KABANATA 26ㅤㅤㅤㅤNAPASAGITSIT si Justin noong maalala na naman ang nakita nya kagabi.Hinatid nya noon ang mga in-laws nya at nang makaalis na ang mga ito ay naisipan nyang dumiretso sa hardin. He originally planned on getting some rest, but something outside his room’s balcony kept pulling him in. May kung anong bumubulong sa kanya na lumabas.So he did, and his balcony has a good view of the garden.Kaya hindi kataka-takang noong lumabas siya ay kaagad nyang nakita sina Lorraine at Jared na magkasama. He was not dumb not to know it was his brother who chased that woman in the garden. Nitong nakaraan, napansin nyang malapit ang kapatid dito.“I already warned him not to get too close,” naiinis na bulong nya sa sarili bago siya humawak sa barandilya ng balcony.His grip on the railing tightened. Halos masira nya iyon lalo na noong tapik-tapikin ni Jared ang ulo ni Lorraine.Nandidilim ang paningin nya. Hindi talaga nya gustong nakikitang magkasama ang dalawang iyan lalo na’t alam naman
KABANATA 27ㅤㅤㅤㅤTWO weeks left. Dalawang linggo na lamang at itutuloy na ang kidney transplant. Magpahanggang ngayon, hindi pa rin alam ni Lorraine ang gagawin. She did think of asking for Jared’s help but against the Saavedras and his very own brother, what could he do?Ayaw din ni Lorraine na kainin ng konsensya kung may masamang mangyari kay Jared at madamay ito sa gulo.“Mama... ano pong iniisip mo?” tanong ni Laurence na siyang humigit sa kanya pabalik sa realidad.Nasa kwarto silang dalawa ng anak ngayon. Kanina pa ito nag-aaya na lumabas pero dahil hindi maganda ang pakiramdam ni Lorraine ay nananatili pa rin sila sa loob ng kwarto.Hindi siya mapalagay dahil panay bisita sa isipan nya na hindi na talaga siya makakaiwas sa pagiging kidney donor ni Rika. Dalawa lang din ang magagawa nya ngayon: magdasal na makaligtas at mabuhay pa rin pagkatapos ng transplant o hindi naman kaya ay tumakas.Pero paano siya tatakas? Punung-puno ng seguridad ang pamamahay ng mga Elizalde, and with
Kabanata 28ㅤㅤㅤㅤWALA sa sariling nakatitig sa sahig si Lorraine. Magmula noong malayo siya sa anak at dalhin sa hindi nya alam na lugar, hindi siya matigil sa kaiiyak at kakahanap kay Laurence.Pero parang binging walang pakialam sina Adrian at Justin sa kanya. Ginawa lamang ng mga ito ang gustong gawin. Ni hindi sinasagot ng mga ito ang tanong nya kung saan ba dadalhin ang anak at nang magsawa na ang mga ito ay pinatulog siya.Natigilan si Lorraine noong mula sa gilid ng mga mata nya ay makakita siya ng sapatos.She didn’t even have to raise her head to know who it was.“Justin...” nanghihinang tawag nya sa binata. “Nasaan ang anak ko...?”Justin clicked his tongue and hissed. “Dinala ka na nga sa kung saan, iyong bastardo mo pa rin ang iniisip mo?”“He’s all that I have... Please, sa’n mo siya dinala...?”“It’s none of your business. You wouldn’t even see him again, so why bother?”Pagak na tumawa si Lorraine bago siya nagpilig ng ulo para mag-iwas ng tingin mula kay Justin. Nararam
KABANATA 29ㅤㅤㅤㅤ“FIND Lorraine and my son—!”Jared almost couldn’t remember how he found himself driving towards nowhere. He had no direction whatsoever, he just decided that he’d take his car and drive to search for Lorraine and Laurence.Nautusan na nya si Amir na hanapin ang dalawa, naikalat na rin ang utos nya sa mga tauhan nya kaya hindi na lang siya mag-isa ang naghahanap.He was on the phone with Amir either.‘I’m sure this happened because I got close with them,’ aniya sa sarili bago humigpit ang pagkakahawak nya sa manobela. ‘I thought Justin wouldn’t do anything to them until the end of this month. Damn it.’Bukod sa mag-ina nya— na hindi naman siya sigurado pa sa ngayon kung kanya ba talaga, hinahanap din nya sina Justin at Adrian. Hanggang ngayon kasi ay hindi nya ma-contact ang kapatid at iniutos na nyang ipahanap si Adrian sa mga tauhan.“Sir Jared, ang foul no’ng ginawa mo kanina!” sermon sa kanya ni Amir bagamat abala rin itong maghanap. “Pa’no kung kumalat iyong tsism
