Share

Kabanata 9

KABANATA 9

ㅤㅤㅤㅤISA sa mga napansin ni Lorraine nitong nakaraan ay ang kuryosidad ng anak nya kay Jared. Magmula noong iligtas sila nito mula sa katulong na ibinigay ni Justin sa kanila, naging mataas ang tingin ng anak sa lalaki.

Hindi rin maiwasan ni Lorraine ang magtaka sa kung anuman ang pakay ni Jared sa kanya o sa anak nya.

Hindi naman sila magkakilala kaya alam nyang wala siyang ginawang masama rito. Maliban na lang kung pinipeke nito ang kabaitang ipinapakita nang maipaghiganti ang nakababata nitong kapatid mula sa mga ‘kasinungalingan’ nya noon.

The point is, Lorraine didn’t trust Jared.

Kahit pa na ganoon, wala sa loob nyang ilayo ang anak mula sa lalaki dahil gustung-gusto ito ng anak nya. Wala pa rin naman itong ginagawang masama kay Laurence kaya minabuti ni Lorraine ang maging alerto na lamang.

“Gustung-gusto ng anak mo sa labas,” komento ni Jared nang umupo ito sa tabi nya.

Kasalukuyan silang nasa hardin noon dahil inaya silang mag-ina ni Jared na lumabas. Nagtanong kasi ito kung hindi ba sila nabuburyo sa loob ng kwarto tapos ang anak nya ang mabilis na sumagot ng ‘oo’ dahil nakakulong lang talaga sila.

Lorraine sweat dropped and attempted not to look in his direction. “Ilang araw din kaming nakakulong lang sa kwarto. Wala rin naman siyang ibang makausap o makalaro bukod sa ‘kin kaya gustung-gusto nya rin sigurong lumabas.”

“E bakit ‘di mo siya ilabas nang mas madalas? Nakausap ko naman na lahat ng nagtatrabaho rito,” tanong ni Jared.

Halos mahulog ang panga ni Lorraine sa narinig.

Bakit naman gagawin iyan ni Jared? Kung totoo man ang sinabi nito, bagamat naa-appreciate nya ang akto, mas lalo lang siyang nagtaka.

“Salamat…?” Hindi nya alam kung anong magandang sabihin sa ganitong pagkakataon. “Pasensya ka na kung kinailangan mo pang gawin ‘yan pero… ‘di ba magagalit si Justin ‘pag nalaman nya?”

Mataman siyang pinagmasdan ng binata bago ito umismid. “I don’t think he’d care even if I do this.”

“Ba’t mo naisip ‘yon?”

“Wala naman siyang magagawa kung kinausap ko na mga katulong nya. Plus, don’t you think they should treat you as a guest since you’re one?”

“I’m not—” mabilis nyang sagot.

“You are,” agap naman ni Jared sa kanya. “He took you home. You’re his responsibility. Pagpasensyahan mo na lang kung ‘di mo iyon maramdaman ngayon.”

“...I can’t be. Alam mong malaki ang kasalanan ko sa kapatid mo, ‘di ba?”

Because that’s what everyone made her out to be— a villainess.

Hindi kaagad sumagot si Jared at sa halip, bumuntong hininga muna ang binata. “Matagal akong wala. ‘Di ako involved sa kung anumang gusot ang meron kayo ni Justin. The thing is, he still took you home for a reason, and he should act like a proper host.”

Pinilit ni Lorraine ang ngitian si Jared noong bumaling ito sa kanya’t tumingin. Samantala, hindi nya maitago ang pagak na pagtawa.

Paano ba nya sasabihing hindi siya umaasa ng maayos na pagtrato mula sa mga Elizalde? Simula noong si Justin pa ang mag-corner sa kanya at nang mayroon siyang malaman sa bilibid, nawalan na siya ng ganang isipin pa na bubuti ang relasyon nilang dalawa.

