Inipon ni Maddox ang kan’yang lakas para sa pagkikita nila ng magiging bago niyang pamilya, ang pamilya Xander. Matapos siyang mag-ayos ng kan’yang sarili ay agad s’yang bumaba para hintayin ang mga magulang niya.
Hindi niya inaasahang naroon na pala ang mga ito sa baba, lahat ay busy sa pag-aayos ng kani-kanilang sarili habang tinitingnan ng mga ito ang pigura nila sa malaking salamin sa gilid.
“Mommy, am I beautiful? Okay lang ba ang suot ko? Hindi ba masyadong daring?” tanong ni Sapphire habang sinisipat nito ang kan’yang sexy-ing dress sa salamin. Umikot-ikot pa ito na para bang feel na feel nito ang suot-suot nitong red dress na hapit na hapit sa katawan. Sa isip-isip ni Maddox para itong pupunta sa bar at doon sasayaw--- sa madaling salita para itong p*kpok kung titingnan.
“Oh, Maddox! Bumaba ka na, kanina ka pa namin hinihintay—” sigaw ng kan’yang inang si Carmina nang makita siyang bumababa sa hagdan. Hindi na nito nasagot ang kaninang tanong ni Sapphire dahil nakapokus na ang atensyon nito sa kan'ya.
Kita ni Maddox ang pagkatulala ng mga tao sa baba’t pati na ang mga kasambahay roon ay nakatingin lamang sa kan’ya. Bigla siyang nakaramdam ng hiya ngunit nilakasan niya ang loob. Maddox walked with confidence as if she was in the runway.
Natulala ang mga tao sa baba sa angking kagandahan ni Maddox. Para siyang anghel na bumaba mula sa kalangitan. Ang mga mata ng mga tao ay nakatutuok lamang sa babae na para bang sinasamba siya, dumagdag pa ang napakatamis na ngiti niya kaya napasinghap ang lahat.
Samantalang bumalik naman sa realidad si Sapphire at agad na nagsalita. Hindi nito maikakaila na pati siya ay natulala sa kagandahan ngayon ng ate niya ngunit hindi siya nagpatalo. Agad niyang kinuha ang atensyon ng mga taong nasa paligid nila.
“Mommy~ tingnan mo ang dress ng ate, hindi naman bagay sa kan’ya! Para s’yang manang kung tingnan! Ano ba naman ang napili niya, napaka-old fashion!” inis na saad ni Sapphire kaya nawala ang atensyon ng mga magulang sa panganay nilang anak.
Napatango na lamang si Carmina at bumaling ang atensyon nito sa nag-ri-ring na telepono sa bulsa. It was Mrs. Xander kaya nataranta siya. Walang inaksayang oras si Carmina at agad na sinagot ang tawag ng Donya.
“Mrs. Xander napatawag ka?” magalang na tanong ni Carmina kaya napahinto sa pagsasalita si Sapphire. Marinig lamang ang nanay ni Kai ay agad na naalerto si Sapphire. Kailangan niyang ipamukha kay Mrs. Xander na siya ang karapatdapat sa anak nito at hindi ang Ate niya, kaya nga naghanda siya para sa dinner meeting nila ngayon. Nagpaganda talaga siya at nagsuot ng mamahaling dress at alahas. She wants to steal the spotlight na para sana sa Ate niya.
“Ano? Hindi tuloy ang miting? B-Bakit?” Nakaramdam ng disappointment si Sapphire nang marinig ang sinabi ng kan’yang ina. Her efforts were wasted kapag nga na-postponed ang miting nila. Nagpa-salon pa siya’t lahat-lahat, pati photoshoot ng schedule kinancel niya para lang sa miting na ito. Bigla napamura si Sapphire sa kan’yang isipan. Kita niya ang paglungkot ng ekspresyon ni Carmina kaya na-kumpirma niyang hindi na matutuloy ang pagsasalo-salo nila.
“Sige… Let’s schedule that next time. Tawagan mo ako kapag handa na kayo…”
Ang masiglang mukha ni Carmina ay biglang naglaho, napatingin si Carmina sa dalawang taong nakatutok sa kan’ya na para bang hinihintay nitong may sabihin siya. Hindi nga nakapagpigil si Sebastian kaya nagtanong ang lalaki kan’ya.
“Ano? Bakit daw hindi tuloy ang dinner meeting natin?” tanong ng asawa niya.
