Mag-isa akong naglalakad pauwi, pinipisil ang sintido ko. Masakit ang ulo ko mula pa kanina sa klase, siguro dahil napuyat na naman ako. Bago ako matulog, ang dami kong tanong sa isip ko. Hindi ko maintindihan kung bakit tuwing magkakatitigan kami ni Kuya Miguel o mapapalapit ako sa kanya, parang sasabog na ang puso ko sa dibdib. "Ano ba ang nangyayari sa akin?" bulong ko sa sarili. Parang may sariling buhay ang puso ko, hindi ko mapigilan ang pagwawala nito. Hindi kaya dahil dati ko siyang crush, kaya naaapektuhan pa rin ako pag malapit siya sa akin? Napailing ako. “Hindi, imposible,” bulong ko. Pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Hindi ko namalayan na nasa tapat na pala ako ng gate, kaya binuksan ko ito at pumasok na sa loob. “Nandito na ako,” sabi ko, tinanggal ang sapatos ko pagkauwi mula sa paaralan. “Kumusta, anak? Ginabi ka na, maghugas ka na ng kamay at sumabay ka ng kumain,” sabi ni Mommy. Nakita ko si Kuya Miguel na tumutulong sa pag-aayos ng mesa para sa hapunan.
Nandito na ako sa entrance ng amusement park. Si Kuya Miguel ang nag-suggest na mag-date kami ni Kaiser dito dahil mahilig din daw siya sa heights. Masaya ako dahil pareho pala kami ng hilig! Sobrang excited ako! Ito ang unang pagkakataon na pinayagan ako ni Mommy na pumunta sa ganitong lugar. Kinausap ni Kuya Miguel si Mommy, at sinabi niyang iingatan niya ako. Alam ni Kuya Miguel kung gaano ko gustong sumakay sa lahat ng rides, kaya mas lalo akong kinikilig! Ito rin ang unang pagkakataon na nagsuot ako ng mini dress para sa isang espesyal na okasyon – ang aming unang official date ko with Kaiser.! Nag-ayos ako nang mabuti, naglagay rin ng konting make-up, at nag-curl ng buhok para maganda ang dating ko. Isang mamahaling kotse ang huminto sa tabi ko. Napangiti ako nang makita kong bumaba sina Kaiser at Kuya Miguel. Halos lahat ng babae rito ay nakatingin sa kanila. Mukhang namamana pala ang kagwapuhan sa pamilya nila. Pero hindi maitatanggi, mas lalong tumatayo ang kagwapuha
Maya-maya'y dumating na si Kuya Miguel na may dalang drinks. Inabot niya sa akin ang paborito kong strawberry frappé habang inabot naman niya ang regular iced coffee sa pamangkin niya. “Regular iced coffee lang talaga, Uncle?” tanong ni Kaiser, may bahid ng pagkadismaya sa boses niya, inihahambing ang maliit niyang inumin sa malaking, special-flavored frappé na hawak namin ni Kuya Miguel. “Huwag kang mag reklamo,” sabi ni Kuya Miguel, medyo naiinis ang tono. Tumawa ako dahil para silang dalawa ni Uncle Azriel. Ininom muna namin ang mga drinks bago kami magsimulang sumakay sa mga rides. “Mahilig ka sa strawberry?” tanong ni Kaiser. “Oo, hehe, favorite ko ang strawberry flavor,” sabi ko, nakangiti. Napansin kong alam pala ni Kuya Miguel ang paborito kong inumin. Naglakad kami patungo sa unang ride, with Kaiser on my left and Kuya Miguel on my right. Sobrang excited akong sumakay sa Vikings! Pero napansin kong namumutla si Kaiser. Lumapit ako sa kanya at tinanong, “Okay ka l