“Isa pa, ‘di ka naman dapat minamaltrato lalo na sa lagay mong ‘yan, Lorraine. You’re not what you were before,” anito pa.

Lorraine only smiled after that and looked back to what she used to be before.

Hindi nya alam kung ilang beses nya babanggitin, but she was once the pride of the Saavedra family. With her beauty and wits, she was more than loved and admired. Iyon lang, nagbago talaga ang lahat magmula noong dumating si Rika.

“Ayos lang ba ‘to?” wala sa sarili nyang naitanong na siyang pumukaw din sa atensyon ni Jared.

Nagtataka siyang pinagmasdan ng binata kaya iyon din ang ginawa nya.

“Mabait ka ba talaga sa ‘kin o may hidden agenda ka rin?” hindi nya napigilang itanong kay Jared.

Kumunot ang noo ng binata. “Have you wronged me before?”

“I wronged all of you.” By growing up as the fake princess of the Saavedra family and almost marrying Jared’s younger brother.

“I don’t think that concerns me. Si Justin ang masama ang loob sa ‘yo at hindi ako.”

“Imposibleng ‘di mo alam kung anong ginawa kong pagtataksil sa kanya.”

Natahimik si Jared sa sinabi nya bago ito mabilis na nag-iwas ng tingin. Imbes na sa kanya ituon ang atensyon ay hinanap ng mga mata nito si Laurence na noo’y tinititigan ang mga rosas sa hardin ng mga Elizalde.

Ilang minuto pa yata ang lumipas bago magsalita ang binata.

“Oras na. Bumalik na kayo sa loob, nagdidilim na,” sabi nito.

Lorraine looked at him before she inwardly scoffed. Hindi na lang nya pinagtuunan ng pansin ang pag-iwas ng lalaki sa sinabi nya at sa halip ay hinanap ng mga mata ang anak na naglalaro pa rin noon.

“Laurence!” tawag nya rito.

Tumigil mula sa pamamasyal sa hardin ng mga rosas ang anak at tumingin sa kanya. Minuwestrahan nya ang bata na lumapit sa kanya at kaagad naman itong sumunod.

Malawak ang ngising tumakbo ang bata patungo sa direksyon nila ni Jared ngunit imbes na dumiretso sa kanya ay kay Jared tumungo ang anak at yumakap.

Hindi lamang siya, kung hindi maging ang binata, ang nagitla sa ginawa ni Laurence.

“Lau—Laurence!” natataranta nyang tawag sa anak bago nya mabilis na hinawakan ang braso nito at hinila ito palapit sa kanya. “‘Wag ka na lang basta-bastang humahawak kung kani-kanino!”

Laurence whined. “Pero mama, tulong nya po tayo para makapasyal dito sa garden!”

Pinanlakihan nya ng mata ang anak, tahimik itong pinapagalitan kaya mas humaba ang pagkakanguso ni Laurence.

Mahina namang natawa si Jared noong makabawi. “Okay lang.”

Namamangha nyang pinagmasdan ang binata na noo’y nakatuon din ang atensyon kay Laurence. Her heart almost skipped a beat when the man extended his hand to reach her son. Puprotektahan nya na sana ito noong lumapat ang palad ng lalaki sa ulo ni Laurence para guluhin ang buhok nito.

“He was just thanking me,” dagdag pa nito.

Lorraine had that whirlwind of mixed emotions. “I’m sorry. I’ll still teach him manners.”

“Like I said, I don’t mind. He’s just a kid thanking me.”

“Mama, ‘di ko po intindi,” mahinang sabad ni Laurence, dahilan para mapahalakhak si Jared.

Ngumisi ang binata at muling ginulo ang buhok ni Laurence. “Sabi ko, ayos lang na yakapin mo ‘ko. Tara na rin sa loob at pagabi na.”

That scenario tugged something in Lorraine’s chest.

Kung nakilala ba nya ang ama ni Laurence, may tsansa rin kayang mailigtas nya ang sarili mula sa mga Elizalde at Saavedra?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status