Bagsak-balikat na sinagot ni Carmina si Sebastian. “May mahalagang appointment silang pupuntahan. Nakalimutan nitong sabihin sa atin agad…”
“Ano!? I spend my precious time with this dinner meeting tapos ikaka-cancel lang nila? Sana pala hindi ko na lang kinancel ang mga photosohoot ko napagalitan pa tuloy ako ng manager ko!” inis na saad ni Sapphire at nagdabog.
“Tayo ba ay pinagloloko ng pamilyang Xander na iyan? Hindi porket mas mayaman sila kaysa sa atin ay gan’to na lang nila tayo ta-tratuhin! Hindi ako papayag na gawin nila ulit sa atin ito. Kapag nag-merge ang kompanya natin, sisiguraduhin kong ang lahat ng yaman nila ay mapupunta sa pamilyang Corpus!” galit na saad ni Sebastian. Napapailing na lang si Carmina sa sinabi nito. Puros negosyo lang ang laman ng utak ng kan'yang asawa, hindi na siya nasanay pa.
“Kumalma ka muna Sebastian, sabi naman ay i-re-resched na lamang ang dinner meeting natin. Hindi pa naman huli ang lahat,” sagot naman ni Carmina na nagpagaan ng loob ni Sebastian.
“Oh, Maddox, anak narinig mo naman ang lahat, postponed daw ang miting natin, magbihis ka na lang at magpahinga.” Lumingon si Carmina kay Maddox na kabababa pa lamang ng hagdan.
Umiling lamang si Maddox bilang sagot. “Tapos na ho akong magpahinga, Mama. Aalis na lang muna ako at may importanteng tao akong i-me-meet ngayon.”
Kumunot ang noo ng tatlo, tila ba nagtatanong kung sino ang kikitain ni Maddox gayong alam nilang wala naman itong kaibigan sa Maynila o kakilala.“Saan ka naman pupunta, Ate? Wala ka namang kaibigan o kahit kakilala man lang dito sa Maynila, baka maligaw ka hindi mo pa naman alam at kabisado ang daan dito. Hindi ito kagaya ng probinsya Ate,” wika ni Sapphire. Gustong matawa ni Maddox sa sinabi ng kan’yang kapatid, hindi siya bata para maligaw sa isang lugar. Kinaya nga niyang manirahan sa US ng mag-isa, dito pa kaya sa siudad ng Kamanynilaan?
“I am not a child, Sapphire. Hindi ako maliligaw kung iyan ang kinakatakot mo,” natatawang sagot ni Maddox sa kapatid.
Sapphire is so stupid, sa isip-isip niya.
“I am just worried, Ate.” Maddox wanted to snort ngunit pinigilan niya lang, halatang-halata kasi ang kaplastikan ng kan’yang kapatid.
“Whatever you say…” sagot ni Maddox kay Sapphire.
“Nag-aalala lamang ang kapatid mo sa’yo. Bakit hindi mo ma-appreciate ang kabutihan ni Sapphire sa’yo, Maddox? Oh s’ya, gawin mo ang gusto mo ngunit umuwi ka ng maaga. Uwi ng pambabae ah, ayaw na ayaw namin ng ama mo ang nali-late o inuumaga ng uwi.”
Napatango si Maddox at hindi na lamang nagsalita. Agad siyang umalis sa bahay na iyon, nang makalabas siya ay para bang nakahinga siya ng matiwasay. Parang impyerno ang bahay, para siyang paulit-ulit na sinasakal doon. She really wants to have some fresh air, mabuti na lamang at hindi natuloy ang dinner meeting nila, may oras pa siyang i-meet ang kaibigan niya.
