Gustong-gustong kunin ni Sapphire ang atensyon ng mga magulang niya kung kaya’t nakaisip siya ng ideya. Napangiti siya ng matamis sa mga magulang saka napayakap.“Mommy, Daddy, you don’t have to feel sad. Alam kong magbabago rin ang Ate. Narito pa naman ang bunso niyong anak handing pasayahin kayo,” wika ni Sapphire.Napangiti siya nang makitang unti-unting napalitan ng ngiti ang ekspresyong ng magulang.“Mabuti na lamang at nariyan ka sa tabi namin, Sapphire. Puro konsumisyon lamang ang ginagawa sa amin ng kapatid mo. Sana’y hindi ka magbago, anak,” madamdaming saad naman ni Carmina saka niyakap ng mahigpit ang anak.“I almost forgot to tell you, Mom and Dad. Alam niyo bang ang aking idolong si Dr. Angel, iyong palagi kong kinikwento sa’yo Mom, iyong pinaka sikat na doctor US ay bibisita sa Alma Mater ko! Mabuti na lamang at kilala ko ang si Professor Imee, siya kasi ang mag-co-conduct ng seminar and she invited Dr. Angel to be a guest speaker there! Sabi pa ni Prof. Imee ay bibigyan
Kagaya ni Rain ay hindi rin mapakali si Sapphire, kanina pa ito pagulong-gulong sa kama at pilit na nag-iisip ng plano kung ano gagawin niya para mapigilan lamang ang pagkikita ni Rain at ang kan'yang kapatid na si Maddox. Sa sobrang frustrations ay napapasabunot siya sa kan'yang buhok. Nagpagulong-gulong siya sa kama saka napapasigaw, mabuti na lamang at sound proof ang kan'yang kwarto baka rinig sa buong mansyon ang boses niya. Kinagat niya ang kan'yang labi ng madiin sa sobrang gigil, iniisip pa lang niya ang mukha ng kapatid niya ay sobrang naiirita siya. Bakit pa kasi hindi na lang siya ang ipapakasal kay Kai? Bakit ang kapatid pa niya? Okay lang naman sa kan'ya na baldado ito eh! Ilang oras na nag-isip si Sapphire ngunit wala talaga siyang maisip na plano kaya naman napababa na lang siya para pumunta sa kusina dahil bigla siyang nakaramdam ng gutom. Sa paglabas niya ng kwarto ay agad na bumungad sa kan'ya ang hagdan sa harapan niya, roon ay biglang nagkaroon ng ideya ang dal
Mabuti na lamang at naagapan pa ang paso sa mukha at leeg ni Sapphire, ma swerte rin siya dahil walang nakitang injury sa katawan niya. Hindi rin nabagok ang kan'yang ulo nang mag-conduct ng CT-scan sa kan'ya ang doktor niya. Nasa loob siya ng VIP room at nagpapahinga. She even contacted her parents pero hindi ito makontak dahil sobrang busy nito sa kompanya. Kasalukuyan siyang nakahiga sa kama at nababagot na nag-scroll sa XYZ account niya. Naisipan niyang mag-selfie at i-pots iyon sa kan'yang social media accounts. “ATM…” Iyan ang naging caption niya saka agad na inupload ito kasama ang selfie niya. Napangiti siya dahil wala pang ilang segundo ay humakot na ito ng maraming likes at comments. Napangiti siya sa larawan niya, mukhang okay pa naman ang mukha niya, maganda pa rin naman siya kaya walang problema kung i-u-upload niya ito sa social media. [Marites@2.0: Hala! Anong nangyari sa'yo, Ms. Sapphire? Who did that to your pretty face?”]Agad niyang ni-reply-an ang nag-comment
Napayuko lamang si Rain sa harap ng kapatid. Ngayon lang niya nakita ang kapatid na sobrang galit na galit sa kan'ya't nakuha pa nitong sigawan siya. Katakot-takot ang aura ngayon ni Kai, nandidilim ang mga mata nito't tinitigan siya ng sobrang lalim. Para siyang pinagalitan ng isang magulang dahil nakagawa siya ng kasalanan dito. Gusto pa sanang ipaglaban ni Rain ang kan'yang sarili ngunit mas pinili niyang tumango na lamang sa kapatid. Base sa reaksyon at expreksyon ni Kai ngayon, mahirap ngang kumbinsihin ito dahil galit na galit ito sa kan'ya. Rinig ni Rain ang paghinga ng malalim ni Kai saka muling nagsalita, “Hindi ka na bata para pagsabihan pa ng paulit-ulit, Rain. Matanda ka na at hindi ka na pareho no'ng dating nasusunod palagi at nakukuha ang gusto mo. Bakit hindi mo na lang atupagin ang trabaho mo sa kompanya? Iyon na lang sana ang gawin mo't makakatulong ka pa sa ating pamilya. Hindi mo na kailangan pang sumali sa affair ko dahil buhay ko naman ito. Simula ngayon, wala na
