Serenity’s POVNang makarating na ako sa address na sinend sa akin, nakita kong condo pala ito. Pero condo ng mga mayayaman! Napakasosyal ng condominium na ito, at ang mga sasakyang nakaparada sa front parking ay mga BMW, Mustang, at iba pang mga mamahaling sasakyan.Dali-dali akong nagtungo sa mismong address ni Kuya Miguel, at nang makarating na ako, ay nakita kong may lumabas mula sa unit na nagtatrabaho sa mismong condo na ito, kaya dali-dali akong nagtanong."Hello po, pwede po bang magtanong?""Ano iyon?" sabi ng empleyado."Girlfriend po kasi ako ni Kaiser, andyan po ba siya? May ibibigay po kasi ako," sabi ko."Ahh, oo, andyan siya, mukha ngang may sakit eh," sabi niya, kaya naman bigla akong nag-alala.Kaya pumasok na ako sa condo, since naopen naman na ito ng empleyado. Pumasok ako at nakita kong napakalaki at napakaganda ng condo na ito. Pangmayaman ang style, minimalist at napakalinis.:Nakita kong may bukas na pinto ng kwarto at may tunog na nanggagaling doon, kaya dahan-
K-kuya Miguel,” sambit ko, ang boses ko ay halos pabulong na lang. Pakiramdam ko ay tumigil ang mundo ko, at ang tanging naririnig ko lang ay ang mabilis na tibok ng puso ko. Dahan-dahan niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko, at ang mga kamay ko ay nakaharang sa kaniyang dibdib. Parang may invisible na pader ang nasa pagitan namin, pero hindi ko siya kayang itulak palayo. “I like you, Serenity,” sambit niya, ang boses niya ay malambing pero may halong pagka-seryoso. Nakaramdama ako na parang kinuryente ang buong katawan ko sa sinabi niya. “Matagal na kitang gusto,” dagdag niya, at mas lalong naghurumintado ang puso ko. “Stop calling me Kuya, I like you Serenity,Kaiser doensn’t deserve a especial girl like you ” mas lalo niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko anupat kaunting kaunti na lang ang mga labi namin ay nagdadampi na. Kapag nagsalita ako, for sure magkikiss na kami. “Tell me to stop and I’ll stop,” sambit niya, pero ang katawan ko ay parang naparalisa at ang mga ma
Serenity’s POV “K-Kaiser “ sambit ko habang nakatingin sa kaniya. Hindi ako makatingin ng maayos sa kaniya siguro ay dahil sa ginawa ko kanina. "Oh, nariyan pala ang boyfriend mo," sabi ni Uncle. Parang nararamdaman ko ang panunuya sa boses niya. "Good afternoon po," bati ni Kaiser kay Uncle, at nginitian naman niya ito. "Pagkatapos niyong mag-usap pumasok ka na agad sa loob ha," bilin ni Uncle sa akin. Tumango naman ako, pero hindi ko pa rin maalis ang tingin ko kay Kaiser. Parang nag-uunahan ang dalawang magkaibang emosyon sa loob ko, ang kaba at ang konsensya. "Hinahanap mo raw ako kanina sa classroom sabi ni Ian?" tanong niya. Ang boses niya ay malambing, parang ang sarap-sarap niyang pakinggan. "Ah, oo, ihahatid ko sana sa iyo iyong notebook mo," kukunin ko na sana sa bag ko ang notebook niya, pero nakalimutan kong naiwan ko pala sa bahay ni Miguel. "Ah, naalala ko inabot ko pala kay Kuya Miguel noong nakita ko siya kanina kasama ko si Uncle" pagdadahilan ko. Mi
“You can ask your uncle kung nasaan ang bestfriend nya. Uncle Miguel will definitely pretend that his father is in the hospital kaya siya nagpunta ng England but ang totoo andoon siya sa girlfriend niya ngayon. He is just pretending, he fooled you Serenity,” sabi ni Kaiser.Ang mga sinabi ni Kaiser ay parang isang suntok sa sikmura ko. Pero dahil gusto kong makasigurado, tinawagan ko agad si Uncle Azriel."Hello uncle," sabi ko."Oh, bakit napatawag ka?" pagtataka ni Uncle.“I just want to ask, nasaan po si Kuya Miguel?” I asked. Pinipilit kong maging kalmado at hinihiling ko na sana nagsisinungaling lang si Kaiser.“Ah, naku nasa England siya. Umalis siya kahapon at mukhang matatagalan siya doon,” sabi niya.Nakaramdam agad ako ng panghihina. Anupat nailaglag ko ang mga kamay ko at pinatay ko na ang phone ko. Parang sinaksak ang puso ko at narinig ko ang pag-iyak ko.Nanghina ang katawan ko. So all this time, pinapaikot lang niya ako. Parang wala akong kwenta sa kanya. Muli ak
