“Bes, kanina pa may tumatawag sa cellphone mo, ayaw mo bang sagutin iyan?”
Napalingon si Maddox sa kan’yang kaibigan, nawala kasi ang pokus niya dahil busy siya sa kakapanuod ng telebisyon sa harap nila. “Ano ba iyang pinapanuod mo? OMG! Ang tagapagmana ng Xander Company na si Kai Xander ay naaksidente? Mukhang malaki ang tama niya dahil yupi-yupi ang kotse nito. Hindi ba’t siya ang fian—” Agad na pinatigil ni Maddox sa pagsasalita ang kan’yang kaibigan gamit ang kan’yang kamay at sinagot ang kanina pang nag-ri-ring na telepono. It was her assistant, siguro ay emergency na naman ito. “Hello? Lena? What’s wrong?” agad n’yang tanong sa dalaga. “Ma’am, kailangan ka po rito, emergency po… Alam ko pong busy kayo dahil ngayon ang burol ng lola niyo pero wala pong available na doktor sa hospital ngayon, ikaw lang ang naisip kong tawagan.” Napahinga siya ng malalim saka napailing. Nagsimulang manginig ang kan’yang mga kamay dahil sa narinig. Hindi niya alam kung kaya pa niyang gumamot ng isang pasyente, hindi nga niya nailigtas ang kan’yang pinakamamahal na lola, ang ibang pasyente pa kaya? Naturingan pa siyang isang magaling at sikat na doktor, ni hindi naman niya nailigtas sa bingit ng kamatayan ang Mama-'La niya. Hindi pa nga niya nahahawakan ang scalpel ay nalagutan na ito ng hininga. Prodigy? Napatawa si Maddox sa kan’yang isipan, malayong-malayo ang sarili niya sa salitang iyon. Binansagan pa siyang Prodigy Doctor, ni hindi nga niya nailigtas sa kamatayan ang nagpalaki sa kan’ya. Nakarinig siya ng kalabog kaya agad niyang ibinaba ang telepono. Rinig na rinig ni Maddox ang pagtatalo ng kan’yang mga magulang sa kabilang kwarto. Dahil hindi naman soundproof ang kwarto ng bahay nila ay rinig na rinig niya ang pinaguusapan ng kan’yang ama’t-ina. “Ano ka ba naman, Sebastian! Hindi pa nga tapos ang burol ng aking ina puro business pa rin ang inaatupag mo! Hindi ba pwedeng patapusin muna natin ang burol ni Mamà? Kahit ngayon lang respetuhin mo naman ang aking ina lalo na’t wala na siya!” galit na sigaw ni Carmina kaya napakuyom si Maddox ng kamao. Kahit kailan wala talagang pakialam ang mga magulang niya. Puro business lamang ang inaatupag at nasa isip nito. “ Tigilan mo nga ako Carmina! Kailangan na nating umuwi ngayon din! Mayroon akong mahalagang meeting na a-attend-an, mas mahalaga pa iyon kaysa sa burol ng nanay mo. Isa pa, bakit pa ba natin ito ginagawa, eh patay naman na ang Mamá?” katwiran ng kan’yang ama kaya biglang uminit ang ulo ni Maddox. Bakit pa ba sila pumunta rito kung labag naman iyon sa kalooban nila? Kaya niya namang iburol ng mag-isa ang kan’yang lola, hindi niya kailangan ang mga ito. Ah, oo nga pala may ibang pakay ang mga magulang niya kaya narito sila. “Isa lang naman ang pakay natin dito eh, iyang panganay na anak nating si Maddox. Kailangan natin siyang dalhin sa Maynila, ilang araw na lamang ang natitira, ikakasal na siya sa panganay na anak ng pamilyang Xander. Kailangan din natin siyang turuan kung paano makisama sa mga mayayaman lalo na’t laking probinsya ang anak mo.” Rinig pa niyang dagdag ng kan’yang ama. Gusto magwala ni Maddox at sabihing ayaw niyang ikasal sa hindi naman niya kilala ngunit wala siyang magawa, ito lamang ang paraan para maging malapit sila ng mga magulang niya. Kung siya lang ay ayaw niya itong gawin ngunit iyan ang huling habilin sa kan’ya ng pinakamamahal niyang lola. Napatingin si Maddox sa kamay na nakapatong sa kan’yang balikat. It was her friend, Heart. Nakalimutan niyang naroon din pala ito sa loob ng kwarto. “Gusto mo bang lumabas na lang, Bes?” tanong nito, kita niya ang malungkot na ekspresyon ng kan’yang kaibigan, halatang naaawa ito sa kan’yang sitwasyon. Huminga siya ng malalim saka umiling, ayaw niyang umalis dahil gusto pa niyang marinig ang usapan ng kaniyang mga