Hello readers! Thank you for supporting my story! Sana ay nag-enjoy kayo sa kabanatang ito. Huwag pong kalimutang mag-iwan ng gems at comment,napakahalaga na iyon para sa akin. Maraming salamat and Godbless y'all. -Mysaria-
Nang makababa si Maddox sa hagdan ay napahinto siya nang marinig ang boses ng kan'yang ama. “Maddox Ghail…” Binigyan niya ang kan'yang ama ng isang blankong tingin. Wala siyang pinakitang reaksyon kahit na gustong-gusto na niyang umiyak dahil sa mga masasakit na sinabi ng kan’yang sariling ina sa kan'ya. Alam na alam ni Maddox na kahit si Sebastian ay kampi rin sa mag-ina kaya naman nagtataka siya kung bakit pag-aalala ang nakikita niya sa mukha nito. Hinayaan lang nito silang magkagulo't nasa baba lamang at naghihintay. Bigla siyang nakaramdam ng inis at pagkamuhi sa ama. Akala niya ipagtatanggol siya ng ama ngunit pareho lang pala ito kasahol sa kan'yang ina. Hinayaan nitong mangyari ang lahat kanina. Alam niyang na-gui-guilty ito base sa reaksyon palagi ngunit wala pa rin pala. Kitang-kita naman ni Sebastian ang lungkot sa mga mata ng kan'yang panganay anak kaya naman nakaramdam siya ng hindi maintindihang kirot sa puso. “Saan ka pupunta, Maddox? Gabi na, anak. Magpahinga ka
Nang makalabas si Maddox sa mansyon ng pamilyang Corpus ay doon na tumulo ang pinipigilan niyang luha. Patak lang ng patak ito't nakakaramdam din siya ng paninikip ng dibdib. Naglakad lamang siya ng naglakad habang umiiyak, hindi niya alam kung saan siya pupunta at nang makita niya ang isang playground malapit sa mansyon ng mga magulang niya ay roon siya tumambay. Umupo siya sa swing at doon napahagulhol. Sorry siya ng sorry sa kan'yang lola dahil nabigo siya. Hirap na hirap na siyang pakisamahan ang napaka-unfair niyang mga magulang. Tanging ang ginawa lamang nito au paboran ang kanilang paboritong anak na si Sapphire. Sanay na sanay na siya ngunit mas masakit pala kapag harap-harapan na paulit-ulit na piliin at kampihan ang kapatid niya. Paulit-ulit din nilang sinasampal sa mukha niya na isa siyang sampid sa pamilyang iyon. Ilang oras din siyang tumambay sa playground at nang ma-relax ang kan'yang sarili ay kinuha niya ang cellphone niya sa bulsa. Agad niyang tinawagan ang kaibiga
Malalim na ang gabi ngunit hindi pa rin umuuwi si Kai Daemon sa bahay nila, nanatili lamang siyang nakaupo sa kan'yang desk at pumipirma ng mga nakatambak na paper works sa harap niya. Samantala nasa labas lamang ang assistant ni Daemon na si Jacob at matiyagang naghihintay na lumabas ang young master niya. Hindi siya pumasok at walang balak na pumasok dahil alam niya ang ugali ng boss niya, ayaw nitong magpa-isturbo kapag nasa kaligtaan ng trabaho. Napatingin si Jacob sa kan'yang cellphone upang tingnan kung anong oras na. Napangiwi siya nang makitang alas dyes na pala ng gabi’t overtime na sila. Mabilis iyang tinext ang kan'yang asawa na mali-late siya ng uwi dahil may mahalagang inaasikaso. Alam niyang magagalit na naman ito dahil ilang beses na siyang umuwi ng gabing-gabi na. Wala naman siyang magawa dahil parte iyon ng trabaho niya. Nang mai-send niya ang text ay agad na may tumawag sa cellphone ng kan'yang amo. Kaya naman kinuha niya ito sa desk niya't tiningnan kung sino ang
Napansin ni Daemon kung gaano nalungkot si Maddox dahil sa ginawa niya. Ilang beses niya na bang nabigo ang babae dahil sa mga kilos niya? Simula no’ng nasa wedding shop sila hanggang ngayon ba naman. Bigla siyang nakonsensya dahil sa ginawa. Napahinga si Daemon ng malalim saka nagsalita, “I-I’m sorry but Maddox, you're drunk, it's not that I don't like what you're doing but I won't take advantage of you when I know myself you're drunk. Malaki ang respeto ko sa’yo, ayaw kitang masaktan at ayaw na ayaw kong makagawa ka ng pagsisisihan mo sa huli.” “I’m not that drunk, Daemon. Alam ko ang ginagawa ko…” Iniharap ni Maddox ang mukha ni Daemon sa harap nito saka hinalikan ang lalaki ng buong puso. Bumilis ang tibok ng puso ni Daemon nang maglapat ang mga labi nila sa isa't-isa. “Maddox, wait… You are drunk…” nahihirapan niyang sambit habang pinaghahalikan siya ng dalaga sa labi, bawat halik nito ay napapaganti rin siya. Sinasabi ng isip niya ay pigilan ang paghalik sa dalaga ngunit an
