Rain_Xander: Okay lang iyan, I was just curious with my future sister-in-law, alam mo naman siguro ang ibig kong sabihin ‘di ba? Hindi ba pwedeng magtanong sa malapit sa kan'ya?Napangisi si Sapphire dahil sa sinabi ni Rain, napatango-tango pa siya habang binabasa niya ang reply ng lalaki, siguro naman hindi halatang interasado siyang pag-usapan ang kan'yang kapatid ‘di ba? Nakaisip siya ng magandang ideya at agad na nagtipa sa kan’yang telepono. Sapphy_Corpus: Hmm. Mahirap kasing mag-type dito sa phone ko, pwede bang mag-meet na lang tayo bukas? Isa pa gusto ko na ring magpahinga dahil pagod ako sa photo-shoot ko kanina…Napangisi si Sapphire nang makita niyang nag-co-compose na ng message si Rain, pinanalangin niya na sana tanggapin nito ang alok niya, isa pa ang ma-meet ang isang Rain Xander ay napakagandang opportunity para matanggap siya ng pamilyang Xander at hindi ang ate niyang si Maddox. Rain_Xander: Sure, let's meet tomorrow, 9 am at Ikigai Cafe. Hindi na nag-reply si Sapp
Napainom si Rain sa kan'yang baso habang nakatingin kay Sapphire. Alam n'yang ayaw ng babae sa Ate niya kaya naman hindi siya mahihirapang kumbinsihin ito sa plano niya para sa kasal ng kapatid nila. “Let’s get to the point, Sapphire… Alam kong ayaw mo sa kapatid mo and also ayaw ko rin sa kan’ya…” Gulat ang ekspresyon na ibinigay ni Sapphire kay Rain, hindi niya alam kung bakit nalaman ni Rain ang tunay niyang nararamdaman, gano’n na ba kahalatang ayaw na ayaw niya sa ate niya? “W-What do you mean? Hindi dahil sinasabi ko ang totoo about sa ate ko ay ayaw ko sa kan’ya. Nagtanong ka sa akin at sinagot ko lang ang tanong mo. That doesn’t mean that I don’t like her,” katwiran ni Sapphire na nagpatawa ng mahina kay Rain. Alam ng lalaki na magsisinungaling sa kan’ya ang babae, halatang-halata naman kasing ayaw na ayaw nito sa panganay nitong kapatid. Kung mahal nito ang kapatid bakit narito ito kasama siya? Bigla siyang nakaisip ng palusot, wala siyang pakialam kung hate man ni Sapphir
Dali-daling umalis si Rain sa Ikigai Cafe at nang makapasok siya sa sasakyan niya ay agad siyang napahinga ng maluwag. “Pheww! Nakaka-drain naman ng energy ang babaeng iyon!” saad niya sa sarili. Sa katunayan kanina pa niya gustong umalis doon dahil sobrang na-we-weirdo-han na siya sa inaasta ng babae. Umacting na nga lang siyang may kausap para wala ng magawa ang babae kung ‘di hayaan na siyang umalis baka magpumilit kasi itong mag-stay pa siya ng ilang oras. “I really need to relax! Sana’y hindi na kami magkita pa ng babaeng iyon!” wika pa niya. Nagsimula siyang mag-drive papunta sa isang bar at doon muna magpapalamig. Ilang minuto rin ang binyahe nang makarating siya sa bar ng kan’yang kaibigan. Hindi pa nga siya nakakalabas nang marinig niyang may tumatawag sa telepono niya, napakamot siya ng ulo. Nang matingnan niya ay napasimangot siya, it was her mom. Ano na naman kaya ang kailangan nito? “Hello, Mom?” tanong niya habang lumalayo sa club, medyo maingay na kasi sa kinaroroon
Kasalukuyang nasa bar si Maddox kasama ang kan'yang kaibigang si Professor Imee para mag-unwind. Gawain na nila ito simula noong naroon pa sila sa US kaya hindi na bago sa mga mata ni Maddox ang usok ng sigarilyong nasa paligid at ang mga taong nagsasayawan habang umiindayog at sumasabay sa musika. Hindi pa nga sila nagsisimulang mag-inom ay agad na nagkaroon ng komusyon sa loob ng bar kaya naman ay umusbong ang kursyudad ni Maddox at pinuntahan ng magkaibigan ang nagkukumpulang mga tao. Nang makita nila ang nangyayari ay napatakip si Maddox ng bibig, kita niya ang kaawa-awang lalaking nakahandusay sa sahig habang naliligo ito sa sariling dugo.“OH MY GOD! HELP! HE'S BLEEDING! CALL AN AMBULANCE, RIGHT NOW!” rinig niyang sigaw ng mga tao. Walang inaksayang oras si Maddox at agad na nilapitan ang nakahandusay na lalaki. “Please give way! I am a Doctor, what happened? — Mr.?? Are you okay? Can you hear me?” tanong ni Maddox habang sinusuri kung may malay ba ang lalaking nasa harap niy
