Titig na titig si Kai sa bracelet na ibinigay ni Maddox sa kan'ya, it was a simple bracelet made with leather. Sa pagkakaalam niya ang mga leather bracelets represent strength, ressilience and connnection. Hindi niya namalayang napapangiti siya habang tinitingnan ang bracelet na iyon. Agad niyang isinuot ito sa kan'yang kamay saka pinakatitigan. Mukhang nakalimutan niya na birthday niya ngayon at kung maalala niya naman he doesn't feel like celebrating it. Paano kaya nalaman ni Maddox na birthday niya ngayon? Nakita naman ni Butler John sa salamin kung gaano natuwa ang amo niya kaya napangiti ang matanda. Simula ng magkakilala Si Kai at ang babaeng kasama nila kanina ay para bang sumigla ng kaunti ito bagay na ikinatuwa niya. Kailan ba naging carefree at masayahin ang isang Kai Xander? Kung hindi siya nagkakamali, tatlong taon na rin ang nakalipas. Ngayon lang napansin ni Kai na kanina pa vibrate ng vibrate ang kan'yang cellphone kaya agad niyang kinuha iyon sa bulsa. It was her mom
“Nahanap mo ba ang babaeng pinapahanap ko sa'yo?” tanong ni Rain ngunit napailing lamang si Lance. “Pare, paano ko naman mahahanap ‘yong babaeng sinasabi mo sa binigay mong deskripsyon sa akin? Maganda, mahaba ang buhok, may mapupungay na mga mata at sexy? Ano ‘yon? Eh, halos lahat ng costumer kong babae sa bar, ‘yan din ang deskripsyon!” Napapakamot na lang ng ulo si Lance dahil sa kaibigan. “Bakit ba kasi walang CCTV dito sa bar mo? Paano ko na hahanapin niyan ang magiging sister-in-law ko? Wala na akong sapat na oras, ilang araw na lamang ay kasal na ng Kuya sa babaeng sinungaling na iyon!” Kanina pa nammromblema si Rain, kasalukuyan siyang nasa bar ng kan'yang kaibigan na si Lance, malaki sana ang posibilidad na mahanap niya at makilala ang babaeng sumagip sa kan'ya noong nasaksak siya ngunit wala naman pa lang CCTV sa bar ng kaibigan. “Eh, hindi nga namin napansin na sira na pala ang mga CCTV namin. Nammroblema na nga ako't baka ipasara itong bar ko dahil walang surveillance c
Matapos ang maiging pagsusuri ay agad na nagsalita si Maddox. “Sobrang namamaga na po ang parteng sugat mo Heneral. When I press this side may nakakapa akong something foreign malapit sa sugat mo posibleng ito ang dahilan kung bakit kumikirot palagi ang mga paa mo.” Nagulat naman ang heneral at si Lance nang marinig iyon sa dalaga, how can she possibly knew it? Paano niya natukoy na may nakabara pala sa sugat ng matanda kaya namamaga ito at palaging sumasakit. “Posibleng hindi ito nakita ng mga recent doctors mo dahil mahirap talaga itong tukuyin at hindi pa namamaga, huwag kayong mag-aalala ngayon lang ay mawawala ito. Medyo masakit lamang ang gagawin ko heneral, please bear with it.” Tumawa ng mahina ang matanda sa dalaga. “Marami na akong sakit na naranasan noon mas pa sa gagawin mo, hija. Iyang gagawin mo ay walang-wala para sa akin.” Natawa naman si Maddox sa sinabi ng matanda. “Mukhang hindi pa rin nawawala ang pagka matapang mo, Heneral.” Nagsimulang kunin ni Maddox ang ka
“Napakabuti talaga ng batang iyon, mas maganda siguro kung maging future wife mo siya, apo.” Napahinto si Lance sa pagkuha ng basong nakalapag sa mesa ngunit agad na nakabawi naman siya saka napangiti sa matanda. “‘Lo, si Dr. Corpus ay mahirap abutin, hindi bagay na ang isang katulad kong pasaway ang mapangasawa niya,” sagot niya sa matanda saka ibinigay ang gamot nito at pinainom ng tubig. “Magpahinga na kayo, kung ano-ano pa ang nasa isip n'yo,” dagdag pa ni Lance. “Malapit na akong mawala sa mundo, apo. Bago pa man ako mawala, gusto ko sanang makita kang ikasal sa isang babaeng kagaya ni Dr. Corpus. Ayaw kong ihabilin ka sa hindi ka naman tunay na mahal, gusto ko iyong mapapanatag ako na may mag-aalalaga sa'yo kapag wala na ako.” Nakaramdam ng lungkot si Lance dahil sa sinabi ng lolo niya, totoo ngang kunti na lamang ang buhay nito at kung pwede nga lang pahabain pa ang buhay nito'y gagawin niya. Ang lolo niya na lamang ang natitira niyang pamilya, siya'y inampon nito noong bata
