Si Maddox Ghail ay isang magaling at sikat na doktor sa US ngunit mas pinili niyang manatili sa probinsya ng Bicol para alagaan ang kan'yang Lolang may sakit. Nagbago ang buhay niya nang mamatay ang kan'yang pinakamamahal na lola mismo sa kan'yang harapan. Nasa kamay niya na sana ang scalpel upang simulan ang surgery ngunit nalagutan na agad ito ng hininga. Simula no'n nawala ang confidence ni Maddox na magpagaling ng isang pasyente. Hindi rin niya inaasahang dumating ang mga magulang niya roon na halos ilang taon na niyang hindi nakikita. Akala ni Maddox ay ang burol ng lola niya ang pakay ng mga ito ngunit nagkamali siya. Gusto siyang kunin ng mga ito at idala sa Maynila upang ipakasal sa isang lalaking hindi niya naman lubos kilala--- mas worst ay baldado pa.
view moreNagising si Maddox sa sikat ng araw na tumatama sa kan'yang makinis na mukha. Napapapikit-pikit pa siya ng kan'yang mga mata dahil sa matinding pagkasilaw. Nang maka-adjust ay roon naman niya naramdaman ang matinding kirot sa kan'yang ulo. Sa sobrang sakit ay tumalikod siya kung saan nasisikatan siya ng araw, hangover sucks! Iyan ang nasa isip niya at nang mamulat ay tumambad sa kan'ya ang mahimbing na natutulog na si Daemon. Kunti lang ang nainom niya kagabi at mataas din ang tolerance niya sa alak kung kaya't naaalala niya ang nangyari kagabi. Malinaw na malinaw pa iyon sa kan'yang isipan. Nang mapunta ang kan'yang paningin sa namumulang labi ni Daemon ay agad na uminit ang kan'yang pisngi. Naalala niya kung gaano niya pinagsawaan kagabi ang labi ng lalaki. Napangiti si Maddox nang biglang kumunot ang noo ng lalaki. Napadapa si Maddox at natagpuan na lamang niya ang sarili na hinahawakan gamit ang kan'yang hintuturo ang matangos na ilong nito as if she was tracing it. At nang mapu
Nag-init ang katawan ni Daemon nang maramdaman ang yapos at halik ni Maddox sa kan'ya. Nakita niyang nakalaylay na rin ang roba nito't nakabuyangyang na ang malulusog nitong dibdib. Hindi na niya napigilan ang sarili't bumigay na sa tukso. Ayaw man ng isip niya ngunit nananaig ang kan'yang puso.“Hmmm. Ahhh, Daemon,” ungol ni Maddox nang gumapang ang halik ni Daemon sa balikat nito papunta sa leeg. Unti-unting bumaba ang roba nito't nahubaran na ang dalaga. Kasalukuyang nakaupo ito sa mga hita niya't yakap-yaka ang leeg niya. Hindi naman namalayan ni Maddox na nakabuyangyang na ang malulusog na dibdib sa harap ni Daemon. Napakapit siya sa buhok ng binata nang maramdamang binibigyan ni Daemon ng mamamasang halik ang kan’yang dibdib. Gustong-gusto niya talaga na hinahaplos at hinahalikan siya ng lalaki, as if she went to the past at hindi naman nawala ang memorya ng lalaki. Ang uri ng mga halik nito ay sobrang familiar na familiar sa kan'ya. Napasabunot si Maddox sa buhok ni Daemon n
Napansin ni Daemon kung gaano nalungkot si Maddox dahil sa ginawa niya. Ilang beses niya na bang nabigo ang babae dahil sa mga kilos niya? Simula no’ng nasa wedding shop sila hanggang ngayon ba naman. Bigla siyang nakonsensya dahil sa ginawa. Napahinga si Daemon ng malalim saka nagsalita, “I-I’m sorry but Maddox, you're drunk, it's not that I don't like what you're doing but I won't take advantage of you when I know myself you're drunk. Malaki ang respeto ko sa’yo, ayaw kitang masaktan at