Hello, readers! Mysaria here, nice meeting you all. I am a new writer here, sana po ay suportahan niyo itong first story ko. Don't worry, I will update the chapters daily! Ingat kayo palagi and lovelots... <3
Ilang minuto ring naghintay si Maddox para kitain ang kan'yang kaibigan. Tumambay siya sa office nito dahil iyon ang tinuro ng guard sa kan'ya. Dumating siya ng alas tres ng hapon upang bisitahin ang professor niyang kaibigan sa isang tanyag na paaralan sa Kamaynilaan. “Doctor Angel!” Napalingon si Maddox sa likuran niya. Napangiti siya nang malawak at napatayo para yakapin ang tumawag sa kan'ya. It was her friend, Professor Imee Jhonson. Nakilala niya ang babae sa sa US at naging magkaibigan. Malayo man ang edad nila ngunit nagkakaintindihan sila lalo na pagdating sa medisina. Si Professor Imee ay tatlumput-tatlong taong gulang na at may pamilya samantalang siya ay dalawapu't anim na taong gulang lamang. “Professor Imee! Long time no see!” masayang wika niya kaya napahigikhik ang babae. “Hindi ko inaasahang narito ka pala sa Manila, huling usap natin sa US ay sabi mo uuwi kang Bicol para alagaan ang lola mo,” saad nito kaya biglang nakaramdam ng lungkot si Maddox nang marinig
Malaki ang ngiti ni Sapphire habang pauwi ng mansion, ang makita ang idolo niyang si Dr. Angel ay sobrang napakalaking pribilehiyo sa kan'ya. Mabuti na lang at nakita niya si Professor Imee kung hindi, baka maubusan siya ng seats sa gagawing seminar nito. Alam niyang magkakanda-ubusan ng tickets kapag nabalitaan ng mga tao na pupunta si Dr. Angel sa Pilipinas at magkakaroon ng lecture sa university. Mabilis niyang kinuha ang kan'yang telepono upang mag-post sa kan'yang XYZ account.“Sabi ng aking source, pupunta raw sa Pilipinas ang idolo kong si Dr. Angel! Sobrang nakaka-excite na ma-meet ang isang napakagaling na doctor sa buong mundo! Sana makakuha ako ng autograph niya at ma-meet ko siya sa personal. Marami akong gustong sabihin sa kan'ya , how about you, guys? Pipili ako ng limang questions sa comment section: Kapag na-meet ko si Dr. Angel, iyon ang tatanungin ko sa kan'ya! I'm super exciteeeeed! @Dr. Angel can't wait to see you!! #Dr.Angel #Thebestdoctorintheworld #medicalgeniu
“I am not a student at Oxvord University. Hindi rin ako nag-graduate roon…” Natahimik ang lahat, halos lahat ng tao roon sa dining room ay napalingon lamang kay Maddox at napanganga. Nalusaw ang katahimikan nang tumawa ng malakas si Carmina samantalang si Sebastian ay nakatingin lamang ng masama sa panganay niyang anak. “The fuck are you doing, Maddox?” bulong na tanong ni Carmina sa anak ngunit hindi man lang ito natinag bagkus nagsalita pa. “Actually, I graduated at Hurvard University… Well, I took a masters degree but I am now a Doctor of Medicine. Mas mataas pa iyon sa isang studyanteng nag-take ng masters degree, fyi. I was a doctor in a respectable and famous hospital in the US but I resigned ‘cause I chose to be a doctor in Bicol to took care of my grandmother,” paliwanag ni Maddox, mas lalo namang hindi naipinta ang mukha ng mga tao roon. Hindi makapaniwala si Carmina sa sinabi ng anak. Napangisi siya dahil sa sinabi nito, Hurvard University? That university is a top school
Malaki ang panghihinayang ni Sapphire dahil hindi siya naka-attend sa dinner meeting ng pamilyang Corpus-Xander. Hindi kasi siya pinayagan ng kan’yang manager dahil noong nakaraan ay kinancel na niya ang shoot niya. Isa siyang modelo ng isang sikat na clothing design kaya naman napaka importante noon para sa kan’ya.“Kumusta ang dinner meeting ninyo, Mommy?” Hiniling ni Sapphire na maging magulo ang pagsasalo-salo at sana’y hindi pumayag si Mrs. Xander sa kasal ngunit base sa reaksyon ng kan’yang ina ngayon na kararating pa lang ay mukhang naging maganda ang pagsasalo-salo ng mga ito. “Maayos, anak. Mabuti na lamang at pumayag si Mrs. Xander na maikasal ang ate mo sa panganay nilang anak…” Bumaling si Carmina kay Maddox at sinimaan ito ng tingin kaya naman napakunot ng noo si Sapphire. Mukhang may nagawa na namang kasalanan ang ate niya. “Huwag na huwag mo ng uuliting hindi sumunod sa inuutos namin sa’yo ng ama mo, Maddox. Gano’n ka ba pinalaki ng lola mo? Gano’n ba ang ugali ng mga