Pero bigla akong nalungkot nang maalala ko si Kaiser. "Kaso, okay lang kaya si Kaiser? Parang hindi siya nag-enjoy sa rides," dagdag ko."Huwag mo munang isipin si Kaiser, mag-enjoy ka muna. Masaya ako na nakikita kang masaya," sabi ni Kuya Miguel.Maya-maya'y bumalik na si Kaiser, mukhang wala sa sarili, at halatang hindi maganda ang pakiramdam niya. Parang naubos ang sigla niya. "Tara, umuwi na tayo," sabi niya. Parang wala na siya sa mood.Nalungkot ako sa sinabi ni Kaiser. Parang biglang nawala ang saya ko. Gusto ko pang makasakay sa iba pang mga rides. First time ko ito, at hindi ko na alam kung papayagan pa uli ako ni Mommy sa susunod. Parang ang bilis ng oras, at parang ang bilis lumipas ang araw na ito."Huwag kang selfish, Kaiser! Nakikita mo namang nag-e-enjoy si Serenity, tapos aayain mo siyang umalis? Alam mo bang pangarap niya na makasakay sa lahat ng rides dito mula pa noong bata siya? Pero hindi siya pinapayagan ng mommy niya. Kaya ngayon lang ang chance niy
"Serenity, wake up. Andito na tayo sa baba." Narinig kong sabi ni Kuya Miguel. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at nakita ko siyang nakangiti. Ang ganda ng mga mata niya, parang kumikinang sa liwanag ng papalubog na araw. Napabuntong-hininga ako. "Kuya Miguel," bulong ko, "Hala, panaginip lang iyon?” medyo nadismaya ako. Nagtataka siya. "Ha? Ano ba sinasabi mo?" Medyo nahiya ako. "Eh kasi..." Hindi ako sure kung paano ko sasabihin yung tungkol sa panaginip ko, baka isipin niya na pervert ako. The kiss that I felt, the strange warmth in my heart. Parang ang weird, pero parang gustong-gusto kong maulit yung naramdaman ko, kahit na sa panaginip lang. "Ah, wala," sabi ko, "Nakakahiya, hindi ko lang alam kung bakit ako nakatulog sa Ferris wheel." Sabi ko na lang at sobra akong nahiya. Tumawa siya ng malakas. "Maybe you were just tired, kaya hindi mo napansin na nakatulog ka. Pero ayos lang, at least nakapagpahinga ka." Tumayo siya at inalalayan akong bumaba ng Ferris wheel.
Habang nagpatuloy kami sa haunted house, nawala ang takot ko. Whenever a scary figure appeared, I found myself leaning against Miguel, and he pulled me closer, whispering soothing words. The fear melted away, replaced by a thrilling excitement. It wasn't the haunted house that made my heart race, but the warmth of his presence.Hindi ko na maalala masyado yung mga detalyeng nangyari kanina sa haunted house. Ang tanging naaalala ko lang ay yung feeling ng kamay ni Miguel sa bewang ko, yung malambot niyang tawa sa tenga ko, at yung paraan ng paghawak niya sa akin. It felt as if the world existed only for me.Paglabas namin sa haunted house, parang naguguluhan ako sa damdamin. Medyo nanginginig pa ako mula sa takot, pero ngayon, may kakaibang saya akong nararamdaman, parang halo ng adrenaline at isang mas malalim na bagay. Hindi ito tungkol sa mga multo; ito ay tungkol sa kanya, na nandiyan lang sa tabi ko."Nag-enjoy ka ba?" tanong ni Miguel, nakangisi. Parang balik na siya sa normal ni