ayaw na ayaw kong makagawa ka ng pagsisisihan mo sa huli.” “I’m not that drunk, Daemon. Alam ko ang ginagawa ko…” Iniharap ni Maddox ang mukha ni Daemon sa harap nito saka hinalikan ang lalaki ng buong puso. Bumilis ang tibok ng puso ni Daemon nang maglapat ang mga labi nila sa isa't-isa. “Maddox, wait… You are drunk…” nahihirapan niyang sambit habang pinaghahalikan siya ng dalaga sa labi, bawat halik nito ay napapaganti rin siya. Sinasabi ng isip niya ay pigilan ang paghalik sa dalaga ngunit an
Malalim na ang gabi ngunit hindi pa rin umuuwi si Kai Daemon sa bahay nila, nanatili lamang siyang nakaupo sa kan'yang desk at pumipirma ng mga nakatambak na paper works sa harap niya. Samantala nasa labas lamang ang assistant ni Daemon na si Jacob at matiyagang naghihintay na lumabas ang young master niya. Hindi siya pumasok at walang balak na pumasok dahil alam niya ang ugali ng boss niya, ayaw nitong magpa-isturbo kapag nasa kaligtaan ng trabaho. Napatingin si Jacob sa kan'yang cellphone upang tingnan kung anong oras na. Napangiwi siya nang makitang alas dyes na pala ng gabi’t overtime na sila. Mabilis iyang tinext ang kan'yang asawa na mali-late siya ng uwi dahil may mahalagang inaasikaso. Alam niyang magagalit na naman ito dahil ilang beses na siyang umuwi ng gabing-gabi na. Wala naman siyang magawa dahil parte iyon ng trabaho niya. Nang mai-send niya ang text ay agad na may tumawag sa cellphone ng kan'yang amo. Kaya naman kinuha niya ito sa desk niya't tiningnan kung sino ang
Nang makalabas si Maddox sa mansyon ng pamilyang Corpus ay doon na tumulo ang pinipigilan niyang luha. Patak lang ng patak ito't nakakaramdam din siya ng paninikip ng dibdib. Naglakad lamang siya ng naglakad habang umiiyak, hindi niya alam kung saan siya pupunta at nang makita niya ang isang playground malapit sa mansyon ng mga magulang niya ay roon siya tumambay. Umupo siya sa swing at doon napahagulhol. Sorry siya ng sorry sa kan'yang lola dahil nabigo siya. Hirap na hirap na siyang pakisamahan ang napaka-unfair niyang mga magulang. Tanging ang ginawa lamang nito au paboran ang kanilang paboritong anak na si Sapphire. Sanay na sanay na siya ngunit mas masakit pala kapag harap-harapan na paulit-ulit na piliin at kampihan ang kapatid niya. Paulit-ulit din nilang sinasampal sa mukha niya na isa siyang sampid sa pamilyang iyon. Ilang oras din siyang tumambay sa playground at nang ma-relax ang kan'yang sarili ay kinuha niya ang cellphone niya sa bulsa. Agad niyang tinawagan ang kaibiga
Nang makababa si Maddox sa hagdan ay napahinto siya nang marinig ang boses ng kan'yang ama. “Maddox Ghail…” Binigyan niya ang kan'yang ama ng isang blankong tingin. Wala siyang pinakitang reaksyon kahit na gustong-gusto na niyang umiyak dahil sa mga masasakit na sinabi ng kan’yang sariling ina sa kan'ya. Alam na alam ni Maddox na kahit si Sebastian ay kampi rin sa mag-ina kaya naman nagtataka siya kung bakit pag-aalala ang nakikita niya sa mukha nito. Hinayaan lang nito silang magkagulo't nasa baba lamang at naghihintay. Bigla siyang nakaramdam ng inis at pagkamuhi sa ama. Akala niya ipagtatanggol siya ng ama ngunit pareho lang pala ito kasahol sa kan'yang ina. Hinayaan nitong mangyari ang lahat kanina. Alam niyang na-gui-guilty ito base sa reaksyon palagi ngunit wala pa rin pala. Kitang-kita naman ni Sebastian ang lungkot sa mga mata ng kan'yang panganay anak kaya naman nakaramdam siya ng hindi maintindihang kirot sa puso. “Saan ka pupunta, Maddox? Gabi na, anak. Magpahinga ka
