Share

Chapter Two

Ilang sandali kaming natahimik nang biglang humagalpak sa tawa si Tito Azriel.

“HAHAHAHA! Nakakatawa talaga ang pamangkin kong si Serenity, para ka dyanh nanigas ah, wag kang mag alala pamangkin hindi magkakagusto sa’yo si Miguel you are out of his league. Ang mga gusto nito ay mga kaedaran n’ya at hindi siya pumapatol sa mga mas bata at lalo na sa 16 years old na tulad mo.” Sabi niya ng may pang-aasar. Tinignan ko ang mukha ni Kuya Miguel at wala itong anumang reaksyon, hinahayaan n’ya lang ang kalokohan ng kaibigan n’ya.

Nakaramdam ako ng pagkainis at pagkadismaya. Wala ka talagang aasahan kay Tito puro kalokohan ang alam pero mukhang sanay na sanay na talaga si Kuya Miguel sa kanya kasi alam niyang nagbibiro lang si Tito kaya siguro hindi siya nag rereact kanina sa mga sinasabi niya.

“Tito,” sinubukan kong panatilihing pantay ang boses ko, “ Bakit ka ba ganyan, lakas ng trip mo?”

" Eto naman nagbibiro lang ako, masyado ka namang pikon, pamangkin ko," sa inis ko ay inirapan ko nalang siya.

Bigla namang nagsalita si Kuya Miguel mula sa gilid ko.

“Bata ka pa, hindi ka pa dapat nagbo-boyfriend, Serenity,” sabi ni Kuya Miguel. Mababa at malalim ang boses niya, parang isang malamig na hangin na dumaan sa akin, at nagkuryente ang buong katawan ko.

Nanlaki ang mata ko at napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. He’d barely spoken to me in years. Why was he suddenly so… opinionated? At bakit parang ang lamig ng boses niya? Napako ako sa kinauupuan ko, hindi alam ang sasabihin.

Pakiramdam ko ay may malamig na kamay na humawak sa puso ko, at nagsimula itong magkarera. Hindi ko maintindihan,

“Tama si Miguel, 15 years old ka pa lang, dapat pag-aaral ang inaatupag mo,” dagdag ni Uncle.

Bumalik ang atensiyon ko kay Uncle dahil sa nakaiinis niyang pangaral. Nagsimula na silang kumain ng mga sandwich na ginawa ko. Binigay ko rin kay Uncle ang juice.

“Malaki na ako, Uncle, and I’m 16 years old, not 15,” protesta ko. “Actually, I already asked Mommy if I could have a boyfriend, and she said it was okay, as long as I don’t get pregnant.”

Napatingin ako kay Kuya Miguel, at nakita kong bigla siyang napaubo at parang nabulunan sa sinabi ko. His eyes narrowed slightly as he looked at me, and for a moment, I felt completely thrown off. It was like I’d said something completely unexpected, something that had caught him off guard. I didn’t understand why he was reacting this way

"I have to admit, Serenity," Uncle said, "Miguel and I were just discussing how lucky the person you will choose to love. " He paused, then added, "Maganda ka, syempre mana ka sa akin and napakabait mo rin parang ako, nasa dugo kasi natin ang pagiging maganda at magandang lalaki " napairap nalang ako sa mga sinasabi nya dahil parang sarili naman nya ang pinupuri nya. "But you know, some guys aren’t as good as they seem."

"Tito," sabi ko, sinusubukan kong magpanggap na hindi ako naapektuhan, "Don't you think you're being a little overprotective"

"No, sweetheart," sagot ni Tito Azriel, kumikislap ang mga mata niya. "I'm just looking out for you. You're still young, and you need to be careful who you trust."

Pero habang nagsasalita siya, hindi ko maiwasang makaramdam na may iba pa sa mga sinabi niya. Parang may gusto siyang sabihin, isang bagay na hindi niya masabi ng diretso. At nagsisimula akong matakot.

Sinulyapan ko si Miguel. Nakatingin pa rin siya sa akin, ang mukha niya ay hindi mabasa. Parang bumilis ang tibok ng puso ko, at may kakaibang init na dumaloy sa mukha ko. Imposible, alam ko, pero hindi ko maiwasan ang pakiramdam na mayroong something sa amin, isang bagay na naramdaman ni Tito Azriel, at sinusubukan niyang ipaalam sa akin sa biro.

Ang mga salitang, "some guys aren’t as good as they seem" ay parang mga bulong ng pag-aalinlangan sa isip ko. May alam ba si Tito Azriel? Mayroon bang tungkol kay Miguel na hindi niya sinasabi sa akin? Mayroon bang tungkol sa mga intensyon niya, sa karakter niya, na hindi ko nakikita?

Tiningnan ko ulit si Miguel, sinusubukan kong maghanap ng sagot sa mga mata niya. Pero parang maskara ang mukha niya, ang mga mata niya ay parang mga lawa ng madilim na misteryo. At nagsisimula na akong mawala. Nawala sa sariling pagkalito, nawala sa kawalan ng katiyakan ng puso ko, at nawala sa kakaiba, hindi masabi na tensyon na nakasabit sa pagitan namin ni Miguel.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status