Limang araw ang nakalipas nang naiburol ng matiwasay ang labi ng kan’yang lola, iyak lang siya ng iyak habang binabagtas nila ang kamaynilaan. Pagkatapos kasi ng burol ay hindi na nag-aksaya pa ang kan’yang mga magulang ng panahon at pinag-impake na agad siya.
“Maddy, tandaan mo ang habilin ko sa’yo, ha? Nasa respetado at mayamang pamilya ang magiging asawa mo. Dapat lang na maging maganda ka sa paningin nila. Kapag tinanong ka kung saan ka nagtapos ay sabihin mong sa Oxvord University; kapag tinanong ka naman kung ano ang trabaho mo ngayon at bakit ka napunta sa Bicol, sabihin mong intern ka lang doon at studyante ka pa lamang dahil you’re taking a masters degree sa Oxvord Unversity din, okay? Huwag kang mag-alala hindi naman nila malalaman kung saan ka nagmula, ako na ang bahala roon.” Hindi na lamang pinansin ni Maddox ang ina niya. Napatingin lamang siya sa labas ng eroplano at tinitigan ang mala-berdeng bundok sa ibaba. Wala talagang alam sa kan’ya ang mga magulang niya. Hindi rin nito alam na naging scholar siya sa Hurvard Univeristy at isa na siyang M.D. o Doctor of Medicine. Nasa pangalan na niya ang abbreviation na iyan, Maddox Ghail Corpus, MD. She also has an account for 95% actively licensed physicians in the U.S. Gano’n kalupit ang career niya at hindi niya ito ikinwento sa mga magulang niya. Tama na sigurong mababa ang tingin nila sa kan’ya, ayaw niya kasing mahalin siya ng mga ito dahil sa career niya, gusto niyang mahalin siya ng mga ito dahil siya si Maddox ang panganay na anak nila. Ang alam ng mga magulang ni Maddox ay nakapagtapos siya sa isang maliit na university sa Bicol at kumuha ng medisina roon. Isa siyang pipitsuging doktor na nagtatrabaho sa isang private hospital sa probinsya. Kakaunti lamang ang sweldo at hindi maipagmamalaki sa kanilang mga mayayamang kaibigan sa Maynila. “Maddox, nakikinig ka ba?” tanong ng kan’yang ina kaya naman bumalik siya sa realidad. “Hindi naman ako nakapagtapos sa Oxvord, Mamà bakit ako magsisinungaling sa kanila? Hindi ba’t mali iyon?” tanong ni Maddox kay Carmina. Nakita niya ang pagsimangot nito saka napa-irap sa kan’ya. “Napaka-inosente mo talaga, sinabi ko na sa mga ka-amiga ko na sa Oxvord ka nakapagtapos imbis na sa pipitsuging university sa probinsya. Mag-isip ka nga, kapag nalaman nilang ang panganay kong anak ay nagmula sa isang probinsya at isang mababang klase ng tao, sa tingin mo hindi ako pagtatawanan ng mga iyon? Isang insulto iyon sa pamilya natin, Maddox!” paliwanag ng kan’yang ina kaya napakuyom siya ng kamao. “Isa pa, sinabi ko ring naging top 1 student ka roon at kilala kang Doctor sa U.S.. kahit na ang totoo ay hindi,” dagdag pa nito ngunit pabulong lamang, saktong sila lang ang makakarinig. Hindi siya makapaniwala sa sinabi ng kan’yang ina. Gano’n na ba talaga kababa ang tingin nito sa kan’ya? Kung alam lang ng ina niya ang totoo baka lumuwa ang mga mata nito at ipangalandakan pa siguro sa buong mundo kung ano siya. Well, hindi na niya kasalanan iyon na wala silang kaalam-alam dahil sa tuwing tinatawagan sila ng kan’yang lola upang ibalita ang achievements niya sa kanila ay pinapatayan ito ng telepono, minsan katwiran naman ay busy sila at wala silang