Share

Kabanata 22

KABANATA 22

ㅤㅤㅤㅤ“WALA ka bang pupuntahan ngayon, sir Jared?” Iyan ang hindi napigilang itanong ni Lorraine kay Jared nang muli nyang makita ang binata sa hardin.

Tila ba naghihintay sa pagdating nilang mag-ina dahil noong marinig nito ang mga yabag nila at ang boses ni Laurence kanina na tumawag dito, mabilis pa sa ala singko ang paglingon ng binata at ang pagguhit ng ngiti sa mga labi nito.

Medyo matagal na naglaro sina Jared at Laurence bago pa naisipan ng anak nya na muling galain ang hardin ng mga Elizalde. Habang siya at si Jared, naiwanan sa bench na nakatanaw lamang sa bata.

Isinandal ni Jared ang siko sa hita bago ito nagpahalumbaba at sumimangot. “Ba’t kung magtanong ka, parang pinapaalis mo ‘ko? Ayaw mo ba sa ‘kin?”

Muntik siyang mapatalon mula sa kinauupuan noong ganyan ang ibalik na tanong sa kanya ng binata.

Mabilis din nya itong nilingon bago siya umiling. “Hindi sa gano’n! Nagtataka lang naman ako kasi madalas ‘pag ganito, wala ka sa manor at nasa trabaho.”

“Oh, iyon ba
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status