KABANATA 19ㅤㅤㅤㅤSIMULA noong konprontahin ni Jared si Justin, umayos din ang pakikitungo ng mga kasambahay kina Lorraine at sa anak nya. Hindi iyon mabilis, marami ang masama pa rin ang tingin sa kanya’t napipilitang makisama, wala pa rin namang kumakausap sa kanya nang maayos pero mas mapagtitiisan ang ganitong set-up.Tahimik na pinanonood ni Lorraine si Laurence na kumain ng Mcdo. Hindi nagtagal, dumako ang paningin nya kay Jared na noo’y nakangiti ring pinapanood ang anak nya na kumain.“Mama, ah po!” sabi ni Laurence bago nito inilapit ang plastik na kutsara sa kanya.Bahagyang napatalon si Lorraine mula sa kinauupuan.Nakaramdam siya bigla ng hiya lalo na noong tumingin din sa kanya si Jared at nang mapalitan ang ngiti sa mga labi nito ng pilyong ngisi.“O-okay lang ako, ‘nak. ‘Di naman nagugutom si mama,” aniya, nagdadahilan nang hindi masubuan ng pagkain sa harap ni Jared.Hindi naman siya dapat nahihiya lalo na at pagkain naman ang ibinibigay sa kanya at anak naman nya ang na
KABANATA 20ㅤㅤㅤㅤHALOS hindi maipinta ang mukha ni Justin nang maabutan ang nakatatandang kapatid na nakikihalubilo kina Lorraine at sa anak nitong bastardo.Kauuwi nya lamang noon mula sa meeting nya noong lumapit sa kanya ang isa sa mga nagbabantay ng bahay nya para sabihing magkasama sina Lorraine at Jared, pati na rin ang anak ng dalaga.Kung tutuusin, wala naman talagang pakialam dapat si Justin, pero nitong nakaraan kasi ay napansin nya na sobrang interesado ang kapatid nya sa ex-fiancée nya, maging na rin sa anak nito.If that was not weird, Justin did not know what else would be ‘weird’.“Sinong unang lumapit?” tanong ni Justin sa bantay.Pinasadahan nito ng tingin ang tatlo bago nito ibinalik ang tingin kay Justin. “Si... Si sir Jared po.”Nagtataka nyang pinagmasdan ang bantay.All this time, Justin had the impression that it was Lorraine who kept on sticking with Jared. Kasi kailangan nito ng tagapagtanggol para hindi matuloy ang pagiging donor nito kay Rika, at kung kailang
KABANATA 21ㅤㅤㅤㅤTHIS is troublesome.Nakabusangot na ipinagbabalat ni Justin si Rika ng dalandan tulad na lamang ng hiniling nito sa kanya. Halos umiyak pa ito noong unang hindi nya pagbigyan pero mas lalo lamang siyang na-bad trip sa ginawa nitong pagpapaawa.Natigilan si Justin noong biglang haplusin ng dalaga ang pisngi nya.“Kanina ka pa nakasimangot…” anito sa maliit na boses.Justin almost clicked his tongue in annoyance. Pinigilan nya lamang ang sarili dahil alam nyang mas magda-drama na naman si Rika kung bigla nya itong supladuhin.“Justin,” reklamo ni Rika nang hindi nya ito pansinin.Humigop ng malalim na hininga si Justin bago siya bumuntong hininga. “I’m already peeling you oranges, ano pa bang kailangan mo?”“Ih, ayaw ko na niyan kung nagmamaktol ka naman.”Tinaasan nya ito ng isang kilay. Paanong hindi naman siya magmamaktol kung sinabi nyang mamaya na nya ito gagawin kapag lumamig na ang oras nya kung kinulit naman siya nang kinulit ni Rika?Ni hindi ito makaintindi na
KABANATA 22ㅤㅤㅤㅤ“WALA ka bang pupuntahan ngayon, sir Jared?” Iyan ang hindi napigilang itanong ni Lorraine kay Jared nang muli nyang makita ang binata sa hardin.Tila ba naghihintay sa pagdating nilang mag-ina dahil noong marinig nito ang mga yabag nila at ang boses ni Laurence kanina na tumawag dito, mabilis pa sa ala singko ang paglingon ng binata at ang pagguhit ng ngiti sa mga labi nito.Medyo matagal na naglaro sina Jared at Laurence bago pa naisipan ng anak nya na muling galain ang hardin ng mga Elizalde. Habang siya at si Jared, naiwanan sa bench na nakatanaw lamang sa bata.Isinandal ni Jared ang siko sa hita bago ito nagpahalumbaba at sumimangot. “Ba’t kung magtanong ka, parang pinapaalis mo ‘ko? Ayaw mo ba sa ‘kin?”Muntik siyang mapatalon mula sa kinauupuan noong ganyan ang ibalik na tanong sa kanya ng binata.Mabilis din nya itong nilingon bago siya umiling. “Hindi sa gano’n! Nagtataka lang naman ako kasi madalas ‘pag ganito, wala ka sa manor at nasa trabaho.”“Oh, iyon ba
