Naging usap-usapan sa mga tao sa mansyon ang pagbalik ni Maddox sa pamilyang Corpus. Halos lahat ng kasambahay roon ay pinagkukumpara ang dalawang magkapatid.
“Sino ang mas maganda sa kanila?” tanong ng isa saka napahawak ng baba. “Halatang-halata naman, kahit simple lamang si Ma’am Maddox manamit ay litaw na litaw pa rin ang kagandahan nito. Para siyang isang dyosang bumaba sa lupa, grabe hindi nakakasawa ang kagandahan niya. Kahit galing sa probinsya ay sobrang puti pa rin, nakakainggit! Ako nga na ilang taon na rito sa Maynila ay hindi pa rin pumuputi, pati nga gluta ay pinatos ko na at hindi pa rin umepek sa akin! Letsugas!” nakasimangot na sagot ng isang babae. Lahat naman ay napapatango sa sagot nito animo’y sumasang-ayon ang lahat. Samantalang naroon pala si Sapphire na kanina pa naririnig ang mga usap-usapan ng kanilang kasambahay. Labis ang kan’yang galit dahil sa mga sinasabi ng mga ito, minemorya niya ang mga mukha nito dahil isusumbong niya ito sa kan’yang ama. Napangisi siya, bukas na bukas din ay hindi na niya makikita ang mga mukha nito. Bukas ay sisentahin niya ang mga walang-hiyang nag-tsi-tsismisan sa oras ng trabaho. Natahimik naman ang grupo nang naglakad si Sapphire sa harap nila. Ngumisi lamang si Sapphire nang makitang nagsitakbuhan ang mga ito sa kani-kanilang poste. Hindi siya papayag na malamangan ng ate niya, dapat siya lang ang center of attraction ng madla. Siya lang dapat ang bida! *** Malaki ang paninibago ni Maddox lalo na sa bahay ng mga magulang niya, kumpara kasi sa bahay nila ng lola niya ay times 10 ang ganda at laki nito. Grabe, hindi niya akalaing sobrang yaman pala ng pamilya nila. “Alam mo, Maddy sobrang natutuwa ako dahil nandito ka. Rito pala anak ang kwarto mo.” Bumalik siya sa realidad nang marinig ang boses ng kan’yang ina. Tumango lamang siya rito at nagpasalamat nang pinagbuksan siya nito ng pinto. “Look, nagustuhan mo ba? Pinaganda namin ang pagpagawa ng kwarto mo, nakita kong sobrang liit pala ng kwarto mo roon sa Bicol, ‘di hamak na mas malaki ang kwarto mo ngayon. You should be thankful to your sister, siya ang nag-design nito. Bakit hindi mo gayahin ang kapatid mo, magaling sa lahat!” Hindi siya umimik at nilibot na lamang ang paningin sa kwarto, malaki nga ang kwarto ngunit sobrang O.A naman ng design. Hindi nag-ma-match ang mga kulay ng dingding sa kulay ng kurtina. Ang sahig din ay hindi ayon sa taste niya, gayunpaman ay nagpasalamat pa rin siya sa kan’yang ina dahil nag-effort itong bigyan siya ng sarili niyang kwarto sa mansyon. “Salamat, Mamá nag-abala pa kayo, kahit simpleng kwarto lamang ay okay na sa akin,” wika niya kaya natawa si Carmina. “Ano ka ba naman, anak! Malaki ang pagkukulang namin sa’yo ng iyong ama kaya hayaan mo kaming bumawi sa’yo. Kapag may kailangan ka ay huwag kang mahiyang humingi sa akin, kahit ano, ibibigay ko para sa panganay kong anak…” Pinilit ni Carmina na maging close sa kan’yang panganay kahit na hindi siya sanay sa presensya nito. May kunting bahid ng pagsisisi ang kan’yang nararamdaman habang tinitigan ang inosenteng si Maddox. Ni hindi niya napagtuunan ng pansin ang dalaga simula bata pa ito, ngayon ay narito na ang babae sa