Share

Kabanata 3

KABANATA 3

ㅤㅤㅤㅤHABANG patungo si Justin kasama si Adrian na noo’y kinakaladkad si Lorraine sa doktor na mag-eeksamina rito upang maisagawa ang kidney transplant, natigilan silang lahat noong bigla na lamang mawalan ng malay ang dalaga.

Who knows what exactly happened? Basta habang patungo sila sa opisina ng isa sa mga doktor, napansin nyang pagewang-gewang na kung maglakad ang dalaga. Hindi nya iyon pinansin noong una hanggang sa tuluyan itong bumagsak sa sahig.

And the way Justin stilled at the sight of an unconscious Lorraine had almost made his defenses crumble—that made him feel dizzy as he was holding onto the hatred he felt towards the woman.

“Anong nangyari sa kanya?” tanong nya kay Adrian na noo’y sandali ring nagitla sa nangyari. “Ba’t siya nawalan ng malay?”

Nang marinig ang boses nya, ‘tsaka lamang nakabalik sa huwisyo ang binata bago ito napaismid. Unti-unting kumunot ang noo nito kasabay ng paniningkit ng mga mata nito bago ito umismid.

Bumaling sa kanya si Adrian bago ito pagak na tumawa. “Nawalan ng malay? ‘Yan ba talaga ang tingin mo o nanlalambot ka lang dahil nakita mo na naman si Lorraine?”

Ikinuyom ni Justin ang mga kamao. How does that add up? Gusto nyang kontrahin si Adrian pero pinangunahan siya nito.

“Halata namang nagkukunwari lang ang impostor na ‘to!” anito pa bago nito sinipa ang tiyan ni Lorraine.

Napasinghap si Justin sa nakita. It was probably his reflexes either but he immediately went to Adrian’s direction and pinned him against the wall—hindi nya maintindihan kung bakit siya biglang nakaramdam ng galit noong makitang walang pakundangan nitong sinaktan si Lorraine.

“Ba’t mo pa siya sinipa?!” he angrily snarled at Adrian.

The worst thing was that even after being kicked on the stomach, Lorraine didn’t even react. Nanatili itong nakahilata at walang malay sa sahig.

Adrian only smirked at him. “O, ba’t ka nagagalit? ‘Wag mo sabihin na may natitira ka pang amor para sa babaeng ‘yan?”

Kumibot ang isa nyang kilay. “Nagkakamali ka. Alam mo namang kailangan natin siya para sa kidney transplant ni Rika. Iyang bigla mong pananakit, that was uncalled for.”

“Uncalled or not, she deserved it. Halata namang nagkukunwari lang siyang nawalan siya ng malay!”

“She didn’t even react when you kicked her!”

Hindi maiwasan ni Justin ang makaramdam ng pagkasiphayo nang paikutan lamang siya ng mga mata ni Adrian. Hindi pa nakatulong na hinawakan ng binata ang palapulsuhan nya’t sapilitang inialis ang sarili mula sa pagkaka-corner nya rito.

“Ano ba?! Ba’t ka ba nagpapahulog sa patibong ng babaeng ‘yan?” namamanghang asik sa kanya ni Adrian.

Bumuga siya ng marahas na hangin. “Tumigil ka na. Wala talagang malay si Lorraine.”

Kumibot ang isang kilay ni Adrian, marahil dala rin ng galit at ng pagkasiphayo na hindi nito malapatan ng panibagong pananakit ang noo’y walang malay na si Lorraine. Muli itong lumayo sa kanya at pumunta sa isang gilid ngunit ang mga mata nito, kay Lorraine lamang nakamasid.

“Bahala ka sa buhay mo, pero tandaan mong wala ka na dapat amor sa babaeng ‘yan,” anito.

Justin knew. The only reason he stopped Adrian from further hurting Lorraine was because her ‘act’, if it truly was a pretension, seemed compelling.

“Anong nangyayari rito?”

Parehong natigilan sina Justin at Adrian nang biglang marinig ang isang pamilyar na boses. Noong lumingon si Justin, ‘tsaka nya natagpuan si Zadkiel Alcantara—isa sa mga doktor sa ospital na kinaroroonan nilang dalawa.

