Share

MAKE YOU MINE
MAKE YOU MINE
Author: rhiettenbyme

Chapter One

“Ugh, bakit ba ang hirap mag-focus?” I muttered to myself, trying to finish my art project. It was supposed to be a simple portrait of a sunflower, pero parang ang hirap-hirap kong gawin. Parang gusto kong ihagis ang lapis ko sa inis!

Bigla akong nagulat nang tumunog ang doorbell. Si Tito Azriel lang siguro ‘yon. Dali-dali akong tumayo at binuksan ang pinto. Sunlight streamed through the window, making the dust particles dance in the air. Parang eksena sa pelikula, I actually imagined a spotlight shining down on me as I opened the door.

“Nandito na kami, Serenity! Nandiyan na ba si Ate Mildred?” Ang malakas na boses ni Tito Azriel ang bumalot sa pasilyo. Malapad ang ngiti niya, kumikinang ang mga mata niya. Pero hindi ako nakatingin sa kanya. Ang atensyon ko ay nasa lalaking nakatayo sa likuran niya. Si Kuya Miguel. Ang titig niya, parang tumatagos sa buto. Parang may alam siya na hindi ko alam.

"Baka mamaya pa 'yon, Uncle," sagot ko, feeling a little flustered.

Hindi ko maintindihan, pero lately, napapansin kong nakatingin siya sa akin lagi. Five Years na rin ang nakaraan mula nang una kong makita si Kuya Miguel and I was just 12 years old that time and he was 17 I guessed. Magkaklase sila ni Tito simula pa noong Senior High sila until ngayong graduating na sila sa college.

Tahimik lang siya, may pagka-introvert at nakikipag-usap lang kay Kuya Azriel. Bihira lang kaming nagkakausap since napakatahimik nga n'ya and napakamisterious type. Hindi mo alam kung ano talaga ang tumatakbo sa isip n'ya. Ngayong 16 years old na ako at mag tu twentwo na sya parang biglang nagbago lately ang pakikitungo n'ya sa akin parang lately nakikipag usap na s'ya sa akin.

Ang porma niya talaga, parang "anak mayaman." Sinabi ni Kuya na milyonaryo ang mga magulang niya, kaya nagugulat pa rin ako na sumasama sya kay Tito.

“Ipaghanda mo nga kami ng meryenda, mahal kong pamangkin,” sabi ni Tito, with a smirk.

Inis na inirapan ko siya and went to the kitchen. Pero habang naglalakad ako palayo, hindi ko maiwasang lumingon kay Kuya Miguel. Nakatayo siya sa may bintana, nakatingin sa akin. Ang titig niya, parang tumatagos sa buto.

Mabilis akong bumalik sa kusina, naguguluhan. Ano ba ang meron sa kanya na nagpapagulo ng ulo ko?Umiling ako, pinipilit kong ayusin ang mga iniisip ko. Kailangan kong mag-focus sa meryenda. Kailangan kong kumalma.

Nakaupo sila sa sofa, nakaharap sa akin. Hindi ko maiwasang mapatingin kay Kuya Miguel. Ang gwapo niya talaga, ang tangkad, ang lapad ng balikat. He was wearing a simple white tee, perfectly fitted, accentuating his broad shoulders and lean build. His dark jeans were slightly faded, adding to his effortless cool. He had a slight stubble on his chin, giving him a look that was both charming and mysterious.

Marahil, kung wala pa akong boyfriend, hanggang ngayon ay crush ko pa rin siya. Bigla namang nag-notify ang phone ko, kaya chineck ko kung sino ang nag-message.

(From: Kaiser) Love, I missed you, sana Monday na ulit para makita na kita.

Napangiti naman ako nang mabasa ko ang message ni Kaiser.

Kakasagot ko lang kahapon sa kanya, at talagang sobrang kinilig ako, baka nga kung may makakita sa akin, isipin na nababaliw na ako.

(To: Kaiser) I missed you too.

Nang maisend ko na ang mensahe, ibinaba ko ang phone sa mesa at tumingin sa kinaroroonan nila Tito.Pero natigilan ako nang makita kong nakatitig sa akin si Kuya Miguel. Ang mga mata niya, parang nag-aapoy, nakatitig nang diretso sa akin.

Napaigting niya ang kaniyang mga panga, at parang naramdaman ko ang init ng kanyang titig na tumatagos hanggang sa kaloob-looban ko. Nalipat naman ang atensyon ko ng magsalita si Tito Azriel.

“Hoy, pamangkin, kanina ka pa namin tinitignan ni Miguel, mukhang kinikilig ka riyan. Bakit, nag-chat ba ang crush mo?" nakangisi pang sabi ni Uncle. His eyes, usually warm and twinkling, held a glint of something else—a hint of caution, maybe even a touch of warning.

Inirapan ko si Tito Azriel at tinapos na ang pag-aayos ng mga sandwich. "Tch," bulong ko sa sarili ko, feeling a little flustered even though I knew Uncle was just teasing. Nag-init ang pisngi ko, a mix of embarrassment and irritation.

Dinala ko sa kanila ang meryenda at inilagay sa center table. Habang umuupo ako, hindi ko maiwasang mapatingin ulit kay Miguel. Nakatingin siya sa akin, madilim at matalim ang mga mata niya. May bahagyang ngiti sa labi niya, parang natutuwa siya sa pagkailang ko.

"Miguel," seryoso na ang boses ni Tito Azriel, "alam mo naman na si Serenity, she’s just a kid, right? Just a little girl. You’re a grown man, and you need to remember that."

Bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi kailanman nagsasalita si Tito ng ganyan, lalo na tungkol sa ganitong mga bagay. Dalaga na ako, hindi na ako bata. Sinulyapan ko si Miguel, pero hindi ako tinitingnan. Nakatingin lang siya kay Tito Azriel, ang mga mata niya ay madilim at hindi mabasa.

Patuloy na nagsalita si Tito Azriel, malalim ang boses niya, "May bro code tayo, Miguel. Alam mo kung ano ang ibig kong sabihin, tama ba? Hindi mo gugustuhin na makasakit sa kanya, lalo na... alam mo na, na baka masira ang pagkakaibigan natin.”

Nakatingin lang sa amin si Tito Azriel na para bang maraming naglalaro sa isip niya. Pero relax lang si Miguel at parang hindi nag-aalala at hindi apektado samantalang parang nagdududa na si Tito sa kanya, pero napaka-asyumera ko naman para isiping may gusto sa akin si Kuya Miguel, pero napansin yon ni Tito.

Bakit ba ganyan ang sinasabi ni Tito? Ano ba ang iniisip niya? May gusto ba talaga si Miguel sa akin? Pero imposible. Six years ang agwat namin, graduating na siya sa college, at ako high school palang. Malamang may girlfriend na siya.

Pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit parang may kumukulo sa tiyan ko sa tuwing nakikita ko siya? Bakit parang nag-iinit ang mga pisngi ko sa tuwing nagkakasalubong ang mga mata namin?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status