Share

Kabanata 5

KABANATA 5

ㅤㅤㅤㅤPERHAPS Lorraine was lucky because the hospital room where she was situated in was located on the first floor. After she jumped off the window, Lorraine quickly ran away to find her son.

Ininda nya ang paninikip ng dibdib kaya madalas, lakad-takbo siya, pero sa bawat paghakbang ay bakas ang pagmamadali nya.

‘Laurence’—Lorraine had to meet her son at least before anything else happened to her! Honestly, if she could even escape from the Saavedra and Elizalde family in a matter of hours, she would do just that!

It didn’t take long when she entered a small village-like place.

“Laurence!” her voice almost broke when finally, she saw a glimpse of her son.

Hindi siya pupwedeng magkamali. Kahit na ilang beses pa lamang nyang nakita noon ang anak, alam nya ang maliit nitong pigura.

Noong marinig ng bata ang boses nya, lumingon ito at nang makita siyang tumatakbo patungo rito, awtomatiko ang pagguhit ng malawak na ngiti sa mga labi nito.

“Mama!” maligayang tawag nito sa kanya ‘tsaka tumakbo rin tungo sa direksyon nya.

Her heart swelled in happiness and she forgot about the fatigue and panic that braced her entire being for a moment. She knelt on the ground, opened her arms, and waited for Laurence to jump at her and hug her with his little arms.

“Mama! Sa’n po ikaw galing? Hinanap ka po namin ni tito!” ito ang naging bungad ni Laurence noong makalapit ito sa kanya.

Lorraine fought the urge to burst into tears and hugged him tighter.

“Mama, ba’t po ikaw naiyak?” dagdag pa ni Laurence.

Bahagya itong humiwalay sa kanya para tignan ang itsura nya, ngumuso ang bata at pinunasan ang mga luha nya.

Lorraine watched her son for a moment before she pulled him in and began to shower kisses on her son’s cute face. Kahit na tagpi-tagpi ang suot nitong damit at marungis ang mukha nito, hindi maikakailang gwapo ang anak.

“You’re so cute…” she trailed off as she kissed Laurence’s nose who giggled. “Miss na miss na kita, Laurence. I’m sorry, ‘di nyo ako nasundo kanina.”

A lot of things happened and there was no way she’d let her son know what she had gone through.

“Lorraine? Sa—saan ka galing?! Alam mo bang kanina sa presinto, hinahanap ka namin ni Laurence?!”

Natigilan si Lorraine noong marinig ang boses ni Lorenzo, ang tunay nyang kapatid, nya kasabay ng pagbagsak ng mga dala nito. Noong lumingon siya, natagpuan nya ang nakatatandang kapatid na halos lakad takbo ring lumapit sa kanya.

“Anong nangyari sa ‘yo? Ba’t ‘di ka namin nakita kanina?” sunud-sunod nitong tanong bago siya sinuportahan para tumayo. “H’wag kang lumuhod lang diyan, umuwi na rin tayo.”

Ang daming gustong sabihin ni Lorraine pero tila ba lahat ng iyon, naipit na lamang sa lalamunan nya. Binuhat ni Lorraine ang anak at nagpaakay sa kapatid nang makatayo.

Babalaan pa lang din sana ni Lorraine si Lorenzo na kailangan nilang magmadali ngunit bago pa man sila makalayo, natigilan sila noong bigla na lamang silang mapalibutan ng mga kalalakihan.

“May hindi ka ba sinasabi sa ‘kin?” alertong tanong ni Lorenzo ‘tsaka sila nito mabilis na prinotektahan.

Napalunok si Lorraine at humigpit ang yakap kay Laurence. “‘Di ko inasahan na kaagad nila akong mahahabol dito.”

“Ano? ‘Wag mo sabihing hinahabol ka na naman ng dati mong pamilya?” namamanghang tugon ni Lorenzo pero hindi na siya nakasagot.

Yumakap nang mahigpit si Laurence sa kanya at halos ibaon ang sarili sa leeg nya sa takot.

It was just a matter of minutes! Ni hindi pa nya nakakasama ang totoo nyang pamilya sa loob ng isang oras ngunit ang bilis namang nakatunog ni Justin.

“Kung ‘di ko lang siguro alam kung sa’n ka pupunta, I would have never known where you’ve gone to.”

Amidst the numerous men surrounding them, it didn’t take long when Justin’s figure slowly emerged.

Natigilan ang binata sa paglalakad noong mahulog ang paningin nito sa kanya at sa anak.

The anger in his eyes intensified. “At talagang binalikan mo pa ang bastardo mo rito.”

“‘Di bastardo ni Lorraine ang pamangkin ko,” sabad ni Lorenzo sa usapan bago ito umismid.

“H’wag kang makisali sa usapan.” Ipinagkrus ni Justin ang mga braso bago nito ipinilig ang ulo. “Anyway, although I prefer to do things my way, I have a proposal to you, Lorraine.”

A proposal to her?

Nag-aalangang pinagmasdan ni Lorraine si Justin at mas hinigpitan nya ang pagkakahawak  sa anak, na siyang dahilan para mas lumalim ang kunot sa noo ng binata. Narinig din ni Lorraine ang pag-angal ni Lorenzo pero pinigilan nya ito.

