living peacefully and quietly in their house, yet they somehow found him déad inside the house their mother left him.It was... rather disappointing in her part because she didn’t know him a lot.She didn’t spend a lot of time with him nor was she ever given a chance to grow up with her real brother. Ang unfair pa ng buhay dito dahil ipinalaga nga nya ang anak sa lalaki pero hindi man lang nya nagawang bumawi rito habang nabubuhay pa ito.Though, she did plan to start anew with her brother and son but... Life played them again.“Mama, ‘kala ko po uuwi tayo kay tito? Bakit po nasa bahay po ulit tayo ni papa? ‘Di na po ba tayo aalis?” inosenteng tanong ni Laurence habang abala itong gumuhit sa sketchbook na iniregalo ni Jared dito.Hanggang ngayon, hindi nya malaman kung paano sasabihin sa anak kung ano ang kinahinatnan ng pinakamamahal nitong tito.It
KABANATA 62ㅤㅤㅤㅤBAGAMAT nagtataka si Lorraine kung bakit sila pinabalik sa loob ng sasakyan ni Jared, mayroon na siyang masamang kutob una pa lamang na baka mayroong masamang nangyari sa kapatid nya.They weren’t close. Nakausap at nakilala lang naman ni Lorraine ang nakatatandang kapatid noong malamang hindi pala siya tunay na anak ng mga Saavedra. Bagamat ganoon, malaki ang tiwala ni Lorraine rito lalo na’t ito ang nagpalaki sa anak nya noong mga panahong sa likod pa siya ng rehas nananatili.“Mama, ba’t po tayo pinabalik ni papa rito sa loob?” nagtataka at kuryosong tanong ni Laurence.Marahang umiling si Lorraine bago siya bumuntong hininga. “‘Di rin alam ni mama, ‘tsaka natin malalaman mamaya kung anong nangyari sa loob.”“Namumutla po si papa, ‘di po ba binubuksan ni tito iyong pinto?”“Baka wala siya, ano? Baka nasa trabaho si tito.”“Opo! Marami po side hustle si tito kaya po baka wala po siya sa bahay, pero ba’t po para kayong nag-aalala?”Hindi rin alam ni Lorraine.Umaasa s
KABANATA 61ㅤㅤㅤㅤIT isn’t Lorraine’s intention to hurt Jared or to drive him insane by refusing the marriage and leave him alone in his condo after the sacrifices he’d done to keep her and their son. She knew that he only wanted to take the responsibility of taking care of Laurence, and possibly protect her from his own brother or something, but it was something Lorraine refused to get used to.Isang linggo pagkatapos nilang mag-usap na dalawa, ‘tsaka nila napag-usapan ang pag-uwi nina Lorraine kay Lorenzo.Jared didn’t bother to convince her otherwise because he knew it would be futile. But he did offer to drop them off by Lorenzo’s house.But it was eeriely quiet.Habang kinukuha ni Jared at tumutulong si Laurence rito na kunin ang mga gamit nila sa likod ng sasakyan, hindi mapigilan ni Lorraine ang mapatitig sa bahay.“Lorraine,” tawag sa kanya ni Jared.Napalingon siya sa binata pero sinalubong siya nito ng nagtatakang tingin. “Sorry, I was spacing out. ‘Di pa kasi sumasagot si kuy
KABANATA 60ㅤㅤㅤㅤINIWANAN ni Laurence sina Jared at Lorraine sa kwarto at ‘ni-lock’ ang pinto. Their child could never lock a door because he does not know how to, and Jared’s doors can always be unlocked from the inside unless Laurence has a key, but he doesn’t. Iniwanan lang sila nito para makapag-usap daw.Laurence wasn’t stupid.Alam ni Lorraine na nabanggit na nya iyan pero hindi nya inakalang makikita rin iyon ni Jared ngayon.Nakaupo si Jared sa upuan hindi kalayuan sa kanya at panay ang hilot nito sa sentido. Kanina pa siya nito hindi tinitignan dahil nakatakip ang kanang kamay nito sa mukha nito.“The door is unlocked,” mahinang aniya at itinuro ang pinto bagamat hindi siya nakikita ni Jared.Tipid itong tumango at humimig. “I know.”“Mali-late kayo sa lakad ninyo ni Laurence, ‘di mo pa ba siya pupuntahan? Sigurado akong naglalaro lang naman siya sa sala.”“We could always arrive late.”“Even so, ‘kala ko ba susulitin mo muna iyong oras ng anak mo bago kami umuwi kay kuya?”Na