Pero habang nagpapatuloy ang gabi, nagsimula na akong makaramdam ng kakaiba.“You know, Serenity, I’m so proud of myself. I’ve achieved all my dreams in five years. I’m so awesome, right?” Sabi ni Kaiser, ang ngiti niya ay parang nang-aasar.“Oo naman, Kaiser. Sobrang proud ako sa’yo,” sagot ko.Pero deep inside, nagsimula na akong makaramdam ng hindi maipaliwanag na kaunting panghihina.“You know, Serenity, you’re so lucky to be my girlfriend. Not all girls get a guy like me,” sabi niya, at hinaplos ang aking pisngi.“Oo nga, Kaiser. Ang swerte ko sa’yo,” sabi ko nalang.Pero sa loob-loob ko, nagsimula na akong makaramdam ng frustration.“Have you achieved anything great in our five years together?” Tanong niya, at biglang nagbago ang tono ng kanyang boses. Parang hindi na siya masaya.“Uhm, oo naman. Ang dami kong natutunan sa’yo, Kaiser. Ang dami kong na-discover na bagay tungkol sa sarili ko,” sagot ko.Pero hindi siya kumbinsido.“Don’t you think you could have done more? Focused
Lumapit siya sa akin, ang tingin niya ay matalim. "You know, sometimes, the best way to connect is to just let go, you know? Really lose yourselves in each other." Bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ako komportable. Parang nakakulong ako. "Kaiser, dapat siguro pag-usapan pa natin 'to..." Ngumiti siya, isang ngiti na parang alam na alam niya ang ginagawa niya, masyadong excited, masyadong possesive. "Come on, Serenity. Don't be shy. We've been together for so long, there's no need for these walls," he said, his voice dropping to a husky murmur, like a tempting whisper. Lumapit pa siya ng konti, at napahinga ako ng malalim. Inilahad niya ang kamay niya, halos malapit na sa mukha ko, pero umiwas ako, tumalikod. Ang hangin sa pagitan namin ay puno ng tension, parang may harang na hindi ko maalis. Gusto kong magsalita, pero parang na-stuck ang boses ko. Nakita niya ang takot sa mata ko, ang panginginig ng baba ko. Lumiit ang mata niya, parang galit na galit, nawala ang ngiti niya. Mab
Kinabukasan, habang naglalakad ako sa campus, parang hindi ako mapakali. Paulit-ulit kong tinitingnan ang likod ko, inaasahan na makita si Kaiser na galit na galit sa akin.Maganda ang panahon, pero hindi mawala-wala ang takot ko. Ang mga estudyante ay nagtatawanan at nagkukuwentuhan habang nagmamadaling pumunta sa kanilang mga klase. Pero ako, parang nakatulala lang.Nakita ko si Kaiser na papalapit sa akin. Hindi niya ako tinitingnan, pero alam kong galit pa rin siya.Dire-diretso siyang naglakad papunta sa akin, at tumama ang balikat niya sa akin. Parang nagulat ako.Nagpatuloy siya sa paglalakad, diretso lang sa library. Pinanood ko lang siya. Ang bilis ng tibok ng puso ko.Galit pa rin siya. At kasalanan ko ito.Kailangan kong kausapin siya. Kailangan kong ayusin ang lahat. Pero paano?Huminga ako ng malalim at naglakad papunta sa library. Kailangan kong kausapin siya. Kahit na natatakot ako.Nakita ko siya sa isang table malapit sa bintana, nakatalikod sa akin. May
"Oh, hey Kaiser," sabi ko. "Si Mark, classmate ko at pinag uusapan namin ang thesis namin." He didn't respond. Nakatingin lang siya sa akin at kay Mark, ang tingin niya ay parang tumutusok. Parang nabibigla ako. Hindi siya nagsalita, pero ang katahimikan ay nagsasalita ng malakas. Ang tingin niya ay puno ng pagdududa, parang inaakusahan na niya ako ng isang bagay. "Bakit ka nakikipag-usap sa kanya? Dapat kasama mo ako," sabi niya, malamig at matalim ang boses "Kaiser, ano ka ba! Nagtatrabaho lang kami sa thesis," I said, feeling a wave of frustration. Umismid s'ya. "Yeah, right. And I'm sure that's all it is." Tumingin siya kay Mark, nakakunot ang noo niya. "Don't think I haven't noticed the way you look at her." Mark looked confused. "Ano ba'ng pinagsasabi mo? I'm just being friendly," he said, his voice calm. "You're just trying to make her fall for you. Just like all the other guys who try to get close to her," Kaiser said, his voice getting louder. "I know your type."
