Gulat na gulat ang reaksyon ng pamilyang nasa harapan ni Daemon ng sabihin niya ang katagang binitawan niya sa kanila. Kumunot ang noo ni Carmina at biglang pumasok sa isipin nito baka nagsumbong si Maddox sa binata. Kinuyom ni Carmina ang kamao dahil sa namumuong galit sa dibdib. “Mr. Xander, ano ang ibig mong sabihin?” tanong ng matanda sa binatang kaharap. Hinawakan ni Daemon ng mahigpit ang armrest ng wheelchair niya’t pinipigilan ang magalit sa matandang kaharap niya. Sinamaan niya ng tingin ang matanda saka tinaasan ng kilay. Nahalata naman ito ni Carmina at nakaramdam ng panlalambot ng tuhod dahil sa sobrang takot. Napakapit ito sa asawang si Sebastian at nagsalita. “Bakit gan'yan ka makatingin sa amin, Mr. Xander? May nagawa ba kaming kasalanan sa inyo?” “Curious lang ako kung paano niyo pinalayas sa bahay na ito ang magiging asawa ko?” ngisi ni Daemon sa pamilyang kaharap niya.“Ahhh— Kasi gan'to iyon, Mr. Xander—” Hindi pa nga tapos si Sebastian sa paliwanag ay agad na p
“Bes, kanina pa may tumatawag sa cellphone mo, ayaw mo bang sagutin iyan?” Napalingon si Maddox sa kan’yang kaibigan, nawala kasi ang pokus niya dahil busy siya sa kakapanuod ng telebisyon sa harap nila. “Ano ba iyang pinapanuod mo? OMG! Ang tagapagmana ng Xander Company na si Kai Xander ay naaksidente? Mukhang malaki ang tama niya dahil yupi-yupi ang kotse nito. Hindi ba’t siya ang fian—” Agad na pinatigil ni Maddox sa pagsasalita ang kan’yang kaibigan gamit ang kan’yang kamay at sinagot ang kanina pang nag-ri-ring na telepono. It was her assistant, siguro ay emergency na naman ito. “Hello? Lena? What’s wrong?” agad n’yang tanong sa dalaga. “Ma’am, kailangan ka po rito, emergency po… Alam ko pong busy kayo dahil ngayon ang burol ng lola niyo pero wala pong available na doktor sa hospital ngayon, ikaw lang ang naisip kong tawagan.” Napahinga siya ng malalim saka napailing. Nagsimulang manginig ang kan’yang mga kamay dahil sa narinig. Hindi niya alam kung kaya pa niyang gumamot n
Limang araw ang nakalipas nang naiburol ng matiwasay ang labi ng kan’yang lola, iyak lang siya ng iyak habang binabagtas nila ang kamaynilaan. Pagkatapos kasi ng burol ay hindi na nag-aksaya pa ang kan’yang mga magulang ng panahon at pinag-impake na agad siya. “Maddy, tandaan mo ang habilin ko sa’yo, ha? Nasa respetado at mayamang pamilya ang magiging asawa mo. Dapat lang na maging maganda ka sa paningin nila. Kapag tinanong ka kung saan ka nagtapos ay sabihin mong sa Oxvord University; kapag tinanong ka naman kung ano ang trabaho mo ngayon at bakit ka napunta sa Bicol, sabihin mong intern ka lang doon at studyante ka pa lamang dahil you’re taking a masters degree sa Oxvord Unversity din, okay? Huwag kang mag-alala hindi naman nila malalaman kung saan ka nagmula, ako na ang bahala roon.” Hindi na lamang pinansin ni Maddox ang ina niya. Napatingin lamang siya sa labas ng eroplano at tinitigan ang mala-berdeng bundok sa ibaba. Wala talagang alam sa kan’ya ang mga magulang niya. Hindi r
Naging usap-usapan sa mga tao sa mansyon ang pagbalik ni Maddox sa pamilyang Corpus. Halos lahat ng kasambahay roon ay pinagkukumpara ang dalawang magkapatid. “Sino ang mas maganda sa kanila?” tanong ng isa saka napahawak ng baba. “Halatang-halata naman, kahit simple lamang si Ma’am Maddox manamit ay litaw na litaw pa rin ang kagandahan nito. Para siyang isang dyosang bumaba sa lupa, grabe hindi nakakasawa ang kagandahan niya. Kahit galing sa probinsya ay sobrang puti pa rin, nakakainggit! Ako nga na ilang taon na rito sa Maynila ay hindi pa rin pumuputi, pati nga gluta ay pinatos ko na at hindi pa rin umepek sa akin! Letsugas!” nakasimangot na sagot ng isang babae. Lahat naman ay napapatango sa sagot nito animo’y sumasang-ayon ang lahat. Samantalang naroon pala si Sapphire na kanina pa naririnig ang mga usap-usapan ng kanilang kasambahay. Labis ang kan’yang galit dahil sa mga sinasabi ng mga ito, minemorya niya ang mga mukha nito dahil isusumbong niya ito sa kan’yang ama. Napang
