Share

Chapter Six

“Kuya Miguel, baka kung ano’ng isipin ni Kaiser,” saway ko, nanginginig ang boses ko.

Pero nagkibit-balikat lang si Miguel. “Why? I’m just telling the truth, hindi ba todo yakap ka pa nga sa akin kagabi?” Sarkastikong ngiti ang sumilay sa labi niya.

Naawang ang bibig ko, at naramdaman kong nag-init ang pisngi ko. Lalong kumunot ang noo ni Kaiser, at nagtiim ang mga labi niya. Parang anytime, mawawalan na ako ng malay.

Na-shock ako. Biglang tumayo si Kaiser at humarap kay Miguel. Nagtama ang mga mata nila, at parehong nakakuyom ang mga kamao nila. Parang may bagyo na nag-aalab sa pagitan nila.

“Uncle, I know mahilig kang pagtripan ako, pero hindi na nakakatuwa ang pinagsasabi mo!” Kaiser said, his voice firm and laced with anger.

Tumango si Miguel at ngumisi. “Chill lang, pamangkin. Just listen to Serenity’s explanation,” he said, his voice a mixture of amusement and annoyance. Pero hindi ko mawari kung totoo ba ang amusement na iyon, o may iba pang pinapahiwatig.

“Protect your girl at all cost, baka isang araw wala na siya sa tabi mo.” He said this as he grabbed his jacket, his eyes flicking towards me. Parang may babala sa mga tingin niya, at hindi ko alam kung bakit.

Tinalikuran niya si Kaiser, at tumingin sa akin. “Serenity, ikaw ng bahala mag-explain. If he doesn’t believe you, just break up and get a real man, not a boy,” he said. His voice was laced with a hint of amusement, but it sent chills down my spine.

Naawang muli ang bibig ko, at pinanood kong lumakad palayo si Miguel, parang naiwan ako sa gitna ng bagyo.

Baliw na talaga ito. Parang ako pa ang may kasalanan, pero wala naman akong ginawang masama. Aksidente lang ang halik kagabi, pero bakit parang ako ang may kasalanan?

Tumitig ako kay Kaiser, at nakita ko ang malamig niyang titig at ang nakakuyom niyang kamao. Parang sasabog na naman ang puso ko sa dibdib ko.

“Care to explain?” he asked, his brow furrowed, his eyes filled with a mixture of concern and annoyance. His voice was low and dangerous, parang nagbabanta na sumabog ang bulkan sa loob niya.

Para akong nangangatog na naupo at humarap sa kanya. Ngayon ko lang nakitang ganito siya kaseryoso. Parang nakakatakot, pero kailangan kong magpaliwanag.

"So what happened was, nasa bahay kasi si Kuya Miguel kaninag madaling araw—" pagsisimula ko, at lalong kumunot ang kilay niya nang marinig iyon.

"What? What was he doing in your house in the middle of the night?" iritable niyang tanong. Parang napuno na siya ng galit, at hindi ko alam kung kaya ko pang magpaliwanag.

"Si Kuya Miguel kasi, matalik na kaibigan ng Tito ko. Magkaklase sila mula pa noong SeniorHigh sila until now na graduating na sila, kaya anim na taon na rin kaming magkakakilala. Madalas siya sa bahay, at minsan, doon na rin siya natutulog kapag inaabot na ng gabi ang mga homework nila," paliwanag ko. Napansin kong humupa na ang galit sa mukha niya. Parang nabawasan ang init ng kanyang mga mata, pero hindi pa rin mawala ang pagtataka.

"Eh kagabi kasi, nagising ako at may pumasok na magnanakaw. Kaya ayun, tinulungan ako ni Kuya Miguel, at nagtago kami sa guest room. Sa sobrang takot ko, parang nanigas ako. Hindi ko alam kung saan ako pupunta, at bigla na lang akong napayakap sa kanya," nahihiyang sabi ko. Naalala ko pa ang bango ng kanyang pabango at ang init ng kanyang katawan na nakasandal sa akin. Pero hindi ko maamin sa kanya ang totoong nangyari. Ang aksidenteng halik na iyon sa guest room. Parang nakabara ang lalamunan ko sa tuwing naaalala ko.

Naramdaman ko nalang na hinawakan ni Kaiser ang kamay ko. Tiningnan ko siya, at parang nawala ang galit at inis sa mukha niya. Pero may halong pag-aalala at pagtataka ang mga mata niya. Parang may iba pang emosyon na hindi ko pa mawari. Sana maniwala siya sa akin. Sana maintindihan niya kung gaano ako natakot kagabi.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status