Serenity's POVUnang gabi namin sa Japan pagkatapos ng byahe nagtungo agad kami sa nirentahang bahay ni Miguel. Pagkapasok namin napatulala ako sa nakita ko. Ang bahay namin ay parang isang fairytale. Puno ng mga kandila, mga bulaklak, at mga petals.“Miguel, ano ito?” Tanong ko, ang mga mata ko ay nanlalaki sa pagkamangha.“Para sa iyo, mahal ko,” sabi ni Miguel, at ngumiti siya ng matamis.“I want to make this honeymoon extra special, especially after what we went through. I just want us to celebrate our love, to enjoy this new chapter in our lives together.”Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako papunta sa sala.Sa gitna ng sala, may nakalatag na kumot, may nakapatong na mga unan, at may nakahanda nang mga kandila.“Naghanda ako ng picnic sa bahay,” sabi ni Miguel.“Talaga?” Tanong ko, ang mga mata ko ay nanlalaki sa tuwa.“Oo,” sabi ni Miguel, at ngumiti siya.“Naisip ko lang, bakit kailangan pang pumunta sa ibang lugar para ma-enjoy ang pagsasama? Pwede
Miguel's POV Nakatayo ako sa altar, nakaharap sa mga bisita. Nasa likod ko ang mga groomsmen ko - si Nagi na palaging nagbibiro, si Dylan na seryoso pero mabait, at si Aaron na tahimik pero laging andyan para sa akin. Narinig kong nagtatawanan sila sa likod, nagkukuwentuhan habang naghihintay. Pero hindi ko sila naririnig. Ang tanging naririnig ko lang ay ang tibok ng puso ko, parang nagwawala sa kaba. Parang napakatagal ng paghihintay. Parang gusto kong tumakbo palabas, tumakbo at kunin agad si Serenity. Natanaw ko na ang babaeng nakasuot ng puting trahe de boda.. Narito na siya. Ang babaeng pinakamamahal ko. Ang babaeng nagpatibok sa puso ko mula pagkabata. Ang babaeng nagbigay kulay sa buhay ko. Ang babaeng hinintay ko mula noon Narinig kong nagtawag na ang wedding organizer, hudyat na magsisimula na ang seremonya. Ang tibok ng puso ko ay bumilis. Parang gusto kong huminga ng malalim, pero parang hindi ko na magawa. Tumingin ako sa mga bisita. Nakita ko ang mga
Serenity's POV “Sayang hindi nya man lang makikita ang paglaki ni Caelius” malungkot na sabi ni Uncle Azriel habang ipinapatong ang bulaklak na dala namin sa puntod. Bigla namang tumulo ang luha ko. “Sana kasama pa rin natin sya noh?” Sabi ko naman at hinaplos naman ni Uncle Azriel ang likod ko. “Mommy!!” Napalingon ako at tumatakbo naman si Caelius papunta sa amin kasama nya si Cassy at Nagi at Dylan kaya napangiti ako . Ipinatong naman nila ang dala nilang bulaklak sa puntod. Napabuntong