harapan niya— hindi niya pa rin alam kung paano ito pakikitunguhan. Nakokonsensya dahil alam ni Maddox na kaya kinuha nila ang dalaga ay dahil ipapakasal ito sa panganay na anak ng pamilyang Xander. Hindi naman kasi ito ang plano nila ng asawa, nang magbigay ng proposal ang pamilyang Xander sa kanila ay agad nila itong tinanggap. Ang una ay si Sapphire ang ipapakasal ngunit nang malaman nilang naaksidente ang panganay na anak ng mga Xander at naging baldado ito ay bigla silang napaatras. Ayaw nilang ipakasal ang pinakamamahal nilang anak sa isang baldadong lalaki, hindi gano’n ang pinangarap nilang kinabukasan para kay Sapphire. Ang pangarap nila ay ituring itong parang prinsesa dahil iyon ang deserve ng dalaga. Kaya naisipan nilang si Maddox na lamang ang ipalit, hindi rin kasi nila kayang maatim na mawala o mapawalang-bisa ang proposal ng pamilyang Xander sa kanila. Kung tutuusin malaki ang benefits nila kapag nag-merge ang pamilyang Corpus-Xander. Triple-tripleng benepisyo ang makukuha nila kapag ikinasal ang isa sa kanilang anak sa pamilyang Xander lalo na’t ito ang Top 1 business corporate sa buong mundo. Hindi mawala ang konsensya niya kapag nakikita niya si Maddox ngunit naisip niyang si Maddox ay isang babaeng probinsyana, madaling mauto at nakapag-aral lamang pipitsuging paaralan. Alam niyang mapapabuti si Maddox sa pamilyang Xander at alam din niyang may silbi rin ito sa pamilyang iyon lalo na’t baldado ang mapapangasawa nito. Doktor ang anak niya kaya, kaya nitong mag-alaga ng baldadong pasyente. It’s a win to win situation, magiging masaya naman ang anak niya lalo na’t sobrang yaman ng pamilyang Xander. Baka nga makapunta pa ito sa iba’t-ibang bansa bagay na hindi nito naranasan simula pagkabata. Tinutulungan lamang niya si Maddox na mapaganda ang kinabukasan nito dahil alam niyang wala itong future sa isang private hospital na pinagtra-trabahuan sa Bicol. Dapat lang na magpasalamat si Maddox sa kan’ya. Naniniwala siyang tatanawin itong utang na loob ng kan’yang anak sa kan’ya pagdating ng panahon. Nang makita niyang tapos na si Maddox sa kakasuri sa kwarto nito ay iniwan na niya ang babae. “Halatang nagustuhan mo ang kwartong inihanda namin sa’yo. O sy’a, maiwan na kita, anak at alam kong pagod ka sa byahe natin. Mag-beau-beauty rest na rin ang iyong ina.” Gustong matawa ni Maddox sa sinabi ng kan’yang ina. Halatang-halata kasi sa ekspresyon niya na hindi niya nagustuhan ang kwartong inihanda nito sa kan’ya ngunit hindi man lamang nito napansin. Wala nga talaga itong pakialam kung ano ang tunay niyang nararamdaman, sobrang clueless ng mga magulang niya pagdating sa kan’ya. Nahalata niya rin sa mga mata nito na sobrang nakokonsensya ito at nalulungkot siguro sa magiging kinabukasan niya. Aware siya na kaya lang naman siya kinuha ng mga ito sa Bicol ay ipapakasal siya sa baldadong anak ng pamilyang Xander. Awa, iyon ang nakikita niya sa mga mata ng kan’yang sariling ina. Bakit hindi na lang ang kapatid niyang si Sapphire, eh ito naman ang paborito nila? Nagtanong pa siya. Malamang ayaw nitong ipakasal ang paborito nilang anak sa isang aalagaing lalaki, baldado na’t baka hindi pa makabuo ng supling. Kaya