Kanina pa nammroblema si Reyko habang tinitingnan ang kan'yang cellphone. Ilang oras na rin niyang kinukulit ang assistant ni Dr. Angel upang magpa-book dito ngunit hindi talaga ito pumapayag. Paulit-ulit lamang na sinasabi nito na busy si Dr. Angel at hindi ito makaka-perform ng surgery, besides may importanten patient din itong tinututukan. Napasabunot si Reyko dahil sa sobrang frustrations, paano na ito?? Unti-unting nawala ang pag-asa ni Reyko nang maka-recieve ulit siya ng text sa assistant ng doktor. “I am really sorry, Dr. Takahashi. Dr. Angel is not available right now.” Reyko felt really disappointed upon reading the message. Paano na? Wala na siyang ibang paraan pa para ma-kontak si Dr. Angel. Paano kaya kung i-message niya ito sa XYZ account? Muling lumiwanag ang kan'yang mukha dahil sa naisip. Samantala malaki naman ang problema ni Heart, ang matalik na kaibigan ni Maddox dahil panay ang kulit sa kan'ya ng isang sikat na doktor na si Reyko Takahashi. Simula noong umuwi
“Mom, I have something to tell you.” Magtatanong pa lang sana si Carmina kung ano ang problema ng anak ngunit naunahan na siyang magsalita ni Sapphire. Kumunot ang noo niya nang marinig ang sinabi ng dalaga. “Ano iyon, Darling?” malambing na tanong ni Carmina at inakay ang anak paupo sa sofa. “Alam mo ba, Mommy habang nag-wo-work out ako sa labas ay may nakita akong mamahaling kotse sa harap ng gate natin. Akala ko nga ay isa ito sa manliligaw ko ngunit nang tanungin ko ito ay si Ate ang hinahanap,” kwento ni Sapphire sa ina kaya napasingkit ang mga mata ng matanda habang hinihigop ang tsaa nito. “Wait, si Maddox? Paanong may nakakakilala sa kan'ya rito sa Manila?” tanong ni Carmina kaya. Napatango naman si Sapphire sa sinabi ng ina. “Iyan nga rin ang aking pinagtataka, Mommy. Si Ate na galing probinsya may kilalang mayaman dito sa Manila?” Napaisip si Carmina saka napatango na lamang. “Ah baka isa sa mga kaibigan niya roon sa probinsya. Huwag mo ng pansinin ang mga iyon, for su
Napahinga ng malalim si Maddox nang makalabas siya sa gate nila, tila naubos ang kan'yang enerhiya dahil sa nangyaring engkwentro sa pagitan nila ng kan'yang ina at kapatid. Pinapanalangin niya na sana matauhan na ang mga ito dahil kunting-kunti na lang ay mauubos na ang pasensya niya lalo na sa kapatid niyang walang ginawa kung ‘di ang siraan siya. Hindi niya alam kung bakit galit na galit ito sa kan'ya sa isip-isip niya ay malaki siguro ang inggit ni Sapphire sa kan'ya. “Good morning, Dr. Corpus. Pinapasundo ka sa akin ni Mr. Xander, hali na't pumasok na po kayo,” magalang na saad ni Butler John at binuksan ang pinto ng kotse. Napatango siya sa matanda at nagpasalamat. Ilang minuto rin ang binyahe nila nang makarating sila sa isang malaking hospital na pagmamay-ari ng mga Xander. Pinagbuksan naman agad siya ni Butler John ng pinto at napayuko. “Kanina pa kayo hinihintay ng young master. Sundan niyo po ako, Dr. Corpus,” magalang na saad nito kaya napatango ulit siya. Hindi man l
“Ahemmm. Dr. Corpus, alam kong limited lamang ang kaalaman mo sa larangan ng medisina, hindi naman sa minamaliit kita pero kaya mo bang mapagaling ang aking kaibigan? How sure are you na mapapagaling ang kaibigan ko dahil sa special treatment mo? Kung hindi ka naman sure o kung pinagloloko mo lamang ang aking kaibigan ay mabuti pang ihinto mo na lang ang session niyo,” seryosong sambit ni Reyko, kahit naman na nagandahan siya sa babae ay hindi pa rin siya magpapadala rito. He's there because it's his job to make sure that his friend or should he say patient is safe. Kahit naman hindi niya kaibigan ang kan'yang pasyente ay ito rin ang gagawin niya. Hindi niya kayang maatim na ipaubaya ang kan'yang pasyente sa isang walang kaalam-alam na doktor. Napalingon si Maddox kay Reyko, nagpakawala siya ng ngiti sa lalaki. Naiintindihan ni Maddox na mahirap siyang pagkatiwalaan kaya naiintindihan ni Maddox kung saan nanggagaling ang pag-aalala ni Reyko sa kaibigan. Normal lang naman sa isang d