hininga ako dahil sa panghihinayang. “Kung nandito ka lang sana..” bulong ko habang nakatingin sa puntod nya. Maya-maya ay may biglang bumungad na boquet of tulips sa harapan ko. Kaya napangiti ako. “Bakit may paflower pa” “Ang lagay ba si mama lang ang may bulaklak? Syempre pati ang pinakakamahal ko” “Hoy Miguel! Napakacheesy mo talaga kahit kelan hindi ka nahiya nasa harap tayo ng puntod ng mama ni Serenity.” pang aasar ni Nagi kaya nagtawanan naman ang lahat. “Mga lokoloko ta
Serenity's POV Nang makarating kami sa ospital, dinala agad si Miguel sa emergency room at pinatabi lang kami ng mga nurse. Maya-maya ay dumating na rin si Uncle Azriel. "Serenity, anong nangyari?" Tanong niya, ang mukha niya ay puno ng pag-aalala. "Uncle si Miguel ... may nangyaring masama." Sagot ko, ang boses ko ay nanginginig. Tumingin ako sa relo ko. Ilang minuto na ang nakalipas. Parang isang siglo na ang lumipas. Hinihintay namin ang doktor sa labas ng emergency room. “Anong oras ba sila matatapos?” Tanong ko, ang boses ko ay halos bulong na lang. “Relax ka lang, Serenity.” Sabi ni Uncle Azriel. “Magtiwala ka lang.” “Hindi ko alam kung kaya kong magtiwala. Natatakot ako.” Sabi ko. “Natatakot akong mawala siya sa akin..” Nakatayo kami ni Uncle Azriel. Magkahawak ang kamay. Tumingin ako kay Uncle. “Uncle, natatakot ako” “Andito lang ako , Serenity.” Sabi ni Uncle, at niyakap niya ako ng mahigpit. Ang init ng yakap niya ang nagbigay sa akin ng kaunting kapanatagan. Hind
“Tito ginawan kita ng juice.” narinig ko. “Wow! Salamat! Tara doon tayo sa Sofa. Naupo sila sa sofa at ang kamera ay nakatutok kay Miguel. Nakita kong kinuha ni Miguel ang baso at ininom ang juice. Hindi ko mapigilan ang ngiti ko. “Good job anak.” Bulong ko sa sarili ko. Ilang minuto lang, nakita kong nagsimulang umubo si Miguel. “Tito, okay ka lang po ba?” Tanong ni Caelius. Pero hindi na nakasagot si Miguel. Bigla siyang napahawak sa lalamunan niya. “Mommy! Mommy!” Sigaw ni Caelius. “Caelius, anak! Anong nangyari?” Rinig kong sigaw ni Serenity. Tumayo ako at lumabas ng van. Pumasok ako sa loob ng bahay. Nakita kong nakahandusay na si Miguel sa sahig. Hindi ko mapigilan ang ngiti ko. “Ang bilis naman.” Sabi ko sa sarili ko. “Miguel!” Sigaw ni Serenity. Nilapitan niya si Miguel. “Miguel, gising! Miguel!” Sabi niya, at niyugyog niya ang balikat ni Miguel. Pero hindi na gumising si Miguel. Nakita kong nagsimula nang umiyak si Serenity. “Kaiser! Ano ba ‘tong ginawa mo?!