siguro siya na lang ang sinakripisyo nito dahil wala naman siyang kwenta. Masakit man isipin pero gano’n talaga ang buhay niya. Bago pa man makaalis ang kan’yang ina ay tumingin pa ito sa kan’ya. “Nga pala, mamaya ay may bisita tayo, may inihanda na kaming damit mo roon at naka-hanger na sa cabinet. Iyon ang suotin mo, okay? Makinig ka sana sa akin kahit ngayon lang. Don’t be too stubborn, anak.” “O-opo, Mamá…” Nang ma-satisfy si Carmina sa sagot ng anak ay agad na itong umalis para magpahinga, halata rin kasi na pagod ito. Napahiga na lamang si Maddox sa malambot na kama saka napabuntong-hininga. Alam niya na ang pamilyang Xander ang tinutukoy ng kan’yang ina, hindi niya lang in-expect na sobrang aga ng pagkikita nila. Biglang nakaramdam siya ng kaba dahil doon. Marami ring bumabagabag sa kan’yang isipan, paano kung malupit ang magiging pamilya niya? Ang magiging asawa niya? Siguro kapag mangyari iyon ay aalis siya, tatakas na lamang siguro siya, kung tutuusin may sapat naman siyang pera at kaya niyang tumayo sa sarili niyang paa. Napailing siya nang biglang sumagi sa isipan niya ang habilin ng kan’yang lola. Habilin nito na sana bigyan niya pa rin ng isang pagkakataon ang magulang niya. Hiling nito na sana magkaayos silang mag-anak. Alam din kasi nito ang tangi niyang hiling, ay ang makita man lang ng kan’yang mga magulang na may panganay pa silang anak, na nag-e-exist din ang isang Maddox Ghail sa mundong kinabibilangan nila. She really wants to be recognize, kaya nga nagsumikap siya sa U.S. para makapag-aral ng medisina.“Oh, bumaba na pala ang kapatid kong probinsyana, kumusta ang kwarto mo, Ate? Maganda ba? Ako ang nag-design niyan,” pagmamalaki ni Sapphire kay Maddox na kabababa lang ng daghan. Hindi pa nga siya nakakatuntong sa sahig ay agad na siyang nitong sinalubong. “Maganda naman ngunit hindi ko gusto ang choice of color mo. Sobrang baduy para sa akin,” sagot niya sa kapatid. Totoo namang baduy ang mga kulay, sino ba namang matinong tao ang magdedesinyo ng kwarto na ang kulay ng pader ay pink at ang kurtina naman ay kulay kahel? Ang sakit sa mata, sa totoo lang. “Ano?? You’re so ungrateful naman, Ate! Magpasalamat ka na lang, pwede?” inis na wika nito. “Thank you, then…” Gusto niyang inisin pa lalo ang kapatid ngunit wala na siyang oras para roon, nakakaramdam na kasi siya ng gutom, hindi siya nakapag-lunch kanina. “Alam mo, Ate, sobrang naaawa ako sa’yo. Akala mo ba maganda ang magiging estado mo sa pamilyang Xander? Nagkakamali ka. Sasabihin ko sa iyo ito dahil alam kong magiging tanga k
Inipon ni Maddox ang kan’yang lakas para sa pagkikita nila ng magiging bago niyang pamilya, ang pamilya Xander. Matapos siyang mag-ayos ng kan’yang sarili ay agad s’yang bumaba para hintayin ang mga magulang niya.Hindi niya inaasahang naroon na pala ang mga ito sa baba, lahat ay busy sa pag-aayos ng kani-kanilang sarili habang tinitingnan ng mga ito ang pigura nila sa malaking salamin sa gilid. “Mommy, am I beautiful? Okay lang ba ang suot ko? Hindi ba masyadong daring?” tanong ni Sapphire habang sinisipat nito ang kan’yang sexy-ing dress sa salamin. Umikot-ikot pa ito na para bang feel na feel nito ang suot-suot nitong red dress na hapit na hapit sa katawan. Sa isip-isip ni Maddox para itong pupunta sa bar at doon sasayaw--- sa madaling salita para itong p*kpok kung titingnan. “Oh, Maddox! Bumaba ka na, kanina ka pa namin hinihintay—” sigaw ng kan’yang inang si Carmina nang makita siyang bumababa sa hagdan. Hindi na nito nasagot ang kaninang tanong ni Sapphire dahil nakapokus na an