Gusto na sanang umalis ni Reyko ngunit pinigilan siya ni Kai. Umiling lamang ito sa kan'ya kaya napahinga ng malalim si Reyko. “Let's hear Dr. Corpus, first,” saad ni Kai sa kaibigan. Maddox cleared her throat and started explaining, “If you knew Dr. Emerson Hudgens, a senior author of the research and a professor of integrative biology and physiology, neurobiology and neurosurgery, discovered a new approach on treating a paralyzed patients that no longer requires surgery. Now, I spent a lot of study on making this design and with the help of Dr. Hudgens and his team— we invented a new device exclusive only to Mr. Xander. This device is an example of combining advances in basic biological research with technological innovation. This device was also funded by the National Health Institute of Bioengineering, the Hawkton and Johannes Foundation, and the American Scientific Fund.” Tila ba nahilo si Reyko sa sinabi ni Maddox. Hindi lang iyon, gulat na gulat pa siya dahil sa binaggit nit
Napakunot ang noo ni Maddox nang marinig ang tanong ni Reyko sa kan'ya. Tiningnan niya si Reyko nang taimtim na para bang inaalala kung nagkita na sila ngunit wala naman siyang maalala. “Siguro'y kaboses ko lamang ang tinutukoy mo, Dr. Takahashi,” sagot ng dalaga kay Reyko ngunit hindi pa rin maka-move on si Reyko. Talagang narinig na niya ang boses ni Maddox noon, hindi niya lang talaga maalala. Napailing na lamang si Reyko, siguro ay tama nga ang sinabi ng babae sa kan'ya. Siguro'y kaboses lamang nito ang babaeng nasa isip niya. “Siguro nga, tama ka.” Ipinagsawalang-bahala na lamang ni Reyko ang naisip saka napatango-tango. Kinuha niya ang maliit niyang brief case saka nagpaalam sa dalawa. “Mukhang okay naman ang lagay ng aking kaibigan. Mauna na ako sa inyo. Mayroon akong lakad na importante at may pasyente rin akong naghihintay sa akin. Bro, alis na ako. Salamat ulit, Dr. Corpus.” Umalis nga si Reyko ngunit bago iyon ay nag-fist bump muna sila ni Kai. “Mag-iingat ka,” sagot
"Worried? You don’t have to be worried, Mama. Malaki na ako at kaya ko na ang sarili ko. I can do whatever I want without your guidance. Nasanay na akong wala kayo sa tabi ko, simula bata pa ako, ay ang Mama-‘La na ang kakasama ko. At galit? Kailan ba ako nagalit sa inyo? Hindi naman ako galit, kung galit ako sana hindi na ako umuwi sa mansyong ito.”Hindi naman makapaniwala si Carmina sa sinabi ng anak. Napakatapang ng tono ng dalaga na para bang isa lang siyang normal na tao kung kausapin. Ni pati pagrespeto sa magulang ay hindi nito alam.Alam ni Carmina sa sarili na mali ang nagawa niyang kanina sa anak ngunit nang makita niya ang ugali ng dalaga ngayon ay para bang nag-iba na ang kan’yang isip. Gusto niyang makipagbati sa dalaga ngunit gumagawa si Maddox ng ikakagalit niya.Siya ang nagluwal sa panganay na anak! Galing sa sinapupunan niya si Maddox, buong hirap niyang iniluwal ito’t isinugal pa niya ang buhay para maisilang lang ito at masilayan ang mundo ngunit gan’to lang ang
Gustong-gustong kunin ni Sapphire ang atensyon ng mga magulang niya kung kaya’t nakaisip siya ng ideya. Napangiti siya ng matamis sa mga magulang saka napayakap.“Mommy, Daddy, you don’t have to feel sad. Alam kong magbabago rin ang Ate. Narito pa naman ang bunso niyong anak handing pasayahin kayo,” wika ni Sapphire.Napangiti siya nang makitang unti-unting napalitan ng ngiti ang ekspresyong ng magulang.“Mabuti na lamang at nariyan ka sa tabi namin, Sapphire. Puro konsumisyon lamang ang ginagawa sa amin ng kapatid mo. Sana’y hindi ka magbago, anak,” madamdaming saad naman ni Carmina saka niyakap ng mahigpit ang anak.“I almost forgot to tell you, Mom and Dad. Alam niyo bang ang aking idolong si Dr. Angel, iyong palagi kong kinikwento sa’yo Mom, iyong pinaka sikat na doctor US ay bibisita sa Alma Mater ko! Mabuti na lamang at kilala ko ang si Professor Imee, siya kasi ang mag-co-conduct ng seminar and she invited Dr. Angel to be a guest speaker there! Sabi pa ni Prof. Imee ay bibigyan