Kanina pa pinag-iisipan ni Kai kung sasabihin ba niya sa kan’yang kaibigang doktor kung ano ang sinabi ni Maddox sa kan'ya kagabi. Kung tutuusin may karapatang malaman ng doktor niya ang lahat ng mangyayari dahil ito ang nag-ha-handle sa case kan'ya. Agad niyang tinawag ang assistant para utusan ito. “Pakitawagan si Dr. Takahashi,” utos niya kaya mabilis namang kinuha nito ang telepono sa mesa at iniabot iyon sa kan'ya matapos na tanggapin ng doktor ang kan'yang tawag. “Kumusta, Bro? Napatawag ka? Ilang araw na akong tumatawag sa'yo, may na-miss kang check up no'ng nakaraang linggo. Ako ang malalagot kay Tita Theresa kapag nalamang nitong hindi ka sumipot sa weekly check up mo,” kaagad na saad ng kan'yang kaibigang si Reyko. Si Dr. Reyko Takahashi ay isang professor sa UP at nakapagtapos ng masters degree sa paaralang din iyon. Marami ring natanggap na achievement si Dr. Reyko sa larangan ng medisina at isang sikat na doktor din sa Pilipinas. Simula ng maaksidente si Kai ay ito na
Hindi maialis sa isip ni Reyko ang napag-usapan nila ng kan'yang kaibigang si Kai kanina sa telepono. Hindi niya akalaing madaling mapaniwala ng babaeng tuso at sinungaling ang kaibigan niyang si Kai. To think na magiging future wife pa ni Kai ito. Kung tutuusin marami siyang nababalitaang hindi maganda sa babae kaya naging iba ang tingin niya rito. Usap-usap rin na hindi raw okay ang relasyon ng babae sa pamilya nito bagay na kinaayawan niya sa isang babae. Mas mahalaga pa rin na maganda ang relasyon ng anak sa magulang dahil ito ang magsisilbing pundasyon upang maging masaya at matiwasay ang kanilang buhay lalo na't ang mga magulang ang nagsisilbing gabay at liwanag kapag napapariwara ang buhay mo. Natapos ang lecture ni Reyko na ang tanging nasa isip niya ay kung paano kumbinsihin si Kai na huwag pumayag sa treatment ng manlolokong babae. Nang makalabas siya sa room ay agad na nahagip ng mga mata niya si Sapphire Corpus. Tila nagkaroon siya ng maliwanag na bumbilya sa ulo at n
Kanina pa nammroblema si Reyko habang tinitingnan ang kan'yang cellphone. Ilang oras na rin niyang kinukulit ang assistant ni Dr. Angel upang magpa-book dito ngunit hindi talaga ito pumapayag. Paulit-ulit lamang na sinasabi nito na busy si Dr. Angel at hindi ito makaka-perform ng surgery, besides may importanten patient din itong tinututukan. Napasabunot si Reyko dahil sa sobrang frustrations, paano na ito?? Unti-unting nawala ang pag-asa ni Reyko nang maka-recieve ulit siya ng text sa assistant ng doktor. “I am really sorry, Dr. Takahashi. Dr. Angel is not available right now.” Reyko felt really disappointed upon reading the message. Paano na? Wala na siyang ibang paraan pa para ma-kontak si Dr. Angel. Paano kaya kung i-message niya ito sa XYZ account? Muling lumiwanag ang kan'yang mukha dahil sa naisip. Samantala malaki naman ang problema ni Heart, ang matalik na kaibigan ni Maddox dahil panay ang kulit sa kan'ya ng isang sikat na doktor na si Reyko Takahashi. Simula noong umuwi
“Mom, I have something to tell you.” Magtatanong pa lang sana si Carmina kung ano ang problema ng anak ngunit naunahan na siyang magsalita ni Sapphire. Kumunot ang noo niya nang marinig ang sinabi ng dalaga. “Ano iyon, Darling?” malambing na tanong ni Carmina at inakay ang anak paupo sa sofa. “Alam mo ba, Mommy habang nag-wo-work out ako sa labas ay may nakita akong mamahaling kotse sa harap ng gate natin. Akala ko nga ay isa ito sa manliligaw ko ngunit nang tanungin ko ito ay si Ate ang hinahanap,” kwento ni Sapphire sa ina kaya napasingkit ang mga mata ng matanda habang hinihigop ang tsaa nito. “Wait, si Maddox? Paanong may nakakakilala sa kan'ya rito sa Manila?” tanong ni Carmina kaya. Napatango naman si Sapphire sa sinabi ng ina. “Iyan nga rin ang aking pinagtataka, Mommy. Si Ate na galing probinsya may kilalang mayaman dito sa Manila?” Napaisip si Carmina saka napatango na lamang. “Ah baka isa sa mga kaibigan niya roon sa probinsya. Huwag mo ng pansinin ang mga iyon, for su