“Anong klaseng proposal?” tanong nya.

She reflexively hid her son from Justin when she noticed his intense gaze towards him.

Justin clicked his tongue. “The kidney transplant is something you still can’t say no to but you’ve been very stubborn, so let’s come into an agreement—donate your kidney and I won’t harm the child. Refuse and I will kill your bastard.”

Napasinghap sina Lorraine at napahawak sa ulo ni Laurence.

“King ina.” namamanghang tugon ni Lorenzo.

Nag-isang linya ang mga labi nya. Talagang desperado na ang mga Elizalde at Saavedra na sirain ang buhay nya. Hindi sapat sa mga ito ang limang taong pagkakakulong nya.

“Fine,” mabilis nyang sagot.

Dahil sa mabilis nyang pagsang-ayon, namangha ang nakatatanda nyang kapatid. His brother attempted to convince him that it was a trap and Justin wouldn’t do anything good to her but she just couldn’t shrug that proposal off if it meant her child’s life.

Sa huli, wala rin itong nagawa para baguhin ang isip nya.

“Anong gagawin ko?” tanong ni Lorraine kay Justin.

Minuwestrahan siya nitong sumunod dito. “Come with me. Bring your bastard with you.”

“Lorraine…” mahinang tawag sa kanya ni Lorenzo.

Nilingon nya lamang ang kapatid at nginitian, ‘tsaka nya sinabihan si Laurence na magpaalam muna sa tito nito. Bagamat nagtataka, sumunod din ang bata sa kanya bago sila tuluyang sumunod kay Justin habang bitbit ang anak nya.

ㅤㅤㅤㅤHABANG nasa loob ng sasakyan, ipinaliwanag ni Justin ang sitwasyon.

“Doctor Alcantara examined you earlier and said that he couldn’t do the transplant because you’re fúcking weak,” iritado nitong sabi bago siya pinasadahan ng tingin. “I was told that he’d only do it after a month and if—and only if—you’re in a better condition.”

Hindi nagsalita si Lorraine at sa isip-isip nya, hindi nya na lamang naiwasang mapaismid.

Kahit na anong gawin na pag-aalaga ni Justin sa kanya, naniniwala si Lorraine na hindi pa rin siya papasa bilang donor. She has a congenital heart disease, after all.

Gusto nya ring sabihin ito kay Justin pero alam nyang hindi naman ito maniniwala sa kanya.

After a few minutes, they arrived at Elizalde's mansion.

It was as still as huge and grand as she could remember. Ang anak nya, hindi maiwasang mamangha sa nakikita pero lahat ng iyan, wala na lamang para kay Lorraine.

“Mama, dito po ba muna tayo titira kaya po ‘ko nagpaalam kay tito?” pag-uusisa ni Laurence.

Tipid siyang tumango bago sinuklay ang buhok ng anak. “Oo kaya behave ka muna, a? Sandali lang naman tayo rito.”

“Okay po, sana kasama natin si tito…”

Ha, she wished. Kaso alam nyang pahihirapan lang ng mga Elizalde ang kuya nya kung sakaling isinama rin ito.

Napapitlag si Lorraine noong marinig ang malakas na pagbagsak ng pinto ng sasakyan mula sa likuran nila. Noong lumingon siya, ‘tsaka nya natagpuan si Justin na nakabusangot habang nakamasid sa kanilang mag-ina.

Again, she reflexively hid Laurence’s face from his sight.

“Tama na ‘yang daldalan ninyo, tara na sa loob,” simpleng anito bago sila nilagpasan.

Justin guided them inside and instructed the maids about their roles. Masama man ang tingin ng mga ito sa kanya, walang magawa ang mga ito kung hindi ang sumunod.

“Sa likod ang kwarto ninyo ng bastardo mo,” tuluy-tuloy na sabi ni Justin habang hindi tumitingin sa kanya. “It’s only right because I couldn’t stand the sight of you both.”

Mahina lamang na humimig si Lorraine bilang pagsagot bago nya tinignan ang itsura ni Laurence na wala pa ring kamalay-malay sa mga nangyayari.

“Ipapahatid ko kayo—”

Bago pa man matapos ni Justin ang sinasabi, mayroong sumabad sa pinag-uusapan nilang dalawa.

“Oh? ‘Di ako nasabihang mayroon pala tayong bisita ngayon.”

The three of them stilled and looked at the direction where the voice came from, and there stood Justin’s older brother—Jared Elizalde. 

This was the first time she met him.

“Kuya?! Anong ginagawa mo rito?!” namamanghang tanong ni Justin dito.

Tinaasan lamang ito ng isang kilay ng lalaki. “Bakit parang ayaw mo ‘ko rito? Bahay ko rin naman ‘to.”

Lorraine couldn’t understand why but the second she heard Jared’s voice, something about it took her back from the past—it sounded oddly familiar.

Napalunok siya noong magtama ang mga mata nila ni Jared at mataman itong napatitig sa kanya. Iyon lang, mas nagtagal ang mga titig nito kay Laurence bago ngumisi.

Why did Jared’s voice sound familiar?

And why was he looking intently at her son?!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status