Share

Kabanata 8

KABANATA 8

ㅤㅤㅤㅤKAHIT pa na pinatuloy ni Justin sina Lorraine at Laurence sa manor nito, hindi ibig sabihin noon e magiging madali ang pamumuhay nilang mag-ina sa puder ng mga Elizalde.

Ni hindi sila makalabas sa kwartong pinagdalhan nila. Kahit pa na halos umiyak na si Laurence dahil gusto raw nitong mamasyal sa hardin ng mga Elizalde, walang magawa si Lorraine kung hindi panoorin lamang ang anak dahil hindi maganda ang naging karanasan nila noong subukan nilang pumunta ro’n.

“Sa’n kayo pupunta?”

Natigilan si Lorraine noong marinig ang boses ng isa sa mga katulong ni Justin. Noong lumingon siya, natagpuan nya itong masama ang tingin sa kanila nina Lorraine at Laurence.

“Bibisita sana kami sa hardin—”

Bago pa man matapos ni Lorraine ang sasabihin, malalaki ang yapak na lumapit sa kanila ang katulong. Hinawakan nito nang mahigpit ang braso nya’t hinila siya, at bilang mas malaki ito at mas malakas, kaagad nitong nahila ang dalaga’t tumama ang likod nya sa pader.

“A—aray!” reklamo nya.

“Mama!” natataranta ring tawag sa kanya ni Laurence.

Hindi na nabawalan pa ni Lorraine ang anak nang harangan siya nito mula sa katulong sa aktong pagprotekta sa kanya. Iyon lang ay hindi natuwa ang katulong sa anak kaya sinampal nya ito ng pagkalakas lakas, dahilan para matumba ito sa isang tabi.

“Laurence!” tawag nya sa anak.

Dali-dali siyang lumapit dito at prinotektahan ang anak noong akma ulit itong sisipain ng katulong.

“Tama na! Ganito ba talaga kayo rito? Walang kalaban-laban ‘tong bata sa ‘yo!” sigaw nya sa katulong.

Nanggagalaiti siyang pinagmasdan ng katulong. “Nakikisali ‘yang anak mo sa gusot! Kung ayaw mong nadadamay ‘yan, edi sana dinidisiplina mo!”

“Maayos ang anak ko!”

“Maayos? Kung sa ‘yo nanggaling, mahirap paniwalaan!” Lumapit ang katulong sa kanya’t hinila ang buhok nya. “Akala mo ba malilimutan naming lahat ‘yong ginawa mo kay sir Justin?!”

Pero hindi naman nya kasalanan iyon! Ni hindi nya ginusto!

Lorraine had a lot to say but she chose not to speak. Kahit naman kasi subukan nya nang subukan ang magpaliwanag, walang makikinig sa kanya dahil sirang-sira na ang imahe nya sa mga ito.

“Niloko mo kaming lahat! ‘Di ka naman pala Saavedra, ‘di ka rin naman pala malinis, ta’s may gana kang bumalik dito?”

Kinagat ni Lorraine ang pang-ibabang labi dahil pinipigilan nyang maiyak sa sakit ng pagkakasabunot sa kanya.

Pero hindi tulad nyang hinahayaan lang ang lahat, sinubukan ng anak nya ang lumaban.

“Bitiwan mo si mama!” singhal nito sa katulong ‘tsaka hinawakan ang palapulsuhan nito at pilit iyong inaalis mula sa buhok ni Lorraine.

Noong makita nyang sasaktan ulit ng katulong ang anak, mabilis pa sa ala singkong hinila ni Lorraine ang anak at sinalo ang sampal na para dapat dito.

“Mama!”

“H’wag kang nakikisali kung ayaw mong lalong nasasaktan itong gago mong nanay!” asik ng katulong sa anak nya.

“Tama na! Namumuro ka na—” kahit pa na sinubukan ni Lorraine ang manlaban, wala siyang lakas bilang mas maliit ang katawan nya’t hindi pa siya nakaka-recover sa mga nangyari sa kanya sa bilibid.