Hindi maalis ang ngiti ni Sapphire habang naghahanda at nag-aayos ng sarili para sa birthday party mamaya ni Kai Xander. Pinamalita rin niya sa kaniyang mga kaibigan na a-attend siya sa birthday pa nito kaya inggit na inggit na naman ang mga ito sa kan'ya. Naalala pa niya ang mga mukha nito habang pinipilit siyang isama niya rin ito sa party kaya agad na kinontak niya si Rain upang ipabatid ang nais niya, na agad namang sinangayunan ng lalaki.Pupunta sila sa isang ekslusibong party kaya mas maiging dapat ay nakahanda siya. She wanted to impress Mrs. Xander para magustuhan siya nito at ireto pa sa isa sa anak niya ngunit mas masaya kung si Kai Xander ang i-re-reto sa kan'ya. Ngayon din magsisimula ang plano nila ni Rain kaya sobrang na-e-excite siya. Ini-imagine pa lang niya na mapapahiya ang kan'yang kapatid sa mga taong magdadalo sa party ng binata ay napapahagikhik siya. “Oh, ano? Ready na ba ang aking magandang anak sa party?” Napalingon si Sapphire sa kan'yang likuran at nakita
“Wow! Ang ganda-ganda mo ngayon, girl! Talagang pinaghandaaan mo talaga ang party, ah!” wika ng isa sa kaibigan ni Sapphire. “Syempre, birthday ng isang Kai Xander hindi pa ba ako magpapaganda? Ang maimbitahan sa birthday party niya ay isang pribilehiyo para sa ating nasa ibaba,” sagot niya kaya napasang-ayon naman ang mga kaibigan niya. “Maraming salamat talaga, Sapphire at isinama mo kami sa magarbong birthday party na ito. Talagang malaking pribilehiyo ito lalo na sa amin. Pagkakataon ko ng makabingwit ng mayayamang binata roon, hindi lang mayaman kung ‘di sobrang gwapo pa! Mabuti na lang at may isa sa atin ang malapit kay Rain Xander, utang na loob namin sa'yo ang araw na ito, Sapphire!” masayang saad pa ng isa niyang kaibigan kaya napangiti ng malawak ang dalaga. Sapphire was really proud of herself kaya malaki ang ngiti niya habang binabagtas nila ang mansion ng pamilyang Xander. Mukhang mag-e-enjoy siya ngayon, iyan ang nasa isip niya. Ilang minuto rin ang binyahe ng magkaka
Ilang gabi nang nagpupuyat si Maddox dahil pinag-aaralan niya ang case ni Kai at ngayon lamang siya natapos. Maraming nakakalat na libro sa harap niya at lahat ng iyon ay binasa talaga. Sa wakas ay natapos na rin ang pag-aaral niya sa kaso ng binata. Tama nga ang pagsusuri niya, there is a chance na makakalakad ulit ang lalaki. Kaya naman agad siyang nagtipa sa kan'yang telepono at gumawa ng mensahe kay Kai Xander. “Are you busy? Kailangan kitang makausap importante. Let's meet today.” Ilang segundo lamang ay agad siyang nakatanggap ng reply mula sa binata kaya napangiti siya. “I am not busy, sure let's meet. Please be ready ‘cause I'll fetch you at your house after an hour. We'll have dinner.” Kumunot ang noo ni Maddox sa sinabi ng lalaki. Dinner? Napangisi siya at pilyang nag-reply. “Are you asking me for a dinner meeting? or a dinner date?” Alam ni Maddox na mapapakunot ng noo si Kai kapag nabasa nito ang message niya. Gustong-gusto talaga niyang inaasar ang lalaki, napaka cu
Napatulala si Kai nang makita niya si Maddox habang papalabas ng gate ng mansion. Titig na titig siya rito hanggang sa makalapit ito sa kotse nila. Nang pagbuksan ni Butler John ang babae ay bumungad sa kan'ya ang matamis na ngiti ng dalaga. Ramdam niya ang pag-init ng kan'yang pisngi kaya napatikhim siya at napaayos ng upo. “Hi!” bati ni Maddox kaya napatango siya. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin sa babae tila ba nakaramdam siya ng hiya. Hindi na naghintay pa sa paunlak niya ang dalaga kaya agad na itong pumasok at umupo sa tabi niya. Bigla siyang umusod ng kunti kaya napangisi si Maddox. “Let's go?” sambit nito sa kan'ya. “Y-Yeah, let's go…” Gusto niyang suntukin ang sarili dahil hindi pa rin nawawala ang pagkautal niya sa tuwing nakikipag-usap sa babae. Ilang minuto rin silang natahimik at para bang pinapakiramdam ang isa't-isa hanggang sa nakaabot na lamang sila sa venue ay walang nagsasalita sa kanilang dalawa. Naisip niyang tama ba itong ginawa niya? Hindi niya rin