Gusto na sanang umalis ni Reyko ngunit pinigilan siya ni Kai. Umiling lamang ito sa kan'ya kaya napahinga ng malalim si Reyko. “Let's hear Dr. Corpus, first,” saad ni Kai sa kaibigan. Maddox cleared her throat and started explaining, “If you knew Dr. Emerson Hudgens, a senior author of the research and a professor of integrative biology and physiology, neurobiology and neurosurgery, discovered a new approach on treating a paralyzed patients that no longer requires surgery. Now, I spent a lot of study on making this design and with the help of Dr. Hudgens and his team— we invented a new device exclusive only to Mr. Xander. This device is an example of combining advances in basic biological research with technological innovation. This device was also funded by the National Health Institute of Bioengineering, the Hawkton and Johannes Foundation, and the American Scientific Fund.” Tila ba nahilo si Reyko sa sinabi ni Maddox. Hindi lang iyon, gulat na gulat pa siya dahil sa binaggit nit
Napakunot ang noo ni Maddox nang marinig ang tanong ni Reyko sa kan'ya. Tiningnan niya si Reyko nang taimtim na para bang inaalala kung nagkita na sila ngunit wala naman siyang maalala. “Siguro'y kaboses ko lamang ang tinutukoy mo, Dr. Takahashi,” sagot ng dalaga kay Reyko ngunit hindi pa rin maka-move on si Reyko. Talagang narinig na niya ang boses ni Maddox noon, hindi niya lang talaga maalala. Napailing na lamang si Reyko, siguro ay tama nga ang sinabi ng babae sa kan'ya. Siguro'y kaboses lamang nito ang babaeng nasa isip niya. “Siguro nga, tama ka.” Ipinagsawalang-bahala na lamang ni Reyko ang naisip saka napatango-tango. Kinuha niya ang maliit niyang brief case saka nagpaalam sa dalawa. “Mukhang okay naman ang lagay ng aking kaibigan. Mauna na ako sa inyo. Mayroon akong lakad na importante at may pasyente rin akong naghihintay sa akin. Bro, alis na ako. Salamat ulit, Dr. Corpus.” Umalis nga si Reyko ngunit bago iyon ay nag-fist bump muna sila ni Kai. “Mag-iingat ka,” sagot
"Worried? You don’t have to be worried, Mama. Malaki na ako at kaya ko na ang sarili ko. I can do whatever I want without your guidance. Nasanay na akong wala kayo sa tabi ko, simula bata pa ako, ay ang Mama-‘La na ang kakasama ko. At galit? Kailan ba ako nagalit sa inyo? Hindi naman ako galit, kung galit ako sana hindi na ako umuwi sa mansyong ito.”Hindi naman makapaniwala si Carmina sa sinabi ng anak. Napakatapang ng tono ng dalaga na para bang isa lang siyang normal na tao kung kausapin. Ni pati pagrespeto sa magulang ay hindi nito alam.Alam ni Carmina sa sarili na mali ang nagawa niyang kanina sa anak ngunit nang makita niya ang ugali ng dalaga ngayon ay para bang nag-iba na ang kan’yang isip. Gusto niyang makipagbati sa dalaga ngunit gumagawa si Maddox ng ikakagalit niya.Siya ang nagluwal sa panganay na anak! Galing sa sinapupunan niya si Maddox, buong hirap niyang iniluwal ito’t isinugal pa niya ang buhay para maisilang lang ito at masilayan ang mundo ngunit gan’to lang ang
Gustong-gustong kunin ni Sapphire ang atensyon ng mga magulang niya kung kaya’t nakaisip siya ng ideya. Napangiti siya ng matamis sa mga magulang saka napayakap.“Mommy, Daddy, you don’t have to feel sad. Alam kong magbabago rin ang Ate. Narito pa naman ang bunso niyong anak handing pasayahin kayo,” wika ni Sapphire.Napangiti siya nang makitang unti-unting napalitan ng ngiti ang ekspresyong ng magulang.“Mabuti na lamang at nariyan ka sa tabi namin, Sapphire. Puro konsumisyon lamang ang ginagawa sa amin ng kapatid mo. Sana’y hindi ka magbago, anak,” madamdaming saad naman ni Carmina saka niyakap ng mahigpit ang anak.“I almost forgot to tell you, Mom and Dad. Alam niyo bang ang aking idolong si Dr. Angel, iyong palagi kong kinikwento sa’yo Mom, iyong pinaka sikat na doctor US ay bibisita sa Alma Mater ko! Mabuti na lamang at kilala ko ang si Professor Imee, siya kasi ang mag-co-conduct ng seminar and she invited Dr. Angel to be a guest speaker there! Sabi pa ni Prof. Imee ay bibigyan