KABANATA 59ㅤㅤㅤㅤNASANAY na lang si Lorraine na iniignora siya ni Jared at panay naman ang pangingistorbo ni Justin sa kanya. The bouquet of roses, the desserts, and the anonymous letters from Justin always threw her off. Hindi naman ganoon ang binata noon kaya madalas siyang manibago at may pakiramdam siyang hindi talaga galing kay Justin ang mga regalong natatanggap.Tinanong na rin nya si Jared kung nakausap na b anito ang kapatid pero madalas daw ay wala ito sa opisina kaya hindi nakakapag-usap o nakakapagkita. Iyan lang din ang impormasyong nakuha ni Lorraine sa binata dahil pagkatapos noon ay umiwas na ulit ito sa kanya.Hindi na naulit ang 'family date' o ang paglabas-labas nila dahil umiiwas si Jared.Madalas kung lalabas man, si Laurence lang din ang isinasama nito.“Mama, 'di ka po ba ulit sasama sa 'min ni papa?” pag-uusisa ni Laurence bago nito iniangat ang ulo nang makita ang itsura nya.Pilit ngumiti si L
KABANATA 58 ㅤㅤㅤㅤIT’S ANOTHER bouquet of flowers. Ilang araw nang nagpapadala ng kung anu-anong regalo ang anonymous sender sa condo unit ni Jared at ilang araw na rin silang wary na dalawa lalo na para sa kapakanan ni Laurence pero hanggang ngayon naman e walang negatibong epekto sa kahit saan ang mga bulaklak o regalong ipinapadala ni Justin. And yes, it’s Justin. Iisa lang naman talaga ang paghihinalaan nilang dalawa lalo na’t lahat ng regalo e sa kanya nakapangalan. Hanggang ngayon, hindi pa rin maayos ang pakikitungo ni Jared sa kanya. Madalas ay umiiwas pa rin ito pero t’wing makikita ang mga ‘regalong’ ipinapadala ng nakababatang kapatid ay titignan kaagad nito ang lagay nilang mag-ina. “Those flowers are harmless, they are just tulips no?” pag-uusisa ni Jared habang naniningkit ang mga matang pinagmamasdan ang mga bulaklak na ipinadala ni Justin. “Hanggang ngayon, ‘di ko maintindihan kung ano ba ang tumatakbo sa
KABANATA 57ㅤㅤㅤㅤIF people would look in a logical perspective, hindi kataka-taka ang tugon ni Lorraine sa paanyaya ni Jared na magpakasal.Pekeng anak ng mga Saavedra si Lorraine, isang impostor na nagdala ng kamalasan sa pamilya. Inagaw ang buhay na nararapat para kay Rika Saavedra nang sa ganoo’y mabuhay. Sa larangan ng negosyo, sirang-sira na ang pangalang ‘Lorraine Saavedra’ at puro masasamang salita at balita ang kaakibat ng pagbanggit sa pangalan nya sa publiko. To be even seen walking with her was already an embarrassment.Her name would spark the interest of businessmen and investors alike.Dahil sa kagustuhan ng ina nya na ‘patumbahin’ ang mga Saavedra dala ng inggit, pinalitan nito ang tunay na anak at itinanim siya bilang ‘spy’ at tigasira ng pamilya.Lorraine never found out the reason why she did that because she disappeared right after the truth was spilled. Kay Lorenzo na nya nalaman na dahil sa congenital heart d
KABANATA 56ㅤㅤㅤㅤAS MUCH as Lorraine liked the idea of having a complete family now that it’s revealed that Jared was the father of her child, and he was willing to marry her and take care of Laurence, something about the thought of getting married and settling down with an Elizalde did not sit right with her.“Pupwede bang ‘wag na tayong magpakasal?”“Did I do something wrong—”“You did not, but I don’t think I could marry you, Jared.”Ilang araw na ang lumipas mula noong itanong iyan ni Lorraine kay Jared at magmula noon ay tila ba nagbago ang pakikitungo ni Jared sa kanya.Pareho pa rin ang turing nito sa anak nila, spoiled pa rin si Laurence sa tatay nito, pero hindi nito gaano kinakausap si Lorraine. In fact, hindi na ito sumasabay sa pagkain t’wing aayain nya dahil mayroon daw itong ibang aasikasuhin.Kalaunan, napagtanto nyang pinapauna lamang sila ni Jared tapos ‘tsaka ito kakain sa oras na wala na siya sa kusina at naayos na ang mga dapat iligpit.“Kain na tayo,” pag-aaya nya