Serenity’s POVPumasok na ako sa loob ng gate, at sumunod naman si Kaiser."Love," sabi niya, "ano ba ang nangyari?" Hinawakan niya ang braso ko."Wala naman," sagot ko. "Ano bang klaseng tanong iyan?" Pagtataka ko. Naramdaman kong parang tumaas ang boses ko, marahil ay dahil sa pagod na rin ako sa buong maghapon na pamamasyal."Bakit hindi mo sinabi sa akin na late na kayo makakauwi? Kanina pa ako nagme-message sa'yo," sabi niya, ang mga mata niya ay parang nag-aapoy sa selos."Nalowbat na kasi ako,” paliwanag ko. “At saka, ayoko nang istorbohin ka sa pagpapahinga mo since nasama ang pakiramdam mo," dagdag ko."Alam kong nag-aalala ka sa akin," sabi niya. "Pero alam mo bang kung ano-ano ang iniisip ko dahil magkasama kayo?" Malungkot niyang sabi.“Love, hindi ka naman dapat mag-isip ng kung ano-ano kasi wala naman kaming ginagawang masama,” paliwanag ko na parang naiinis na.“Nagseselos ako, Love,” sabi niya. “Hindi ko alam kung bakit, pero parang nag-init ang ulo ko nang makita kita
Nang makapagbihis na ako ng uniform ko, dali-dali akong bumaba mula sa second floor ng bahay namin. Pero nabigla ako nang makita ko si Kuya Miguel na nasa sala. Napatalon ang puso ko, pero nagpanggap akong normal lang at sinikap siyang wag pansinin.Nagtungo agad ako sa lamesa at kumuha ng tinapay. "Mommy, mauna na po ako, nagmamadali po ako," sabi ko. Pero ang totoo, gusto ko na lang makaalis sa bahay na ito para makaiwas kay Kuya Miguel.Dali-dali akong nagpunta sa pintuan, ngunit biglang tinawag ako ni Kuya Miguel. "Serenity," tawag niya, kaya napatingin ako sa kanya at napansin kong parang iba ata ang awra ng kanyang mukha ngayon, para siyang namumutla."Bakit po?" tanong ko."Gusto mo bang ihatid na kita?" bigla akong kinabahan."Ah, h-hindi na po. S-suinduin ako ni Kaiser," sabi ko, kahit hindi naman para lang makaalis na ako."Alis na po ako," paalam ko uli, at tuluyan na akong nakaalis ng bahay.Ilang araw na rin akong hindi nagpapakita kay Kuya Miguel. Gusto kong gawin ang ta
Serenity's POVUnang gabi namin sa Japan pagkatapos ng byahe nagtungo agad kami sa nirentahang bahay ni Miguel. Pagkapasok namin napatulala ako sa nakita ko. Ang bahay namin ay parang isang fairytale. Puno ng mga kandila, mga bulaklak, at mga petals.“Miguel, ano ito?” Tanong ko, ang mga mata ko ay nanlalaki sa pagkamangha.“Para sa iyo, mahal ko,” sabi ni Miguel, at ngumiti siya ng matamis.“I want to make this honeymoon extra special, especially after what we went through. I just want us to celebrate our love, to enjoy this new chapter in our lives together.”Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako papunta sa sala.Sa gitna ng sala, may nakalatag na kumot, may nakapatong na mga unan, at may nakahanda nang mga kandila.“Naghanda ako ng picnic sa bahay,” sabi ni Miguel.“Talaga?” Tanong ko, ang mga mata ko ay nanlalaki sa tuwa.“Oo,” sabi ni Miguel, at ngumiti siya.“Naisip ko lang, bakit kailangan pang pumunta sa ibang lugar para ma-enjoy ang pagsasama? Pwede
Miguel's POV Nakatayo ako sa altar, nakaharap sa mga bisita. Nasa likod ko ang mga groomsmen ko - si Nagi na palaging nagbibiro, si Dylan na seryoso pero mabait, at si Aaron na tahimik pero laging andyan para sa akin. Narinig kong nagtatawanan sila sa likod, nagkukuwentuhan habang naghihintay. Pero hindi ko sila naririnig. Ang tanging naririnig ko lang ay ang tibok ng puso ko, parang nagwawala sa kaba. Parang napakatagal ng paghihintay. Parang gusto kong tumakbo palabas, tumakbo at kunin agad si Serenity. Natanaw ko na ang babaeng nakasuot ng puting trahe de boda.. Narito na siya. Ang babaeng pinakamamahal ko. Ang babaeng nagpatibok sa puso ko mula pagkabata. Ang babaeng nagbigay kulay sa buhay ko. Ang babaeng hinintay ko mula noon Narinig kong nagtawag na ang wedding organizer, hudyat na magsisimula na ang seremonya. Ang tibok ng puso ko ay bumilis. Parang gusto kong huminga ng malalim, pero parang hindi ko na magawa. Tumingin ako sa mga bisita. Nakita ko ang mga