KABANATA 30ㅤㅤㅤㅤ“ALAM mo, kung nakinig ka lang sana sa ‘kin no’ng sinabi ko sa ‘yong idistansya mo sarili mo sa kapatid ko, baka ‘di humantong sa ganito ‘yang kapalaran mo,” sabi ni Justin sa kanya noong muli siya nitong bisitahin.Lorraine couldn’t find it to herself to throw a glare in his direction. Nanghihina siya at walang gana. Simula noong malayo na naman siya sa anak, tuluyan siyang nawalan ng pag-asa at sumuko na lamang sa kung anumang nangyayari sa kanya.Wala, e.Paano siya lalaban kung inihiwalay sa kanya ang inilalaban nya? Hindi nya alam kung saan dinala ng mga ito si Laurence at ayaw nyang umasa sa himala dahil noong mga panahong nangangailangan siya no’n, hindi rin siya pinakinggan ng Diyos o kahit sino.“Ang tigas kasi ng ulo mo,” dagdag pa ni Justin bago nito hinawakan ang baba nya’t pinilit na ipilig ang ulo nya nang magtama ang mga mata nila. “I was too kind when I’ve warned you. Ngayon, kung ‘di pa kita ilalayo sa kapatid ko e baka mangialam pa siya sa mga plano n
KABANATA 31ㅤㅤㅤㅤ“BOSS Jared, may lead na kami kung nasaan iyong batang pinapahanap mo!”Jared’s heart almost dropped when he heard that his men finally found a lead about Laurence.Mabilis siyang tumayo mula sa swivel chair nya’t pinalapit ang tauhang iyon. Kahit si Amir e nagulat dahil mag-iisang linggo na nilang hinahanap ang mag-inang Lorraine at Laurence pero ngayon lamang sila nakarinig ng balita.It was difficult to deal with. Hindi rin kasi umuuwi si Justin at bagamat alam nya kung nasaan ito, mas pinili ni Jared na ipasunod na lamang ang binata mula sa mga tauhan nang si Lorraine ang mahanap.“Nasa’n si Laurence?” tanong nya sa tauhan.Nagmamadaling lumapit ito sa kanya. “Boss, totoo iyong hinala ninyo na sa child trafficking dinala iyong bata. No’ng nakita namin iyong records, dadalhin siya sa Thailand para magtrabaho ro’n.”“Pútang ína.” Namamanghang napahalakhak si Jared bago nya hinarap si Amir. “Mamaya mo na ipagpatuloy iyang report mo. Let’s go fetch my son.”Sukung-suko
KABANATA 32ㅤㅤㅤㅤIMBES na sa manor nilang mga Elizalde, sa condo nya dinala si Laurence. Ito iyong regalo sa kanya ng mga magulang nila ni Justin bago siya bumukod sa mga ito at magpahanggang ngayon, itinuturing nyang safe place. Kung dito nya dadalhin ang bata, alam nyang mas ligtas at mapuprotektahan ito.Bumuntong hininga si Jared pagkalapag nya sa kama kay Laurence. Mahimbing nang natutulog ang bata pero hanggang ngayon ay mahigpit pa rin ang hawak nito sa polo shirt nyang lukot na.Hindi nya tuloy naiwasan ang matawa bago nya marahan na inialis ang kamay nito sa polong suot nya.“Ano nang plano mo, boss?” tanong ni Amir.Hindi nya napansing nakasunod nga pala sa kanila ang sekretarya.Umupo muna siya sa gilid ng kama pero hindi nya iniaalis ang mga mata sa natutulog na si Laurence. Iniisip nya rin kung anong gagawin pero kahit paano ay naibsan iyong bigat na nararamdaman nya dahil nakita na nya ang bata.Si Lorraine na lang talaga.“Kung wala kang maisip, pupwede ba ‘kong mag-sugg
KABANATA 33ㅤㅤㅤㅤDAHIL sa ideya ni Amir, mabilis na naisagawa ang DNA test. Hindi na dinala pa ni Jared si Laurence sa ospital, bagkus ay kumuha na lamang sila ng sample ng kani-kanilang dugo sa bahay ‘tsaka iyon ipinadala kay Amir sa ospital. Strikto pa nyang pinaalala ulit na dapat ay walang magta-tamper sa resulta dahil medyo umaasa si Jared na kanya itong si Laurence.Anyway, Jared called some of his men over to take care of Laurence in his condo.Plano nya kasing bumalik sa manor ng mga Elizalde nang sa ganoon ay makakuha pa ng impormasyon tungkol sa pagkawala nina Lorraine at Laurence. Alam nyang kapatid nya at isang Saavedra ang gumawa noon pero— bukod sa intel na iyan, wala na siyang makuha.Then, he found out that the person who snitched over Justin and Adrian Saavedra mysteriously disappeared.Hindi na nya kailangang malaman kung saan at anong nangyari rito lalo na kung nakarating sa kapatid nya ang nangyari noong mga nakaraan.“Himalang umuwi ka,” bungad sa kanya ni Justin n