“Maddox! Maddox! Buksan mo ang pinto!” sigaw ni Carmina habang patuloy sa pagkatok sa pinto ng kwarto ni Maddox. Nang marinig naman ni Maddox ang sigaw ng kan'yang ina ay agad niyang binuksan ang pinto, alam niyang papagalitan na naman siya ng ina't nakasumbong na si Sapphire rito. Ano pa nga ba ang aasahan niya sa kapatid niya na isang dakilang sumbongera? Sa pagbukas niya ng pinto ay agad na sinalubong si Maddox ng isang sampal galing kay Carmina. Mabuti na lamang at naka-react agad siya kaya hinawakan niya ang brasong papalapit sa mukha niya't inihawi iyon. Hindi naman nagpatalo si Carmina kaya ang kaliwang kamay naman n’ya ang ginamit niya upang masampal si Maddox ngunit malakas pa rin ang presence of mind ni Maddox kaya nahawakan ulit ng dalaga ang kamay niya. Hindi makapaniwala si Carmina dahil sa ginawa ngayon ng kan'yang anak. Napakalakas nito't nakaya nitong hawakan ng mariin ang kan'yang kamay at pinaikot. “Bitawan mo ako, Maddox!” sigaw ni Carmina nang maramdaman ang s
Bumungad kina Carmina at Sebastian ang kaawa-awang mukha ng kanilang anak na si Sapphire. Kumunot ang noo ni Carmina nang makitang dumudugo rin ang labi ng anak at gulo-gulo ang buhok. Halatang galing ito sa pakikipag-away. Mabilis na nilapitan ni Carmina ang bunsong anak saka hinawakan nito ang magkabilang pisngi. Napa aray naman si Sapphire kaya napatingin naman si Carmina sa pisngi nito. Bakas na bakas ang sampal sa pisngi nito't namumula pa.“Sino ang gumawa sa'yo nito? Anong nangyari?” nagaalalang tanong ni Carmina at napapaluha dahil sa sinapit ng anak. “M-Mommy!! Si Ate Maddox po ang gumawa sa akin nito.” Hindi naman napigilan ni Sapphire ang mapaiyak nang makita ang awa sa mga mata ng ina. “Pinagsasabihan ko lang naman siya kanina. Ayaw nitong pinagsasabihan siya kaya nagalit ito. I was just worried about her, Mommy but she slapped me so hard, pulled my hair and pushed me to the ground!” Napayakap naman si Carmina sa kaawa-awang anak nang marinig ang kwento nito. “Si Maddo
“Kung may sasabihan ka, sabihan mo na. I have no time for this, Sapphire. Wala ako sa mood na makipag-argue sa'yo,” malamig na saad ni Maddox sa kapatid. Napataas ng kilay si Sapphire saka napa-crossed arms. “Wala ka sa mood makipag-argue sa akin? Pero nasa mood kang makipaglandian sa ibang lalaki! Ang lakas mo rin, Ate ‘no?” Kumunot ang noo ni Maddox nang marinig ang sinabi ng kapatid sa kan'ya. Ano bang pinagsasabi nito? Wala siyang ka-ide-ideya. Hindi naman makapaniwala si Sapphire sa inasta ng kapatid, at nagmamaang-maangan pa ito? Huling-huli na nga nag-i-inosente pa? Bilib din siya sa ate niya eh. Kinuha niya ang kan'yang cellphone at ipinakita ang larawan nito kasama ang ibang lalaki. “At nagmama-maang-maangan ka pa talaga? Tingnan mo ito! Hindi ba't ikaw iyan kasama ng ibang lalaki? Grabe ka, ikakasal na nga lumalandi ka pa! Hindi ka ba nakontento kay Kai kaya naghanap ka pa ng iba? Ayos ka rin eh ‘no!” Mabilis na kinuha ni Maddox ang cellphone ng babae sa harap niya at p
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Mga Comments