oras para pakinggan ang hindi namang importanteng bagay. “Mamá naman, paano kung malaman nila ang totoo? Hindi ba’t mas nakakahiya iyon dahil nagsisinungaling ka sa kanila?” katwiran ni Maddox, pinipigilan niya ang inis na nararamdaman dahil may respeto pa rin siya rito. “Hindi ka ba nakikinig sa akin? Ako na ang bahala roon at hindi nila malalaman iyon. I have my ways, just trust me, Maddox…” Ibubuka pa sana ni Maddox ang kan’yang bibig para magsalita ngunit narinig niya ang tikhim ng kan’yang ama sa gilid. Hudyat iyon na huwag na siyang kumatwiran pa kaya natahimik na lamang siya. “Nakalimutan ng mamá mong sabihin sa’yo na nakatira pa rin sa amin si Sapphire kaya magkakasama pa rin tayo. Alam kong hindi kayo okay ng kapatid mo pero sana bilang panganay habaan mo ang pasensya mo sa kan’ya at pasayahin palagi. Huwag na huwag mo rin siyang gagalitin at aawayin dahil iba iyon magalit. Huwag mo ring stress-in dahil kapag na-s-stress iyon winawaldas noon ang pera namin ng nanay mo sa walang kabuluhang-bagay,” paalala ng kan’yang ama. “She’s really a spoiled brat, Sebastian. Ini-spoiled mo kasi palagi!” nakasimangot na sagot naman ni Carmina. “Sino kaya sa atin ang palaging tino-tolerate ang pagka-spoiled brat ng batang iyon?” Rinig ni Maddox ang tawanan ng kan’yang mga magulang habang siya naman ay walang ekspresyon. Hindi siya natutuwa sa pinagsasabi ng mga ito, they’re tolerating her sister’s bad attitude at hindi niya iyon matanggap. *** Buong byahe ay hindi na sila nag-imikan, sa pagbaba nila sa airport ay sinalubong sila ng isang maganda at mamahaling itim na kotse. Pinagbuksan sila ng pinto ng driver saka napayuko sa mga magulang niya’t magalang na binati sila. Hindi inaasahan ni Maddox na gan’to na pala kayaman ang kan’yang mga magulang dahil may sarili na itong driver, ano pa kaya ang madadatnan niya pagdating nila sa bahay ng mga ito? Bumaba sila sa sa isang malaking mansion, hindi siya nagpakawala ng isang ekspresyon at nanatili lamang itong blangko, ayaw niyang isipin ng mga magulang niya na namamangha siya sa pagmamay-ari nito though afford naman niyang magpagawa no’n but she’s contented with her life right now. Mas magandang nasa savings na muna ang perang pinaghirapan niya at paminsan-minsan ay nag-do-donate o kaya naman tumutulong siya sa mga pasyenteng nangangailangan. “Mommy, Daddy!! You’re here!!” sigaw ng isang babae na kalalabas lang ng pinto. It was Sapphire, ang mald*ta niyang kapatid. Ang suot nito’y sobrang ikli kala mo’y kita na ang kaluluwa. Yumakap ito kay Carmina at Sebastian. Nang makarating ang mata nito sa kan’ya ay tiningnan lamang siya nito simula ulo hanggang paa. Nagpakawala ito ng nandidiring ekspresyon saka napairap. “Ano ka ba naman, Ate! Napaka-boring ng fashion style mo, nakakairita!” Napatingin si Maddox sa kan’yang damit, it was a simple t-shirt and a black pants. Hindi naman nakakairita iyon, baka ang mukha nito ang nakakairita. “Sinabihan ko na nga ‘yang kapatid mo, darling na magsuot ng dress, sobrang tigas ng ulo hindi sumusunod sa magulang!” Napatingin ang kan’yang ina kay Maddox saka napailing. “Maddy, tingnan mo ang suot ng kapatid mo, sobrang ganda at elegante. Gayahin mo ang style