Rain_Xander: Okay lang iyan, I was just curious with my future sister-in-law, alam mo naman siguro ang ibig kong sabihin ‘di ba? Hindi ba pwedeng magtanong sa malapit sa kan'ya?Napangisi si Sapphire dahil sa sinabi ni Rain, napatango-tango pa siya habang binabasa niya ang reply ng lalaki, siguro naman hindi halatang interasado siyang pag-usapan ang kan'yang kapatid ‘di ba? Nakaisip siya ng magandang ideya at agad na nagtipa sa kan’yang telepono. Sapphy_Corpus: Hmm. Mahirap kasing mag-type dito sa phone ko, pwede bang mag-meet na lang tayo bukas? Isa pa gusto ko na ring magpahinga dahil pagod ako sa photo-shoot ko kanina…Napangisi si Sapphire nang makita niyang nag-co-compose na ng message si Rain, pinanalangin niya na sana tanggapin nito ang alok niya, isa pa ang ma-meet ang isang Rain Xander ay napakagandang opportunity para matanggap siya ng pamilyang Xander at hindi ang ate niyang si Maddox. Rain_Xander: Sure, let's meet tomorrow, 9 am at Ikigai Cafe. Hindi na nag-reply si Sapp
Napainom si Rain sa kan'yang baso habang nakatingin kay Sapphire. Alam n'yang ayaw ng babae sa Ate niya kaya naman hindi siya mahihirapang kumbinsihin ito sa plano niya para sa kasal ng kapatid nila. “Let’s get to the point, Sapphire… Alam kong ayaw mo sa kapatid mo and also ayaw ko rin sa kan’ya…” Gulat ang ekspresyon na ibinigay ni Sapphire kay Rain, hindi niya alam kung bakit nalaman ni Rain ang tunay niyang nararamdaman, gano’n na ba kahalatang ayaw na ayaw niya sa ate niya? “W-What do you mean? Hindi dahil sinasabi ko ang totoo about sa ate ko ay ayaw ko sa kan’ya. Nagtanong ka sa akin at sinagot ko lang ang tanong mo. That doesn’t mean that I don’t like her,” katwiran ni Sapphire na nagpatawa ng mahina kay Rain. Alam ng lalaki na magsisinungaling sa kan’ya ang babae, halatang-halata naman kasing ayaw na ayaw nito sa panganay nitong kapatid. Kung mahal nito ang kapatid bakit narito ito kasama siya? Bigla siyang nakaisip ng palusot, wala siyang pakialam kung hate man ni Sapphir
Dali-daling umalis si Rain sa Ikigai Cafe at nang makapasok siya sa sasakyan niya ay agad siyang napahinga ng maluwag. “Pheww! Nakaka-drain naman ng energy ang babaeng iyon!” saad niya sa sarili. Sa katunayan kanina pa niya gustong umalis doon dahil sobrang na-we-weirdo-han na siya sa inaasta ng babae. Umacting na nga lang siyang may kausap para wala ng magawa ang babae kung ‘di hayaan na siyang umalis baka magpumilit kasi itong mag-stay pa siya ng ilang oras. “I really need to relax! Sana’y hindi na kami magkita pa ng babaeng iyon!” wika pa niya. Nagsimula siyang mag-drive papunta sa isang bar at doon muna magpapalamig. Ilang minuto rin ang binyahe nang makarating siya sa bar ng kan’yang kaibigan. Hindi pa nga siya nakakalabas nang marinig niyang may tumatawag sa telepono niya, napakamot siya ng ulo. Nang matingnan niya ay napasimangot siya, it was her mom. Ano na naman kaya ang kailangan nito? “Hello, Mom?” tanong niya habang lumalayo sa club, medyo maingay na kasi sa kinaroroon
Kasalukuyang nasa bar si Maddox kasama ang kan'yang kaibigang si Professor Imee para mag-unwind. Gawain na nila ito simula noong naroon pa sila sa US kaya hindi na bago sa mga mata ni Maddox ang usok ng sigarilyong nasa paligid at ang mga taong nagsasayawan habang umiindayog at sumasabay sa musika. Hindi pa nga sila nagsisimulang mag-inom ay agad na nagkaroon ng komusyon sa loob ng bar kaya naman ay umusbong ang kursyudad ni Maddox at pinuntahan ng magkaibigan ang nagkukumpulang mga tao. Nang makita nila ang nangyayari ay napatakip si Maddox ng bibig, kita niya ang kaawa-awang lalaking nakahandusay sa sahig habang naliligo ito sa sariling dugo.“OH MY GOD! HELP! HE'S BLEEDING! CALL AN AMBULANCE, RIGHT NOW!” rinig niyang sigaw ng mga tao. Walang inaksayang oras si Maddox at agad na nilapitan ang nakahandusay na lalaki. “Please give way! I am a Doctor, what happened? — Mr.?? Are you okay? Can you hear me?” tanong ni Maddox habang sinusuri kung may malay ba ang lalaking nasa harap niy