Serenity's POV "Caelius?" Tawag ko, pero hindi niya ako sinagot. Kanina ko pa kasi sya hinahanap. "Miguel, nakita mo ba si Caelius?!" Tanong ko, ang boses ko ay nanginginig sa pag-aalala. "Hintayin lang natin si Caelius dito," sabi ni Miguel, pero kahit siya ay mukhang nag-aalala na rin. Ilang minuto na ang lumipas, pero wala pa rin si Caelius. "Miguel,wala talaga sya kanina naglalaro lang sya sa bakuran pero ngayon wala na sya," sabi ko, ang pakiramdam ko ay lumulubog sa takot. "Hintayin lang natin, baka kinuha sya ni Azriel" sabi ni Miguel, pero hindi ko na siya pinakinggan. Alam kong may mali. Biglang nag ring ang phone at tumawag si uncle. Sinagot naman iyon ni Miguel. "Baby, si Kaiser nakatakas raw.” parang biglang may mabigat na bagay na dumagan sa dibdib ko parang hindi ako makahinga. "Hindi kaya si Kaiser ang kumuha kay Caelius," sabi ko, ang kaba ay sumisiksik sa lalamunan ko. "Relax ka lang Serenity, magiging okay rin ang lahat.” Sabi ni Miguel, pero hindi ko na siy
Miguel's POV “Tama ba ang naririnig ko, Serenity? Hindi anak ni Kaiser si Caelius?” Tanong ko. Tumango si Serenity. “Oo, Miguel.. Ginamit niya ang amnesia ko para mapaniwala ako. Bago pa man ako maaksidente buntis na ako. Dapat isusurprise kita sa araw ng kasal natin na magkaka-baby na tayo pero dinukot nya ako at ng makatakas ako at nakita nya tayo ay binangga nya tayo.” "Kaiser," sabi ko, ang boses ko ay puno ng galit. "Hindi ka makakalusot sa ginawa mo. Sisiguraduhin kong maparusahan ka sa ginawa mo sa amin." Lumabas kami ng silid, at hindi na kami lumingon pa. "Thank you, babe," sabi ni Serenity. "Thank you dahil hindi mo ako iniwan.” "Walang anuman, babe. Mahal na mahal kita." Niyakap ko siya ng mahigpit. “Babe, hindi pa rin ako makapaniwalang anak ko si Caelius. Kaya pala, kaya pala ganoon nalang kalapit ang loob ko sa kanya. Kaya pala hindi ko magawang magalit sa kanya.Babe, sobrang saya ko. Daddy na ako? Daddy na ako! Daddy na ako Serenity!” hindi ko makapaniwalang sab
Miguel’s POV Maya-maya ay nagkamalay na si Serenity. Lumabas muna sila at iniwan kaming dalawa upang makapag usap. “ Serenity.” bulalas ko Habang hawak hawak ang kamay nya. Inalalayan ko syang maupo sa higaan. Nakatitig lang sya sa akin at hindi nagsasalita. Parang sasabog ang dibdib ko sa sobrang saya. Hindi ko alam kung ano ang mas nararamdaman ko: kilig, tuwa, o pasasalamat. Ang mga luha ko ay hindi ko na mapigilan, pero hindi dahil sa lungkot, kundi dahil sa sobrang saya. Pero kailangan ko ng sabihin ang gusto kong sabihin sa kanya. “Baby, alam kong nagdesisyon kang lumayo sa akin. Pero baby, hindi ko kaya. Hindi ko kayang mawala ka sa akin. Wala akong pakialam sa nakaraan. Kung nagkamali ka man sa akin, kung si Kaiser man ang tatay ni Caelius, wala akong pakialam. Ituturing ko siyang tunay na anak. Mamahalin ko siya, bumalik ka lang sa akin Serenity. Wag mo lang akong iwan.” Pakiramdam ko ay naiiyak ako ulit, pero pinigilan ko. Gusto kong maging malakas para sa kanya. Na
Miguel’s POV Nasa gilid kami ni Caelius ng pedestrian lane, hinihintay si Cassy. Si Caelius, abala sa cellphone niya, ay naglalaro ng bola. Bigla na lang itong nahulog at gumulong papunta sa kalsada. Nakita ko siyang napatingin sa bola, tapos sa mga sasakyan. Isang kotse, medyo mabilis ang takbo, ang papalapit sa kanya. "Caelius!" sigaw ko. Tumakbo ako nang mabilis hangga't kaya ko. Parang slow motion ang lahat. Nakita ko ang gulong ng kotse, ang mukha ni Caelius na puno ng gulat. Naabutan ko siya, niyakap ko siya nang mahigpit. Napapikit ako at pagkatapos, biglang bumalik sa akin yung araw na nawala si Serenity. Yung pagbangga, yung pagkawala niya... Hindi aksidente yun. Naalala ko na si Kaiser pala ang nasa likod nun. Siya ang kumuha kay Serenity, siya rin yung nagmaneho ng kotse na bumangga sa amin ni Serenity. Kaya ba nawalan ng alaala si Serenity? Kaya ba na-comatose ako ng mahigit 2 taon?. Lahat ng pira-pirasong alaala, nag-connect na. Si Kaiser ang may kasalanan. Napadilat