niya, paano ka magugustuhan ng pamilyang Xander kung iyan palagi ang suot mo? Turuan mo nga si Maddy ng mga trendy style ngayon, darling!” dagdag pa ni Carmina kaya napangiwi si Maddox. Ang ayaw niya sa lahat ay iyong pinapakilaman ang style niya. Bagama’t simple lamang ang suot ni Maddox ay halata mo pa rin ang inggit sa mga mata ni Sapphire. Kung tutuusin, mas maganda si Maddox kaysa sa babae, kahit simpleng damit ang suotin dalaga ay hindi maikakailang sobrang elegante pa rin nitong tingnan. Hindi mahahalatang tiga-probinsya si Maddy dahil sobrang puti pa rin nito, kahit na ibilad man ito sa araw ay hindi ito mangingitim. Mala-porselana ang kutis nito’t parang si snow white. Marami ring taga-hanga ang babae lalo na’t noong studyante pa ito sa U.S. Madalas ikumpara ng madla ang dalawa, natigil lamang ito nang pumunta siya sa U.S. at doon nanatili ng ilang taon upang makapag-aral. Hindi iyan alam ng mga tao dahil hindi naman niya pinapaalam sa mga ito, ang nakakaalam lang ay ang kan’yang lola at ang bestfriend niyang si Heart. Hindi maikakaila ni Maddox na nakaramdam siya ng inggit nang makita ang tatlong taong nagtatawanan sa harap niya. Kanina lamang ay nasa kan’ya ang mga atensyon nito ngunit biglang nawala dahil dumating ang kapatid niya. Para siyang multo na nakatingin sa malayo’t hindi niya alam kung ano ang dapat na gawin. Maglalakad na sana siya nang tawagin siya ni Sapphire. “Ate, bilisan mo naman! Bawal ang kukupad-kupad dito sa Manila.” Kita niya ang paghahigikhik ni Sapphire habang yakap-yakap ang ina. “ What should I expect? Probinsyana girl ka pala!”Naging usap-usapan sa mga tao sa mansyon ang pagbalik ni Maddox sa pamilyang Corpus. Halos lahat ng kasambahay roon ay pinagkukumpara ang dalawang magkapatid. “Sino ang mas maganda sa kanila?” tanong ng isa saka napahawak ng baba. “Halatang-halata naman, kahit simple lamang si Ma’am Maddox manamit ay litaw na litaw pa rin ang kagandahan nito. Para siyang isang dyosang bumaba sa lupa, grabe hindi nakakasawa ang kagandahan niya. Kahit galing sa probinsya ay sobrang puti pa rin, nakakainggit! Ako nga na ilang taon na rito sa Maynila ay hindi pa rin pumuputi, pati nga gluta ay pinatos ko na at hindi pa rin umepek sa akin! Letsugas!” nakasimangot na sagot ng isang babae. Lahat naman ay napapatango sa sagot nito animo’y sumasang-ayon ang lahat. Samantalang naroon pala si Sapphire na kanina pa naririnig ang mga usap-usapan ng kanilang kasambahay. Labis ang kan’yang galit dahil sa mga sinasabi ng mga ito, minemorya niya ang mga mukha nito dahil isusumbong niya ito sa kan’yang ama. Napang
“Oh, bumaba na pala ang kapatid kong probinsyana, kumusta ang kwarto mo, Ate? Maganda ba? Ako ang nag-design niyan,” pagmamalaki ni Sapphire kay Maddox na kabababa lang ng daghan. Hindi pa nga siya nakakatuntong sa sahig ay agad na siyang nitong sinalubong. “Maganda naman ngunit hindi ko gusto ang choice of color mo. Sobrang baduy para sa akin,” sagot niya sa kapatid. Totoo namang baduy ang mga kulay, sino ba namang matinong tao ang magdedesinyo ng kwarto na ang kulay ng pader ay pink at ang kurtina naman ay kulay kahel? Ang sakit sa mata, sa totoo lang. “Ano?? You’re so ungrateful naman, Ate! Magpasalamat ka na lang, pwede?” inis na wika nito. “Thank you, then…” Gusto niyang inisin pa lalo ang kapatid ngunit wala na siyang oras para roon, nakakaramdam na kasi siya ng gutom, hindi siya nakapag-lunch kanina. “Alam mo, Ate, sobrang naaawa ako sa’yo. Akala mo ba maganda ang magiging estado mo sa pamilyang Xander? Nagkakamali ka. Sasabihin ko sa iyo ito dahil alam kong magiging tanga k