magulang. Gusto niyang malaman kung may pagmamahal pa rin bang natitira sa kan’ya ang mga ito. Ilang taon din siyang naghanap ng kalinga ng magulang dahil bata pa lamang ay ang Mama-La na niya ang nasa piling niya. “Don’t be too hard on Maddox, anak mo pa rin siya, Sebastian!” saad ng kan’yang ina. “Kaya nga ibabalik natin siya sa Maynila kasi anak ko rin siya. Kung hindi ko siya tunay na anak, bakit pa ako narito? Bakit pa ako mag-aaksaya ng panahon na tumuntong ulit dito sa Bicol?” tanong ng ama kaya napatahimik ang kan’yang ina. Natawa si Maddox ngunit mahina lamang. Kaya sila narito dahil may kailangan sila. Huwag silang mag-astang magulang sa kan’ya dahil ni minsan ay hindi sila naging gano’n sa kan’ya. Ang magulang niya ay nagsimula sa wala, bigla itong yumaman nang mag-boom ang negosyong itinayo nila. Unti-unti ay nakakapundar ito ng mga establisyamento at ari-arian hanggang sa napabilang ang kan’yang mga magulang sa mga grupo ng elitista sa Maynila. Nagkaroon din siya ng isa pang kapatid na si Sapphire. Simula noon ay nawalan na ng atensyon sa kan’ya ang mga magulang niya at naging busy ang mga ito kaya naman ibinigay siya ng mga ito sa Lola niya na naninirahan sa Bicol. Ni minsan ay hindi man lamang siya nito magawang bisitahin, para siyang isang laruan na itinapon na lang dahil ayaw na nilang alagaan. Malinaw na malinaw pa sa kan’yang memorya kung paano siya binigay ng mga ito sa kan’yang Mama-'La, malungkot ang ekspresyon ng kan’yang ina tila ba ayaw siya nitong iwan samantalang ang kan’yang ama ay blangko lamang ang ekspresyon na para bang wala itong pakialam kung mawawalay siya sa kanila. Paminsan-minsan ay kinakamusta siya ng kan’yang ina ngunit pagkatapos noon ay tungkol kay Sapphire na ang topic nila. Kesyo, valedictorian ang kapatid niya, mataas ang nakuhang grade nito sa lahat ng subject at kung ano-ano pang papuri sa kapatid. Magaling si Sapphire, totoo naman iyon pero pwede bang siya naman ang ipagmalaki ng kan’yang ina? Pwede bang matuwa rin ang kan’yang ina sa mga achievements niya? Valedictorian din naman siya at matataas ang mga grades na nakukuha, mas mataas pa nga kay Sapphire ngunit wala siyang lakas ng loob na sabihin iyon dahil alam niyang si Sapphire pa rin ang magaling sa kanilang dalawa. Ni isa ay walang alam ang mga magulang ni Maddox tungkol sa kan’ya. Bagama’t gano’n ang trato ng mga magulang niya, maswerte pa rin siya dahil binusog siya ng kalinga at pagmamahal ng kan’yang lola. Naghintay si Maddox ng ilang segundo ngunit wala na siyang narinig na usapan sa kabilang kwarto siguro’y umalis na ang mga ito. Hinawakan ni Heart ang kamay niya kaya napalingon siya rito. Nagulat siya nang nasa kamay na nito ang hawak-hawak niyang telepono kanina. “Sorry, girl, kinausap ko na ang assistant mo dahil kanina pa ito hello ng hello, eh hindi mo naman sinasagot. Pokus na pokus ka sa pinag-uusapan ng mga magulang mo kaya hindi mo namalayang kinuha ko sa mga kamay mo ang telepono. Sabi ko kay Lena hindi ka makakapunta sa session niyo dahil hindi maganda ang pakiramdam mo. Okay ka lang? Mukhang namumutla ka?” nag-aalang tanong ni Heart kay Maddox. Napatango na lamang si Maddox saka napakagat ng labi. Hindi niya alam kung ano ang isasagot sa kaibigan. Ilang araw na lang ay aalis siya sa Bicol kasama ang pamilya niya, iiwan niya ang buhay niya rito at hindi niya alam kung ano ang magiging future niya roon sa Maynila.Limang araw ang nakalipas nang naiburol ng matiwasay ang labi ng kan’yang lola, iyak lang siya ng iyak habang binabagtas nila ang kamaynilaan. Pagkatapos kasi ng burol ay hindi na nag-aksaya pa ang kan’yang mga magulang ng panahon at pinag-impake na agad siya. “Maddy, tandaan mo ang habilin ko sa’yo, ha? Nasa respetado at mayamang pamilya ang magiging asawa mo. Dapat lang na maging maganda