Nag-init ang katawan ni Daemon nang maramdaman ang yapos at halik ni Maddox sa kan'ya. Nakita niyang nakalaylay na rin ang roba nito't nakabuyangyang na ang malulusog nitong dibdib. Hindi na niya napigilan ang sarili't bumigay na sa tukso. Ayaw man ng isip niya ngunit nananaig ang kan'yang puso.“Hmmm. Ahhh, Daemon,” ungol ni Maddox nang gumapang ang halik ni Daemon sa balikat nito papunta sa leeg. Unti-unting bumaba ang roba nito't nahubaran na ang dalaga. Kasalukuyang nakaupo ito sa mga hita niya't yakap-yaka ang leeg niya. Hindi naman namalayan ni Maddox na nakabuyangyang na ang malulusog na dibdib sa harap ni Daemon. Napakapit siya sa buhok ng binata nang maramdamang binibigyan ni Daemon ng mamamasang halik ang kan’yang dibdib. Gustong-gusto niya talaga na hinahaplos at hinahalikan siya ng lalaki, as if she went to the past at hindi naman nawala ang memorya ng lalaki. Ang uri ng mga halik nito ay sobrang familiar na familiar sa kan'ya. Napasabunot si Maddox sa buhok ni Daemon n
Nagising si Maddox sa sikat ng araw na tumatama sa kan'yang makinis na mukha. Napapapikit-pikit pa siya ng kan'yang mga mata dahil sa matinding pagkasilaw. Nang maka-adjust ay roon naman niya naramdaman ang matinding kirot sa kan'yang ulo. Sa sobrang sakit ay tumalikod siya kung saan nasisikatan siya ng araw, hangover sucks! Iyan ang nasa isip niya at nang mamulat ay tumambad sa kan'ya ang mahimbing na natutulog na si Daemon. Kunti lang ang nainom niya kagabi at mataas din ang tolerance niya sa alak kung kaya't naaalala niya ang nangyari kagabi. Malinaw na malinaw pa iyon sa kan'yang isipan. Nang mapunta ang kan'yang paningin sa namumulang labi ni Daemon ay agad na uminit ang kan'yang pisngi. Naalala niya kung gaano niya pinagsawaan kagabi ang labi ng lalaki. Napangiti si Maddox nang biglang kumunot ang noo ng lalaki. Napadapa si Maddox at natagpuan na lamang niya ang sarili na hinahawakan gamit ang kan'yang hintuturo ang matangos na ilong nito as if she was tracing it. At nang mapun
“Thank you, Daemon. At least alam ko na mayro'n pang natitirang taong pinapahalagahan ako't nasa tabi. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko sa kanila, I am just so angry that time, no'ng sinabihan ni Sapphire ng masama ang aming Lolang namayapa, I really can't believe she said that to her own grandmother kaya naman nagawa ko siyang sampalin ng malakas, paulit-ulit ko iyon ginawa matapos niyang paulit-ulit na hindi irespeto ang aming Lola. Every bad words she said, kalakip no'n ang isang malakas sampal mula sa akin. I just can't stand it, hindi ako papayag na gano'n-ganunin niya lang ang namayapa naming Lola na ang tanging gusto lang ay maging okay kaming pamilya. Sa puntong iyon, sobrang namaga ang kan'yang mukha’t nagkasugat din siya sa labi at hindi ako nagsisisi sa nagawa ko sa kapatid ko. She deserved it!” Seryosong tinitigan ni Maddox si Daemon. Kanina ay iyak lang siya ng iyak ngunit nang marinig ang sinabi ng binata sa kan'ya ay nawala ang lungkot sa puso niya. Alam niya s
Gulat na gulat ang reaksyon ng pamilyang nasa harapan ni Daemon ng sabihin niya ang katagang binitawan niya sa kanila. Kumunot ang noo ni Carmina at biglang pumasok sa isipin nito baka nagsumbong si Maddox sa binata. Kinuyom ni Carmina ang kamao dahil sa namumuong galit sa dibdib. “Mr. Xander, ano ang ibig mong sabihin?” tanong ng matanda sa binatang kaharap. Hinawakan ni Daemon ng mahigpit ang armrest ng wheelchair niya’t pinipigilan ang magalit sa matandang kaharap niya. Sinamaan niya ng tingin ang matanda saka tinaasan ng kilay. Nahalata naman ito ni Carmina at nakaramdam ng panlalambot ng tuhod dahil sa sobrang takot. Napakapit ito sa asawang si Sebastian at nagsalita. “Bakit gan'yan ka makatingin sa amin, Mr. Xander? May nagawa ba kaming kasalanan sa inyo?” “Curious lang ako kung paano niyo pinalayas sa bahay na ito ang magiging asawa ko?” ngisi ni Daemon sa pamilyang kaharap niya.“Ahhh— Kasi gan'to iyon, Mr. Xander—” Hindi pa nga tapos si Sebastian sa paliwanag ay agad na p