Inipon ni Maddox ang kan’yang lakas para sa pagkikita nila ng magiging bago niyang pamilya, ang pamilya Xander. Matapos siyang mag-ayos ng kan’yang sarili ay agad s’yang bumaba para hintayin ang mga magulang niya.Hindi niya inaasahang naroon na pala ang mga ito sa baba, lahat ay busy sa pag-aayos ng kani-kanilang sarili habang tinitingnan ng mga ito ang pigura nila sa malaking salamin sa gilid. “Mommy, am I beautiful? Okay lang ba ang suot ko? Hindi ba masyadong daring?” tanong ni Sapphire habang sinisipat nito ang kan’yang sexy-ing dress sa salamin. Umikot-ikot pa ito na para bang feel na feel nito ang suot-suot nitong red dress na hapit na hapit sa katawan. Sa isip-isip ni Maddox para itong pupunta sa bar at doon sasayaw--- sa madaling salita para itong p*kpok kung titingnan. “Oh, Maddox! Bumaba ka na, kanina ka pa namin hinihintay—” sigaw ng kan’yang inang si Carmina nang makita siyang bumababa sa hagdan. Hindi na nito nasagot ang kaninang tanong ni Sapphire dahil nakapokus na an
Ilang minuto ring naghintay si Maddox para kitain ang kan'yang kaibigan. Tumambay siya sa office nito dahil iyon ang tinuro ng guard sa kan'ya. Dumating siya ng alas tres ng hapon upang bisitahin ang professor niyang kaibigan sa isang tanyag na paaralan sa Kamaynilaan. “Doctor Angel!” Napalingon si Maddox sa likuran niya. Napangiti siya nang malawak at napatayo para yakapin ang tumawag sa kan'ya. It was her friend, Professor Imee Jhonson. Nakilala niya ang babae sa sa US at naging magkaibigan. Malayo man ang edad nila ngunit nagkakaintindihan sila lalo na pagdating sa medisina. Si Professor Imee ay tatlumput-tatlong taong gulang na at may pamilya samantalang siya ay dalawapu't anim na taong gulang lamang. “Professor Imee! Long time no see!” masayang wika niya kaya napahigikhik ang babae. “Hindi ko inaasahang narito ka pala sa Manila, huling usap natin sa US ay sabi mo uuwi kang Bicol para alagaan ang lola mo,” saad nito kaya biglang nakaramdam ng lungkot si Maddox nang marinig
Malaki ang ngiti ni Sapphire habang pauwi ng mansion, ang makita ang idolo niyang si Dr. Angel ay sobrang napakalaking pribilehiyo sa kan'ya. Mabuti na lang at nakita niya si Professor Imee kung hindi, baka maubusan siya ng seats sa gagawing seminar nito. Alam niyang magkakanda-ubusan ng tickets kapag nabalitaan ng mga tao na pupunta si Dr. Angel sa Pilipinas at magkakaroon ng lecture sa university. Mabilis niyang kinuha ang kan'yang telepono upang mag-post sa kan'yang XYZ account.“Sabi ng aking source, pupunta raw sa Pilipinas ang idolo kong si Dr. Angel! Sobrang nakaka-excite na ma-meet ang isang napakagaling na doctor sa buong mundo! Sana makakuha ako ng autograph niya at ma-meet ko siya sa personal. Marami akong gustong sabihin sa kan'ya , how about you, guys? Pipili ako ng limang questions sa comment section: Kapag na-meet ko si Dr. Angel, iyon ang tatanungin ko sa kan'ya! I'm super exciteeeeed! @Dr. Angel can't wait to see you!! #Dr.Angel #Thebestdoctorintheworld #medicalgeniu