ka sa paningin nila. Kapag tinanong ka kung saan ka nagtapos ay sabihin mong sa Oxvord University; kapag tinanong ka naman kung ano ang trabaho mo ngayon at bakit ka napunta sa Bicol, sabihin mong intern ka lang doon at studyante ka pa lamang dahil you’re taking a masters degree sa Oxvord Unversity din, okay? Huwag kang mag-alala hindi naman nila malalaman kung saan ka nagmula, ako na ang bahala roon.” Hindi na lamang pinansin ni Maddox ang ina niya. Napatingin lamang siya sa labas ng eroplano at tinitigan ang mala-berdeng bundok sa ibaba. Wala talagang alam sa kan’ya ang mga magulang niya. Hindi r
Naging usap-usapan sa mga tao sa mansyon ang pagbalik ni Maddox sa pamilyang Corpus. Halos lahat ng kasambahay roon ay pinagkukumpara ang dalawang magkapatid. “Sino ang mas maganda sa kanila?” tanong ng isa saka napahawak ng baba. “Halatang-halata naman, kahit simple lamang si Ma’am Maddox manamit ay litaw na litaw pa rin ang kagandahan nito. Para siyang isang dyosang bumaba sa lupa, grabe hindi nakakasawa ang kagandahan niya. Kahit galing sa probinsya ay sobrang puti pa rin, nakakainggit! Ako nga na ilang taon na rito sa Maynila ay hindi pa rin pumuputi, pati nga gluta ay pinatos ko na at hindi pa rin umepek sa akin! Letsugas!” nakasimangot na sagot ng isang babae. Lahat naman ay napapatango sa sagot nito animo’y sumasang-ayon ang lahat. Samantalang naroon pala si Sapphire na kanina pa naririnig ang mga usap-usapan ng kanilang kasambahay. Labis ang kan’yang galit dahil sa mga sinasabi ng mga ito, minemorya niya ang mga mukha nito dahil isusumbong niya ito sa kan’yang ama. Napang
“Oh, bumaba na pala ang kapatid kong probinsyana, kumusta ang kwarto mo, Ate? Maganda ba? Ako ang nag-design niyan,” pagmamalaki ni Sapphire kay Maddox na kabababa lang ng daghan. Hindi pa nga siya nakakatuntong sa sahig ay agad na siyang nitong sinalubong. “Maganda naman ngunit hindi ko gusto ang choice of color mo. Sobrang baduy para sa akin,” sagot niya sa kapatid. Totoo namang baduy ang mga kulay, sino ba namang matinong tao ang magdedesinyo ng kwarto na ang kulay ng pader ay pink at ang kurtina naman ay kulay kahel? Ang sakit sa mata, sa totoo lang. “Ano?? You’re so ungrateful naman, Ate! Magpasalamat ka na lang, pwede?” inis na wika nito. “Thank you, then…” Gusto niyang inisin pa lalo ang kapatid ngunit wala na siyang oras para roon, nakakaramdam na kasi siya ng gutom, hindi siya nakapag-lunch kanina. “Alam mo, Ate, sobrang naaawa ako sa’yo. Akala mo ba maganda ang magiging estado mo sa pamilyang Xander? Nagkakamali ka. Sasabihin ko sa iyo ito dahil alam kong magiging tanga k
Inipon ni Maddox ang kan’yang lakas para sa pagkikita nila ng magiging bago niyang pamilya, ang pamilya Xander. Matapos siyang mag-ayos ng kan’yang sarili ay agad s’yang bumaba para hintayin ang mga magulang niya.Hindi niya inaasahang naroon na pala ang mga ito sa baba, lahat ay busy sa pag-aayos ng kani-kanilang sarili habang tinitingnan ng mga ito ang pigura nila sa malaking salamin sa gilid. “Mommy, am I beautiful? Okay lang ba ang suot ko? Hindi ba masyadong daring?” tanong ni Sapphire habang sinisipat nito ang kan’yang sexy-ing dress sa salamin. Umikot-ikot pa ito na para bang feel na feel nito ang suot-suot nitong red dress na hapit na hapit sa katawan. Sa isip-isip ni Maddox para itong pupunta sa bar at doon sasayaw--- sa madaling salita para itong p*kpok kung titingnan. “Oh, Maddox! Bumaba ka na, kanina ka pa namin hinihintay—” sigaw ng kan’yang inang si Carmina nang makita siyang bumababa sa hagdan. Hindi na nito nasagot ang kaninang tanong ni Sapphire dahil nakapokus na an