“Oh, bumaba na pala ang kapatid kong probinsyana, kumusta ang kwarto mo, Ate? Maganda ba? Ako ang nag-design niyan,” pagmamalaki ni Sapphire kay Maddox na kabababa lang ng daghan. Hindi pa nga siya nakakatuntong sa sahig ay agad na siyang nitong sinalubong. “Maganda naman ngunit hindi ko gusto ang choice of color mo. Sobrang baduy para sa akin,” sagot niya sa kapatid. Totoo namang baduy ang mga kulay, sino ba namang matinong tao ang magdedesinyo ng kwarto na ang kulay ng pader ay pink at ang kurtina naman ay kulay kahel? Ang sakit sa mata, sa totoo lang. “Ano?? You’re so ungrateful naman, Ate! Magpasalamat ka na lang, pwede?” inis na wika nito. “Thank you, then…” Gusto niyang inisin pa lalo ang kapatid ngunit wala na siyang oras para roon, nakakaramdam na kasi siya ng gutom, hindi siya nakapag-lunch kanina. “Alam mo, Ate, sobrang naaawa ako sa’yo. Akala mo ba maganda ang magiging estado mo sa pamilyang Xander? Nagkakamali ka. Sasabihin ko sa iyo ito dahil alam kong magiging tanga k
Inipon ni Maddox ang kan’yang lakas para sa pagkikita nila ng magiging bago niyang pamilya, ang pamilya Xander. Matapos siyang mag-ayos ng kan’yang sarili ay agad s’yang bumaba para hintayin ang mga magulang niya.Hindi niya inaasahang naroon na pala ang mga ito sa baba, lahat ay busy sa pag-aayos ng kani-kanilang sarili habang tinitingnan ng mga ito ang pigura nila sa malaking salamin sa gilid. “Mommy, am I beautiful? Okay lang ba ang suot ko? Hindi ba masyadong daring?” tanong ni Sapphire habang sinisipat nito ang kan’yang sexy-ing dress sa salamin. Umikot-ikot pa ito na para bang feel na feel nito ang suot-suot nitong red dress na hapit na hapit sa katawan. Sa isip-isip ni Maddox para itong pupunta sa bar at doon sasayaw--- sa madaling salita para itong p*kpok kung titingnan. “Oh, Maddox! Bumaba ka na, kanina ka pa namin hinihintay—” sigaw ng kan’yang inang si Carmina nang makita siyang bumababa sa hagdan. Hindi na nito nasagot ang kaninang tanong ni Sapphire dahil nakapokus na an
Ilang minuto ring naghintay si Maddox para kitain ang kan'yang kaibigan. Tumambay siya sa office nito dahil iyon ang tinuro ng guard sa kan'ya. Dumating siya ng alas tres ng hapon upang bisitahin ang professor niyang kaibigan sa isang tanyag na paaralan sa Kamaynilaan. “Doctor Angel!” Napalingon si Maddox sa likuran niya. Napangiti siya nang malawak at napatayo para yakapin ang tumawag sa kan'ya. It was her friend, Professor Imee Jhonson. Nakilala niya ang babae sa sa US at naging magkaibigan. Malayo man ang edad nila ngunit nagkakaintindihan sila lalo na pagdating sa medisina. Si Professor Imee ay tatlumput-tatlong taong gulang na at may pamilya samantalang siya ay dalawapu't anim na taong gulang lamang. “Professor Imee! Long time no see!” masayang wika niya kaya napahigikhik ang babae. “Hindi ko inaasahang narito ka pala sa Manila, huling usap natin sa US ay sabi mo uuwi kang Bicol para alagaan ang lola mo,” saad nito kaya biglang nakaramdam ng lungkot si Maddox nang marinig
Malaki ang ngiti ni Sapphire habang pauwi ng mansion, ang makita ang idolo niyang si Dr. Angel ay sobrang napakalaking pribilehiyo sa kan'ya. Mabuti na lang at nakita niya si Professor Imee kung hindi, baka maubusan siya ng seats sa gagawing seminar nito. Alam niyang magkakanda-ubusan ng tickets kapag nabalitaan ng mga tao na pupunta si Dr. Angel sa Pilipinas at magkakaroon ng lecture sa university. Mabilis niyang kinuha ang kan'yang telepono upang mag-post sa kan'yang XYZ account.“Sabi ng aking source, pupunta raw sa Pilipinas ang idolo kong si Dr. Angel! Sobrang nakaka-excite na ma-meet ang isang napakagaling na doctor sa buong mundo! Sana makakuha ako ng autograph niya at ma-meet ko siya sa personal. Marami akong gustong sabihin sa kan'ya , how about you, guys? Pipili ako ng limang questions sa comment section: Kapag na-meet ko si Dr. Angel, iyon ang tatanungin ko sa kan'ya! I'm super exciteeeeed! @Dr. Angel can't wait to see you!! #Dr.Angel #Thebestdoctorintheworld #medicalgeniu