Serenity's POV “Sayang hindi nya man lang makikita ang paglaki ni Caelius” malungkot na sabi ni Uncle Azriel habang ipinapatong ang bulaklak na dala namin sa puntod. Bigla namang tumulo ang luha ko. “Sana kasama pa rin natin sya noh?” Sabi ko naman at hinaplos naman ni Uncle Azriel ang likod ko. “Mommy!!” Napalingon ako at tumatakbo naman si Caelius papunta sa amin kasama nya si Cassy at Nagi at Dylan kaya napangiti ako . Ipinatong naman nila ang dala nilang bulaklak sa puntod. Napabuntong hininga ako dahil sa panghihinayang. “Kung nandito ka lang sana..” bulong ko habang nakatingin sa puntod nya. Maya-maya ay may biglang bumungad na boquet of tulips sa harapan ko. Kaya napangiti ako. “Bakit may paflower pa” “Ang lagay ba si mama lang ang may bulaklak? Syempre pati ang pinakakamahal ko” “Hoy Miguel! Napakacheesy mo talaga kahit kelan hindi ka nahiya nasa harap tayo ng puntod ng mama ni Serenity.” pang aasar ni Nagi kaya nagtawanan naman ang lahat. “Mga lokoloko ta
Serenity's POV Nang makarating kami sa ospital, dinala agad si Miguel sa emergency room at pinatabi lang kami ng mga nurse. Maya-maya ay dumating na rin si Uncle Azriel. "Serenity, anong nangyari?" Tanong niya, ang mukha niya ay puno ng pag-aalala. "Uncle si Miguel ... may nangyaring masama." Sagot ko, ang boses ko ay nanginginig. Tumingin ako sa relo ko. Ilang minuto na ang nakalipas. Parang isang siglo na ang lumipas. Hinihintay namin ang doktor sa labas ng emergency room. “Anong oras ba sila matatapos?” Tanong ko, ang boses ko ay halos bulong na lang. “Relax ka lang, Serenity.” Sabi ni Uncle Azriel. “Magtiwala ka lang.” “Hindi ko alam kung kaya kong magtiwala. Natatakot ako.” Sabi ko. “Natatakot akong mawala siya sa akin..” Nakatayo kami ni Uncle Azriel. Magkahawak ang kamay. Tumingin ako kay Uncle. “Uncle, natatakot ako” “Andito lang ako , Serenity.” Sabi ni Uncle, at niyakap niya ako ng mahigpit. Ang init ng yakap niya ang nagbigay sa akin ng kaunting kapanatagan. Hind
“Tito ginawan kita ng juice.” narinig ko. “Wow! Salamat! Tara doon tayo sa Sofa. Naupo sila sa sofa at ang kamera ay nakatutok kay Miguel. Nakita kong kinuha ni Miguel ang baso at ininom ang juice. Hindi ko mapigilan ang ngiti ko. “Good job anak.” Bulong ko sa sarili ko. Ilang minuto lang, nakita kong nagsimulang umubo si Miguel. “Tito, okay ka lang po ba?” Tanong ni Caelius. Pero hindi na nakasagot si Miguel. Bigla siyang napahawak sa lalamunan niya. “Mommy! Mommy!” Sigaw ni Caelius. “Caelius, anak! Anong nangyari?” Rinig kong sigaw ni Serenity. Tumayo ako at lumabas ng van. Pumasok ako sa loob ng bahay. Nakita kong nakahandusay na si Miguel sa sahig. Hindi ko mapigilan ang ngiti ko. “Ang bilis naman.” Sabi ko sa sarili ko. “Miguel!” Sigaw ni Serenity. Nilapitan niya si Miguel. “Miguel, gising! Miguel!” Sabi niya, at niyugyog niya ang balikat ni Miguel. Pero hindi na gumising si Miguel. Nakita kong nagsimula nang umiyak si Serenity. “Kaiser! Ano ba ‘tong ginawa mo?!