Ilang minuto ring naghintay si Maddox para kitain ang kan'yang kaibigan. Tumambay siya sa office nito dahil iyon ang tinuro ng guard sa kan'ya. Dumating siya ng alas tres ng hapon upang bisitahin ang professor niyang kaibigan sa isang tanyag na paaralan sa Kamaynilaan. “Doctor Angel!” Napalingon si Maddox sa likuran niya. Napangiti siya nang malawak at napatayo para yakapin ang tumawag sa kan'ya. It was her friend, Professor Imee Jhonson. Nakilala niya ang babae sa sa US at naging magkaibigan. Malayo man ang edad nila ngunit nagkakaintindihan sila lalo na pagdating sa medisina. Si Professor Imee ay tatlumput-tatlong taong gulang na at may pamilya samantalang siya ay dalawapu't anim na taong gulang lamang. “Professor Imee! Long time no see!” masayang wika niya kaya napahigikhik ang babae. “Hindi ko inaasahang narito ka pala sa Manila, huling usap natin sa US ay sabi mo uuwi kang Bicol para alagaan ang lola mo,” saad nito kaya biglang nakaramdam ng lungkot si Maddox nang marinig
Malaki ang ngiti ni Sapphire habang pauwi ng mansion, ang makita ang idolo niyang si Dr. Angel ay sobrang napakalaking pribilehiyo sa kan'ya. Mabuti na lang at nakita niya si Professor Imee kung hindi, baka maubusan siya ng seats sa gagawing seminar nito. Alam niyang magkakanda-ubusan ng tickets kapag nabalitaan ng mga tao na pupunta si Dr. Angel sa Pilipinas at magkakaroon ng lecture sa university. Mabilis niyang kinuha ang kan'yang telepono upang mag-post sa kan'yang XYZ account.“Sabi ng aking source, pupunta raw sa Pilipinas ang idolo kong si Dr. Angel! Sobrang nakaka-excite na ma-meet ang isang napakagaling na doctor sa buong mundo! Sana makakuha ako ng autograph niya at ma-meet ko siya sa personal. Marami akong gustong sabihin sa kan'ya , how about you, guys? Pipili ako ng limang questions sa comment section: Kapag na-meet ko si Dr. Angel, iyon ang tatanungin ko sa kan'ya! I'm super exciteeeeed! @Dr. Angel can't wait to see you!! #Dr.Angel #Thebestdoctorintheworld #medicalgeniu
“I am not a student at Oxvord University. Hindi rin ako nag-graduate roon…” Natahimik ang lahat, halos lahat ng tao roon sa dining room ay napalingon lamang kay Maddox at napanganga. Nalusaw ang katahimikan nang tumawa ng malakas si Carmina samantalang si Sebastian ay nakatingin lamang ng masama sa panganay niyang anak. “The fuck are you doing, Maddox?” bulong na tanong ni Carmina sa anak ngunit hindi man lang ito natinag bagkus nagsalita pa. “Actually, I graduated at Hurvard University… Well, I took a masters degree but I am now a Doctor of Medicine. Mas mataas pa iyon sa isang studyanteng nag-take ng masters degree, fyi. I was a doctor in a respectable and famous hospital in the US but I resigned ‘cause I chose to be a doctor in Bicol to took care of my grandmother,” paliwanag ni Maddox, mas lalo namang hindi naipinta ang mukha ng mga tao roon. Hindi makapaniwala si Carmina sa sinabi ng anak. Napangisi siya dahil sa sinabi nito, Hurvard University? That university is a top school