Kagaya ni Rain ay hindi rin mapakali si Sapphire, kanina pa ito pagulong-gulong sa kama at pilit na nag-iisip ng plano kung ano gagawin niya para mapigilan lamang ang pagkikita ni Rain at ang kan'yang kapatid na si Maddox. Sa sobrang frustrations ay napapasabunot siya sa kan'yang buhok. Nagpagulong-gulong siya sa kama saka napapasigaw, mabuti na lamang at sound proof ang kan'yang kwarto baka rinig sa buong mansyon ang boses niya. Kinagat niya ang kan'yang labi ng madiin sa sobrang gigil, iniisip pa lang niya ang mukha ng kapatid niya ay sobrang naiirita siya. Bakit pa kasi hindi na lang siya ang ipapakasal kay Kai? Bakit ang kapatid pa niya? Okay lang naman sa kan'ya na baldado ito eh! Ilang oras na nag-isip si Sapphire ngunit wala talaga siyang maisip na plano kaya naman napababa na lang siya para pumunta sa kusina dahil bigla siyang nakaramdam ng gutom. Sa paglabas niya ng kwarto ay agad na bumungad sa kan'ya ang hagdan sa harapan niya, roon ay biglang nagkaroon ng ideya ang dal
Mabuti na lamang at naagapan pa ang paso sa mukha at leeg ni Sapphire, ma swerte rin siya dahil walang nakitang injury sa katawan niya. Hindi rin nabagok ang kan'yang ulo nang mag-conduct ng CT-scan sa kan'ya ang doktor niya. Nasa loob siya ng VIP room at nagpapahinga. She even contacted her parents pero hindi ito makontak dahil sobrang busy nito sa kompanya. Kasalukuyan siyang nakahiga sa kama at nababagot na nag-scroll sa XYZ account niya. Naisipan niyang mag-selfie at i-pots iyon sa kan'yang social media accounts. “ATM…” Iyan ang naging caption niya saka agad na inupload ito kasama ang selfie niya. Napangiti siya dahil wala pang ilang segundo ay humakot na ito ng maraming likes at comments. Napangiti siya sa larawan niya, mukhang okay pa naman ang mukha niya, maganda pa rin naman siya kaya walang problema kung i-u-upload niya ito sa social media. [Marites@2.0: Hala! Anong nangyari sa'yo, Ms. Sapphire? Who did that to your pretty face?”]Agad niyang ni-reply-an ang nag-comment
Napayuko lamang si Rain sa harap ng kapatid. Ngayon lang niya nakita ang kapatid na sobrang galit na galit sa kan'ya't nakuha pa nitong sigawan siya. Katakot-takot ang aura ngayon ni Kai, nandidilim ang mga mata nito't tinitigan siya ng sobrang lalim. Para siyang pinagalitan ng isang magulang dahil nakagawa siya ng kasalanan dito. Gusto pa sanang ipaglaban ni Rain ang kan'yang sarili ngunit mas pinili niyang tumango na lamang sa kapatid. Base sa reaksyon at expreksyon ni Kai ngayon, mahirap ngang kumbinsihin ito dahil galit na galit ito sa kan'ya. Rinig ni Rain ang paghinga ng malalim ni Kai saka muling nagsalita, “Hindi ka na bata para pagsabihan pa ng paulit-ulit, Rain. Matanda ka na at hindi ka na pareho no'ng dating nasusunod palagi at nakukuha ang gusto mo. Bakit hindi mo na lang atupagin ang trabaho mo sa kompanya? Iyon na lang sana ang gawin mo't makakatulong ka pa sa ating pamilya. Hindi mo na kailangan pang sumali sa affair ko dahil buhay ko naman ito. Simula ngayon, wala na
Ilang araw ang nakalipas nang mangyari ang inkwentro nina Maddox at Sapphire. Nang malaman ng magulang nila na nag-away ang magkapatid, imbis na kunin ang side ni Sapphire ay kinausap ng mag-asawa ang dalawang magkapatid ng harapan. Kitang-kita ang pagkadismaya ni Sapphire nang hindi man lang siya pinanigan agad ng ina nang magsumbong siya rito. Matapos na ma-discharge siya sa hospital ay agad na kinontak niya ulit ang ina at sinabi ang nangyari. Bagama't naaawa si Carmina sa anak dahil puno ito ng paso sa leeg at mukha ay pinigilan niya ang sariling magalit kay Maddox dahil pinagsabihan na siya ng asawang si Sebastian na kapag may nangyaring insidente ulit ay huwag munang magdesisyon o mag-react agad bagkus alamin muna ang tunay na nangyari. Iniiwasan niyang maging one-sided kung kaya't mas pinili nilang mag-asawa na makausap muna ang dalawa. Sa katunayan, iniiwasan din nilang magkaroon ulit sila ng misunderstanding ng panganay nilang anak dahil nalalapit na ang kasal nito. “Pina