Ilang araw ang nakalipas nang mangyari ang inkwentro nina Maddox at Sapphire. Nang malaman ng magulang nila na nag-away ang magkapatid, imbis na kunin ang side ni Sapphire ay kinausap ng mag-asawa ang dalawang magkapatid ng harapan. Kitang-kita ang pagkadismaya ni Sapphire nang hindi man lang siya pinanigan agad ng ina nang magsumbong siya rito. Matapos na ma-discharge siya sa hospital ay agad na kinontak niya ulit ang ina at sinabi ang nangyari. Bagama't naaawa si Carmina sa anak dahil puno ito ng paso sa leeg at mukha ay pinigilan niya ang sariling magalit kay Maddox dahil pinagsabihan na siya ng asawang si Sebastian na kapag may nangyaring insidente ulit ay huwag munang magdesisyon o mag-react agad bagkus alamin muna ang tunay na nangyari. Iniiwasan niyang maging one-sided kung kaya't mas pinili nilang mag-asawa na makausap muna ang dalawa. Sa katunayan, iniiwasan din nilang magkaroon ulit sila ng misunderstanding ng panganay nilang anak dahil nalalapit na ang kasal nito. “Pina
Ilang minuto ring naghintay ang magulang ni Maddox sa baba sa kan’ya. Pati na si Sapphire ay nagpumilit pang sumama sa prenup wedding ng ate niya. Ngayon gaganapin ang photoshoot pati na ang wedding video ng dalawang ikakasal. “Talaga bang sasama ka, Darling? Hindi ba't sabi mo sa amin ay masakit pa ang mga paso mo sa leeg? Tingnan mo, namumula pa rin ang leeg mo kahit na nilagyan mo na ito ng ointment,” saad ni Carmina sa anak. “I am okay, Mom. Don't worry, kaya ko namang i-handle ang sarili ko, isa pa gusto kong ma-witness ang prenup photshoot ng Ate.” Ramdam ni Carmina ang kunting pagtampo ng bunsong anak sa kan'ya. “Hindi ka naman nagtatampo sa akin ‘di ba? Ginawa ko lang naman iyon dahil iyon ang sabi ng Daddy mo, isa pa kapag mas pinanigan kita ay baka umatras sa prenup ang Ate mo. Ayaw kong gumawa ng bagay na ikakagalit niya sa ngayon,” bulong ni Carmina kay Sapphire. Dahan-dahang tumango si Sapphire at napatingin sa Ate niyang bumaba sa hagdan. Mukha pa ring sosyal si Maddo
Huminto ang kotse ni Kai sa isang malaki at magandang wedding botique shop, isang oras din ang pagitan kung saan ang mansyon nina Maddox. Nang makalabas sila ay agad silang pumasok sa loob ng boutique. Nakaupo na si Kai sa wheelchair at akmang tutulakin na ito ni Butler John nang magsalita si Maddox. “Ako na po, Butler John.” Napatango si Kai sa matanda kaya mabilis nitong binatawan ang armrest ng wheelchair at hinayaan na lamang na si Maddox ang tumulak doon. Bumungad sa kanila ang napakaraming wedding gowns na nakahilera sa loob. Manghang-mangha namang napatingin si Maddox doon. Nag-aabang na rin sa loob ang tatlong sales lady at napayuko nang makita sila. “Good afternoon, Mr. Xander,” bati ng tatlong babae saka napangiti ng matamis. Napatingin naman ang tatlo kay Maddox at binati rin ang dalaga, “She must be Mrs. Xander, welcome to the shop, Ma'am, we're hoping that you will find a stunning wedding dress here in our boutique. By the way, you're gorgeous, Ma'am,” dagdag pa ng b
Kanina pa tumitibok ng mabilis ang puso ni Kai dahil sa nangyari. Pinilit niyang pinapakalma ang sarili ngunit hirap siyang kumalma.Kanina pa naiinis si Kai sa sarili dahil sa nararamdaman ngayon, hindi niya mainitindihan kung bakit naghuhumirintidi ang puso niya pagdating sa babae. Litong-lito na siya sa nararamdaman niya, para na siyang mababaliw dahil sa kakisip kung bakit bumibilis ang tibok ng puso niya kapag nakikita o nakakasama man lang ang babae. Epekto ba ito ng aksidente? Kailangan niya na rin bang magpa-check up sa puso?Napayuko si Kai at napailing. “Ahhh— Mukhang wala pa naman ang manager eh, niloloko mo ata ako, Mr. Xander. But, nevermind I'll just wait for her,” sagot ni Maddox at napatayo. Nang makita ni Maddox na wala pa naman ang manager sa loob ay bigla siyang nalungkot. Hindi dahil wala ang manager kung ‘di ay nagsinungaling sa kan'ya si Kai. Alam niyang hindi pa rin komportable si Kai sa kan'ya at naiintindihan niya naman iyon. Hindi naman niya pipilitin ito