Malaki ang panghihinayang ni Sapphire dahil hindi siya naka-attend sa dinner meeting ng pamilyang Corpus-Xander. Hindi kasi siya pinayagan ng kan’yang manager dahil noong nakaraan ay kinancel na niya ang shoot niya. Isa siyang modelo ng isang sikat na clothing design kaya naman napaka importante noon para sa kan’ya.“Kumusta ang dinner meeting ninyo, Mommy?” Hiniling ni Sapphire na maging magulo ang pagsasalo-salo at sana’y hindi pumayag si Mrs. Xander sa kasal ngunit base sa reaksyon ng kan’yang ina ngayon na kararating pa lang ay mukhang naging maganda ang pagsasalo-salo ng mga ito. “Maayos, anak. Mabuti na lamang at pumayag si Mrs. Xander na maikasal ang ate mo sa panganay nilang anak…” Bumaling si Carmina kay Maddox at sinimaan ito ng tingin kaya naman napakunot ng noo si Sapphire. Mukhang may nagawa na namang kasalanan ang ate niya. “Huwag na huwag mo ng uuliting hindi sumunod sa inuutos namin sa’yo ng ama mo, Maddox. Gano’n ka ba pinalaki ng lola mo? Gano’n ba ang ugali ng mga
Rain_Xander: Okay lang iyan, I was just curious with my future sister-in-law, alam mo naman siguro ang ibig kong sabihin ‘di ba? Hindi ba pwedeng magtanong sa malapit sa kan'ya?Napangisi si Sapphire dahil sa sinabi ni Rain, napatango-tango pa siya habang binabasa niya ang reply ng lalaki, siguro naman hindi halatang interasado siyang pag-usapan ang kan'yang kapatid ‘di ba? Nakaisip siya ng magandang ideya at agad na nagtipa sa kan’yang telepono. Sapphy_Corpus: Hmm. Mahirap kasing mag-type dito sa phone ko, pwede bang mag-meet na lang tayo bukas? Isa pa gusto ko na ring magpahinga dahil pagod ako sa photo-shoot ko kanina…Napangisi si Sapphire nang makita niyang nag-co-compose na ng message si Rain, pinanalangin niya na sana tanggapin nito ang alok niya, isa pa ang ma-meet ang isang Rain Xander ay napakagandang opportunity para matanggap siya ng pamilyang Xander at hindi ang ate niyang si Maddox. Rain_Xander: Sure, let's meet tomorrow, 9 am at Ikigai Cafe. Hindi na nag-reply si Sapp
Napainom si Rain sa kan'yang baso habang nakatingin kay Sapphire. Alam n'yang ayaw ng babae sa Ate niya kaya naman hindi siya mahihirapang kumbinsihin ito sa plano niya para sa kasal ng kapatid nila. “Let’s get to the point, Sapphire… Alam kong ayaw mo sa kapatid mo and also ayaw ko rin sa kan’ya…” Gulat ang ekspresyon na ibinigay ni Sapphire kay Rain, hindi niya alam kung bakit nalaman ni Rain ang tunay niyang nararamdaman, gano’n na ba kahalatang ayaw na ayaw niya sa ate niya? “W-What do you mean? Hindi dahil sinasabi ko ang totoo about sa ate ko ay ayaw ko sa kan’ya. Nagtanong ka sa akin at sinagot ko lang ang tanong mo. That doesn’t mean that I don’t like her,” katwiran ni Sapphire na nagpatawa ng mahina kay Rain. Alam ng lalaki na magsisinungaling sa kan’ya ang babae, halatang-halata naman kasing ayaw na ayaw nito sa panganay nitong kapatid. Kung mahal nito ang kapatid bakit narito ito kasama siya? Bigla siyang nakaisip ng palusot, wala siyang pakialam kung hate man ni Sapphir