Ilang minuto ring naghintay si Maddox para kitain ang kan'yang kaibigan. Tumambay siya sa office nito dahil iyon ang tinuro ng guard sa kan'ya. Dumating siya ng alas tres ng hapon upang bisitahin ang professor niyang kaibigan sa isang tanyag na paaralan sa Kamaynilaan. “Doctor Angel!” Napalingon si Maddox sa likuran niya. Napangiti siya nang malawak at napatayo para yakapin ang tumawag sa kan'ya. It was her friend, Professor Imee Jhonson. Nakilala niya ang babae sa sa US at naging magkaibigan. Malayo man ang edad nila ngunit nagkakaintindihan sila lalo na pagdating sa medisina. Si Professor Imee ay tatlumput-tatlong taong gulang na at may pamilya samantalang siya ay dalawapu't anim na taong gulang lamang. “Professor Imee! Long time no see!” masayang wika niya kaya napahigikhik ang babae. “Hindi ko inaasahang narito ka pala sa Manila, huling usap natin sa US ay sabi mo uuwi kang Bicol para alagaan ang lola mo,” saad nito kaya biglang nakaramdam ng lungkot si Maddox nang marinig
Malaki ang ngiti ni Sapphire habang pauwi ng mansion, ang makita ang idolo niyang si Dr. Angel ay sobrang napakalaking pribilehiyo sa kan'ya. Mabuti na lang at nakita niya si Professor Imee kung hindi, baka maubusan siya ng seats sa gagawing seminar nito. Alam niyang magkakanda-ubusan ng tickets kapag nabalitaan ng mga tao na pupunta si Dr. Angel sa Pilipinas at magkakaroon ng lecture sa university. Mabilis niyang kinuha ang kan'yang telepono upang mag-post sa kan'yang XYZ account.“Sabi ng aking source, pupunta raw sa Pilipinas ang idolo kong si Dr. Angel! Sobrang nakaka-excite na ma-meet ang isang napakagaling na doctor sa buong mundo! Sana makakuha ako ng autograph niya at ma-meet ko siya sa personal. Marami akong gustong sabihin sa kan'ya , how about you, guys? Pipili ako ng limang questions sa comment section: Kapag na-meet ko si Dr. Angel, iyon ang tatanungin ko sa kan'ya! I'm super exciteeeeed! @Dr. Angel can't wait to see you!! #Dr.Angel #Thebestdoctorintheworld #medicalgeniu
“I am not a student at Oxvord University. Hindi rin ako nag-graduate roon…” Natahimik ang lahat, halos lahat ng tao roon sa dining room ay napalingon lamang kay Maddox at napanganga. Nalusaw ang katahimikan nang tumawa ng malakas si Carmina samantalang si Sebastian ay nakatingin lamang ng masama sa panganay niyang anak. “The fuck are you doing, Maddox?” bulong na tanong ni Carmina sa anak ngunit hindi man lang ito natinag bagkus nagsalita pa. “Actually, I graduated at Hurvard University… Well, I took a masters degree but I am now a Doctor of Medicine. Mas mataas pa iyon sa isang studyanteng nag-take ng masters degree, fyi. I was a doctor in a respectable and famous hospital in the US but I resigned ‘cause I chose to be a doctor in Bicol to took care of my grandmother,” paliwanag ni Maddox, mas lalo namang hindi naipinta ang mukha ng mga tao roon. Hindi makapaniwala si Carmina sa sinabi ng anak. Napangisi siya dahil sa sinabi nito, Hurvard University? That university is a top school
Malaki ang panghihinayang ni Sapphire dahil hindi siya naka-attend sa dinner meeting ng pamilyang Corpus-Xander. Hindi kasi siya pinayagan ng kan’yang manager dahil noong nakaraan ay kinancel na niya ang shoot niya. Isa siyang modelo ng isang sikat na clothing design kaya naman napaka importante noon para sa kan’ya.“Kumusta ang dinner meeting ninyo, Mommy?” Hiniling ni Sapphire na maging magulo ang pagsasalo-salo at sana’y hindi pumayag si Mrs. Xander sa kasal ngunit base sa reaksyon ng kan’yang ina ngayon na kararating pa lang ay mukhang naging maganda ang pagsasalo-salo ng mga ito. “Maayos, anak. Mabuti na lamang at pumayag si Mrs. Xander na maikasal ang ate mo sa panganay nilang anak…” Bumaling si Carmina kay Maddox at sinimaan ito ng tingin kaya naman napakunot ng noo si Sapphire. Mukhang may nagawa na namang kasalanan ang ate niya. “Huwag na huwag mo ng uuliting hindi sumunod sa inuutos namin sa’yo ng ama mo, Maddox. Gano’n ka ba pinalaki ng lola mo? Gano’n ba ang ugali ng mga