Tila ba nagbago ang mood ni Adrian noong makita ito. “Doc, buti na lang at dumating ka na! Kasama na namin iyong magdu-donate ng kidney kay Rika!”

Instead of addressing Adrian, the doctor ignored him and began to examine the surroundings. His eyes squinted slightly at the sight of Justin and Adrian, until his gaze lowered and he found Lorraine’s unconscious body lying on the cold ground.

Napaayos ito ng pagkakatayo. “Anong ginagawa ninyo riyan? Ba’t ‘di nyo siya tinutulungan?!”

Adrian snorted. “Para saan pa? Siya naman iyong magdu-donate ng kidney ni Rika, ‘di ba pupwedeng idiretso na lamang siya na eksaminahin nang mailipat na ang kidney nya sa kapatid ko?”

“Sir Saavedra, alam kong nagmamadali kayo sa kidney transplant ng unica hija ninyo pero… ‘di ako makakapag-proceed sa eksaminasyon kung ganyan ang kalagayan ng donor ninyo.”

“She’s just another waste of oxygen, it doesn’t matter what state she’s in—just do the surgery!”

Bumuntong hininga ang doktor. “I’ll see what I can do but for now, I need to see this so-called donor.”

The doctor, Zadkiel Alcantara, threw Justin a knowing look. Alam nyang siya ang inuutusan nitong buhatin si Lorraine at bagamat labag sa loob nya, wala siyang ibang nagawa.

It was unpleasant. Seeing the woman he used to love this close, with an appearance—too pale, sickly, and thin—far different from how he used to remember her—classy, beautiful, and elegant—sent a hurling sensation in his stomach.

It only got worse when he remembered about her bastard.

ㅤㅤㅤㅤMATAMAN at tahimik na pinanonood ni Justin ang doktor na eksaminahin ang sitwasyon ni Lorraine. Matapos ang ilang minuto, iniligpit na ni Zadkiel ang mga kagamitan bago ito mayroong isulat sa clipboard na nakalatag sa lamesa nito.

“Justin,” pukaw nito sa atensyon nya. “You need to know that we can’t proceed with the surgery.”

Kumunot ang noo nya. “Why not?”

“There’s something wrong with this woman.”

Tumayo si Zadkiel mula sa kinauupuan at lumapit kay Lorraine. Minuwestrahan din siya nitong tumungo palapit sa dalaga ngunit noong mapansing hindi siya kumikilos mula sa kinatatayuan nya, sumuko na lamang ang doktor.

“Look, she’s too thin and sickly.” Hinila rin ni Zadkiel pataas ang sleeves ng suot na damit ni Lorraine. “She has a lot of fresh bruises, indicating that wherever she was before you all found her, it wasn’t a good environment.”

“Dahil lang doon, ‘di na makakapagpatuloy sa surgery?”

“Maraming mali sa katawan ng babaeng ‘to, Justin. Ba’t ‘di na lang kayo humanap ng ibang donor?”

“It has to be her,” mariing sagot nya. “And you know why that is.”

Mataman na pinagmasdan ni Zadkiel si Justin bago nito inayos ang sleeves ng suot ni Lorraine. Hindi nagtagal, bumuntong hininga na lamang ang doktor.

“I think you’re all just obsessed with her,” dinig nyang bulong nito bago siya nito hinarap. “Even so, I still can’t proceed with the surgery. She’s too weak, she’ll die.”

Justin wanted to say that he didn’t care, but the words refused to escape his lips.

Ipinagkrus ni Zadkiel ang mga braso. “Kung gusto nyo pa ring siya ang maging donor ng kidney ni Rika Vicente, mayroon akong option na iaalok sa ‘yo.”

Bumuga siya ng marahas na hangin. “Tell me.”

“One month,” Zadkiel trailed off. “Take care of her for one month, make sure she gets the sustenance and nutrients she needs before the surgery, and I might reconsider.”

What the fúck? Ba’t nya naman gagawin iyon?

Ikinuyom ni Justin ang mga kamao bago nya mariing ipinikit ang mga mata bago sumagot, “deal.”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status