Serenity's POV "Caelius?" Tawag ko, pero hindi niya ako sinagot. Kanina ko pa kasi sya hinahanap. "Miguel, nakita mo ba si Caelius?!" Tanong ko, ang boses ko ay nanginginig sa pag-aalala. "Hintayin lang natin si Caelius dito," sabi ni Miguel, pero kahit siya ay mukhang nag-aalala na rin. Ilang minuto na ang lumipas, pero wala pa rin si Caelius. "Miguel,wala talaga sya kanina naglalaro lang sya sa bakuran pero ngayon wala na sya," sabi ko, ang pakiramdam ko ay lumulubog sa takot. "Hintayin lang natin, baka kinuha sya ni Azriel" sabi ni Miguel, pero hindi ko na siya pinakinggan. Alam kong may mali. Biglang nag ring ang phone at tumawag si uncle. Sinagot naman iyon ni Miguel. "Baby, si Kaiser nakatakas raw.” parang biglang may mabigat na bagay na dumagan sa dibdib ko parang hindi ako makahinga. "Hindi kaya si Kaiser ang kumuha kay Caelius," sabi ko, ang kaba ay sumisiksik sa lalamunan ko. "Relax ka lang Serenity, magiging okay rin ang lahat.” Sabi ni Miguel, pero hindi ko na siy
Miguel's POV “Tama ba ang naririnig ko, Serenity? Hindi anak ni Kaiser si Caelius?” Tanong ko. Tumango si Serenity. “Oo, Miguel.. Ginamit niya ang amnesia ko para mapaniwala ako. Bago pa man ako maaksidente buntis na ako. Dapat isusurprise kita sa araw ng kasal natin na magkaka-baby na tayo pero dinukot nya ako at ng makatakas ako at nakita nya tayo ay binangga nya tayo.” "Kaiser," sabi ko, ang boses ko ay puno ng galit. "Hindi ka makakalusot sa ginawa mo. Sisiguraduhin kong maparusahan ka sa ginawa mo sa amin." Lumabas kami ng silid, at hindi na kami lumingon pa. "Thank you, babe," sabi ni Serenity. "Thank you dahil hindi mo ako iniwan.” "Walang anuman, babe. Mahal na mahal kita." Niyakap ko siya ng mahigpit. “Babe, hindi pa rin ako makapaniwalang anak ko si Caelius. Kaya pala, kaya pala ganoon nalang kalapit ang loob ko sa kanya. Kaya pala hindi ko magawang magalit sa kanya.Babe, sobrang saya ko. Daddy na ako? Daddy na ako! Daddy na ako Serenity!” hindi ko makapaniwalang sab
Miguel’s POV Maya-maya ay nagkamalay na si Serenity. Lumabas muna sila at iniwan kaming dalawa upang makapag usap. “ Serenity.” bulalas ko Habang hawak hawak ang kamay nya. Inalalayan ko syang maupo sa higaan. Nakatitig lang sya sa akin at hindi nagsasalita. Parang sasabog ang dibdib ko sa sobrang saya. Hindi ko alam kung ano ang mas nararamdaman ko: kilig, tuwa, o pasasalamat. Ang mga luha ko ay hindi ko na mapigilan, pero hindi dahil sa lungkot, kundi dahil sa sobrang saya. Pero kailangan ko ng sabihin ang gusto kong sabihin sa kanya. “Baby, alam kong nagdesisyon kang lumayo sa akin. Pero baby, hindi ko kaya. Hindi ko kayang mawala ka sa akin. Wala akong pakialam sa nakaraan. Kung nagkamali ka man sa akin, kung si Kaiser man ang tatay ni Caelius, wala akong pakialam. Ituturing ko siyang tunay na anak. Mamahalin ko siya, bumalik ka lang sa akin Serenity. Wag mo lang akong iwan.” Pakiramdam ko ay naiiyak ako ulit, pero pinigilan ko. Gusto kong maging malakas para sa kanya. Na
Miguel’s POV Nasa gilid kami ni Caelius ng pedestrian lane, hinihintay si Cassy. Si Caelius, abala sa cellphone niya, ay naglalaro ng bola. Bigla na lang itong nahulog at gumulong papunta sa kalsada. Nakita ko siyang napatingin sa bola, tapos sa mga sasakyan. Isang kotse, medyo mabilis ang takbo, ang papalapit sa kanya. "Caelius!" sigaw ko. Tumakbo ako nang mabilis hangga't kaya ko. Parang slow motion ang lahat. Nakita ko ang gulong ng kotse, ang mukha ni Caelius na puno ng gulat. Naabutan ko siya, niyakap ko siya nang mahigpit. Napapikit ako at pagkatapos, biglang bumalik sa akin yung araw na nawala si Serenity. Yung pagbangga, yung pagkawala niya... Hindi aksidente yun. Naalala ko na si Kaiser pala ang nasa likod nun. Siya ang kumuha kay Serenity, siya rin yung nagmaneho ng kotse na bumangga sa amin ni Serenity. Kaya ba nawalan ng alaala si Serenity? Kaya ba na-comatose ako ng mahigit 2 taon?. Lahat ng pira-pirasong alaala, nag-connect na. Si Kaiser ang may kasalanan. Napadilat