“I am not a student at Oxvord University. Hindi rin ako nag-graduate roon…” Natahimik ang lahat, halos lahat ng tao roon sa dining room ay napalingon lamang kay Maddox at napanganga. Nalusaw ang katahimikan nang tumawa ng malakas si Carmina samantalang si Sebastian ay nakatingin lamang ng masama sa panganay niyang anak. “The fuck are you doing, Maddox?” bulong na tanong ni Carmina sa anak ngunit hindi man lang ito natinag bagkus nagsalita pa. “Actually, I graduated at Hurvard University… Well, I took a masters degree but I am now a Doctor of Medicine. Mas mataas pa iyon sa isang studyanteng nag-take ng masters degree, fyi. I was a doctor in a respectable and famous hospital in the US but I resigned ‘cause I chose to be a doctor in Bicol to took care of my grandmother,” paliwanag ni Maddox, mas lalo namang hindi naipinta ang mukha ng mga tao roon. Hindi makapaniwala si Carmina sa sinabi ng anak. Napangisi siya dahil sa sinabi nito, Hurvard University? That university is a top school
Malaki ang panghihinayang ni Sapphire dahil hindi siya naka-attend sa dinner meeting ng pamilyang Corpus-Xander. Hindi kasi siya pinayagan ng kan’yang manager dahil noong nakaraan ay kinancel na niya ang shoot niya. Isa siyang modelo ng isang sikat na clothing design kaya naman napaka importante noon para sa kan’ya.“Kumusta ang dinner meeting ninyo, Mommy?” Hiniling ni Sapphire na maging magulo ang pagsasalo-salo at sana’y hindi pumayag si Mrs. Xander sa kasal ngunit base sa reaksyon ng kan’yang ina ngayon na kararating pa lang ay mukhang naging maganda ang pagsasalo-salo ng mga ito. “Maayos, anak. Mabuti na lamang at pumayag si Mrs. Xander na maikasal ang ate mo sa panganay nilang anak…” Bumaling si Carmina kay Maddox at sinimaan ito ng tingin kaya naman napakunot ng noo si Sapphire. Mukhang may nagawa na namang kasalanan ang ate niya. “Huwag na huwag mo ng uuliting hindi sumunod sa inuutos namin sa’yo ng ama mo, Maddox. Gano’n ka ba pinalaki ng lola mo? Gano’n ba ang ugali ng mga
Rain_Xander: Okay lang iyan, I was just curious with my future sister-in-law, alam mo naman siguro ang ibig kong sabihin ‘di ba? Hindi ba pwedeng magtanong sa malapit sa kan'ya?Napangisi si Sapphire dahil sa sinabi ni Rain, napatango-tango pa siya habang binabasa niya ang reply ng lalaki, siguro naman hindi halatang interasado siyang pag-usapan ang kan'yang kapatid ‘di ba? Nakaisip siya ng magandang ideya at agad na nagtipa sa kan’yang telepono. Sapphy_Corpus: Hmm. Mahirap kasing mag-type dito sa phone ko, pwede bang mag-meet na lang tayo bukas? Isa pa gusto ko na ring magpahinga dahil pagod ako sa photo-shoot ko kanina…Napangisi si Sapphire nang makita niyang nag-co-compose na ng message si Rain, pinanalangin niya na sana tanggapin nito ang alok niya, isa pa ang ma-meet ang isang Rain Xander ay napakagandang opportunity para matanggap siya ng pamilyang Xander at hindi ang ate niyang si Maddox. Rain_Xander: Sure, let's meet tomorrow, 9 am at Ikigai Cafe. Hindi na nag-reply si Sapp