KABANATA 23ㅤㅤㅤㅤ”DO an investigation on Lorraine and Laurence.”Ito kaagad ang unang iniutos ni Jared kay Amir noong sa wakas ay bumalik ito mula sa pag-iimbestiga. Naguguluhan siyang pinagmasdan ng binata, may bahid ng inis at pagkadismaya sa itsura nito, pero walang emosyon lang na pinagmasdan ni Jared ang sekretarya.“Kababalik ko lang,” reklamo nito ‘tsaka iniangat at itinuro ang hawak na folder. “‘Tsaka may nakalap akong impormasyon tungkol do’n sa babaeng pinapahanap mo.”“I don’t care. Your source, Pablo, isn’t reliable.” Umikot ang mga mata ni Jared bago nya itinuro ang pinto palabas ng opisina nya. “Bumalik ka na lang ulit ‘pag naimbestigahan mo na si Lorraine at iyong anak nya.”“Ba’t ba bigla kang curious sa mga ‘yon? ‘Di ba ex-fiancée ng kapatid mo si Lorraine Saavedra?”She’s not a Saavedra anymore- is what Jared would like to say but as far as he knows, Lorraine still carries the surname legally.Anyway, that was besides the point. “Just do it.”“E pa’no ‘tong nakuha kon
KABANATA 24ㅤㅤㅤㅤPARANG binuhusan ng malamig na tubig si Lorraine noong malamang pumunta sa pamamahay ng mga Elizalde ang mga Saavedra.Gustung-gusto nya noon na magtago kasama ang anak pero hindi nya magawa lalo na’t dinala na ng isa sa mga kasambahay ang mag-asawang Saavedra sa kwarto nila ni Laurence.Hindi rin siya makatagal sa intensidad ng pagkakatitig ng mga ito sa kanya. Parang binubutasan ang noo nya at ng anak nyang nakatago lamang sa likuran nya dahil alam nito na hindi dapat binabangga ang mga kaharap nila ngayon.“Anong ginagawa mo rito?” Ito ang paunang tanong sa kanya ni Joana Saavedra. “‘Di ba dapat nasa ospital ka’t dinu-donate ‘yang kidney mo sa anak ko?”Hindi sumagot si Lorraine.Iniisip nya kung hindi ba nagpaliwanag si Justin sa mga ito bago siya dalhin sa manor ng mga Elizalde. Kung hindi ba nito sinabi ang dahilan kung bakit ayaw pumayag ng doktor na isagawa ang kidney surgery— dahil wala siya sa maayos na kalagayan.“Nakuha mo pang magtago rito kasama iyang sam
Kabanata 25ㅤㅤㅤㅤMUNTIK hindi mapigilan ni Jared ang mapataas ng kilay noong makita ang mag-asawang Saavedra sa sala nila kasama si Justin. Nagtataka nyang pinagmasdan ang mga ito habang kinukuha ng kasambahay ang suot nyang coat.Noong mapansin ng mga ito ang presensya nya, mabilis pa sa alas kwatrong tumayo ang mag-asawang Saavedra para batiin siya. Ang pinakahuling tumayo ay si Justin na noo’y pinukulan kaagad siya ng masamang tingin.Jared plastered a forced smile on his face. “I’m sorry. Am I not disturbing anything?”“Surely not!” sagot kaagad ni Joana bago ito mahinang tumawa. “Bumisita talaga kami rito para sa ‘yo, Jared.”That’s a first.Sa pagkakaalala nya ay hindi naman interesado ang mga Saavedra sa kanya dahil bukod sa maaga siyang umalis sa puder ng mga Elizalde, si Justin ang gustung-gusto noon ni Lorraine— ngayon ay ang tunay na anak ng mga ito na si Rika.Mahina siyang humimig. “Tungkol sa’n po?”“Para lang talaga mangumusta. Alam mo na, matagal na rin magmula no’ng hu
KABANATA 26ㅤㅤㅤㅤNAPASAGITSIT si Justin noong maalala na naman ang nakita nya kagabi.Hinatid nya noon ang mga in-laws nya at nang makaalis na ang mga ito ay naisipan nyang dumiretso sa hardin. He originally planned on getting some rest, but something outside his room’s balcony kept pulling him in. May kung anong bumubulong sa kanya na lumabas.So he did, and his balcony has a good view of the garden.Kaya hindi kataka-takang noong lumabas siya ay kaagad nyang nakita sina Lorraine at Jared na magkasama. He was not dumb not to know it was his brother who chased that woman in the garden. Nitong nakaraan, napansin nyang malapit ang kapatid dito.“I already warned him not to get too close,” naiinis na bulong nya sa sarili bago siya humawak sa barandilya ng balcony.His grip on the railing tightened. Halos masira nya iyon lalo na noong tapik-tapikin ni Jared ang ulo ni Lorraine.Nandidilim ang paningin nya. Hindi talaga nya gustong nakikitang magkasama ang dalawang iyan lalo na’t alam naman