Share

Kabanata 2

KABANATA 2

ㅤㅤㅤㅤTILA ba wala sa sarili si Lorraine noong makarating na sila sa ospital kung nasaan si Rika ngayon.

Buong byahe kanina, nakatungo lamang si Lorraine habang binabalikan ang mga nangyari sa kanya. Naaawa siya sa sarili dahil wala man lang siyang magawa upang iligtas ang sarili… upang kumawala mula sa mga kamay ni Justin.

“Get out of the car,” utos ni Justin sa kanya noong buksan ng isa sa mga tauhan nito ang pinto ng sasakyan na malapit sa kanya.

Wala sa sariling tumingin si Lorraine sa direksyon ng binata pero hindi siya kumilos mula sa kinauupuan.

That irked Justin and the man gritted his teeth. “Pull her out of the car if she doesn’t have plans on moving.”

Huli na noong rumehistro kay Lorraine ang gustong mangyari ni Justin. Hindi na siya nakapalag noong paghihilain siya ng mga tauhan ng binata, ni wala man lang itong pakialam noong halos sumubsob siya sa sahig nang makalabas mula sa sasakyan nito.

Kaso hindi siya makapagreklamo.

Alam ni Lorraine na kung ngayon siya dadaing, mas lalo lamang iinit ang ulo ni Justin. Kanina pa masama ang tingin nito sa kanya at hindi man lang maatim na mahawakan nya ito.

Not that she blamed him… but at least, she expected him to take her side—five years ago and even now, but he was the quickest to turn his back against her.

Pero habang naglalakad sila tungo sa ospital, hindi nya napigilan ang muling subukan na magmakaawa.

“Justin…” namamaos ang boses na tawag nya rito. “I really can’t do this.”

Napaismid lamang ang binata. “No one cares if you can’t do it but everyone expects you to do it otherwise.”

“Hindi pa ba talaga sapat iyong limang taon kong pagkakakulong para bayaran ang mga kasalanan ko?”

“Paulit-ulit ka na lang. Sinabi ko naman na sa ‘yong walang-wala iyang limang taon mong pagkakakulong sa dalawampung taon mong pagkukunwari na isa ka talagang Saavedra.”

Pagak na tumawa si Justin. Bakas sa boses nito ang galit at ang pagiging sarkastiko.

“...And to think that I almost married you. I barely dodged a bullet with you,” dagdag pa nito.

Lorraine felt a tug in her heart. Malungkot ang tinging ibinato nya kay Justin at bagamat hindi nito iyon makikita, nadidismaya na lang din si Lorraine sa sarili.

Justin Elizalde was betrothed to her since childhood. Bagamat pinagkasundo lamang sila ng mga magulang noong mga bata pa sila, nahulog pa rin ang loob nila sa isa’t isa noon.

They had the sweetest love story, everyone rooted for them—but all of that changed when the truth was revealed that Lorraine wasn’t a real Saavedra and Justin’s fiancée was supposed to be Rika and not her.

“I’m sorry…” was all that she could say in the end before she looked away. “But Justin, please know that the kidney transplant will kill me—”

“Kill you?” Justin paused from his tracks, turned to her direction, and laughed sarcastically. “How could a simple surgery kill you? Masamang damo ka, Lorraine. Mabubuhay ka kahit pa’no namin sirain ‘yang buhay mo.”

“Justin, ‘di mo naiintindihan—”

“Naiintindihan ko kung anong gusto mo, Lorraine.”

Nagngitngit ang mga ngipin ng binata bago siya nito nilapitan. Tumigil ito sa harap nya’t hinawakan ang ibabang bahagi ng mukha nya—mariin, masakit, halos bumaon ang mga kuko nito sa balat nya.

Halos hindi maipinta ang mukha ni Justin habang pinagmamasdan siya nito. Kung pupwede lang ding makapatay ang mga tinging ibinabato nito sa kanya, baka matagal nang wala si Lorraine.

“...You betrayed not only your family but also me,” Justin began before he clicked his tongue. “But just so you know, I won’t let anything you want to happen.”

Muli siyang napalunok. Sinubukan din nyang ibuka ang bibig para sana magpaliwanag pero marahas na binitiwan ni Justin ang mukha nya—parang sampal, dahilan para makaramdam ng matinding hapdi sa mukha si Lorraine.

“Your betrayal never failed to bring a bitter taste to the back of my throat. I won’t let you meet that bastard,” dagdag pa nito.

ㅤㅤㅤㅤHALOS ibaon ni Lorraine ang sarili sa hiya noong oras na makaharap nya na ang mga Saavedra.

Hindi siya kumportable sa mga tinging ibinabato ng mga ito sa kanya. Ang mga magulang—hindi, ang mga taong kumupkop sa kanya, lalong-lalo na si Adrian Saavedra, lahat sila ay mainit din ang mga matang nakatitig sa kanya.

“Iyan na ba siya?” tanong ni Joana Saavedra, ang tumayong ina ni Lorraine nang ilang taon.

Tumango si Justin. “Yes, tita. ‘Yan na nga po si Lorraine.”

“How disgusting,” Joana replied as she eyed Lorraine from head to toe.

Mula sa gilid ng mga mata ni Lorraine, nakita nya ang pag-ismid ni Albert Saavedra, ang dati nyang ama, at ni Adrian Saavedra, ang dati nyang nakatatandang kapatid.

They were probably thinking about what happened to her. After all, she really looked pale and thin right now, as if she’s a living and walking corpse, malayong-malayo sa dating siya na maganda’t elegante.

Yet, Lorraine thought she could stomach their judgment as long as she could… convince them about something.

“Da—I, I mean, Mr. Saavedra…” Lorraine trailed off before she cleared her throat to speak properly. “Alam ko po kung anong pakay nyo sa ‘kin pero ‘di ko po iyon magagawa.”

Nakita nya ang pagkislot ng galit sa mga mata ni Joana Saavedra pero hindi ito nagsalita kaya kinuha nya ang oportunidad para ipakita ang payat nyang mga braso.

“Hindi ako makakapasa bilang donor,” dagdag pa nya. “I—isa pa, marami naman kayong pera. Alam ko pong makakakita kayo ng mas pasok sa criteria na maging kidney donor ni Rika.”

Imbes na magsalita, nanatiling tahimik si Albert Saavedra. For a moment, and if only she was only right, she did see a spark of sympathy in his eyes—but that immediately disappeared after Joana Saavedra rose from her seat and began to walk towards her.

Napaatras si Lorraine. Alam nya kung paano magalit ang ginang at hindi siya nagkamali nang bigla siya nitong sampalin oras na makalapit ito sa kanya.

“This isn’t something for you to decide,” Joana firmly said.

Despite feeling embarrassed, Lorraine still gathered her composure to look at her. “But… I’m not suited to be a donor. Mrs. Saavedra, you knew about this too.”

“Wala akong pakialam, Lorraine. You probably enjoyed pretending to be my daughter but right now, you must pay the price.”

Sinang-ayunan ito ni Adrian. “Ano bang sumagi sa isip mo at namamag-asa kang papakinggan ka namin, Lorraine? You don’t have any other way out.”

“Pero—!”

“No buts,” sabad naman ni Albert bago nito pinasadahan ng tingin ang panganay na anak at si Justin. “You two, bring her to the doctor. Have her checked and prepared for the surgery.”

Lorraine’s heart sank at the verdict given to her.

Dala ng panghihina, napaupo na lamang siya sa sahig. Meanwhile, Adrian grabbed her arm before he dragged her out of the room. Justin followed them closely behind.

So… this is it. She was trapped in the lion’s den and this is the fate they decided for her.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status