Even so, Lorraine really tried to protect her child and escape from that maid. Pero hindi iyon naging madali dahil malaki talaga ang galit nito sa kanya lalo na noong banggitin nitong ito ang mag-aasikaso sa kanila na mag-ina at ayaw talaga nito dahil sa kung paano nya sinira ang tiwala ng mga Elizalde—maging ang mga kasambahay ng mga ito.

Halos mawalan na ng pag-asa si Lorraine noong muli na naman siyang sipain sa likuran ng katulong.

Kahit anong paglaban ang gawin nya, walang saysay. Sa halip, patuloy lang na namumuo ang galit sa puso nya.

“Ang kapal ng mukha mong bumalik at sumama pa kay sir Justin pagkatapos mo kaming linlangin lahat—”

Noong iangat ulit ng katulong ang binti nito para sipain siya, mahigpit nyang niyakap ang noo’y umiiyak na na si Laurence. She also prepared herself for the pain. Pumikit na siya para saluhin iyon.

But five… or ten seconds had passed and yet, she received nothing.

Nagtatakang nag-angat ng tingin si Lorraine sa katulong ‘tsaka nya ito napansing hindi na kumikilos mula sa kinatatayuan. Maayos na ang tayo nito at mukhang tinakasan na ng kulay sa mukha.

For a moment, Lorraine was confused.

Nakatitig lang kasi ang katulong sa isang direksyon at bago pa man sundan ni Lorraine ng tingin ang tinitignan nito, ‘tsaka siya may narinig na pamilyar na boses.

“Iyan ba ang instructions na ibinigay sa ‘yo ni Justin?”

Lorraine’s heart almost dropped when she heard Jared’s voice. Then, she slowly turned her head to look in his direction. There she found him leaning against the door frame, forehead furrowed and eyes almost squinting in as he threw deadly glares at the maid.

Nagngangalit ang mga ngipin nitong umismid.

“Akala ko ba, ang utos sa inyo e alagaan si Lorraine hanggang bumuti ang kalagayan?” dagdag pa nito.

Napalunok ang katulong. “Pero sir Jared, malaki ang kasalanan ng babaeng ito kay sir Justin kaya angal kami sa ut—”

“Sino ba ang boss? Si Justin o ikaw? Ba’t ikaw ang nagdedesisyon kung anong magandang gawin kay Lorraine?”

Napamaang na lamang si Lorraine habang pinagmamasdan nya si Jared na ipagtanggol siya.

Sandali ring tumingin sa direksyon nya ang binata ngunit hindi man lang ito ngumiti o kahit ano. Samantala, si Laurence naman e tuwang-tuwa na makita ulit ang binata.

“Do your job properly if you want to stay. Isang beses ko pang makita o malaman na minamaltrato ninyo ang babaeng ‘yan, ako ang makakaharap ninyo, hindi si Justin,” anito pa.

Bumuntong hininga si Lorraine matapos alalahanin ang mga nangyari noong isang araw na sumubok silang lumabas ni Laurence.

Kung hindi dahil kay Jared, baka hindi sila nakabalik nang maayos at buo sa kwartong ibinigay sa kanila ni Justin.

Nagbago rin naman ang pakikitungo ng katulong na iyon sa kanila ng anak nya pero hindi nya masabing bukod dito, magbabago ang trato sa kanya ng ibang kasambahay at trabahador ng mga Elizalde.

She was just lucky.

“Mama,” muling tawag ni Laurence kay Lorraine.

Nahigit ang atensyon nya noong marinig nya ang boses ng anak at noong tignan nya ito, ‘tsaka nya napansing may itinuturo ito sa labas ng bintana.

“Hindi ba talaga tayo pupwedeng lumabas? Nando’n iyong lalaking nagligtas sa ‘tin, mama.”

Huh?

Kumunot ang noo ni Lorraine bago nya ibinaling ang atensyon sa hardin. Tulad nga ng sinabi ng anak nya, naroroon nga si Jared at namamasyal, mayroong kausap na hardinero.

Hindi nya alam kung malakas lang ba ang pakiramdam nito o alam nitong dito banda ang kwarto nilang dalawa ng anak dahil ilang segundo pa lamang nya itong pinagmamasdan, saktong lumingon sa direksyon nya ang binata.

Then, Jared Elizalde smiled at her.

Bakit ito nakatingin sa direksyon nila?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status